Inhaler

Akin ka na lang, please?

NO ONE'S POV

Bumaba si Baekhyun ng kotse at binati ka, "Annyeong, Haru yah!" Tinignan mo syang mabuti bago sumagot, "Annyeong... oppa." with awkward smile. "Bakit ka naglalakad?" tanong nya. Isenenyas mo sakanya na naka school uniform ka para malaman nya ang sagot sa tanong nya. "Ahhhh, sorry naman. Gusto mo hatid na kita?" Nagulat ka sa tanong nya. Pag hinatid ako neto, makikita ng ibang estudyante na nanggaling ako sa kotse nya. Ang tahi tahimik ng  buhay ko, baka gumulo dahil lang sa pagpayag kong paghatid nya sakin. "Ay, hindi! Wag na... hehehe. Dyan lang naman school ko e. Tsaka ano kasi.. ano... exercise na din tong paglalakad ko. Lam mo na.. Syempre umaga.. Mga ganon... hehehe" Napakamot ng ulo si Baekhyun, "Uhm, edi sabayan na lang kita maglakad." Alok nya uli. Ang shunga talaga neto, parang hindi idol kung mag-isip eh. Edi lalo syang nakita ng ibang estudyante, edi lalo din akong magugulo neto. Ang dami ko pa namang nakakasabay ng estudyante sa susunod na kanto. Buti na lang dito walang dumadaan kaya walang nakakakita na kausap nya ko. "Naku, marami ng estudyante sa susunod na kanto. Baka may makakilala sayo. Kawawa naman ako, diba?" Straight to the point mong sagot at na gets nya naman agad yun. Tumingin si Baekhyun sa relo nya, "Sure ka na may makakasabay tayo? E ang aga mo para sa 8am na pasok." Nilabas mo ang cellphone mo at tinignan ang oras, 5:30am pa lang. Medyo nag blush ka sa hiya pero may dahilan ka naman kung bakit ka maaga pumapasok. "Ano kasi... sinasadya ko yun. Maingay na kasi sa bahay... Si Umma, hindi matigil ang bunganga. Yung nakababatang kapatid ko naman, patugtog ng patugtog ng kung ano ano. Hindi ako makatulog ng maayos kaya inaagahan ko ang pasok ko para sa room na lang ako magpapatuloy ng tulog hanggang sa magsimula ang klase." Sagot mo with awkward laugh. "Ahhh, kaya pala tulog ka nung unang pagkikita natin?" mabilis nyang sagot habang nakangiti. "Gusto mo ba muna mag kape dyan lang sa malapit na coffee shop?" Turo nya sa likod nya kahit puro pader lang naman ang nasa likod nya. Nagpapatawa ba to? Eh gusto ko ngang matulog tapos aayain akong mag kape?! "Ah... sige..."

 

HARU'S POV

Bakit ganun parang pamilyar yung mga taong nandito? Parang sila yung mga pinapanuod ng kapatid ko. Dumating na si Baekhyun oppa dala ang mga kape at dalawang slice ng cake. Makakain ko ba to e kumain na ko sa bahay eh. "Hmmm, oppa? Nasaan ba tayo? Kasi parang pamilyar sila sakin eh. Sila ata yung laging pinapanuod ng dongsaeng ko?" Tumawa ng mahina si oppa. Ay ganon? Tawa tawa na lang? "Nandito tayo ngayon sa SM cafe. Coffee shop to ng entertainment kung san kami nagtatrabaho. Mahilig ba sa kpop ang kapatid mo?" Mabilis akong tumango sa sagot nya habang sinubo ang kapiraso ng cake. "Yang mga nakikita mo, mga kapwa Kpop idols ko yan at yung iba staffs." Nanlaki mga mata ko. Ibig sabihin, nakakasabay ko mag kape tong mga sikat na tao na to at Diyos kung ituring ng kapatid ko? Huh! Pag nalaman to ni Ha Neul, mag iiiyak yun sa inggit. Bwahahaha!

 

"Magkwento ka naman about sayo. Mahaba pa oras oh." Bigla nyang sabi. Ano ba to, pa iba iba ng topic. "Magtanong ka na lang, tas sasagutin ko." Ayoko nga magsimula magkwento. Ayoko pa ilabas kadaldalan ko. Hehehe... "Ilan kayo sa pamilya?" tanong nya. "Hmmm, sa ngayon tatlo lang kami. Si Umma, ako at si Ha Neul yung nakababata kong kapatid." Sagot ko sabay higop ng kape. "Ahhh, ikaw ang panganay? Nasan ang Appa mo?" Sunod nyang tanong. "Hindi, may oppa pa ko. Si Han Gyong oppa. Nasa military sya ngayon. Yung appa ko naman, wala na sya. Namatay sya sa heart attack noong 2008." Pero nag smile pa rin ako alam ko namang mag-aalala sya. Kahit sino naman, diba? "Ay, sorry ha?" Nag aalala nyang sagot. Sabi na eh! Hehehe.. Ngumiti lang ako, hindi na rin naman na sya nag tanong, na awkward-an yata sa sitwasyon. Kaya in-enjoy ko na lang yung ambiance. Ang ganda dito, pwede kaya mag apply ng part time dito?

 

Pero biglang may nagsalita na nanggagaling sa likod ko. "Baekhyun-ah! San ka ba galing? Kanina ka pa hinahanap ni...." Sht, yung boses. Kilala ko yung boses! Hindi ako makatayo, gusto ko nang umalis dito! Teka, bat tumigil sya. Sinilip nya ko mula sa likuran ko at nagkatinginan kami. Malapit ang mukha nya sa mukha ko na halos di na yata ako makita ni Baekhyun oppa dahil hinarangan na ng ulo niya. "Haru...." Nabasa ko sa bibig nya pero walang tunog. Hindi ako makahinga.... Hinabol ko ang hininga ko... Lumalabo paningin ko...  Nataranta si Chanyeol... "Nasan ang bag nya?!" Tanong niya kay Baekhyun. Inabot naman ni Baekhyun ang bag ko na nakalagay sa bakanteng upuan. "Anong nangyayare?!" Hindi pinansin ni Chanyeol si Baekhyun at tuluyang binuksan ang bag ko at naghanap. "Haru ya, nasan dito?!" Hindi na ko makapagsalita, kaya tumuro na lang ako. Hanggang sa naramdaman ko na ang inhaler ko sa bibig ko. Nagpahinga ako ng konti, "Ayos ka lang ba, Haru?" Tanong ni Baekhyun sa akin. Tumango ako at tumayo. "Kailangan ko nang pumasok... Salamat oppa!" Patakbo akong lumabas. "Teka, wag kang tumakbo!" Pahabol ni Baekhyun... "Ihahatid na kita! Baka atakihin ka sa daan!" Tumingin ako sa kanya at nakitang papalapit sa akin. Nakita ko si Chanyeol sa loob ng cafe na nakatayo lang sa pwesto namin kanina. "Hindi, wag na. Mag tataxi na lang ako. Salamat uli, oppa!" Nag bow ako at tamang tama may dumaan na taxi, pinara ko at sumakay na ko. 

 

NO ONE'S POV

Bumalik si Baekhyun sa loob ng cafe kung saan naiwan si Chanyeol. Kumunot ang noo nya at nagtanong, "Magkakilala kayo?"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
#1
looks good!