Sabaw

Akin ka na lang, please?

NO ONE’S POV

Nang makauwi ka, kinuha mo agad yung laptop at sinearch ang EXO. Clinick mo yung picture nila na kumpleto sila. Napaka dami naman! Parang Super Junior… Who’s who? Hanggang nagyon nga yung Super Junior di ko pa rin kabisado eh! Aish!. Tinitigan mong mabuti ang mga nasa litrato… Hanggang sa…. Oy! Gwapo to ha, infairful! Sabay turo sa lalaking di kalakihan na medyo mahaba ang baba. Pero may deadly weapon. Hahaha, chareng! Masearch nga….

 

-------------------------------------------

 

Ah! Byun… Baekhyun! Sinearch mo lahat about kay Baekhyun, nanuod ka ng mga videos nya at ng mga music videos nila. Ayyy, ang ganda pala ng boses nya~ Pinakinggan mo lahat ng mga kanta nila hanggang sa makatulog ka.

 

MORNING

 

Haru’s POV

 

“HARU!!!! ANAK NG!! ANONG ORAS NA!!! MAY PASOK KA PA!!!!!!” ang ingay naman. Magigising naman ako eh… “KANG HARU!!!!!!!” makabangon na nga baka ako pa sisihin ni Umma pag nasira vocal chords nya. Aish! Pagbaba ko para kumain ng almusal, as usual puro talak na naman ang nanay ko. Ano pa bang aasahan mo sa Asian moms? Nagmadali na lng akong kumain para makapasok na baka kasabay ng pagkasira ng vocal chords ng Umma ko, kasabay rin nang pagkabasag ng ear drums ko.

 

Sa school, madaming tao.. nagtatakbuhan na naman yung mga babae nung parang sa mall. Siguro may program? Sana nga, para walang klase at makatulog ako. Hindi ko lang pinansin at pumasok na ako sa room ko. Nakakapagtaka, malapit na ang time namin pero wala pa gaanong tao sa room namin. Halos puro lalaki ung naiwan. Umupo na ko sa upuan ko at dun pinagpatuloy ang naudlot kong tulog.

 

Nung medyo feel ko mahaba haba na ang nalalakbay ko, nakakarinig ako sa paligid ng mga nagpipigil na tili ng mga babae, mga nagbubulungan at tumatawa. Hindi ko pa rin pinansin, hanggat di ko pa rin naririnig boses ng teacher namin, di ako gigising! “Haru-yah?” May narinig akong bumulong sa kanan ko.. “Hmmm?” lang ang sagot ko dahil wala ako sa mood harapin sya at kausapin. “Haru-yah, gising na” Bumulong na naman sya. Lalaki sya, naisip ko baka isa lang sa mga kaklase ko at pinagtitripan lang ako. “Wala pa naman si mam, kaya tantanan mo ko!” Sinabi ko sakanya habang nakayuko pa din. Nagsigawan na naman yung mga babae. Bwisit naman!!! Kinalabit ako nung bumubulong, “Haru yah!!!” Nainis na ko bibigyan ko ng leksyon to! Inangat ko ang ulo ko, “ANO BA PROBLEMA MO?! NATUTU—log … yung … tao eh~” Humina at nagputol putol yung sinabi ko dahil sa nakita ko. Lalaking nasa 1 inch lang ang layo sa mukha ko at nakangiti. Natulala, napanganga at napakurap ako ng dalawang beses. Nagsalita sya, “Mianhe, kung naistorbo ko ang tulog mo.” Sabay ngiti. Tulala pa rin ako pero napalunok ako dahil sa ngiti nya. Ang tagal kong natulala sa kanya hanggang sa parang nag refill ng laway ang lalamunan ko para mag salita, “Byun… Baekhyun.”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
#1
looks good!