Catch Me(12)

Seulrene Tales
Please Subscribe to read the full chapter

==

Means change of POV. Hahaha parang mas okay kasi tong chapter na to kung both side yung mababasa nyo e.

--

 

Ang bilis ng araw, di ko namalayan isang buwan nalang wala na kayo dito sa school.

Wala ka na dito sa school, gagraduate na kayo, di na kita makikitang nakatambay sa canteen, o kaya sa gilid ng daanan papunta sa building namin, o kaya sa field kung san kayo nag tetraining.

Ngayon ko lang narealize na malapit na pala kitang hindi makita, di ko namalayan kasi sobrang saya ko everytime na magkausap or magkasama tayo.

Kaya nung nabanggit mo yung graduation nyo, napahinto ako at napaisip.

Isang buwan nalang, isang buwan nalang para makasama kita.

Nasabi mo kasi na aalis ka dito satin para sa ibang school mag aral.

Aminado ako nalungkot ako pero di ko naman pwedeng pag bawalan ka diba.

Para sa future mo yan e o kaya sa future natin hihi, kung yan ang gusto mo susuportahan kita.

Atsaka parents mo na rin naman ata ang nag decide na sa ibang school ka mag aaral.

I shook my head bago ako nag focus dun sa nag a-announce sa harap.

Nasa gym tayong buong students ng school, foundation day kasi pero one week icecelebrate ng school.

And guess what, may araw pa na nasakto sa valentine’s day, I’m sure marami nanamang pakalat kalat na couples sa araw na yun.

Tayo kaya, nasaan non hihi.

After mag announce e pinalabas na muna tayo para daw mag break, bumalik nalang daw after an hour.

May event kasi, parang dance competition ganon.

Magkaiba tayo ng team, may apat na team sa buong school and it’s red, blue, yellow and green.

Nasa red team kami and your section ay sa blue team so in short we’re kinda rivals sa lahat ng event ngayon.

After ng isang oras nag simula ng mapuno ulit yung gym, nasa kabilang side kami katapat namin yung blue team, yung team nyo.

Hinahanap kita and I found you talking kay Kai, magkatabi kayo at mukhang ang saya nyo.

Nagseselos ako kasi ang saya nyo, pero di ako nagseselos na selos alam mo yun.

Nilinaw nyo naman saking dalawa na di nyo gusto isa’t isa e, na komportable lang talaga kayong dalawa sa isa’t isa.

Nakakaingit lang kasi parang ang saya nyo parati pag magkasama kayo, ano kayang pinag uusapan nyo.

(Babae. Mga kalokohan, ganern. Hahaha)

Nagulat ako nung may biglang nagsalita nanaman sa harap telling na mag sisimula na daw yung program, mabilis na nagpasukan yung mga tao na nasa labas ng gym.

The program starts pero from time to time e tumitingin pa rin ako sa side nyo, minsan nagkakahulihan tayo then we’re gonna smile to each other.

Nung pagtingin ko ulit sa side nyo e nakita kitang tumayo, following ate Krystal and Byul.

Lumabas kayo ng gym and I frowned, para kasing inaasar ka nila from the way they are nudging your side habang ikaw tinataasan mo lang sila nung fist mo.

Di ko alam pero ang cute nyo lang tignang magkakaibigan.

Nung makalabas na kayo ng gym nag focus na ulit ako dun sa nag peperform sa stage.

Nag simula ng mag perform yung team nyo and nakita na rin kitang mabilis na naglalakad papunta dun sa upuan mo sa tabi ni Kai.

Napansin kong may bago kayong kasama and to say na di ako natutuwa is understatement, grabe naman ata makadikit sayo yang kasama nyo.

Nakita kong tumingin ka saglit sakanya and gave her a small smile, nakita ko rin kung paano tumawa sila ate Krystal and Byul.

“Joy.” Tawag ko kay Joy na katabi ko lang.

Tumingin sya sakin bago nya ko tinanong kung bakit, sumenyas ako dun sa side nyo at nagulat ako ng biglang mapabalikwas ng upo si Joy bago pa to tumawa.

Tinignan ko lang sya ng may pagtataka, anong nakakatawa?

“Bakit andito yan?” Kako pa neto habang nakatingin pa rin dun sa side nyo, napakunot naman yung noo ko.

Anong ibig nyang sabihin.

“Sino?”

“Yung katabi ni Seulgi.”

“Si Kai?”

“Tange, yung isa.”

“Oh, e sino ba yun?” Kako pa bago ulit ako tumingin sa side nyo.

Anak ng, sino ba yan at makakapit sa braso mo e akala mo naman mawawala sya dyan sa upuan nyo.

Leche to, daig pa ako kung makakapit sayo e.

“Si Yooa yan. Iba talaga, dumayo pa dito para kay Seulgi. Wala ka na talaga Joohyun.” Pang aasar pa nito sakin.

Yooa? Anak ng, bakit andito yan?

At kung makahawak sayo daig pa linta, naiinis na talaga ako sakanya.

I swear, nasa number one na sya sa list ko na ayokong tao, urgh bakit kailangan andito pa sya.

Nakakainis talaga.

Tinitigan ko lang kayo, ikaw tong parang wala lang sayo na nakakapit yang si Yooa na yan no.

Di mo man lang alisin yung kamay knowing na nakikita kita mula dito.

Ano na ba Seulgi? Patay malisya ka nalang ba.

Tumingin ka pa saglit sakanya kasi may sinasabi sya, nag lean ka pa sakanya bago mo nilapit yung tenga mo sakanya.

Nakita ko namang napangiti si Yooa bago pa sya nag lean ng sobrang lapit sa tenga mo para bumulong.

Anak ng, kulang nalang ata e halikan ka na nya sa pisngi e, kainis na babae to tapon ko kaya pauwi yan sakanila.

Nakita kong tumawa ka saglit bago ka tumango tango, napatingin ka sakin and for a few seconds nagtitigan lang tayo.

Ngumiti ka sakin pero umiwas lang ako ng tingin.

Bakit ba, e sa naiinis akong makita kayong magkasama e.

Nakakawala sa mood tuloy.

“Ayan nanaman sya oh, selos ka no.” Pang aasar pa nitong si Joy.

One day talaga makakasakit na ko ng kaibigan e.

Inirapan ko lang sya bago ako nag focus dun sa nag peperform sa stage.

“Manahimik ka nga.” Inis kong saway kay Joy na tumatawa sa tabi ko.

Tinignan nya lang ako bago sya umiling iling na may nakakalokong ngiti sa mukha nya.

Ihulog ko kaya to dito sa bleachers ng manahimik na, kainis.

Inis na nga ako kay Yooa, inis na nga ako sayo kasi parang normal lang sayo na nakakapit sayo si Yooa, inis pa ko dito kay Joy na hanggang ngayon e tumatawa pa rin.

Inisin nyo na kaya akong lahat.

Pagbuhulin ko kaya kayong tatlo no, nakakainis.

 

==

 

Nagulat ako ng sabihin sakin nila Krystal na nasa labas daw ng school si Yooa.

Tinanong ko sila kung bakit and sinabi nila na nabanggit daw nila kay Yooa na foundation day natin ngayong week, and open ang school natin for outsiders pag may program sa gym so it means pwedeng pumasok ngayon si Yooa.

Napalunok nalang ako at tinaas ko sakanila yung fist ko, di maganda pakiramdam ko sa ganto e.

Nasa kabilang side ka lang ng gym, and I know sooner or later makikita mo kami.

Kasalanan to ng dalawang to e.

Napabuntong hininga nalang ako at sinundan sila para sunduin si Yooa sa labas.

Taena, gulo to e ramdam ko di mo ko papansinin e.

Juskolord, lord help me please gusto ko pang mabuhay.

Nakita na namin si Yooa at agad agad naman tong pumasok sa gate at tumakbo palapit samin at yumakap sakin.

Sa sobrang gulat ko e napahawak nalang ako sa bewang nya at nagpakawala ng pilit na tawa.

Taena, ramdam ko na yung doom ko e.

Navivisualize ko rin yang masama mong tingin sakin, I shiver at the thought.

lang, bakit nga ba ulit ako nasa sitwasyong to ngayon.

Nakita kong ngumiti ng nakakaloko sakin yung dalawa kong kaibigan at naalala kong dahil nga pala sakanila bakit ako nasa gantong sitwasyon ngayon.

Tama, ang babait talaga ng mga kaibigan ko.

Inirapan ko sila bago ako kumawala sa yakap ni Yooa and gave her a smile.

Inaya ko na silang pumasok ng gym kasi team na namin yung next e.

Agad agad akong umupo sa tabi ni Kai at naramdaman kong may umupo sa tabi ko at may kumapit sa braso ko.

Okay, now I know I’m doomed na talaga.

Pinagsawalang bahala ko nalang yun at hinayaan nalang si Yooa.

Mag eexplain nalang ako sayo mamaya pag nagkita tayo.

 

==

 

“Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa pinaglalamayan si Yooa.” Nakarinig ako ng tawa mula sa likod ko and I know na si Joy yun.

Tapos na yung program, pero yang pagkapit sayo ni Yooa e di pa rin tapos.

Nagkasalubong tayo kanina at di ka makatingin ng ayos sakin, aba dapat lang.

Nil

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Urnzone
Sorry sa mga typo kung meron man, nakaka enjoy isulat tong Catch Me promise hahahaha

Comments

You must be logged in to comment
potato_chips8
#1
Chapter 35: Ang cute ng stories huhu finished it all in one day
vanillacookiescream
#2
Chapter 35: Ang harot harot kahit may tampuhan ba't ganyan edi kayo na pinaka-nakakakilig na kupol. Natawa ako sa biglang pasok ng theme song nila. Salamat sa update!
vanillacookiescream
#3
Chapter 34: awts gege, thank you sa updateee
Luvieako #4
Chapter 12: Otor, wala na po bang karugtong yong LUCKY?
kmtyn309
#5
Yung lahat ng kwento dito ang gaganda
howdoyouknowmee
536 streak #6
Chapter 32: Ayyy ayan magreread ako
PineappleSeulgi
#7
Chapter 33: I slightly dont remember this anymore but I read the last chapter sooo... masakit
vanillacookiescream
#8
WELCOME BAAACKKK
kang_ddeul
#9
Chapter 8: uwuuuu iswak feels!! pinakinggan ko tuloy yung ost nilaaa huhu sobrang kyut ng story!!