Tears

The Frozen Sword

 

Narrator: Please re-read the Foreword because I change everything .. Happy SooNa Day SooNatas ! <3

 

 

"Pwede bang magpahinga muna tayo?" suhesyon ni Sooyoung kay Yoona at Taeyeon.

 

"Ok lang sa akin" sagot ni Yoona tsaka umupo sa tabi ni Sooyoung.

 

"May magagawa pa ba ako?" naiiritang humiga sii Taeyeon sa ugat ng puno malapit kay Sooyoung at Yoona.

 

"Sya nga pala sabi ni Ina ibigay ko raw ito sa inyong dalawa. Paghati-hatian nalang natin ok?" nakangiting wika ni Yoona.

 

"Pagkain ba yan?" tanong ni Sooyoung

 

"Oo isang Kimbap" sagot ni Yoona.

 

"Anong Kimbap?" tanong ni Sooyoung habang pinagmamasdan ang bilogan na pagkain.

 

"Hindi ka pa ba nakakain ng Kimbap?"

 

"Hindi pa kami nakakatimik ng Kimbap, isang buhay na pugita palaging pinapakain sa amin" sabat ni Taeyeon.

 

"Mukhang masarap!"

 

"Tae, halika ka na" pagyaya ni Yoona.

 

"Kulang pa yan kay Sooyoung"

 

"Ang saraaaaaaaaaaaaaaaaap nito!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Sooyoung.

 

"Masarap talagang gumawa ng Kimbap si Mama, specialty nya kasi yun" ngumiti si Yoona.

 

"Ice, akin nalang to ha" akmay kukunin na ni Sooyoung ang Lunch Box ng paluin siya ni Yoona sa kamay.

 

"CHOI─SOO─YOUNG"

 

"Sorry, halika Tae" napabuntong hininga nalang si Yoona habang niyaya si Taeyeon.

 

 

* * *

 

 

Pauwi na sana si Sooyoung sa palahingahan nang madaanan niya si Taeyeon. Hindi nito napansin ang presensya ni Sooyoung kaya lumapit siya rito. Mukhang abala ito pero hindi nya matukoy kung ano ginagawa nito. Kaya tinanong nya ito.

 

"Ice! Anong ginagawa mo dyan?"

 

"Sssshhhh!" pagsaway ni Taeyeon sa kanya.

 

"Ano ba sinisilip mo dyan?" bulong ni Sooyoung.

 

"Wala naman Syoo"

 

"HOY IC─" agad naman tinakpan ni Taeyeon bibig ni Sooyoung para mapagilan ito sa pagsasalita.

 

Kaya pinayagan nya sumilip si Sooyoung para tumahimik ito. Agad namang sumilip si Sooyoung at nakita nyang naliligo si Yoona. Naningkit isang mata nya nang dahil sa nasaksihan nya at napaurong siya. Nagsimulang nag init pisngi nya. Agad nyang tiningnan ng masama si Taeyeon ng makabawi mula sa matinding pagkakagulat. Agad nyang binato ng talisman si Taeyeon.

 

"ANO BA SA TINGIN MO GINAGAWA MO?!" sigaw ni Sooyoung.

 

"TAEYEON KIM!"

 

"SOOYOUNG CHOI!"

 

Halos sabay silang napatingin sa may ari ng boses at pareho silang napalunok ng laway. Tumikhim si Taeyeon at tsaka nagsimulang tumakbo palayo kay Fire at Yoona. Hindi na siya lumingon sa sobrang takot. Hindi na nya alam kung anong nangyari sa matangkad nyang kaibigan.

 

Tiningnan ng masama ni Yoona si Sooyoung habang nagkibit-balikat tila naghihintay nyang magpaliwanag si Sooyoung. Wala namang masabi si Soououng sa Prinsesa dahil kinakabahan siya pero hindi niya ito pinapahalata.

 

Ngumiti si Sooyoung bago nag salita. "Mahal na Prinsesa?"

 

Nag black out ang paningin ni Sooyoung nang sapakin siya ng Prinsesa. Hindi naman sa masakit ito pero sinadya nyang matumba nalang para hindi na ito magalit sa kanya.

 

 

* * *

 


Halos mamatay kakatawa si Taeyeon habang kinukwento ni Sooyoung ang nangyari. Halos maiiyak naman si Sooyoung dahil galit sa kanya ang Prinsesa. Ayaw nyang magalit ito sa kanya. Ayaw nyang ganun ang first impression sa kanya ng Prinsesa.

 

Tumigil sa pagtawa si Taeyeon ng umupo si Yoona sa harap nilang dalawa. Tiningnan naman ni Yoona si Taeyeon ng masama. Agad naman tumayo si Taeyeon at yumukod ng ilang beses para humingi ng tawad sa harap ng Prinsesa. Bakas sa mukha nito ang pagiging sinsero sa paghingi ng tawad.

 

"Patawarin niyo ako mahal na Prinsesa hindi naman sinasadya." kaswal na wika ni Taeyeon,

 

Nagulat si Sooyoung ng ngumiti lang ang Prinsesa kay Taeyeon bilang sagot nya rito. Ito naman ang pasimuno ng pangboso nila sa Prinsesa. Tila napatawad na siya nito. Nakaramdaman ng pagka-api si Sooyoung dahil sinaway nya lang naman si Ice. Pero bakit sa kanya lang galit ang Prinsesa?

 

"Ok knight napatawad na kita" malumanay na wika ni Yoona.

 

"Pero prinsesa sya naman ang pasimuno nun eh!"

 

"Bakit ako lang sinapak mo?"

 

"Si Taeyeon lang naman nangboso sayo. Nahihiya nga ako sayo Prinsesa."

 

"Bakit siya napatawad mo Prinsesa?"

 

"Bakit Sooyoung sinabi ko bang sumilip ka?! Pinilit ba kita?"

 

"Ayuko nang pagusapan ito"

 

"Ang bias mo naman Prinsesa. Porket ba mas gusto mo si Taeyeon kaysa sa akin ay nagiging sarado ka na sa akin!" padabog tumayo si Sooyoung tsaka naglakad ito palayo sa dalawa.

 

Agad naman ginamit ni Taeyeon ang Glacier Wall nya para pigilan sa pag alis si Sooyoung. Pero walang kahirap-hirap itong dinurog ni Sooyoung gamit ang Lava Fist nya. Sinubukan naman ulit harangan ni Taeyeon si Sooyoung gamit ang Ice Shield nya pero hindi parin siya nagtagumpay. Tinunaw niya ito gamit ang nagaalab nyang kamay. Tiningnan nya muna ng masama si Taeyeon bago tuluyan umalis.

 

"Sooyoung" bulong ni Yoona habang sinusundan ng tingin likod ni Sooyoung.

 

 

* * *

 


Madaling araw na ay wala parin si Sooyoung sa palahingahan nila. Hinanap niya ito pero hindi nya ito makita. Naalala ni Yoona pumunta ito sa Lost Forest kaya nag desisyon si Yoona hanapin ito. Kahit na takot na takot siya sa kagubatan, lalong lalo na't pag madalim.

 

Hindi nagdalawang isip si Yoona hanapin si Sooyoung sa kagubatan. Nung una ay hindi pa nya nararamdaman ang takot sa puso nya. Pero nung nasa kalagitnaan na siya ng kagubatan ay napansin nyang may nagsisilitawan na mga umiilaw na mata na nakatingin sa kanya. Unting-unti napa-atras si Yoona sa sobrang takot. Gusto nyang tumakbo pero hindi naman siya makakilos.

 

"Kung lalapit kayo sa akin ay papana-in ko kayong lahat" panakot ni Yoona sa mga ito.

 

Pero sa tingin nya sa mga ito ay hindi nakikinig at hindi marunong matakot. Walang nagawa si Yoona kundi umatras ulit. Nagsimula na syang nanginig sa sobrang takot. Maya-maya isa-isa itong umungol at naglakad palapit sa kanya.

 

"SOOYOUNG!!!!" sigaw ni Yoona.

 

Mula sa di kalayuan ay narinig nya ang boses ng Prinsesa at tinatawag nito pangalan nya. Nung una ay akala nya guni-guni nya lang ito. Pero tumayo siya at dinampot mga gamit nya para hanapin si Yoona.

 

Ilang segundo rin nag ikot si Sooyoung hanggang sa makita nya si Yoona. Napangiti siya pero maya-maya ay napalitan ito nang pagaalala nang mapansin nyang may mga Wolf na palapit sa Prinsesa.

 

"Prinsesa!!!"

 

Maya-maya ay nalaglag si Yoona sa bangin. Nataranta si Sooyoung kaya hindi nya nakontrol ang apoy sa mga kamay nya. Hindi niya napansin napakalakas pala nito. Nang suntokin nya ang lupa ay nadamay si Yoona mula sa bangin kaya tuluyan nyang bitawan ang bato kung saan kumakapit si Yoona.

 

Kagat-kagat naman ni Yoona ibabang labi nya dahil pinipigilan nyang umiyak kasi natatakot siya sa sitwasyon nya sa mga oras na yun. Halos tuluyan na siyang habang tinitingnan kung gaano kalalim ang bangin. Biglang umalog ang lupa at nahulog ang batong kinakapitan nya. Alam nyang mahuhulog na siya. Kaya nagdesisyon siyang pumikit nalang at tanggapin ang nakatakdang kamatayan nya. Siguro nga'y hanggang dito nalang ang buhay nya. Bumilis tibok ng puso ni Yoona ng maramdaman ang isang kamay na nakahawak sa pulso nya. Mainit ang kamay nito at alam nya kung kaninong kamay ito. Nang dumilat sya tama nga siya. Ito nga si Sooyoung. Ang unang nakita nya.

 

"Kumapit ka lang, Prinsesa"

 

Walang kahirap-hirap inangat ni Sooyoung si Yoona mula sa pagkakahulog sa bangin. Alam ni Yoona ligtas na siya. Walang nasabi si Yoona pero umiyak lang siya sa dibdib nito.

 

"Salamat" naiiyak na wika ni Yoona.

 

"Ok lang yun. Obligasyon protektahan ng Knight ang Prinsesa" niyakap siya ni Sooyoung nang napaka-higpit.

 

"Tahan na Prinsesa"

 

"Hindi na mauulit yun, Prinsesa"

 

"Sisiguradohin kung ligtas ka palagi"

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
soosicshipper #1
Chapter 6: Hi. I'm a new reader! I love SooSic, but when I read this story from Foreword to Chapter Six. I started to love SooNa. Do you know you are very Awesome Author! Funny+Drama+Adventure+Fantasy in one story?! I love you Author! Keep it up! We're looking forward for The Frozen Sword: English Version. Trust me everyone will love this story. Keep it up Author! Fighting! Hehe!
itsmecarylann
#2
Chapter 6: i thought Yoona really die.
i don't know why but my tears start to fall while reading this chapter.
goddamn.!
this story is really awesome.
please write an english version too.
everyone will love this story!
shikshinhot24
#3
Chapter 4: ang landi landi ng SooNa <3 <3 <3
itsmecarylann
#4
Chapter 4: It was Sooyoung who saved Yoona..
Awww ♥
Be my knight Sooyoung.........
shikshinhot24
#5
Chapter 1: wohohohohohohohoh SOONA!!DAEBAK!!