First Adventure: The Troublesome Princess and The Sacred Force

The Frozen Sword

 

 

"Ice, wag mong kakalimutan. Magkita tayo dito sa eksaktong lugar ng 9pm."

 

"Oo na. Oo na. Kasi 9pm mawawalang bisa na spell ni Jessica Jung." nauumay na wika ni Taeyeon habang naglalakad palayo kay Sooyoung at Yoona.

 

"Saan ka ba pupunta Taeng?" tanong ni Yoona.

 

"Susundan ko lang ang batang Taeyeon, Prinsesa."

 

"Mag ingat ka Taeng. Kailangan natin makabalik sa panahon natin."

 

"Masusunod Prinsesa."

 

Nang makaalis na si Taeyeon ay natahimik si Sooyoung at Yoona. Agad hinawakan ni Sooyoung kamay ni Yoona tsaka tumakbo kasama ang Prinsesa. Pakiramdaman ni Yoona ang lamig ng mga kamay niya ng mga oras na yun. Pakiramdaman niya rin bumibilis tibok ng puso niya. Lalo na nung ngumiti ito sa kanya ay parang nagwawala na ang kanyang puso.

 

"Prinsesa. Hanapin natin yung batang ako."

 

"O─Ok........."

 

Nagsimula ng dumilim pero hindi parin nila mahanap ang batang Sooyoung. Nakaramdaman na ng pagod si Yoona sa sobrang layo ng nilakad niya. Napansin ito ni Sooyoung kaya binuhat siya nito kinagulat ito ni Yoona. Hinayaan ito ni Yoona para pansamantala niya ipahinga ang binti niya. Maya-maya ay nahanap na din nila sa wakas ang batang Sooyoung. Mag-isa itong nakaupo sa Seawall habang umiiyak. Magtatanong na sana si Yoona kung anong nangyayari sa batang Sooyoung nang mapansin niyang umiiyak din si Sooyoung.

 

"Soo..."

 

"Nung bata pa ako palagi akong pumupunta dito."

 

"Sa twing namimiss ko si Ama. Dito ako pumupunta."

 

"Dito ko kinakausap si Ama..."

 

"Soo..." naiiyak na sambit ni Yoona.

 

"Naalala ko si Ama"

 

"Tulong! Tulong!" sigaw ng matandang babae.

 

"Nasa karwahe ang batang Prinsesa!" sigaw ng isang armadong lalaki.

 

Dahan-dahan binaba ni Sooyoung si Yoona tsaka tumakbo papunta sa direksyon kung saan tumakbo ang kabayo. Kahit si Yoona ay hinahabol na rin ito. Bumilis ang tibok ng puso ni Yoona. Hindi niya alam kung bakit. Parang pamilyar sa kanya ang pangyayari. Pinilit niya ang sarili niyang tumakbo para habolin ito. Nang maabutan niya ito ay agad siyang sumakay sa karwahe. Habang si Sooyoung naman ay pilit pinuputol ang taling nakakonekta sa kabayo. Ngunit hindi ito napuputol. Nagsimulang umalab ang kamay ni Sooyoung. Hanggang sa maputol ito at nakawala ang kabayo. Napangiti si Yoona dahil ito ang unang beses na may niligtas sila. Bumaba si Yoona mula sa karwahe para buksan ito at palabasin ang bata mula sa loob. Ngunit hinatak siya ni Sooyoung palayo mula sa insidente.

 

"Bata, salamat sa pag ligtas ng Prinsesa." sabi ng matandang babae.

 

"Prinsesa Yoona, ayos ka lang ba?" tanong ng lalaking armado.

 

"Prinsesa, hindi ka ba nasaktan?" tanong ng isa pang lalaking armado.

 

"O─O─Ok la─lang po a─ako Ajusshi."

 

"Prinsesa Yoona sigurado ka ba?" nagaalalang tanong ng matandang babae.

 

"Opo. P─Pero yu─yung bata......"

 

"Siya ang nagligtas sa akin...."

 

 

* * *

 

 

"Mabuti naman Soo at nakauwi na kayong tatlo." nakangiting wika ni Jessica.

 

"IKAW DAHILAN KUNG BAKIT KAMI NAROON TAPOS NGI-NGITI KA LANG SA AMIN?!" sigaw ni Sooyoung sa mukha ng Enchantress.

 

"Ano Fire? Ituloy na natin ang naudlot nating laban?" sigaw ni Taeyeon.

 

"Manahimik ka pandak!" sigaw ni Sooyoung tsaka umatake kay Taeyeon.

 

Lumapit si Yoona kay Jessica na kasulukuyan kumakain ito ng cake. Sa tingin niya isa itong Red Velvet cake. Nang mapansin nito presensya ni Yoona ay nangilabot siya dahil tumigil ito sa pag subo. Ngunit nang mag angat ito ng tingin ay ngumiti ito sa kanya tsaka niyaya siya nitong kumain ng cake. Gusto niya tumikim ngunit nahihiya siya rito.

 

"Welcome sa Azuria, Yoona."

 

"Salamat Jessica."

 

Hindi na mula ito nagsalita. Tahimik itong kumain ng cake niya. Mukhang simula bata pa ay mahilig na ito sa cake. Nasaksihan ni Yoona nang makapunta sila sa nakaraan ay palaging cake pinagaaway nilang tatlo. Mukhang nagbago na sila Sooyoung at Taeyeon ngayon. Mukhang hindi na nila ninanakaw cake ni Jessica. Dahil siguro umalis na ito sa Team nila. Kanina pa niya gusto tanongin kung bakit umalis si Jessica sa Team nilang tatlo.

 

"Hindi ko inaakala magkateam pala kayo nila Sooyoung at Taeyeon."

 

"Alam mo na din pala tungkol dun?"

 

"Nakita ko sa nakaraan ni Sooyoung. Wala naman akong intensyon paki-alaman nakaraan niyo. Patawad"

 

"Bakit ka humihingi ng tawad. Eh ako nagdala sa inyo sa nakaraan. Yoona, dapat ako humingi ng tawad sayo."

 

"Jessica......."

 

"Yoona....Alam mo bang naiinggit ako sayo?" nagsimulang namuo ang luha sa mga mata niya.

 

"Dati kasi....Ako yung Prinsesa nilang dalawa."

 

"Labag man sa loob ko pero umalis parin ako sa Sacred Force."

 

"Naiinggit ako sayo. Kahit bago ka lang sa Azuria, naging mabuti na kayong magkaibigan."

 

"Ako.....Ilang taon ang lumipas bago kami naging totoong team...."

 

"Namimiss ko na ang Sacred Force."

 

"Sinadya kong magkamali para maalala nilang dalawa ang Team namin."

 

"Sorry─"

 

"Unnie....Tahan na.." niyakap ni Yoona si Jessica.

 

"Naging mabuti silang dalawa nang dahil sa team niyo. Dahil sa Leader nila."

 

"Yun ba dahilan unnie bakit ang lamig ng pakikitungo mo sa akin?"

 

Dahan-dahan tumango si Jessica na parang bata. Nang mag angat ng tingin si Yoona ay nagiging seryoso na laban ni Sooyoung at Taeyeon. Nagtaka si Yoona bakit walang pumipigil sa kanilang dalawa. Yung ibang wizards ay umiinom lang, yung iba naman nagkukwentohan o kumakain. Kahit si Jessica ay walang balak pigilan silang dalawa.

 

"Unnie, hindi mo ba sila pipigilan?"

 

"Hayaan mo nalang dalawang yan, Yoona. Matanda na silang dalawa."

 

Nagpatuloy kumain ng cake si Jessica. Habang si Yoona naman ay nakakaramdam na din ng gutom habang pinapanuod itong kumakain. Kung bakit ba kasi nahihiya pa siya dito, tutal ito naman nag-alok sa kanya. Maya-maya ay kumalampag ang mesa kung saan nakaupo si Yoona at Jessica. Nang tingnan niya kung ano yung nahulog ay nagulat siya nang makitang ang Water Drum na walang laman na nakapatong sa cake ni Jessica. Kahit nakayuko ang ulo ni Jessica nagdilim ang aura nito. Galit na galit ito kay Taeyeon at Sooyoung. Sa sobrang takot ni Sooyoung at Taeyeon ay niyakap nila ang isa't-isa. Dahan-dahan tumayo si Jessica sa kinauupuan niya tsaka lumapit kay Taeyeon at Sooyoung habang nakayuko ang ulo nito.

 

"Nakita niyo ba yung cake ko?" malamig na tanong ni Jessica.

 

"C─C─Ca─Cake?"

 

"Wa─Wal─Wala n─nam─naman"

 

"Ah wala ba?" kinuha ni Jessica ang Water Drum at hinampas ito sa ulo ng dalawa.

 

"S─S─S─So─So─Sor─Sorr─Sorry h─h─h─hi─hind─hindi n─na─nami─namin si─sina─sadya."

 

Hinampas ulit ni Jessica ang Water Drum sa ulo nilang dalawa. "Ay sorry. Hindi ko sinasadya."

 

Hinablot ni Jessica ang kwelyo ni Sooyoung at Taeyeon tsaka inuntog ito sa noo ng isa't-isa. Halos sabay umungol si Taeyeon at Sooyoung. Pareho nilang hinahagod ang kanilang noo. Napangiti si Yoona habang pinapanuod niya ang tatlo.

 

"Parang nakita ko na toh ha?" nakangiting wika ni Yoona.

 

"Kahit na sabihin nilang tatlo na nagbago na sila. Ay gaya parin sila ng dati."

 

"Hindi naman nagbago ang Sacred Force Team."

 

"Sa katunayan ganun parin sila."

 

"Teka!"

 

"Sino kaya yung batang niligtas namin kanina?"

 

 

Narrator: Im so sorry about this short update .. Im kinda busy this year .. I will try to update again a soon as possible !

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
soosicshipper #1
Chapter 6: Hi. I'm a new reader! I love SooSic, but when I read this story from Foreword to Chapter Six. I started to love SooNa. Do you know you are very Awesome Author! Funny+Drama+Adventure+Fantasy in one story?! I love you Author! Keep it up! We're looking forward for The Frozen Sword: English Version. Trust me everyone will love this story. Keep it up Author! Fighting! Hehe!
itsmecarylann
#2
Chapter 6: i thought Yoona really die.
i don't know why but my tears start to fall while reading this chapter.
goddamn.!
this story is really awesome.
please write an english version too.
everyone will love this story!
shikshinhot24
#3
Chapter 4: ang landi landi ng SooNa <3 <3 <3
itsmecarylann
#4
Chapter 4: It was Sooyoung who saved Yoona..
Awww ♥
Be my knight Sooyoung.........
shikshinhot24
#5
Chapter 1: wohohohohohohohoh SOONA!!DAEBAK!!