KABANATA 1

Love and Luck
Please Subscribe to read the full chapter

Rainie's POV

Mabilis akong bumalik sa room dahil na rin sa kaba. Balisa ako at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong unahin. Pupuntahan ba kita Cadwell o hahanapin ko ang phone ko. Cadwell bakit? Bakit ka ganto?

"Aww." sabi nung babaeng nabangga ko.

"Sorry po ate." paumanhin ko. Tumango siya at ngumit ng sinsero saakin. Muli ko siyang pinagmasdan. Naka civilian siya, at hindi ko rin siya namumukhaan, baka dayo o kaya nagtutour sa school. Tinignan ko yung mukha niya. Una kong napansin ang maamo niyang mga mata. Malalaki ito habang mahahaba ang mga pilik mata. Maliit lang ang mukha niya na tumeterno sa balingkinitan niyang pangangatawan. Hindi siya maputi, hindi rin matangkad. Yun siguro ang dahilan kaya hindi masyadong pansin yung ganda niya kung hindi siya tititigan ng mabuti.

"Sorry din ah kasi hindi ako nakaiwas." paumanhin din niya. Mukhang nahihiya siya dahil sa mahigpit na hawak niya sa strap ng sling bag niya.

"Okay lang yun. I'm Rainie, and you are?" I reached out my hand as a sign na gusto kong makipag shake hands sa kanya.

"Jeanette, but you can call me Jean." sabi niya nang may ngiti habang inaabot yung kamay ko. Binitawan niya rin ito agad. Halata na talaga ang pagkahiya niya.

"Uhmm, actually kanina pa ako curious eh. Student ka ba rito o may plano kang mag enroll dito? Kasi nakacivilian ka eh." hindi ko na napigilang magtanong sa kanya. Pero mukhang di naman siya nagulat sa tanong ko. Agad rin siyang sumagot.

"Ah, kasi may binisita lang ako dito sa school niyo. Mom ko ang prefect of discipline ng junior high school kaya hindi ako nahirapang pumasok. Pero hindi siya yung pinunta ko dito. Sabi nung kikitain ko dito ko siya sa lobby hintayin kasi may gagawin muna siya. Kanina ko pa nga siya hinihintay eh. Based on your uniform, mukhang pareho kayong senior high."

"O edi ayos. Ano bang pangalan niya? Baka kilala ko." tanong ko sa kanya.

"His name is Ca----"

"RAINIE!" sigaw ng isang pamilyar na boses. 
Lumingon agad ako sa pinanggalingan nun. Tama nga ang hinala ko. Si Nate. Pinanuod ko siyang tumakbo papunta sakin. Matangkad siya at gwapo. Ano bayan. Naka man bun uli siya dahil nakalimutan niyang magpagupit nung weekend. Yung bag niya ay bitbit niya na sa kamay niya.

"Rainie, san ka galing? I've been looking everywhere for you. Nakabili na ako ng pagkain wala ka pa rin." sabi niya habang hingal na hingal.

"Sorry Nate, pumunta kasi akong library kaninang vacant, nakalimutan kong lunch na pala." sinsero ang pagpapaliwanag ko. Isa lang talaga ang hindi ko pwedeng sabihin sa kanya.

Habang nakaharap ako kay Nate ay may tumunog na phone. Lumingon ako kay Jean at sa kanya nga galing yung tunog. Mukhang tumatawag na yung kikitain niya.

"Oo, andito ako ngayon sa lobby..... Ah nandyan ka ba sa parking lot?...... Eh kasi sabi mo eh, pero sige pupunta na ako diyan.... Bye." binaba niya yung phone niya mula sa tenga at nilagay ito sa bag. OH MY GOSH! NAALALA KO ULI YUNG PHONE KO! OH MY GOSH OH MY GOSH OH MY GOSH.
Pero bago pa man akong magmadali sa paghahanap ng phone ko ay nagsalita uli si Jean. Ngayon saakin ito nakatingin. "Rainie, mauuna na ako, andun na pala sa parking yung mokong. Thank you ah. Hope that we'll meet again."

"I'm sure we will. See you. Ingat ka." paalam ko sa kanya.

Ngumiti siya at kumaway sabay talikod. Pinanood ko siyang maglakad. Inantay ko siyang makalayo ng konti bago ako tumalikod at maglakad ng mabilis.

"Kilala mo?" hindi ko siya sinagot. "Maganda siya. Pero mas maganda ka pa rin." hinayaan ko na siya at iniwan siya. "Rain wait for me. Can you slow down? San ka nanaman ba pupunta?"

"Nawawala yung phone ko Nate. Hindi ko alam kung saan ko nailagay. Mababaliw na ako. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin." sabi ko habang hindi lumilingon sa kanya. Diretso lang ang tingin ko sa daanan papunta sa building ng SHS. Kinakabahan pa rin ako ng sobra.

"Baka nasa bag mo lang. Nakita ko yung bag mo sa room niyo kanina nung hinahanap kita."

Ay oo nga! Ang tanga ko nga talaga. Naalala ko na ulit. Dun ko nga pala nilagay yun. Antanga tanga ko talaga. Halos bumagsak ako sa kinatatayuan ko dahil na rin siguro sa pagkalma ko. Pero patuloy pa rin ako sa paglalakad at hindi pinahalata kay Nate.
Dumati

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet