Finding My Tongue

Never Knew What Heaven Is Like [Filipino Teen Fiction]
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 6

“Oh, kasali ka na rin sa harem ni Sir Jimenez?”

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko sa sinabi ni Kia. Ako? Kasali sa harem ng mayabang na manyak na propesor na iyon? Nananaginip ba siya? Bakit naman ako sasali sa mga fangirls niya?

please.

“Hindi ah. Bakit na naman?” Tanong ko pabalik.

Nagkibit balita lang siya. “Eh kasi kung makatingin ka po parang gusto mo na siyang sunggaban.” Sagot niya.

Nanliit yung mata ko sa kanya. It’s true na gusto ko siyang sunggaban pero it’s not what they think, or maybe not what she thinks. Gusto ko siyang sunggaban dahil naiinis na ako. Inaano ko ba siya para ganituhin niya ako?

Ano nga bang ginagawa niya sa akin? Pati ako di ko na rin alam. Basta ayoko sa kanya. ‘Yun na ‘yun. Hay.

“At bakit ko naman gagawin ‘yun?”

Tumaas ‘yung kilay niya sa pagtataray sa boses ko. “Alam mo, feeling ko talaga, may gusto ka sa kanya. Di mo lang maamin amin sa sarili mo.” Aniya at halos masuka ako sa harap niya.

At bakit naman ako magiging in denial sa sarili ko? ‘Di ko siya gusto. Hinding-hindi ko magugustuhan ang lalaking iyon, ‘no!

“So, sinong gusto mo?” Tingin niya pa lang alam ko nang may hinuhuli siya sa sasabihin ko. “Si Mark, ‘no?” Ayan na naman siya sa pang-aasar eh. Di na ba ako mawawalan ng issue sa babaeng ito?

“Hindi, ‘no!” Siyempre kasi hindi naman talaga. Oo at mabait si Mark pero di naman ako porket gwapo, nagkakagusto na ako agad, ‘no!

Tiningnan na naman niya ako ng nakakalokong tingin. Grabe talaga ‘tong si Kia. Walang patawad talaga eh.

“Manood na nga tayo. Andami mo pang sinasabi eh.” Ani ko at nagfocus na kami sa panonood ng game.

‘Yung totoo, lahat ba ng mga ‘to ay bago lang? Bakit parang mas magagaling pa sila kaysa sa mga dating players? Di ako fan ng amateur basketball pero marunong naman akong magcompare.

Ibang klase ‘tong mga ito compared sa mga dating players.

“Ang galing ni Christian, ‘no?” Tanong ni Kia habang busy kaming nanonood sa game.

Napatingin tuloy ako kay Christian na nakatingin sa amin. Sobrang lapad ng ngiti niya na para bang may nagtetake ng picture at nagpapapicture siya ng pang-DP niya.

“Yiieee! Crush ka talaga niyan, e!” Ano ba ‘to? Sa pula, sa puti talaga ‘to. Kanina kung makapang-asar kay Mark, wagas. Tapos ngayon si Christian naman?

Okay? Ako na ang maraming lovelife.

As if on cue, bigla naming nadapa si Christian sa harap ko.

Nagtilian yung mga babae sa likod habang ako, gulat na gulat sa pagkakadapa niya.

Tumingin pa siya sa akin at ngumiti na parang wala lang ang pagkadapa. “See how I fell for you?” Tanong niya sa akin at saka naman tumawa ng sobrang lakas itong si Kia.

Nanliit yung mata ko sa kanya habang tumatakbo siya papunta sa kabilang court.

May gana pa siyang bumanat. Ano ba?

“Grabe talaga ‘yang si Christian. Sa lahat na lang ng bagay, may banat.” Aniya habang tumatawa tawa. “In fairness, Summer, havey yung mga banat niya ngayon, a! Level up siya sa pagbanat.”

Tili nang tili naman ‘tong mga babaeng ‘to sa likuran naming. Akala naman nila, sila yung binanatan. Or akala naman nila nakakatuwa yung banat. Meh.

Umiling na lang ako sa kanya at nagpatuloy manood. Si Mark ang may hawak ng bola. Magaling si Mark, no wonder. Pwede na siguro siyang makipagsabayan sa ibang players, sa mga veteran players. Varsity nga siya siguro sa Cebu kaya ganoon.

Di ko namalayan na napatingin ako sa bench nina Mark. Nandoon si Kristoff. S

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
mariamae
#1
Chapter 8: I like his line "i dont want you hearing how other girls want me" & "because im all yours, summer. All yours dang kuya sweet kung ako yan wow kikiligin ako ng todo todo.
YesItsMe
#2
Chapter 6: Omg kris bakit ka gnyan hahahahahaha
prettylily #3
Si Kris ha si kristoff?
mariamae
#4
Chapter 5: Gusto ko yung pick up lines nya coco. Nakakaloka natawa ako dun infairness. Ma try nga yun one time. Para sakin havey sya isasaksak ko yun sa coco-te ko ha?!! I use it. Awesome. Ano sinabi ni kristoff kay mark? Curious ako doon
Wa_nna_one_fan
#5
Chapter 4: awww kawawa naman c sir jimenez parang sincere naman ahh.. pero talgang kinikilig ako hahah happy new yr din po^^
mariamae
#6
Chapter 4: Kinikilig ako talaga lalo na kaapelyido ko sya haha feeling ko ako sya. Galing hahahaha
Happy new year author-nim^^
Wa_nna_one_fan
#7
Chapter 3: grabeh smexy talaga!!! ayieeee
Wa_nna_one_fan
#8
Chapter 1: wahh!! gusto ko toh!! ganda nang plot authornim!! keep up authornim!!