Do You

Never Knew What Heaven Is Like [Filipino Teen Fiction]
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 3

"I'm Kristoff Jimenez and you're stuck with me for the whole semester."

Andami ko nang natanggap na kurot sa tagiliran dahil sa walang humpay na kilig ni Kia. Iba kasi siya kiligin eh, brutal. In fact, hindi lang naman siya yung kinikilig sa upuan nila eh. Lahat ng kaklase kong babae at binabae, nagba-blush nang walang humpay. Ang gwapo rin kasi ng boses niya. Malalim at y.

Umupo si Sir Jimenez sa desk niya. The thing is, sumandal lang siya. Pero dahil matangkad siya, msasabi kong nakaupo na siya.

"Since it's the orientation, I want you all to introduce yourselves." I don't really know kung totoo ba yung nakikita ko or what kasi feeling ko, nakatitig siya sa akin. Si Sir Jimenez. At hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahanm na para bang kilala niya ako.

Ang weird niya kaya napalayo ako ng tingin. Feeling ko, matutunaw ako sa titig niya. Kung totoo mang nakatitig siya sa akin.

"We'll start at the back." He instructed at tumayo naman agad yung kaklase kong sobrang kilig kay Sir. Ano ba yan! Halata naman 'tong babaeng 'to.

And the introduction went on until ako na.

"Uhm, Summer Peralta." I'm not used to talking in long sentences, lalo na ngayon na introduction. The thing is, kilala naman na namin ang isa't isa kaya wala akong dapat sabihin pa.

Tumaas naman yung kilay ni Sir. "And?" Tanong niya.

Aba! Naghahanap pa siya ng ibang description!

"Sir?"

"And what, Ms. Peralta? Hobbies? Likes? Dislikes?" Tanong niya.

Bakit sa iba hindi na siya nagtanong pa? Bakit sakin andami kong kailangang sabihin? Ano ba 'to?

"I'm a part time event organizer. I like coffee. I hate chocolates." Sagot ko para masatisfy na yung tanong niya. Nakakainis! Sa akin pa talaga siya nagtanong, ha!

Ngumiti siya at saka tumingin sa akin. "How about boys?" Tanong niya. "What's the quality you're looking for in boys?"

I'm trying to stop myself from dropping my jaw to the ground. Ano bang motibo nitong propesor na ito? Why did he have to ask a lot of unnecessary questions?

"Nothing. I'm not looking for boys." Sagot ko at saka umupo. Pinagtinginan naman ako ng mga kaklase ko. Feeling ko iniisip nila na nainis na ako. Pero totoo naman. Naiinis na ako sa mala-interview portion ko sa lalaking 'to. Sino ba siya para magtanong ng mga ganun?

Teka, bakit ba ako nagagalit ng ganito? Ugh!

"Next." Sabi ni Sir at saka nagpatuloy na yung introduction hanggang sa matapos na ang introduction. Last subject na namin ito sa araw na 'to kaya naman gustung-gusto at atat na atat na akong umuwi. This is the irony of being a student. Nung bakasyon, gusto ko nang pumasok, pero ngayong pasukan na, ayoko na. Sana bakasyon na ulit. At mas lalo pang nadagdagan yung rason ko para hilingin ang bakasyon ngayong may nakakainis na prof kami sa Humanities.

Diyos ko! Minor na nga lang, tatamarin pa akong pasukan? Badtrip!

"Sum," napatingin ako kay Mark. "Nood kayo bukas ah? Tryouts!" Sabi niya.

Ngumiti naman ako at tumango. "Syempre naman!" Sagot ko sabay thumb up. "Galingan mo ah!" Sabi ko pa.

"Oo nga! Para naman hindi kami mapahiya ni Summer pag pinanood ka namin." Sabat ni Kia at tumawa lang si Mark.

"Then you don't have to worry." Sabi niya sa amin with oozing confidence.

Napa-ahu naman si Kia sa confidence level ni Mark. "Wag kang iiyak pag di ka natanggap, ah!" Sabi pa niya at tumawa lang si Mark.

"Ah, saan kayo umuuwi? Hatid ko na kayo." Offer pa niya. "Yun ay kung uuwi na kayo," dagdag niya.

Ngumiti naman si Kia. "May dadaanan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
mariamae
#1
Chapter 8: I like his line "i dont want you hearing how other girls want me" & "because im all yours, summer. All yours dang kuya sweet kung ako yan wow kikiligin ako ng todo todo.
YesItsMe
#2
Chapter 6: Omg kris bakit ka gnyan hahahahahaha
prettylily #3
Si Kris ha si kristoff?
mariamae
#4
Chapter 5: Gusto ko yung pick up lines nya coco. Nakakaloka natawa ako dun infairness. Ma try nga yun one time. Para sakin havey sya isasaksak ko yun sa coco-te ko ha?!! I use it. Awesome. Ano sinabi ni kristoff kay mark? Curious ako doon
Wa_nna_one_fan
#5
Chapter 4: awww kawawa naman c sir jimenez parang sincere naman ahh.. pero talgang kinikilig ako hahah happy new yr din po^^
mariamae
#6
Chapter 4: Kinikilig ako talaga lalo na kaapelyido ko sya haha feeling ko ako sya. Galing hahahaha
Happy new year author-nim^^
Wa_nna_one_fan
#7
Chapter 3: grabeh smexy talaga!!! ayieeee
Wa_nna_one_fan
#8
Chapter 1: wahh!! gusto ko toh!! ganda nang plot authornim!! keep up authornim!!