Siya nga!
Never Knew What Heaven Is Like [Filipino Teen Fiction]OMG! Saan ka nagbakasyon?"
"Stop! Galing bang Paris 'yan?"
Pasukan na naman at lahat ng tao sa room ay sobrang excited magkwento ng kung anong nangyari nung bakasyon. Like I care kung galing silang ibang bansa nung summer. Galing din naman akong Hongkong kasi may business trip si Papa dun at isinama niya kami ni Mama.
"Oy, Summer, kamusta?" Si Kia, ang talking buddy ko sa school. Talking buddy kasi kami lagi ang nagtsitsismisan pag break time. Normally, nag-aaral kami sa library and normally, mga lessons ang pinag-uusapan namin. Pero minsan, may mga naririnig kami about sa mga kaklase namin at tsaka kami nagbibigay ng opinions namin. Opinions.
"Ayos lang. Ikaw?" Tanong ko habang umuupo siya sa tabi ko.
Napabuntong hininga siya. "Ayos lang rin. Kakagaling ko lang probinsya. Feeling ko nasusuffocate pa ako sa hangin sa Manila." Biro niya at saka kami nagkwentuhan tungkol sa mga magiging Profs namin.
"Di ba sabi nila, nambabagsak daw 'to?" Tanong ko habang tinuturo yung pangalan ni Mrs. Valdez.
Lumaki naman yung mata ni Kia. "Talaga?!" Tanong niya.
Tumango ako. "Siya yung iniiyakan ng ibang seniors last year kasi di umabot yung grades nila." Sagot ko.
"Oh-em-ji! Ngayon pa lang natatakot na ako." Sabi niya at sumang-ayon naman ako.
Ang hindi ko lang maintindihan sa mga Prof, bakit pa sila nagtuturo kung yung exam naman nila parang diagnostic test? Kasi yung iba kung makapagturo, over time pa. Pero pagdating ng exam, wala naman lahat nung tinuro niya.
"Ay, parang bago 'to ah." Turo niya sa Humanities Professor. Kristoff Jimenez.
Bakit parang familiar siya? Naging client ba namin siya? Or nabigyan ng invitation sa isa sa mga events na inarrange namin? Para kasing familiar talaga eh.
"Mabait kaya 'to?" Tanong sa'kin ni Kia.
"Sana," sagot ko. "Minor na nga lang magpapakaterror pa? Grabe naman ata yun." Sabi ko at saka kami nagtawanan.
Pero hindi eh. Familiar talaga eh.
"Guys!" Sigaw ni Ian, yung madaldal na lalaki sa room. "May bago tayong blockmate!" Sigaw niya.
"Lalaki?" "Gwapo?" "Matangkad?" "Anong itsura?"
Para namang nabato si Ian at ang buong klase nang may pumasok na maputing gwapong lalaki sa room.
And there was silence. Buti na lang nakaheadphones ung bagong student, or else, sobrang awkward ng mangyayari.
Nilingon siya ng mga babae sa harap nang umupo siya sa tabi ko. Yun na lang ata kasi yung bakanteng upuan.
Sa kabilang gilid ko, kinukurot kurot naman ako ni Kia habang parang nagfafan girl dahil sa gwapong lalaki. Baliw talaga 'to.
Di nagtagal, dumating na yung first period prof namin. Major subject 'to kaya lahat kami concentrated kahit na alam namin na wala pa naman talagang gagawin ngayon kasi first day. More or less, orientation to the rules and grading system lang 'to. And course syllabus.
And true enough, yung nga ang nangyari. Maliban na lang sa pinagpakilala ni Ms. Lopez yung new student.
Mark Perez. Galing sa isang sikat na unviversity sa Cebu. Naglalaro ng Basketball at sumsayaw.
Ganyan niya ipinakilala yung sarili niya. Base sa pananalita niya, hindi siya mahiyain. In fact, kinakausap nga niya ako kanina. Nagtatanong siya kung ano ba yung mga clubs sa university kasi balak niyang sumali. Or kung alam ko ba kung sino ang kakausapin para makapasok sa Basketball team.
Syempre hindi ko alam. Eh puro aral l
Comments