Isang linggo

Akin ka na lang, please?

Ang laki na ng pinag bago nya.... Mas naging mature ang itsura nya. Kaya siguro di ko sya nakilala nung sinearch ko ang EXO. Pero yung... yung mga mata nya... hindi pa rin nagbabago kung paano nya ko titigan. Hinawakan ko ang dibdib ko, pati puso ko ganun pa rin ang reaksyon tuwing nakikita sya. Pero this time may halo ng sakit kaya inatake ako ng hika. "Miss, nandito na tayo." Ay, nasa school na pala ako. Sabagay, malapit lapit lang naman ung pinanggalingan ko. Nagbayad ako at bumaba ng taxi. Kainis, nabawasan tuloy allowance ko. Tinignan ko ang cellphone ko, may oras pa ko para matulog! Itutulog ko na lang lahat. Papasok na ko sa gate ng biglang...... 

 

Mabilis ang mga pangyayari, naramdaman ko na lang nasa loob na ko ng  kotse. Hindi ko kilala yung driver, hindi rin ito yung kotse ni Baekhyun... o baka naman... tumingin ako sa kaliwa ko.... si Chanyeol, naka de kwatro at crossed arms. Bubuksan ko na sana ang pinto para lumabas pero nag salita si Chanyeol... "Ahjussi!" Pagkasabi nya nun, biglang nag click yung lock ng pinto. "Ano... ba?! May pasok pa ako e... Ahjussi, please paki bukas naman po." Pilit ko pa rin binubuksan ang pinto. "Bakit hindi ka sakin makiusap?" Hindi pa rin sya nakatingin sa akin. "Hindi mo na ko matatakasan ngayon.. Ahjussi, dun tayo sa sinabi ko." At umandar ang kotse. Tinitigan ko lang sya. Galit ba sya? "Chanyeol...ssi" bulong ko. Tumingin sya sakin at tinitigan ako... huminga ng malalim at nagsalita, "Bogoshipoyo." Napalunok ako sa sinabi nya. Narinig ko ring nag crack ang voice nya habang sinasabi nya yun. Hihikain na naman yata ako! 

 

Bigla akong nagising nung naramdaman kong malalaglag ako. Binuksan kasi ni Chanyeol ang pinto ko. Nakatulog pala ako at napasandal sa pinto, buti na lang nasalo nya ko. "Nandito na tayo." Bwisit talaga na boses yan! Bumaba ako ng kotse at tumingin sa paligid. Ang layo yata nang narating namin? Hmmm, pero parang pamilyar. Nagulat ako nung biglang umandar yung kotse. "Uy, san pupunta yun?!" tanong ko habang sinundan ng tingin ang kotse. Hindi ako pinansin ni Chanyeol, hinila nya lang ako papunta sa bahay na nasa harapan namin. "Chanyeol ssi, ano ba?! San ba kasi tayo pupunta?! Anong ginagawa natin dito?! May pasok pa ko oh... Tsaka si Umma, magagalit yun pag nalaman nyang hindi ako pumasok!" Hindi nya ko pinansin. Binuksan nya ang lock ng pinto gamit ang kaliwang kamay habang hawak nya naman ako gamit ang kanyang kanang kamay. Pinasok nya ko at nagtanggal muna ng sapatos. "Chanyeol ssi, ano ba?!" Naiinis na ko. Binitawan nya ko at humarap sya sakin, "Pinagpaalam na kita sa Umma mo, pumayag naman sya. Pati sa school mo na isang linggo kang mawawala." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, "Isa.... isang linggo?! Ano? Bakit? Anong... kailangan mo sakin?! At nasaan ba tayo?!" Hinila nya ko papunta sa isang kwarto. Tinapat nya ko sa bintana na may katapat ding bintana ng katabing bahay. "Hindi mo ba naaalala yan?" Tanong nya sakin. Halos sumikip na naman ang dibdib ko nang maalala ko kung ano ang sinasabi nya. Dahil sa mga binatana na yan, nagkakilala kami ng mokong na to. Yung bintana sa kabilang bahay ay ang bintana ng kwarto ko dati at ito namang kinatatyuan namin ay ang kwarto nya. In short, nandito kami sa dating bahay nila. Hinawakan ko ang dibdib ko. Hinawakan ako ni Chanyeol, "Hinihika ka na naman ba?!" Umiling ako, "Hindi, ayos lang ako." Umupo ako sa dati nyang kama, nandito pa din ung ibang gamit nila. Umupo rin sya sa tabi ko, "Hikain ka pa rin pala." Ngumiti ako, "Oo, mas lumala pa nga ata eh." Nakatingin pa rin ako sa bintana at ganun rin sya. "Natakot talaga ako kanina, kala ko... mauulit na naman yung dati." Sabi nya. "Lagi ka namang natatakot pag inaatake ako. Kaya nga iniwan mo ko diba?" Naramdaman kong tumingin sya sakin, "Haru..." Nag smile ako, "Joke lang! Hahaha! Ang seryoso mo naman!" Tumayo ako, "Oh ano? Kumain ka na ba? May mailuluto ba dito?" Lumabas ako sa kwarto at nagpunta sa kusina. Naiwan syang nakaupo sa kama.

 

Tumayo ako sa tapat ng kitchen sink, kinuha ko ang inhaler sa bulsa ng uniform ko at sinubo. Hindi na yata ako makakaabot ng isang linggo dito. Bago pa yata mangyari un, patay na ko. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
#1
looks good!