PROLOGUE

Love and Luck
Please Subscribe to read the full chapter

Reputation, reputation, reputation!
O! I have lost my reputation.
I have lost the immortal part of myself
and what remains is bestial.........
.....
.....
.....

"Ahhh, niloloko mo lang ang sarili mo Rain."
bulong ko sa sarili ko.

Andito ako ngayon sa library. Obviously para magbasa. Actually para lang magpalamig. Kailangan kong magkunwaring nagbabasa para di ako paalisin ng masungit na librarian na to. Parang everyday menopause day. At dahil sa pagkataranta ko kanina ay itong Shakespeare classic pa na ito ang nabunot ko sa shelves. At as expected ay wala akong maintindihan. Kung hindi lang talaga mainit sa campus ngayon, hindi ko sana naaamoy tong ewan ko bang amoy lumang papel.

Mas inayos ko ang pagkakasandal ko sa kanto ng pader sa sulok ng library. Wala masyadong dumadaan at pumupunta sa area na to kaya dito ako lagi pumupunta. At isa pa, malakas ang ihip ng aircon dito.

Tinuloy ko ang pagbabasa. Old english ang ginamit ni shakespeare noong kapanahunan niya. Oo naiintindihan ko yung mga words pero hindi ko talaga maintindihan yung nais iparating ng mga statements. Naglipat ako ng mga tatlong pages, umaasang maymaiintindihan na ako pero wala pa rin. Sandali kong tinigil ang pagbabasa at lumingon lingon sa paligid. Wala akong nakikitang tao pero naririnig ko ang mga paa nila.

Nag-unat ako pagkatapos kong ibaba saglit yung libro. Hindi ko tuloy maenjoy ang vacant ko. Dapat pala inantay ko nalang sila Tin at Lexa kanina. Nilagay ko yung buhok na humarang sa mukha ko sa likod ng tenga ko. Bumalik ako sa pwesto ko kanina.

Nabagot ako bigla kaya sinubukan kong kapain yung cellphone ko sa bulsa ko. Pero laking gulat ko nang wala ito. Napasinghap ako at napamaang habang iniisip kung saan ko ito nailagay. Gusto kong maiyak pero napigilan ko. Iniisip ko ng dahan dahan yung bawat lugar na dinaanan ko. Habang pilit ko itong inaalala ay lumalakas na rin ang tibok ng puso ko sa kaba.

"Antanga tanga mo talaga Rainie Ocampo." bulong kong muli sa sarili ko kasabay ang mahinang pagpalo sa ulo ko.

Sinubukan kong tumayo, pero naramdaman kong namamanhid yung isa kong paa kaya napaalalay ako sa shelf na katabi ko. Dahan dahan akong tumayo at pinawala yung pamamanhid. Sinuklay ko yung buhok ko gamit ang mga daliri at tinahak ng marahan ang mga pasikot sikot na dinaanan ko sa library. Hanggang napunta na ako sa kabilang dulo ng library. Napatulala ako sandali sa pader, muling iniisip kung san ko nilagay yung phone ko. Binubukas sara ko yung librong Othello dahil na rin sa kaba at umiikot ikot na rin ako sa kinatatayuan ko, umaasang baka paglingon ko makita ko yung phone ko kung saan man. Humarap ulit ako sa kanto at tumulala muli.
Napatingin din ako sa mga librong nandito sa area na ito. Bakit pakiramdam ko nakita ko na to dati? Pero bago man ako mabagab

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet