The Knight's Tears

The Frozen Sword

 

 

"Ahhh..Prinsesa ka pala ng Royal City." sabi ng babaeng nakasuot ng maskara.

 

"Pero wala akong paki-alam dun." dagdag nito tsaka kinuryente ulit si Yoona.

 

"T...Ta..Tam...Tam....Tama n..na...... Ma..Ma....Ma..Maa....Maaw...Maawa k...ka." pagmamakaawa ni Yoona.

 

"Awa? Pasensya na pero wala ako nun." walang awang sinuntok ng babaeng nakamaskara si Yoona.

 

"T...T...Ta....Tama n..na h...hi...hindi k..ko n.....n..na k...ka..kaya"

 

"Edi mamatay ka na!" sigaw nito.

 

Dahan-dahan nilabas ng babaeng nakamaskara ang kanyang Lightning Katana mula sa Sheath nito. Ito na ang katapusan ni Yoona. Dahan-dahan inangat ni Yoona ang ulo niya para tingnan ito. Nagsimulang umiyak si Yoona. Hindi na niya alam ang gagawin niya ng mga oras na yun. Unting-unti ito lumalapit sa kanya tsaka tinapat sa mukha niya ang matalim na katana. Nakaramdam siya ng kuryente mula sa ulo niya. Nanghihina na talaga siya.

 

"Obligasyon protektahan ng Knight ang Prinsesa" seryosong wika ni Sooyoung habang niyayakap siya nito nung nasa Lost Forest sila.

 

"Sisiguradohin kung ligtas ka palagi"

 

"SOOYOUNG!!!!!!!! NASAAN KA NA BA!!!!!!!"

 

Akma'y puputolin na ng babaeng nakamaskara ang ulo ni Yoona nang matigilan siya. Dahan-dahan niyang nabitawan ang Katana niya tsaka bumagsak. Tiningnan ng babaeng nakasuot ng maskara kung sino bumato sa kanya ng spear. Nagulat siya ng makita niya si Seungri ang Comrade niya. Umiiyak ito habang nakaluhod.

 

"Patawarin mo ako Yuri..."

 

"Pero hindi na tama ang ginagawa mo..."

 

"Ang utos ni Master dukutin lang ang prinsesa."

 

"Hindi niya inutos na patayin ito."

 

"Wala kang kwenta, Seungri!" sigaw ni Yuri habang sinisikap tumayo.

 

Binunot ni Yuri ang Spear na nakabaon sa leeg niya tsaka pinulot ang Katana niya. Mabilis itong tumakbo  papunta sa direksyon ni Seungri tsaka walang awa niya ito sinaksak ng Katana. Sumuka ng dugo ang lalaki sa damit ng babaeng kanina lang nakasuot ng maskara.

 

"T...Tu..Tu..Tuma..Tumaka..Tumakas ka n..na Prinsesa." nanghihinang wika ng lalaki.

 

Tumayo si Yoona pero hindi ito umalis. Lumapit ito kay Yuri at Seungri. Sinubukan niyang abutin ang sugat ng lalaki para gamotin ito, ngunit sinuntok ulit siya ni Yuri. Tumilapon siya sa may bintana at muntik na siyang mahulog dito. Sumuka na rin ng dugo si Yoona sa sobrang lakas ng pagkabagsak niya. Ngunit sinikap niya ulit tumayo kahit alam niyang hindi na niya kaya. Tumingin sa direksyon niya ang babae parang halimaw. Dahan-dahan ito naglakad patungo sa direksyon ni Yoona. Sa sobrang takot niya ay napapaatras siya sa tuwing gumagawa ito ng hakbang palapit sa kanya. Hanggang sa maramdaman niya ang napaka-lamig na hangin. Saka niya napansin isang hakbang paatras ay mahuhulog na siya.

 

"Wow? Talaga? Mas pipiliin mong mahulog ka sa Sky Tower kaysa iligtas ang sarili mo?" nakangiting wika ni Yuri.

 

"Alam mo bang nasa 109 floor na tayo?"

 

"Magpapakamatay ka nalang?" tumawa ng malakas si Yuri.

 

"Oo! Kaysa mamatay ako sa mga kamay mo!" giit ni Yoona.

 

"Paano kong...sabihin kong........i-rerecruit nalang kita kapalit ng buhay mo?"

 

Hindi na sumagot si Yoona, dahan-dahan niyang pinikit ang kanyang mga mata tsaka humakbang paatras. Dumilat siya sa huling sandali. Gusto niyang makita kung gaano ka ganda ang mundo. Kahit sa huling sandali ng buhay niya. Pumikit siya ulit habang nakangiti habang hinihintay ang kamatayan niya. Maya-maya ay tuluyan na siyang nawalan ng malay dahil sa sobrang pagod at sakit ng katawan niya.

 

"Yah prinsesa!" boses ni Sooyoung.

 

Dinilat ko ang aking mga mata para makita ang mukha nito. Awtomatiko akong napangiti nang makita ko itong nakangiti sa akin. Maya-maya ay mas lumuwag ang ngiti nito habang nakatingin sa kanya. Dahan-dahan kong inabot ang kanyang mukha. Laking gulat ko nang mapansin ko ang aking braso at kamay. Wala itong anumang galos. Kanina lang ay naalala niyang sugatan siya.

 

"Bakit prinsesa?" nagaalalang tanong ni Sooyoung.

 

"Wala naman,"

 

Hinawakan ko ang pisngi niya tsaka dahan-dahan akong bumangon. Nang mapansin kong nasa damuhan pala kami. Napaka-tahimik nito at napakaganda ng lugar na toh. Maya-maya ay naramdaman kong niyayakap ako ni Sooyoung. Nakangiti ito na parang isang batang makulit.

 

"Prinsesa, ang himbing ng tulog mo...Hindi pa sana kita gigisingin..."

 

"Pero si Taeyeon gusto ng umalis..." nakasimangot na wika ni Sooyoung.

 

"Umuwi na tayo Prinsesa..." ngumiti uli ito.

 

Abalang hinahanap ni Sooyoung ang pintuan ng tinatawag nilang Sky Tower. Ngunit hindi niya ito mahanap. Nadismaya si Sooyoung kaya tumingala siya sa langit. Nagiisip siya ng paraan kung paano umakyat sa bintana. Kinuyom ni Sooyoung ang kanyang kamay habang nakatingala. Napanga-nga siya nang may mapansin siyang kung ano sa langit. Patuloy pinanuod ni Sooyoung ang bagay na nahuhulog mula sa langit. Maya-maya ay palapit ng palapit ito sa kanya. Tsaka niya napansin hindi ito isang bagay. Kundi isang tao! Isang babae! Napansin niyang pamilyar ang suot ng babae.

 

"Yoona?"

 

Agad tumakbo si Sooyoung sa direksyon kung saan ito maaring bumagsak para sasalo-in ito. Nung malapit na malapit na ito sa kanya ay agad siyang tumalon ng napaka-taas tsaka niyakap ang babae. Napangiti siya nang masalo niya si Yoona ngunit napalitan ito ng taranta ng makalimutan niyang babagsak silang dalawa ni Yoona. Hindi inaasahan ni Sooyoung nang dumikit mukha niya sa dibdib nito tsaka bumagsak sila sa lupa.

 

"Sooyoung....Uwi na tayo"

 

"Y..Y..Yo..Yoona! H..H..Hin..Hind..Hini a..ak..ako ma..makahinga!" protesta ni Sooyoung.

 

 

* * *

 

 

Nang magkamalay si Yoona ay ang una niyang makita ang mga punuan. Sa tingin niya nasa kagubatan siya. Nataranta si Yoona nang maalala niya ang nangyari agad siyang bumangon sa lupa na madaming dahon tsaka niyakap ang sarili niya. Ngunit ng tumingin siya sa paligid niya ay walang tao. Nakaramdam ng takot si Yoona nang pumasok sa isipan niya na baka ginahasa siya ng babaeng tinatawag nung lalaki na Yuri. Ngunit nang tingnan niya ang katawan niya ay nakasuot naman siya ng damit. May mga tela pang nakatali sa mga sugat niya. Maya-maya ay dumating si Sooyoung dala ang mga kahoy. Nang mapansin niyang gising na si Yoona ay agad niyang nabitawan ang mga kahoy tsaka lumapit kay Yoona. Niyakap niya kaagad si Yoona.

 

"Prinsesa..Alam mo bang pinagalala mo ako?"

 

"Wag kang magaalala Prinsesa. Papatayin ko ang mga may gawa sayo nito."

 

Humigpit ang pagkakayakap ni Sooyoung kay Yoona. Agad naman binaon ni Yoona mukha niya sa dibdib nito tsaka humagulgol. Nawala ang takot at lungkot niya nang makita niya ulit ito. Natutuwa siya dahil buhay pa siya. Naramdaman ni Yoona uminit ang balat ni Sooyoung. Maya-maya ay naramdaman ni Yoona may kung anong mainit tubig ang tumulo sa braso niya.

 

"Sorry...Sorry kung nahuli ako." pinipilit nitong ayosin ang pagsasalita niya.

 

"Hindi mangyayari yan sayo kung dumating ako ka agad."

 

"Soo. wag mong si-sisihin sarili mo." pinunasana ni Yoona luha nito.

 

"Hindi mo kasalanan yun, Sooyoung."

 

"Ginawa mo ang lahat para protektahan ako."

 

"Baka patay na ako kung hindi ka dumating."

 

"Soo, salamat...."

 

"Salamat, dumating ka.."

 

"Akala ko mamatay na ako..."

 

"Mabuti dumating ka..."

 

"Salamat..."

 

Pinunasan ni Sooyoung luha ni Yoona. Tsaka tinitigan nila mata ng isa't isa. Pinunasan din ni Sooyoung luha niya tsaka sinandal noo niya sa noo ni Yoona tsaka walang kahirap-hirap siyang binuhat ni Sooyoung.

 

"Wag kang magalala."

 

"Ipaghihiganti kita." seryosong wika ni Sooyoung.

 

"Sooyoung, wag na.."

 

Hindi na ulit sumagot si Sooyoung. Tahimik itong naglakad habang buhat-buhat niya si Yoona. Tumahimik na rin si Yoona, tsaka sinandal niya ulit ulo niya sa dibdib ni Sooyoung. Dahan-dahan niyang niyakap ang leeg nito tsaka umiyak ulit.

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
soosicshipper #1
Chapter 6: Hi. I'm a new reader! I love SooSic, but when I read this story from Foreword to Chapter Six. I started to love SooNa. Do you know you are very Awesome Author! Funny+Drama+Adventure+Fantasy in one story?! I love you Author! Keep it up! We're looking forward for The Frozen Sword: English Version. Trust me everyone will love this story. Keep it up Author! Fighting! Hehe!
itsmecarylann
#2
Chapter 6: i thought Yoona really die.
i don't know why but my tears start to fall while reading this chapter.
goddamn.!
this story is really awesome.
please write an english version too.
everyone will love this story!
shikshinhot24
#3
Chapter 4: ang landi landi ng SooNa <3 <3 <3
itsmecarylann
#4
Chapter 4: It was Sooyoung who saved Yoona..
Awww ♥
Be my knight Sooyoung.........
shikshinhot24
#5
Chapter 1: wohohohohohohohoh SOONA!!DAEBAK!!