CUTE!!!

Akin ka na lang, please?

Baekhyun’s POV

 

Mahal ko mga fans naming. Kung di dahil sa kanila, di kami sisikat ngayon. Pero……. Grabe lang!!!! Nakakabingi na mga tilian. Aish… magpe-perform kami dito ngayon sa isang di ganun na kalakihan na eskwelahan pero lahat yata ng babae dito e fans namin. Hihihi!

 

Binigyan kami ng pagkakataon para ikutin yung buong school. Nakasunod pa rin samin yung mga babaeng kanina pa nagtititili at kinukunan kami ng picture. “Hyung, bat ganun? Bat wala akong makitang maganda?” bulong ni Sehun sakin. Siniko ko sya, “Sino ba may sabi sayo na maghanap ka ng maganda? Ikaw talaga!” Habang naglalakad, nakikita din naming yung mga room na wala gaano tao dahil nga lahat nakasunod na samin. Kung meron man, lalaki lang halos mga natira.

 

Hanggang sa nadaan kami sa isang room, may nakita akong iilang lalaki na nagkukwentuhan at isang babae na nakayuko sa table nya. Natutulog yata? … Aba, babae? Himala! Di sya isa sa mga sumusunod samin? Hindi ko alam, pero naintriga ako. Bigla na lang akong pumasok sa room nila at umupo sa tabi nya. “Jogiyo, anong pangalan nya?” Tanong ko sa lalaking nakaupo sa likod nya. Sinilip nung lalaki yung tinutukoy ko pero kumunot yung noo nya. Kinalabit nya yung katabi nya, “Pre, sino ba yan?” Hala, classmate nila di nila kilala? Sinilip din sya nung isang lalaki pero napakunot lang din ung noo at medyo nag-isip….. “Ah oo, si Haru yan. Kang Haru! Pasensya hyung, di po kasi masalita yan eh kaya medyo di naming minsan nararamdaman existence nya.” Wow, ang hard ah? “Ok, salamat!”

 

Nag lean forward ako kay Haru. “Baekhyun, ano ba ginagawa mo dyan? Baka magalit si Manager hyung!” Narinig ko si Chanyeol na pumasok na rin sa classroom. Hindi ko sya pinansin… “Haru-yah?” binulungan ko sya baka kasi di nya ko marinig dahil sa ingay ng mga babaeng nasa labas. “Hmmm?” Uy, sumagot! Hehehe. Gusto ko makita mukha nya… “Haru-yah, gising na.” Hindi pa rin sya gumagalaw sa pwesto nya, “Wala pa naman si mam, kaya tantanan mo ko!” Ang sungit naman! Hehehehe… Asarin ko pa nga. This time, kinalabit ko na sya “Haru-yah!!”

 

Gumalaw sya onti mukang naiinis na. Di rin nagtagal, inangat nya rin ulo nya at humarap sakin, “ANO BA PROBLEMA MO?! NATUTU—log … yung … tao eh~” Yung sigaw nya, naging mahina at nagputol-putol nung nakita nya ko. Nagulat sya at napanganga, siguro dahil sa nakita nya ko o dahil ang lapit ng mukha naming sa isa’t isa. Ang cute nya pala!!! Nagsalita ako, “Mianhe kung naistorbo ko ang tulog mo.” Sabay ngiti baka ngitian nya rin ako baka kasi mas cute sya pag nakangiti sya. Pero lunok lang ang nakuha ko mula sakanya. Tulala pa rin sya… Ang tagal nyang ganun hanggang sa, “Byun…. Baekhyun” Ang cute nya talaga!!!! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
#1
looks good!