Love at First Clash

Seulrene Tales
Please Subscribe to read the full chapter

“Seulgi!” Napabalikwas ka ng upo nung tawagin ka ng Mama mo na nasa kusina.

Busy na busy ka kasi dyan sa phone mo kaka-facebook.

Kakatingin kung anong bago, o uso ngayon.

“Po?”

“Bumuli ka nga muna ng pamintang durog don kay aling anching.” Utos sayo ng Mama mo mula sa kusina.

Napakamot ka sa ulo mo bago ka tumayo at pumunta ng kusina.

“Pera ma?” Inabutan ka naman ng sampung piso ng Mama mo.

“Lahat to ma?”

“Dalawa lang, sige na bilisan mo na at kailangan ko yun sa niluluto ko.” Tumango ka lang bago ka pa umalis ng bahay nyo.

Kahit nasa daan ka na busy ka parin dyan sa facebook mo.

Pagtingin mo sa daan nakita mo na may bagong lipat dun sa tabi ng tindahan nila aling anching.

Nakita mo kasi yung mga gamit na hinahakot papasok dun sa bahay nung mga lalaki, kargador ba tawag don.

Hindi mo rin alam so hinayaan mo na lang.

Binaling mo ulit yung attention mo dun sa facebook mo, busy ka kasi kaka-fangirl dun sa favorite mong girl group.

“Pabili.” Kamo bago ka pa kumatok dun sa tindahan.

“Ano yon?”

“Pamintang durog nga po, dalawa.” Kamo, agad mo namang iniabot yung bayad at nag thank you bago ka umalis nung maibigay na sayo yung sukli.

Nakasalubong mo naman si Byul na mukhang papunta din sa bahay nyo.

Tumakbo sya papunta sayo bago ka pa nya inakbayan.

“Oy, oso.” Siniko mo lang sya sa tagiliran bago ka pa ulit nag facebook.

“Namo, ano nanaman kailangan mong manyak ka?”

“Grabe ka naman sakin.” Sabi ni Byul bago pa sya tumawa saglit.

Umiling iling ka lang, baliw talaga tong kaibigan mo.

“May bagong lipat dun sa tabi nila aling anching ah. Nakita mo na sila?”

“Hindi pa. Ikaw ba?”

“Hindi e, si Mama lang nakakausap e. Bae’s daw.” Tumango tango ka lang, showing no interest.

Kasi sa totoo lang, ang Bae lang naman sayo is yung favorite girl group mo.

“Maganda daw yung anak e.” Natawa ka naman bigla.

Byul looks at you confused.

Siniko mo sya, bago ka kumalas sa pagkakaakbay nya at iniabot mo sa Mama mo yung pamintang durog at yung sukli.

“Hi, tita!” Bati naman ni Byul sa Mama mo at kumaway –kaway pa ito.

Tumango at ngumiti lang naman yung Mama mo bago ka bumalik at umupo dun sa tabi ni Byul.

“Lahat naman maganda sayo e.”

“Gags pero seryoso she’s a bae, Seul.” You shrugs her off, still uninterested.

“Sinearch ko sya sa facebook, maganda talaga Seulgi.” Tumingin ka naman sakanya and gives her a skeptical look.

“Alam mo na agad pangalan? Nako Byul, libog lang yan.” Nakatikim ka tuloy ng batok sa ulo mo.

Napahimas ka naman sa ulo mo and glared at her.

“Namo ka, masakit yun.”

“Gags ka kasi, pero real talk maganda nga.”

“Oh edi crush mo na yan?” Tinigil mo na yung pag fe-facebook mo kasi obvious naman na iistorbohin ka nitong si Byul hanggang sa maisipan nitong umuwi sakanila e.

Umiling iling sya and you were

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Urnzone
Sorry sa mga typo kung meron man, nakaka enjoy isulat tong Catch Me promise hahahaha

Comments

You must be logged in to comment
potato_chips8
#1
Chapter 35: Ang cute ng stories huhu finished it all in one day
vanillacookiescream
#2
Chapter 35: Ang harot harot kahit may tampuhan ba't ganyan edi kayo na pinaka-nakakakilig na kupol. Natawa ako sa biglang pasok ng theme song nila. Salamat sa update!
vanillacookiescream
#3
Chapter 34: awts gege, thank you sa updateee
Luvieako #4
Chapter 12: Otor, wala na po bang karugtong yong LUCKY?
kmtyn309
#5
Yung lahat ng kwento dito ang gaganda
howdoyouknowmee
537 streak #6
Chapter 32: Ayyy ayan magreread ako
PineappleSeulgi
#7
Chapter 33: I slightly dont remember this anymore but I read the last chapter sooo... masakit
vanillacookiescream
#8
WELCOME BAAACKKK
kang_ddeul
#9
Chapter 8: uwuuuu iswak feels!! pinakinggan ko tuloy yung ost nilaaa huhu sobrang kyut ng story!!