Sooyoung's Rage

The Frozen Sword

 

 

Nakahinga ng maluwag nang makarating iya sa kanyang Dorm. Nakaramdam ng pagkatuwa si Yoona dahil nagsimula na siyang matutong mabuhay mag isa. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang kanyang kwarto. Maliit ito kompara sa kwarto niya sa Royal City ngunit maluwag na ito para sa isang tao. Kitang kita din mula sa kwarto niya ang Azuria pag binuksan ang malaking Sliding Door. Agad niyang nilabas lahat ng gamit niya mula sa Luggage. Unti-unti niyang nilipat mga damit niya sa Wardrobe. Nilagay niya rin sa Study Table ang mga libro at kung ano-anong papel. Nilagay niya rin mga Picture frames ng pamilya niya sa Side Table. Nilagay niya sa kama niya ang Rilakkuma niya. Nilagay niya rin ang mga pagkain niya sa Fridge. Nang matapos si Yoona ay nagpahinga muna siya. Maya-maya ay bumangon ulit siya at dahan-dahan naghubad.

 

"Maliligo muna ako." nakangiting wika ni Yoona habang pinagmamasdan niya ang kwarto niya.

 

Dahan-dahan binuksan ni Sooyoung ang bintana ng isang tahimik na kwarto tsaka pumasok siya rito. Hinanap niya si Yoona sa maliit na silid ngunit hindi niya ito makita. Nang madaanan niya ng tingin ang Picture Frames sa Side Table ay agad niya ito kinuha tsaka tiningnan. Nakita niya ang batang Yoona at yung reyna ng Royal City, kasama ang isang hindi pamilyar na lalaki. Pumunta siya sa kusina para hanapin si Yoona ngunit hindi niya ito makita.

 

"Baka lumabas siya." bumuntong hininga si Sooyoung.

 

"Baka pinatawag yun ni Victoria Song para sa Guild Mark niya." binuksan niya ang Fridge ni Yoona para maghanap ng makakain.

 

"Ipagluto ko nalang siya ng Ramen.." nakangiting wika ni Sooyoung.

 

Mahigit isang oras nang lumipas nang matapos maligo si Yoona. Agad siya lumabas sa banyo para makapagbihis. Bago siya nagbihis ay pinagmasdan niya muna ang kanyang Guildmark sa kamay. Napangiti siya habang tinitingnan niya ito. Dati rati pangarap lang sa kanya ang maging membro ng Azuria. Ngayon ay isa na siya sa New Recruit Members ng Azuria. Natutuwa siya dahil madami na siyang kaibigan sa Azuria isa na doon si Victoria Song. Ang isa sa Saint Class ng Azuria. Maya-maya ay natigilan sa pagmumuni-muni si Yoona nang maamoy niya ang Aroma ng isang ramen. Pero hindi naman siya nagluto ng Ramen.

 

"Baka sa kabilang kwarto lang yun Yoona. Nako..."

 

Pinilit ni Yoona pakalmahin ang kanyang sarili. Binalewala niya nalang Aroma ng Ramen. Tila kinombinsi niya sarili niya na baka sa ibang kwarto lang ito. Magbibihis na sana si Yoona nang maramdaman niyang may tao sa likod niya. Agad niyang hinawakan ang towel tsaka hinigpitan niya ang pagkakakapit nito.

 

"Prinsesa, andiyan ka n─" naputol ang sasabihin nito ng sipain siya ni Yoona sa mukha.

 

"SINO KA?! ANONG GINAGAWA MO SA KWARTO KO?"

 

Huli na ang lahat ng mapansin niyang si Sooyoung pala ito. Nakonsensya nang makitang dumudugo ang bibig nito. Marahil ang bibig niya ang nasipa niya. Tinulongan niya itong bumangon mula sa sahig nang malaglag ang kanyang Towel. Natulala si Yoona nang malaglag sa mukha ni Sooyoung ang towel. Nang tanggalin ni Sooyoung ang towel sa mukha niya ay nakatanggap siya ulit ng sipa mula kay Yoona.

 

"A...Ano b...ba k..k...kasa..kasalanan k...ko?" protesta ni Sooyoung.

 

"ANO BA GINAGAWA MO SA KWARTO KO?!" nanggalaiting wika ni Yoona.

 

"Pinuntahan kita sa Dorm mo dahil alam kong mag isa ka ngayon..."

 

"Pinuntahan kita kasi alam kong malungkot kumain magisa..." sumimangot si Sooyoung habang pinupunasan dugo niya.

 

"EDI SANA SINABIHAN MO AKO NA PUPUNTA KA DITO!" sigaw ni Yoona tila hindi parin nawawala galit nito.

 

"Akala ko kasi walang tao kaya tumuloy nalang ako"

 

"Masakit ba?" lumambot ekspresyon sa mukha ni Yoona tsaka hinawakan ang magkabilang pisngi nito.

 

"Sige...Uwi na ako.." nagtatampong wika ni Sooyoung.

 

"Im Yoona....Prinsesa ng Royal City..." bulong ng lalaking nakamaskara habang nakapatong sa punuan.

 

"Knight....Sorry na.." boses ni Yoona.

 

"Ano Boss, kukunin na ba natin ang newbie na yan?" tanong ng isa pang lalaking nakamaskara.

 

"Tsaka na pag wala na yang Flamemaster na yan!" nakangiting wika ng lalaki habang pinapanuod ang dalawang Azurian mula sa bintana.

 

"Oo na prinsesa, Sorry din..." boses ni Sooyoung.

 

"Retreat!" sigaw ng tinatawag nilang Boss.

 

"Siya nga pala pinagluto kita ng Ramen."

 

 

* * *

 

 

Kinabukasan, pumunta si Sooyoung kasama si Taeyeon sa Dorm ni Yoona. Parehong silang excited makita ang prinsesa at ang bagong buhay nito. Nang makarating sila sa labas ng Dorm nila Yoona ay naunang tumalon si Sooyoung sa bintana ng kwarto nito. Dahan-dahan binuksan ni Sooyoung ang bintana nito. Nang nabuksan niya ito ay nagulat siya sa nakita niya. Makalat ang kwarto nito animoy ninakawan ito. Nung tumalon na rin si Taeyeon sa bintana nito ay nagkabangga sila ni Sooyoung. Sasapakin niya sana ito dahil akala niyang sinadya ito ni Sooyoung. Nang sundan niya tingin ni Sooyoung ay nakita ni Taeyeon kung gaano ka kalat ang kwarto nito may mga bakas pa ng dugo sa sahig ng kwarto nito.

 

"Prinsesa!" sigaw ni Taeyeon.

 

Agad naghalughog si Sooyoung at Taeyeon sa kwarto ng prinsesa. Hinanap nila ito mula sa banyo at kusina ngunit hindi nila ito matagpuan. Nagsimula ng kabahan ang si Sooyoung at Taeyeon. Agad tiningnan ni Taeyeon si Sooyoung dahil nagaalala siya para dito. Nagulat siya nang makita niya galit na galit ito at namumula ang mga mata nito.

 

"Fire pupunta ako sa Headquarters, babalitaan ko sila sa nangyari kay Yoona."

 

Hindi na hinintay ni Taeyeon sumagot si Sooyoung. Agad siyang tumalon mula sa bintana at tumakbo papunta sa Headquarters ng Azuria. Habang si Sooyoung naman ay nanatiling nakatayo. Halos hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa. Halos hindi siya makahakbang. Nadaanan ng tingin niya ang Rilakkuma ni Yoona. Napansin niya may logo ito ng Crimson Slayer guild. Agad niya itong kinuha tsaka tiningnan niya ito nang maigi.

 

"HAYOP KA KWON YURI!" sigaw ni Sooyoung tsaka tumalon ito mula sa bintana.

 

"PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!"

 

Mabilis tumakbo si Sooyoung papuntang Woodspring Forest. Kahit ilang beses siyang nadapa sa sobrang pagmamadali niya. Nihindi siya nakakaramdam ng pagod kahit ilang milya na ang tinakbo niya. Unti-unti na niyang nakikita ang Portal papasok sa The Lost City ang Headquarters ng Crimson Slayer Guild. Hindi nagdalawang isip si Sooyoung na pumasok sa Portal kahit na alam niyang madami siyang makakalaban sa loob. Sa unang pagkakataon, inisip niya kapakanan ng comrade niya kaysa sa sarili niyang buhay.

 

"INTRUDER!" sigaw ng Commandant.

 

"SUGURIN!" sigaw ng mga ito.

 

"Sugod mga weaklings." nakangising wika ni Sooyoung.

 

Hinintay ni Sooyoung sumugod ang mga Imperial Guards. Nang makita siya ng mga ito ngumisi ay para bang nainsulto ang mga ito kaya sumugod ito ng hindi nagpa-plano. Yumuko si Sooyoung tsaka hinawakan ng dalawang kamay niya ang sahig. Ngumisi ulit si Sooyoung habang pinapanuod ang mga ito sumugod sa kanya.

 

"LAVAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA...."

 

"EXPLOSION!" sigaw ni Sooyoung.

 

Natigilan ang mga Imperial Guards ng biglang nagliwanag ang kamay ni Sooyoung. Huli na ang lahat ng malaman nilang isa pala itong Fire Wizard. Huli na ang lahat ng malaman nilang ito ang pinakamagaling Fire Wizard sa Korea. Yung ibang Imperial Guards ay nagsimula ng tumakbo papalayo sa Fire Wizard ngunit napakabilis ng pangyayari. Nang maginit ang sahig ay lumiwanag ang buong Lost City hanggang sa masilaw sila. Tsaka sabay pumutok ang lupa. Nang dumilat ang Commandant ay laking pasasalamat niya nang makaligtas siya sa pag sabog ng lupa, agad naman nawala ang saya niya nang makita niyang naglalakad palapit sa kanya ang Fire Wizard tsaka walang kahirap-hirap nitong hinablot ang kanyang vest. Tsaka kinuyom ni Sooyoung ang kabila niyang kamao at nagsimula itong nag-apoy.

 

"Nasaan si Yoona?" tanong ni Sooyoung.

 

"S...Si K..K...K..Kwon l..l..la..lang na..naka..nakaka..nakakaalam k..kong n..na..na...nasaa...nasaan a..a..ang b..ba...babae n..ng..nga..nga..ngayon...."

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
soosicshipper #1
Chapter 6: Hi. I'm a new reader! I love SooSic, but when I read this story from Foreword to Chapter Six. I started to love SooNa. Do you know you are very Awesome Author! Funny+Drama+Adventure+Fantasy in one story?! I love you Author! Keep it up! We're looking forward for The Frozen Sword: English Version. Trust me everyone will love this story. Keep it up Author! Fighting! Hehe!
itsmecarylann
#2
Chapter 6: i thought Yoona really die.
i don't know why but my tears start to fall while reading this chapter.
goddamn.!
this story is really awesome.
please write an english version too.
everyone will love this story!
shikshinhot24
#3
Chapter 4: ang landi landi ng SooNa <3 <3 <3
itsmecarylann
#4
Chapter 4: It was Sooyoung who saved Yoona..
Awww ♥
Be my knight Sooyoung.........
shikshinhot24
#5
Chapter 1: wohohohohohohohoh SOONA!!DAEBAK!!