First Adventure: Time Wizard

The Frozen Sword

 

 

Kasulukuyan naglalakad si Sooyoung, Yoona at Taeyeon sa kagubatan papunta sa Azuria kung saan lumaki si Sooyoung at Taeyeon. Kung saan sila nag sanay para maging Fire Wizard at Ice Wizard. Dahil gusto makilala ni Yoona ang kanilang Headmaster ang taong tumanggap sa kanila ng ma-ulila sila. Naluluha si Sooyoung habang naglalakad papasok ng Azuria. Ang daming alaala ang pumapasok sa utak niya. Kahit si Taeyeon ay naiiyak din. Halos walang nabago sa Azuria. Ganun na ganun parin. Yun nga lang ay lumaki na ang Main Hall.

Nawe-weirdohan si Yoona sa Azuria. May bahagi dito na umuulan. May mga wizard namang umiinom o naliligo sa Swimming Pool. May mga nagbabasa naman habang nakapikit. Kadalasan sa nakikita niya ay nagaaway na wizard. Maya-maya ay biglang nag time-stop ang Azuria. Lahat ng tao ay hindi na gumagalaw, pwera sa kanilang tatlo. Nagpanic si Yoona dahil hindi niya maintindihan ang nangyayari. Ngunit hinawakan siya ni Sooyoung sa kamay.

 

"Wag kang matakot. Ganito talaga sa Azuria..." bulong ni Sooyoung.

 

Maya-maya ay may sumulpot na isang babae na may dalang maliit na libro. Nakaramdam ng takot si Yoona habang pinagmamasdan ang babae. Sa tingin niya ito ay isang Time Wizard ng Azuria. Ito siguro ang tinutukoy ni Sooyoung at Taeyeon na kaibigan nilang dalawa. Si Jessica. Natakot lalo si Yoona nang tingnan din siya ng babae. Mukhang ayaw nito sa kanya.

 

"Choi at Kim, mabuti naman ay dumating na kayo" malamig na wika ni Jessica.

 

"Pwede ba alisin mo na ang Time Stop?" naiiritang wika ni Sooyoung tsaka nilagpasan ang babae.

 

"Ayuko, gusto ko ako ang unang sumalubong sa inyo."

 

"Hi Jess, kamusta ka na?" nakangiting wika ni Taeyeon.

 

"Ito....Nagaaral parin para maging magaling na Wizard"

 

Sa isang pitik ng daliri ay bumalik sa normal ang lahat. Nawala na ang Time Stop. Kumikilos na din ang ibang tao.

 

Ganito ba ka lamig ang babaeng ito? tanong ni Yoona sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ito.

 

"Siya si Yoona, ang Prinsesa ng Royal City" nakangiting wika ni Sooyoung.

 

"Prinsesa, siya si Jessica ang Time Wizard"

 

"Ah ok? Hi Princess Yoona" gamit ang malamig na tono ni Jessica.

 

"Hi Jessica, knight ka rin ba?"

 

"Hindi ako Knight. Hindi ako Melee User tulad ni Taeyeon at Sooyoung. Isa akong Enchantress." nakangiting sagot ni Jessica.

 

Tinawag na Melee user si Sooyoung at Taeyeon dahil hindi sila gumagamit ng weapon para lumaban. Kadalasan sa mga Knight ay Melee user. Si Jessica ay isang Spellbook user or Magician. May apat na klase ng wizard sa Azuria. Una ang Melee User tulad ng Flamewalker, Ice Summoner, Lightning User at Blue Flame User. Pangalawa ang mga Enchantress tulad ng Fairy, Spellbook user at Magician. Pangatlo ang Long Range tulad ng Whip User, Warbow, Gunfighter at Boomerang. Pang apat ang mga Supporter tulad ng Blacksmith at Healer. Kung sasali si Yoona ay sa tingin niya ay mapupunta siya sa Supporter, ngunit gusto niya rin matutunan lumaban. Sa tingin niya kung may gusto man siya matutunan yun ang Warbow.

 

"May welcome back gift ako sa inyo. Dahil kararating niyo lang. Ipapasilip ko sa inyo ang Future"

 

"Wag na Jess, kailangan na namin umalis." pagtanggi ni Sooyoung.

 

"Tara! Saglit lang naman diba?" nakangiting tanong ni Taeyeon.

 

"Ano Prinsesa? Gusto mo ba?" seryosong wika ni Sooyoung.

 

"Ok lang sa akin.." nahihiyang ngumiti si Yoona kay Sooyoung.

 

Tumango si Sooyoung kay Jessica. Agad naman ngumiti si Jessica dahil ito ang spell na bago niyang napag-aralan. Gusto na niya itong subukan ngunit natatakot siya baka magkamali siya. Dahan-dahan inangat ni Jessica ang Spellbook niya at kusa ito bumuklat. Ang mas weird ay nagsimula ng lumutang ang Spellbook.

 

"Surgere virtus maleficiorum, crudum trans aethera visis, quas ad me, ut inveniam, quod volo atque in tempus locus!" sigaw ni Jessica.

 

Napangiti si Jessica nang mawala ang tatlo sa kanilang kinauupuan. Gumana ang spell. Talagang kaya niya gawin spell na yun. Ngunit ng tingnan niya ang maliit na libro at binasa ito. Napansin niyang nagkamali pala siya. Ibang spell ang sinabi niya!

 

"Patay!"

 

"Nagkamali nanaman ako!"

 

 

* * *

 

 

"Hay...Nasaan na ba tayo?!" naiiritang wika ni Sooyoung habang bumabangon.

 

Bumangon na din si Taeyeon at inaalalayan niya si Yoona. Agad nyang napansin na nanigas si Sooyoung sa kinatatayuan niya. Kaya sinundan niya ang tingin ni Sooyoung. Nang tumingala siya ay nanigas rin si Taeyeon sa kinatatayuan niya. Ibang-iba itsura ng Azuria! Nagulantang si Taeyeon nang makita niya ibang-iba itsura ng Azuria. Hindi na ito ang Azuria na pinuntahan nila. Ito ang lumang Azuria! Ang dating Azuria! Bumalik sila sa nakaraan!

 

"Bakit?" kagat-labing tanong ni Yoona sa dalawang kasama niya.

 

"Bumalik tayo sa nakaraan!" sigaw ni Sooyoung.

 

"Ito ang lumang Azuria!" dugtong ni Taeyeon.

 

Palinga-linga si Yoona sa lugar. Ngunit sa tingin niya ay nasa Azuria parin naman sila. Ngunit napansin ni Yoona iba ang itsura ng Main Hall ngayon kaysa nung kanina. Ang Main Hall kanina ay sobrang laki ngayon ay lumiit na ito. Talaga bang nasa nakaraan sila?!

 

"HOY IKAW BA KUMAIN NG CAKE KO?!" sigaw ng isang bata.

 

"Kilala ba kita?"

 

"Nakita kitang kinakain cake ko!"

 

"Magtago tayo!" natatarantang wika ni Sooyoung.

 

Hinatak ni Sooyoung si Taeyeon at Yoona papunta sa likod ng malaking punuan. Patuloy parin nilang pinapanuod ang dalawang bata na naglalakad palabas ng Main Hall habang nagaaway. Nang may mapansin sila Sooyoung at Taeyeon. Kahit si Yoona ay napansin rin yun. Napangiti si Yoona nang makita niya ang batang Sooyoung at Taeyeon. Mula noon ay hindi na talaga sila magkasundo.

 

"Hoy mahinang Wizard hindi ako kumain ng Cake mo!" naiinis na wika ng isa pang bata.

 

"Ako mahinang Wizard?"

 

"Oo, Ice Wizard ka diba?"

 

"Hindi mahihina ang mga Ice Wizard!"

 

"Bakit hindi ba?" nakangising wika ni Sooyoung tsaka nag

 

"Maglaban tayo!"

 

"Tara!"

 

Tinaas ng batang Taeyeon ang isa niyang kamay at may kung ano itong binubulong. Maya-maya ay may nabubuong yelo sa kamay niya. Ginamit rin ni Sooyoung mahika niya. Umupo ito sa sahig tsaka hinawakan ang lupa. Hanggang sa maramdaman nilang nag init ang paligid. Tatayo na sana si Yoona upang pigilan ang batang Sooyoung. Ngunit pinigilan siya ni Taeyeon. Habang si Sooyoung naman ay tulala habang pinapanuod ang dalawang bata. Hindi siya makapaniwalang tinangka niyang patayin si Taeyeon noong mga bata pa sila. Pareho silang tatlo nagulat ng may lumapit na isa pang bata sa dalawang bata. Pero hindi pinansin ng dalawang bata presensya niya at nagpatuloy itong mag away.

 

"Alam niyo bang bawal mag away sa grupo ko?" malumanay na wika ng bata.

 

Hindi parin pinansin ng dalawang bata ang sinabi niya.

 

"Lava.........Explossionnnnnnnnnnnnnnn!" sigaw ng batang Sooyoung.

 

"Ice...........Bladeeee" sigaw din ng batang Taeyeon.

 

A-atakehin na sana nila ang isa't isa nang hatakin ng isa pang bata bangs ni Sooyoung at Taeyeon. At inuntog niya ito sa noo ng isa't isa. Agad naman nagbago expresyon ni Sooyoung at Taeyeon nang makita nila ginawa ni Jessica. Pinigilan naman ni Yoona matawa pero ayaw niya naman pasamain loob ng mga kaibigan niya.

 

"Pwede ba wag mo kaming pagtawanan Prinsesa?"

 

"Humanda kayo!" sigaw ng bata.

 

"Bakit?" sabay na tanong ni Sooyoung at Taeyeon.

 

"Hindi niyo ba napapansin? Kanina pa may nagmamasid sa atin.."

 

"Sigurado ka ba Jessica?" agad tumayo si Taeyeon.

 

"Umalis na tayo dito.." bulong ni Sooyoung kay Taeyeon at Yoona.

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
soosicshipper #1
Chapter 6: Hi. I'm a new reader! I love SooSic, but when I read this story from Foreword to Chapter Six. I started to love SooNa. Do you know you are very Awesome Author! Funny+Drama+Adventure+Fantasy in one story?! I love you Author! Keep it up! We're looking forward for The Frozen Sword: English Version. Trust me everyone will love this story. Keep it up Author! Fighting! Hehe!
itsmecarylann
#2
Chapter 6: i thought Yoona really die.
i don't know why but my tears start to fall while reading this chapter.
goddamn.!
this story is really awesome.
please write an english version too.
everyone will love this story!
shikshinhot24
#3
Chapter 4: ang landi landi ng SooNa <3 <3 <3
itsmecarylann
#4
Chapter 4: It was Sooyoung who saved Yoona..
Awww ♥
Be my knight Sooyoung.........
shikshinhot24
#5
Chapter 1: wohohohohohohohoh SOONA!!DAEBAK!!