Catch Me(End)

Seulrene Tales
Please Subscribe to read the full chapter

Kanina pa kami nakatambay dito sa may labas ng gym, may bleachers din kasi dito sa harap e.

Kanina pa ko palingon lingon pero di pa rin kita nakikita.

Kahit sila ate Krystal at Moonbyul di ko pa rin nakikita.

Kanina pa tayo magkatext at kanina ko pa rin gusto tanungin kung nasaan ka.

Gusto kitang makita e, after kasi nitong foundation day wala ng ibang events ang school natin kundi yung graduation nyo nalang.

After nito puro regular classes na.

Nakaramdam nanaman ako ng lungkot, naalala ko nanaman kasi yang graduation nyo.

Hindi naman sa ayaw kitang mag graduate, nalulungkot lang ako kasi nga di na kita makikita dito sa school.

Iniisip ko na rin kung magbibigay ako ng gift sayo, balak ko sanang bigyan ka ng relo pero pansin ko hindi ka mahilig magsuot ng kolorete sa kamay e.

Ang linis nung wrist mo, walang kung ano mang suot ka.

Kahit pa nga bracelet, wala e.

Compared kay ate Krystal na dalawa dalawa pa suot na bracelet at kay ate Moonbyul na may laging suot na wristwatch.

Napatingin ako sa wrist ko, may suot kasi akong silver na bracelet.

Kakabili ko lang, naalala ko may isa pa atang ganto dun sa shop e.

Tsaka pansin ko rin kahit necklace wala ka rin, nasabi mo kasi sakin na hindi ka komportable na may nakasabit na kung ano ano sa katawan mo.

Kaya pag naka PE uniform ka lagi kang walang suot na ID.

So di rin pwede ang necklace as a gift.

Nag vibrate yung phone ko sa kamay ko kaya napunta don yung attention ko.

 

From Seulgi Cute<3:

Saan kayo?

 

To Seulgi Cute<3:

Dito sa may harap ng gym. Kayo?

 

From Seulgi Cute<3:

Papasok palang hahaha. Di ba mainit dyan? Bat ayaw nyo sa canteen?

 

To Seulgi Cute<3:

Bat ngayon palang kayo papasok? 2 o’clock na kaya. Wala ng upuan sa canteen e.

 

From Seulgi Cute<3:

Nakatulog kami kila Krystal, di kami nakapag alarm by. Kita tayo? Or kila Joy ka muna sasama?

 

To Seulgi Cute<3:

Ayan kasi, kanina pa kita hinahanap e kaya pala hahaha. Gusto mo ba? Okay lang naman kila Joy since kaninang umaga pa kami magkakasama e. Ikaw ba?

 

From Seulgi Cute<3:

Gusto kita? Oo, hahahahaha. Okay lang din, gusto mo ba? Baka kasi namimiss mo na ako e hahaha.

 

Ayan ka nanaman Seulgi e, nagsisismula ka nanaman manglandi e.

Bakit ka ba ganyan, lagi nalang.

 

From Seulgi Cute<3:

Ewan ko sayo hahahaha. Oo, miss na kita. Tagal tagal kasi pumasok e :(( Ako, di mo ko namimiss?

 

To Seulgi Cute<3:

Miss syempre. Malapit na kaming school, by. See you. Love you hahaha

 

“!” Di ko mapigilang hindi mapatayo sa upuan ko.

Wait, did you just…first time mong sinabi nyan.

Are you…really.

Kang Seulgi! I’m loss for words!

Nakakainis ka, bakit bigla bigla ka nalang nag sasabi ng ganyan.

Pinakiramdaman ko yung beating ng heart ko, and yeh syempre ang bilis nya nanaman.

“Hoy, Joohyun. Na aano ka nanaman ba?” Tanong ni Joy sakin habang busy sila sa pagkain nung potato fries.

“Malamang si Seulgi nanaman yan.” Sabat naman nila Solar habang tumatawa tawa pa ang mga gago.

E kung kayo kaya sabihan ng Love you ng biglaan di kayo magugulat ha? Ha?

Kainis tong mga to, kinikilig pa nga ako dito tapos singit singit kayo dyan.

“Sabi nya kasi ano ‘love you’ di ko alam sasabihin ko, kinikilig ako e.” Kwento ko sakanila habang umiiwas ako ng tingin kasi ramdam ko yung pag iinit ng mukha ko.

Naghiyawan naman sila bago pa nila ako tinusok tusok sa tagiliran ko, mga bwisit talaga tong mga kaibigan ko e.

“Oh e anong sabi mo?”

“Wala pa. Di ko alam ano sasabihin ko.” Totoo naman, di ko naman talaga alam e.

Mamaya niloloko mo lang pala ako kasi may hahaha yang text mo edi umasa pa ako diba.

E paano kung totoo, tapos nahihiya ka lang kaya nilagyan mo ng hahaha.

I pouted, urgh di ko na alam.

“Kayo na ba?” Halos mahulog ako sa upuan ko nung tanungin ako ni Yeri.

Tumingin naman silang lahat sakin, nag hihintay sa sagot ko.

Sa totoo lang kasi di ko rin alam, parang tayo pero hindi.

Alam mo yun, wala tayong label e.

Di ko rin alam kung bakit, pero every time na malapit na tayo sa usapang relationship you have your way na baguhin yung topic.

Nagkausap kami dati ni Kai, he said na you don’t do relationships daw.

Di ko makuhang hindi malungkot, pero I understand naman.

May mga taong ganyan lang talaga sayo, pero nakikita ko namang di lang biro biro sayo to e diba, diba?

Sana talaga, kasi minsan di ko rin hindi makuhang hindi maisip pano kung bigla ka nalang umayaw.

Wala akong laban kasi wala namang tayo diba?

Nandon ako lagi sa may karapatan ba akong magselos e wala namang tayo, may karapatan ba akong mag tampo e wala namang tayo.

But you always reassures me naman na yes, meron akong right kasi nga may something tayo.

Yun yung pinanghahawakan ko, atsaka narin yung sinabi ni Joy at nung mga kaibigan mo na hindi ka naman daw naglalandi sa iba.

Though you entertain them but for the sake of being not rude lang daw yun.

“Walang label e.” Sagot ko kila Joy bago pa ko tumawa ng konti.

Totoo naman e, pero minsan hinihiling ko na meron.

Pero ayaw naman kitang ipush sa hindi mo naman nakasanayan e, okay lang ako sa ganto.

Sa ngayon, okay lang.

“Ay tanga, bigyan ka naming Nido?” Sabi pa ni Jisoo bago pa sila sabay sabay na tumawa, e kung pagsasapakin ko kaya tong mga to no.

“Bat ayaw mo pa bakuran?”

“Di nya naman ako tinatanong e.”

“Gusto mo na bang bakuran?”

“Malamang!” Nauna pa sakin sumagot si Joy, minsan singit singit talaga tong isang to e.

Pero tama naman sya e, lalo na ngayon na mag gagraduate na kayo.

Syempre marami ka nanamang makikila dun sa school na papasukan mo diba.

“Ikaw na kaya mag tanong.” Suggest pa ni Solar sabay tawa ng malakas, pinagtinginan tuloy kami ng ibang estudyante.

Napayuko ako sa sobrang hiya, pero sila tuloy pa rin sa pag tawa.

Siniko ako ni Joy ng mahina bago sya tumango dun sa phone ko.

, di pa nga pala ako nakakareply sayo.

“Replyan mo na yan, baka iba pa isipin nyan.”

 

To Seulgi Cute<3:

Slr by, sila Joy kasi e. See you, love you too haha

 

Aaaaah, ayoko na.

Wala na, ayan na nasabi ko na.

Di yan paglalandi Kang Seulgi ah, totoo yan!

Nilagyan ko lang ng haha para in case.

Sasapakin kita pag yang sayo e biro biro lang.

 

From Seulgi Cute<3:

Okay lang haha. Ano ba ginagawa nila Joy? Yieee, talaga ba by?

 

To Seulgi Cute<3:

Basta by, nakakahiya e hahaha. Opo by talagang talagang, yung sayo ba?

 

From Seulgi Cute<3:

Tingin mo by?

 

To Seulgi Cute<3:

Eeeeeh, ano nga?

 

Ako Seulgi wag mo ko niloloko ngayon ah, seryoso ako.

 

From Seulgi Cute<3:

Syempre totoo by, di ka naniniwala sakin? :(

 

Ahhhh, lord please how to calm.

Paano? Paanooooo?!

Di ko alam kung paano ko itatago yung kilig ko so tinulak ko nalang kung sinong pinakamalapit sakin, and that’s Joy.

Na out of balance naman sya so domino effect sila, di ko makuhang hindi matawa sa itsura nila.

“Tangna mo Joohyun!” Sigaw ni Joy habang umaayos ulit ng upo.

Tumawa lang ako habang sila e tuloy parin sa pag mura sakin, no hard feelings naman.

“Love you too.” Sagot ko kay Joy at inirapan nya lang ako.

“Ano kamo?” Nagulat ako nung may biglang magsalita sa gilid ko, and I was so surprised nung andito na kayo nila ate Krystal sa tabi ko.

Nakapout ka tapos naka puppy eyes ka pa.

“Love nya daw ako Seulgi!” Singit nanaman nitong si Joy, kahit kelan talaga to e.

Mas nag pout ka lang lalo at naka rinig tayo ng gagging sound mula kila ate Krystal at Moonbyul.

“Tangna namang mukha yan Seul. Alis na muna kami, dun lang kami sa booth.” Sabi ni ate Byul, tumango ka lang sakanila.

Every year kasi may isang booth, di ko alam kung about san yung booth ng fourth year pero yung booth naming third year e puro pagkain lang ang tinda.

“Sunod ka nalang, mag pa attendance ka narin.” Dugtong naman ni ate Krystal, tumango sila samin bago sila tuluyang umalis.

Tumingin ka na ulit sakin and you smile.

“Hi.” Bati mo sakin di ko mapigilang hindi mahiya kasi naalala ko nanaman yung love you mo e.

lang, kinikilig nanaman ata ako e.

“Hanep na yan, kawalang gana kumain.” Reklamo pa nung mga kaibigan ko bago pa nila ako binunggo so ang ending e nabunggo rin kita.

“Tabi nga. Makaalis na nga dito, dami daming naglalandian.” Sabi pa ni Joy bago nya ko binunggo ulit ng pabiro, bwisit talaga tong mga kaibigan ko na to e.

“Ano Joohyun, padaan din naman diba? Usod usod din e.” Pahabol pa neto, e kung ihulog ko kaya tong isang to, ang laki laki ng daanan e.

Pero dahil gusto ko yung idea nya, umusod ako palapit sayo hihi.

“Landi talaga. Pweh! Kasuka!” Rinig pa nating reklamo nila bago pa sila tumawa at kumaway sayo at tuluyan na ring umalis.

Tahimik na ulit tayo, nahihiya pa rin kasi ako e.

“Tara?”

“Saan?”

“Saan mo gusto?”

“Kung nasaan ka.” Kako bago ako tumawa ng konti, tumawa ka rin bago ka pa umiling iling.

Kinuha mo yung kamay ko at hinawakan yun.

Okay, ito nanaman ako, kinikilig nanaman.

“Pa attendance lang ako, tapos tara na.” Sabi mo, tumango lang ako at sumunod kung san ka man magpunta.

Nakasalubong natin si Eunae on our way dun sa booth nyo.

Ngumiti at nagtanguan kayo sa isa’t isa.

“Yow.” Bati mo pa sakanya bago pa kayo nag high five sa isa’t isa.

Wow, okay na kayo?

Ang casual nyo masyado ah.

Naramdaman ko yung paghigpit at paghila mo sa kamay ko, napatingin naman ako sayo ng nakakunot ang noo ko.

Wala lang, palaisipan lang sakin na parang sobrang okay nyo, ganon.

Parang wala man lang na bahid na awkwardness sainyo.

“Okay kayo?” Tanong ko at tumango ka naman.

“Hmm, mabait si Eunae.” Kamo habang tuloy tuloy lang tayo sa paglalakad.

“Oo. Kaya mo nga nagustuhan e.” Wala sa sarili kong sagot, di ko makuhang hindi ma insecure e.

Sabi din kasi nila mabait daw talaga sya, madami ring nagkakagusto sakanya lalo na at varsity player din sya so marami rin ang nakakakilala sakanya.

Tumingin ka lang sakin saglit at patuloy tayong naglakad sa may booth nyo, after mong mag pa attendance e umalis na rin tayo agad.

Sinabi mo nalang kila ate Krystal na itext ka nalang kung may balak silang umalis sa booth nyo mamaya.

“May theme song pa nga kayo e diba.” Pag papatuloy ko pa, nagbayad ka na dun kay ateng tindera sa canteen bago ka umupo dun sa bakanteng table so sumunod naman ako.

“Kanino mo naman nalaman yan?” Natatawa tawa mo pang tanong sakin, I pouted bago kita inirapan.

Di mo man lang i-deny.

“Kay Joy, nakwento daw sakanya ni Eunae dati.”

“Oh? Wow, kinikwento pala ako ni Eunae sakanila, katuwa naman.” Parang amaze na amaze ka pa sa mga nalalaman mo ah.

“Ako ba iniinis mo?” Pagtataray ko sayo, you tilted your head sa side bago ka pa tumingin ng inosente sakin.

Yan ka nanaman e, napakagaling mo talaga e no.

“Hindi? Nagsasabi lang ako by, ano ka ba.” Sabi mo bago mo ginulo yung buhok ko, tinabig ko yung kamay mo bago ulit kita inirapan.

Inayos ko yung buhok ko at tahimik na nakaupo sa tabi mo.

“Wag ka na magselos, ito naman. Wala na yun. I love you na nga diba?” Tangna, ano daw.

Hoy, Kang Seulgi! Sinong nag sabi sayo na pwede mo kong pakiligin ng ganto, ha!

Nakakainis ka naman e, nagpapasuyo ako sayo tapos bigla kang gaganyan e.

Di ko na kinaya so sumubsob ako dun sa table at tinago yung mukha ko sa mga kamay ko.

Narinig kitang tumawa bago ka pa lumapit sakin.

Pilit mong inaalis yung mga kamay ko pero umiling iling ako.

Ayoko nga, alam kong sobrang pula nung mukha ko e.

“Byyy.”

“Ayaaaw~~”

“Bakiiiit?”

“Basta, ayoko.” Sabi ko pa habang nakasubsob pa rin ako sa table.

Nakakainis, three words and I’m a goner na.

“Walang I love you too? Aww.” Tapos susundan mo pa ng ganyan!

Seulgi naman, pakalmahin mo muna ako pwede, please lang oh please lang.

“Love you too.” Mahina kong sabi, kasi nahihiya pa rin ako.

Lumapit ka pa sakin at sinandal mo yun ulo mo sakin.

“Ano, di ko narinig. Paulit.” Kamo pero rinig ko naman sa boses mo yung ngiti mo.

Kainis ka talaga e no, napaka mo.

“I love you too.” Kahit sobrang hiyang hiya na ko sinabi ko pa rin, narinig kong tumawa ka pero hinayaan nalang kita.

Hinila mo yung kamay ko pero umiling parin ako.

“Dali dito.” Sabi mo at marahan mong hinila uit yung mga kamay ko, this time hinayaan na kita.

“Aww, ang pula mo.” Kamo habang nakangiti ka sakin ng pagkalawak lawak.

Inirapan lang kita at nagpadala nalang ako sayo nung hilahin mo ko palapit sayo para yakapin sa side.

Umubo ako ng minsan kasi di ko mapigilan yung ngiti ko e, gusto ko talaga yung ganto tayo e.

Niyakap na rin kita, yung isa kong kamay nasa may waist mo habang yung isa e naka rest sa may tyan mo para makapa narin yung flat mong tyan na nakita ko nung intrams.

Hindi sa I’m checking you out okay, nasaktuhan lang kasi na umangat yung shirt mo habang naglalaro tayo non.

“By?” Tawag mo sakin habang sinusuklay mo yung buhok ko ng mga daliri mo.

“Hmm?”

“Bakit ang cute ko?” Bwisit, akala ko naman seryoso na yung sasabihin mo e.

Hinampas lang kita sa tyan before I clicked my tongue in annoyance.

Panira ka ng moment e, tumawa ka lang bago mo hinimas yung braso ko.

“Sorry, sorry.” Kamo habang tumatawa ka pa rin.

Tumango lang ako habang tahimik nating pinapakinggan kung ano mang kanta yung tumutugtog dun sa malalaking speakers sa may open field.

Yun pala yung booth nyo, kayong mga fourth year yung mga nag p-play ng mga kanta, pwede ring mag request.

So in short parang kayo yung mga dj ng school ngayon, tsaka wala kayong naka assign kung sino ang magbabantay kung sino lang ang may gusto na magbantay and karamihan naman sainyo willing.

 

 

 

I don’t mind spending everyday out on your corner in the pouring rain look for the girl with a broken smile ask her if she wants to stay awhile and she will be loved, and she be loved.

 

GoodEvening. Jgh :)

Gm

#bubuyog

 

Send to many, syempre kasama ka don.

Napangiti ako sa hashtag ko, hihi.

Mahulaan mo kaya yan.

Sunod sunod na nag vibrate yung phone ko, pag check ko sila Joy pala.

Mukhang alam ko na kung san papunta to e, hay nako nagsisimula nanaman sila.

 

From Joy:

Tangna, she will be loved daw bwiset hahahaha

 

From Solar:

Hayop, iba na talaga landi nyo hahahaha

 

From Jisoo:

Walang forever hahahaha leche

 

From Yeri:

Lol taenang hashtag yan, wag kami uy HAHAHAHA

 

Oo na sige na, ako na obvious lecheng mga kaibigan talaga to kahit kelan.

Di ko na sila pinansin, binuksan ko nalang yung reply mo.

 

From Seulgi Cute<3:

Bubuyog?

 

To Seulgi Cute<3:

Oh bakit? May reklamo?

 

From Seulgi Cute<3:

Bakit yung bubuyog yung hashtag mo? Dapat ba ako magselos? -.-

 

Napahilamos nalang ako ng mukha, seryoso ka ba Seulgi?

 

To Seulgi Cute<3:

Bakit ka naman magseselos sa bubuyog?

 

From Seulgi Cute<3:

Kasi sya yung hashtag mo?

 

To Seulgi Cute<3:

Hahahaha. Anong tawagan natin?

 

From Seulgi Cute<3:

By. Anong connect?

 

Leche Seulgi, di mo talaga gets? Oh my god, why are you so…urgh

Natawa nalang ako sayo, alam ko kasing nag iisip ka na ngayon kung sino yung hashtag ko.

Naiimagine ko yung mukha mo, ang cute cute alam ko kasing pag confused ka lagi kang nakakunot ang noo at medyo nakapout pa.

Cute cute ng baby ko, hihi.

 

To Seulgi Cute<3:

Anong english ng bubuyog?

 

From Seulgi Cute<3:

Bee. Ano ngang connect?

 

Urgh, Seulgi, seryoso ka ba talaga.

Hindi mo pa rin ba gets, bakit ang slow mo.

 

From Seulgi Cute<3:

Ayy hehe. Gets ko na by hahaha

 

Thank god, akala ko kailangan ko pa talagang isa isahin sayo e.

 

To Seulgi Cute<3:

Oh,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Urnzone
Sorry sa mga typo kung meron man, nakaka enjoy isulat tong Catch Me promise hahahaha

Comments

You must be logged in to comment
potato_chips8
#1
Chapter 35: Ang cute ng stories huhu finished it all in one day
vanillacookiescream
#2
Chapter 35: Ang harot harot kahit may tampuhan ba't ganyan edi kayo na pinaka-nakakakilig na kupol. Natawa ako sa biglang pasok ng theme song nila. Salamat sa update!
vanillacookiescream
#3
Chapter 34: awts gege, thank you sa updateee
Luvieako #4
Chapter 12: Otor, wala na po bang karugtong yong LUCKY?
kmtyn309
#5
Yung lahat ng kwento dito ang gaganda
howdoyouknowmee
537 streak #6
Chapter 32: Ayyy ayan magreread ako
PineappleSeulgi
#7
Chapter 33: I slightly dont remember this anymore but I read the last chapter sooo... masakit
vanillacookiescream
#8
WELCOME BAAACKKK
kang_ddeul
#9
Chapter 8: uwuuuu iswak feels!! pinakinggan ko tuloy yung ost nilaaa huhu sobrang kyut ng story!!