The Scar Of The Past

The Frozen Sword

 

 

"Prinsesa ano ba ang nangyari sa inyo ni Sooyoung?" nagaalalang tanong ni Taeyeon.

 

"Nakalaban namin ang Nightmare Wolves" nanghihinang sagot ni Yoona.

 

"Nightmare Wolves?" inaalalayan ni Taeyeon si Sooyoung.

 

"Pauwi na kami nang bigla siyang himatayin"

 

"Nasa kabilang nayon pa ang Spiritual Healer." bumuntong hininga si Taeyeon.

 

Umupo si Yoona sa gilid ng kama tsaka hinaplos-haplos noo ni Sooyoung. Hindi maintindihan ni Taeyeon ginagawa ni Yoona, ngunit hinahayaan niya lang ito. Nanlaki mga mata niya ng hinubaran ni Yoona si Sooyoung. Patuloy parin pinapanuod ni Taeyeon ginagawa ng Prinsesa. Biglang tumigil si Yoona. Nang tingnan niya ito ay nagulat si Taeyeon. Nang may makita siyang Peklat sa batok ni Sooyoung. Hindi naman sariwa ang peklat niya. Mukhang matagal na ito. Matagal na niya ito kasama at matagal na silang magkaibigan ni Sooyoung. Minsan ay sabay pa silang maligo ngunit hindi pa niya nakita ang peklat niya kahit kailan. Isang kalmot ito mula sa Dragon. Possible kayang biktima rin ng Black Dragon si Sooyoung? Ngunit wala naman siyang kinukwento kay Taeyeon.

 

"Saan nang galing yan?" kinamot ni Taeyeon ulo niya.

 

Nang hindi na sumagot ay pinagmasdan ni Taeyeon ekspresyon ng Prinsesa. Dahan-dahan hinawakan ng Prinsesa ang peklat ni Sooyoung habang nakapikit. Gusto niya itong tanongin kung ano ginagawa nito ngunit mukhang abala ito sa ginagawa niya.

 

"Ama! Wag mo akong iiwan" sabi ng batang babae.

 

Nakita ni Yoona ang isang bata na nakahiga sa sahig na parang may inaabot. Mula sa posisyon niya ay hindi niya makita kung anong inaabot ng batang babae kaya lumapit siya dito. Nagulat siya nang makita ang isang duguan na lalaki. Marahil ito ang 'Ama' na kanina lang tinatawag ng bata. May namumuong luha sa mga mata ni Yoona habang pinapanuod ang lalaki gumagapang. Halatang nahihirapan ito dahil sa sobrang dami niyang pasa at sugat. Gusto tulongan ni Yoona ang lalaki ngunit hindi niya ito mahawakan.

 

"S...S...Soo.....Sooyou...Sooyoung" sambit ng lalaki habang gumagapang.

 

Nanlaki ang mga mata ni Yoona nang marinig niya ang pangalan ng Knight niya. Si Sooyoung pala ang batang ito! Nakaramdam ng awa si Yoona nang makita niya ang Ama ni Sooyoung na pinipilit inaabot kamay ng batang Sooyoung.

 

"Soo...Soo...Sooy..Sooyoung ma..m..magi..maging m..m..mabut...mabuti k..ka...kang t...tao" ngumiti ang lalaki habang sumusuka ng dugo.

 

"W..Wa....Wag k..ka..kang pu..pu..puma..pumanig s..sa ma..ma..masa..masama"

 

"Wa..Wag m..mong ha..ha..haya..hayaan ma..na....manaig a..an..ang ka..kasa.kasamaan s..sa i...iy..iyong p..pu..puso"

 

"Ang kalaban, ay kalaban ama! Hi-hindi ko gagawin yun!" nakangiting wika ng batang Sooyoung habang inaabot ang kamay ng Ama niya.

 

"M..Ma...Maha...Mahal k..ka n..ni A..A..Ama"

 

"Mahal na mahal din kita Ama!"

 

"P..Pat..Pataw..Patawad A..Ana..Anak"

 

Maya-maya ay hindi na gumagalaw ang lalaki. Nilapitan niya ito para malaman niya kung humihinga pa ito o hindi na. Ngunit wala na itong buhay. Nadurog ang puso ni Yoona nang makita niya ang batang Sooyoung na gumagapang palapit sa ama niya habang umiiyak. Akmay maabot na ni Sooyoung ang kamay ng Ama niya ngunit tinapakan ng isang lalaki kamay ng batang Sooyoung. Halos sabay silang napatingin sa may-ari ng paa.

 

"ANG SAMA MO ZYGNUS!!!" sigaw ng batang Sooyoung.

 

Napaatras si Zygnus nang biglang magliyab ang kamao ni Sooyoung. Halatang nagalit ito nang dahil sa ginawa niya. Walang awa hinatak ng lalaki ang sugatan na braso ng batang Sooyoung. Tuluyan tumulo luha ni Yoona habang pinapanuod ang nakakaawang bata. Pero nanlaban parin si Sooyoung kahit wala na siyang lakas. Dinuraan ng batang Sooyoung ang mukha ni Zygnus dahilan para magalit ito ng sobra-sobra. Hinigpitan niya lalo pagkakahawak niya sa braso nito hanggang sa nagsimula ng tumulo ang dugo mula sa braso niya.

 

"Walang kwentang bata" walang awa niya hinagis ang bata.

 

"Masama ka at ang pangit mo pa!"

 

Nang mag-anyong Dragon ito ay binaon ni Zygnus kuko niya sa likod ni Sooyoung. Nang makabalik si Yoona sa reyalidad ay halos mabagsak siya mula sa kama. Mabuti nalang ay naagapan siya ni Taeyeon mula sa pagkakahulog. Agad niyang binihisan at sinuotan ng Mufflers si Sooyoung. Na para bang walang nangyari.

 

"Prinsesa, ano ba ang nangyari?"

 

"Nawalan lang siya ng malay. Wala ng dapat ika-bahala."

 

 

* * *

 

 

Umaga na ng magising si Sooyoung. Agad bumangon si Sooyoung sa kama niya. Nang mapansin niyang may suot siyang Muffler sa leeg. Hindi niya alam kung kaninong Muffler ito. Nakaramdaman ng kaba si Sooyoung, baka may nakakaalam na ng sekreto niya? Pero sino? Si Taeyeon ba? o Si Yoona? Naputol ang pagmu-muni muni niya ng makita niya si Yoona nakasilip sa pintuan. Maya-maya naman ay ngumiti ito ng parang bata habang pumapasok sa Kwarto niya. Ngumiti rin si Sooyoung tsaka humiga ulit sa kama niya. Dahan-dahan naman umupo si Yoona sa tabi ni Sooyoung.

 

"Good Morning Sooyoung"

 

"Good Morning Prinsesa"

 

"Kamusta tulog mo, Soo?"

 

"Ayos lang. Ikaw ba?" tsaka hinawakan ni Sooyoung braso ni Yoona. Hinatak ito pahiga sa kama niya.

 

"Hindi ako nakatulog..." malungkot na wika ni Yoona.

 

"Hala? Bakit, Prinsesa?"

 

"Masama panaginip ko Sooyoung"

 

"Gusto mo bang matulog ulit?"

 

"Sana kun─"

 

Naputol ang sasabihin ni Yoona nang hawakan ni Sooyoung ang ulo niya at nilagay nito sa braso niya. Pakiramdaman niya ay ligtas siya sa Bisig ni Sooyoung. Kahit na payat ito ay komportable siya. Sa totoo lang kaya hindi siya makatulog nang dahil sa nakita pangyayari mula sa nakalipas. Hindi niya lubos maisip. Paano kung sa kanya yun nangyari? Kakayanin niya bang mabuhay na hindi na kompleto. Lalo pa siyang naawa ng maalala niyang wala na din ang Ina ni Sooyoung. Kung siya nga ay nakaramdam ng pagkukulang kahit andyan pa Ina niya. Paano pa kaya kung talagang wala na pareho magulang niya.

Unti-unting nakaramdam ng antok si Yoona. Unti-unti ng sumasara mga mata niya. Ngunit ayaw niya muna matulog. Gusto niya muna kausapin si Sooyoung. Gusto niya muna itong damayan. Gusto niya muna ito makita ngumiti baka sakaling mawala ang lungkot niya. Kaya nag isip siya ng paraan para makausap pa ito.

 

"Sooyoung....."

 

"Hmm?" inaantok na wika ni Sooyoung.

 

"Paano mo ba nalaman na kailangan ko ng Arm Pillow ngayon?"

 

"Ganun naman ang Knight diba? Gagawin ang lahat maging komportable lang ang Prinsesa"

 

Napangiti si Yoona sa sagot ni Sooyoung. "Pwede ba kitang yakapin?"

 

"Yakapin mo ako kung gusto mo" ngumiti si Sooyoung.

 

Niyakap ni Yoona tyan ni Sooyoung. Ngunit hindi naman makatulog si Yoona. Naiiilang siya sa posisyon nilang dalawa. Naramdaman niya nag init pisngi niya habang pinapanuod si Sooyoung natutulog habang nakangiti. Napangiti rin si Yoona tsaka dahan-dahan pumikit.

 

"Yoona, mamatay ka lang sa huli"

 

"Hindi ka na magtatagal"

 

"Wag ka ng umibig..."

 

"Masasaktan mo lang taong mahal mo"

 

"Bandang huli ay iiwan mo lang siya"

 

"Yoona...." sambit ni Sooyoung habang natutulog.

 

"Wag kang maniwala.."

 

"Ikaw magdedesisyon ng kinabukasan mo"

 

"Sasamahan kita"

 

"Magiging parte ako ng kinabukasan mo"

 

"Asahan mo yan"

 

Agad dumilat si Yoona nang marinig niya nag-salita si Sooyoung. Hinintay niya itong magsalita ulit ngunit ilang segundo ang lumipas. Humihilik na ito.

 

"Sana nga Sooyoung.."

 

"Sana Knight"

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
soosicshipper #1
Chapter 6: Hi. I'm a new reader! I love SooSic, but when I read this story from Foreword to Chapter Six. I started to love SooNa. Do you know you are very Awesome Author! Funny+Drama+Adventure+Fantasy in one story?! I love you Author! Keep it up! We're looking forward for The Frozen Sword: English Version. Trust me everyone will love this story. Keep it up Author! Fighting! Hehe!
itsmecarylann
#2
Chapter 6: i thought Yoona really die.
i don't know why but my tears start to fall while reading this chapter.
goddamn.!
this story is really awesome.
please write an english version too.
everyone will love this story!
shikshinhot24
#3
Chapter 4: ang landi landi ng SooNa <3 <3 <3
itsmecarylann
#4
Chapter 4: It was Sooyoung who saved Yoona..
Awww ♥
Be my knight Sooyoung.........
shikshinhot24
#5
Chapter 1: wohohohohohohohoh SOONA!!DAEBAK!!