Ang bango niya.

Never Knew What Heaven Is Like [Filipino Teen Fiction]
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 1

"Shot pa, Summer!"

Medyo nahihilo-hilo na ako. Blurred na ang vision ko at pakiramdam ko inaantok na ako. Naka-apat na shots na ako sa tequila and I think I am starting to reach my alcohol tolerance limit. The thing is, hindi naman talaga ako umiinom. Hindi ko lang talaga alam kung bakit ako napapainom ngayon.

Kinuha ko yung shot glass na inaabot sakin ni Juno at saka tinungga. Bottoms up at lahat sila nag-iingay.

Nasa reunion kami ng mga Lim, as party organizers. Tingnan mo, party organizers kami pero nag-iinom kami? Ano kaya 'yun?

"Lia, tawag ka ni Mrs. Lim." May nagsabi pero hindi ko na ata nakikilala yung mga boses. Si Kent ba yun? O si JD? Di ko na alam.

"Summer, halika!" May humila sa akin at saka ako pinunta sa may labas ng reception. Feeling ko ay sobra-sobra na akong wasted kaya no choice silang lahat kung hindi ang ilabas na lang ako. Well, in the first place, sila ang nagpapainom sakin. Di naman ako makatnaggi kasi ako ang bunso sa grupo. At ako ang bago.

Naramdaman kong pinapaupo ako sa malamig na bakal. Bench siguro 'to.

"Diyan ka muna, ha? 'Wag kang aalis." Nagbilin pa sa'kin. As if naman makakalakad pa ako sa lagay na 'to. Baka nga di ko pa mamalayan na may kumikidnap na sa'kin eh.

First time ko lang malasing nang ganito. Di pala talaga ko pwede sa mga session ng mga teammates ko. Ayoko nang maulit ito ever. Nakakahilo palang mahilo? Bakit ngayon ko lang narealize na ayokong nahihilo? Ha! Ewan ko na kung anong pinagsasabi ko. Feeling ko pumapalo na yung tequila sa utak ko.

Kumapit ako sa sandalan ng bench (kung bench nga ba talaga ito) at pumikit. Mas nararamdaman kong nanunuot na yung ininom ko sa utak ko. Gusto kong dumilat pero parang wala na akong lakas para ibukas ang mata ko.

"You're alone?"

Ano ba 'yan?! Kung kailan naman hindi ko kayang buksan ang mata ko, tsaka naman may dadating at magtatanong.

Bakit may kasama ba ako para tanungin pa niya kung I am alone? O baka naman lasing na rin 'tong isang 'to?

"I guess, I'm right." Narinig kong sabi niya at saka naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

Teka lang! Bakit siya nakaupo sa tabi ko? Manyak ba 'to?

"W...wag." It feels so hard to speak. Feeling ko lahat ng ATP ko sa katawan, na-utilize ng mga cells ko para sa three-lettered word na yan.

"Ano?" Narinig kong tanong niya.

Using all the strength that I have left, tumingin ako sa kanya pero natigilan ako nang iba ang sumalubong sa'kin. Bibig niya. Gumagalaw. Sa bibig ko.

Yes. It's happening the way I said it. Alam kong medyo weird pero ganun.

Bakit ako nakikipaghalikan sa taong hindi ko kilala? At bakit niya ako hinahalikan? Bakit? Bakit? Bakit?!

Lalong lumabo yung paningin ko at lalong nauubos yung lakas ko nang naramdaman kong lumalalim yung mga halik niya. Feeling ko nalulunod ako sa mga halik niya.

Naramdaman kong yumakap siya sa akin at taas-baba ang kamay niya sa likod ko hanggang sa hinila niya ako palapit sa kanya.

Three words. Ang bango niya.

Ngayon lang ako naka-amoy ng ganitong taong ganito kabango. Yung tipong feeling ko, napakatapang nung pabango niya pero habang tumatagal, feeling ko, naaadik na ako - na ayaw ko nang mawala yung amoy.

"." Narinig kong sabi niya. "Lasing na siguro ako." Pagkasabi niya noon, saka ko lang naamoy na amoy alak rin pala siya. Pinag-shot din ba ito ng mga kasama niya kaya ganito?

"Lasing na ako." Sagot ko. "Lasing na ako sa halik mo. Ay hindi, mas lalo akong nalasing sa halik mo."

"Oh! Screw it." Narinig ko siya at pagkatapos ay hinalikan niya ulit ako. This time, I responded with his hot kisses. I don't know what exactly I am doin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
mariamae
#1
Chapter 8: I like his line "i dont want you hearing how other girls want me" & "because im all yours, summer. All yours dang kuya sweet kung ako yan wow kikiligin ako ng todo todo.
YesItsMe
#2
Chapter 6: Omg kris bakit ka gnyan hahahahahaha
prettylily #3
Si Kris ha si kristoff?
mariamae
#4
Chapter 5: Gusto ko yung pick up lines nya coco. Nakakaloka natawa ako dun infairness. Ma try nga yun one time. Para sakin havey sya isasaksak ko yun sa coco-te ko ha?!! I use it. Awesome. Ano sinabi ni kristoff kay mark? Curious ako doon
Wa_nna_one_fan
#5
Chapter 4: awww kawawa naman c sir jimenez parang sincere naman ahh.. pero talgang kinikilig ako hahah happy new yr din po^^
mariamae
#6
Chapter 4: Kinikilig ako talaga lalo na kaapelyido ko sya haha feeling ko ako sya. Galing hahahaha
Happy new year author-nim^^
Wa_nna_one_fan
#7
Chapter 3: grabeh smexy talaga!!! ayieeee
Wa_nna_one_fan
#8
Chapter 1: wahh!! gusto ko toh!! ganda nang plot authornim!! keep up authornim!!