Flashing Back

Akin ka na lang, please?

EXO'S DORM

Baekhyun's POV

*Typing* Kang.... Haru... Hmmmm... Ayun, buti na lang may facebook sya! Clinick ko yung profile picture nya... Haaay, ang cute nya talaga.

 

Naramdaman kong pumasok si Chanyeol sa kwarto, "Bekhyun, ano ba yung.... uy! Sino na naman... ay! Diba sya yung babae sa school?" Tumango lang ako. Busy ako sa pagtingin ng pictures nya noh! "Type mo?" tanong ni Chanyeol. Ang seryoso naman ng pagkakatanong nya. Hmm, type ko nga ba? tanong ko sa isip ko. "Hindi noh! Nakita ko lang to sa suggested friends eh, tinignan ko lang kasi familiar!" Sabi ko kay Chanyeol habang nakatalikod pa rin sakanya. "Okay, sabi mo eh.... Hmmm, nakalimutan ko na tuloy sasabihin ko. Balik na lang ako mamaya pag naalala ko." Naramdaman kong binuksan nya ang pinto, "Pero, ang ganda nya. Anong pangalan nya uli?" pahabol nya. Lumingon ako sakanya, "Umalis ka na nga! Naiirita ako sa laki ng boses mo e!" Lumabas rin sya at sinara ang pinto. Lokong yun! Balak pa kong agawan? ....... Agawan?! Gusto ko ba talaga tong babaeng to?

 

CHANYEOL'S POV

Sinara ko ang pinto ng kwarto ni Baekhyun, Haha, mukhang type nya nga... Hindi na rin nakakapagtaka, maganda kasi sya. *Sigh* Kang Haru, lalo kang gumanda. Ganun ka pa rin, walang pakielam sa mga nangyayari sa paligid. Hehehe! Sana naaalala mo pa din ako. Pumasok ako sa kwarto ko, humiga sa kama at kinuha ang cellphone ko. Ini-scroll ko ang phonebook ko hanggang sa makita ko ang number nya. Kahit nag-iba na ko ng number hindi ko pa rin nakakalimutan number nya. Ito pa rin kaya ang gamit nya? Matagal ko na rin hindi sya natatawagan mula nung.... hay! Try ko kaya? Pinindot ko yung call, halos magulat ako nung marinig ko ang pag ring. Mga ilang ring pa bago sya sumagot, "Yoboseyo?" Sagot ng kabilang linya. Kinabahan ako, alam kong boses nya yun... "Sino to?" Hindi ako makapag salita.. "Kung hihingahan mo lang ako, pwede ko na bang ibaba?!" Ang sungit nya pa rin.. Magsasalita na ko, "Sa...sandali!" Pigil ko.. "Wag.... wag mo muna ibaba..." Hinintay ko syang sumagot... "Sino ba to?!" Aish!! Galit na naman agad to. Nilaliman ko ang boses ko, "Haru yah..." Ang tagal nyang hindi nagsalita... Chineck ko ang cellphone ko kung may kausap pa ba ako. Nakita ko namang umaandar ang minuto at binalik sa tenga ko ang cellphone. Narinig ko syang nagbuntong hininga, "Oppa..." Napangiti ako sa sinagot nya, "Naaalala mo pa pala boses ko. Kamus---" Busy na... Binabaan nya ako. Pagkaraan ng ilang taon, di parin ata okay sa kanya ang nangyari. 

 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

Kinaumagahan...

HARU'S POV

"Chinese ka ba?" Nakakagulat naman tong si Umma, bigla biglang nagsasalita. "Pick up line ba yan?" Sagot ko. Nahampas tuloy ako ng sandok. "Aray ko naman! Bakit ba?!" Tanong ko habang hinihimas ang braso ko kung saan nya ako pinalo. "Ang singkit kasi ng mata mo e." tinuloy nya ang pagkain nya. Tumigil ako sa pag nguya, "Ma, singkit naman talaga tayo diba?" Tumigil din sya sa pag nguya, "Laki kaya ng mata mo!" Uminom muna ako ng tubig, baka mabulunan ako pag nagsalita ako e. "Ma, may bagong imbensyon ang tao at tinatawag yun na contact lense. Yun ang gamit ko, kaya nagmumukang malaki mata ko. Pero pag tinanggal ko yun, singkit pa din ako." Paliwanag ko sa kanya. Ayun, nahampas na naman ako, "Ano akala mo sakin, tanga?! Alam ko yon! Sadyang kakaiba lang pagka singkit ng mata mo ngayon! Anak kita kaya alam ko yon!" Napaka sadista ng nanay ko. Hay! "Umiyak yan, ma!" Sabat ng kapatid ko. Hindi ko na lang pinansin, hindi rin naman sya pinansin ni Umma. Pero hindi ko na mapigilan.. "Ma, tumawag sakin kagabi si.... Chanyeol." Natigil si mama at ang kapatid ko sa pagkain. "Kaya ganyan ang mata mo? Umiyak ka na naman?" Napayuko ako. "Unnie, sinong Chanyeol yun?!" Sabat na naman ng kapatid ko. Inubos ko na ang pagkain sa plato ko bago ko sya sagutin, gusto ko na makaalis dito. Para akong nasa hot seat. "Hindi mo kilala yon! Hindi mo na naabutan." Sagot ko sakanya. Gulat ang expression nya habang binababa ang chopsticks nya, "Siya ba yung matangkad at malaki ang boses? Chanyeol? Park Chanyeol?!" Mas gulat na ang expression ko kesa sa kapatid ko. Pano nya nakilala yun?! Bata pa sya nung... ah basta! "Pano mo nakilala yon?!" Tanong ko sa kanya. Napansin kong napatingin na rin si mama sa amin. "Eh kasali yun sa EXO e. Yung bagong kpop group! Rapper sya dun!" Sagot sakin ng kapatid ko. 

 

*Habang naglalakad papasok ng school....

 

EXO? Diba yun ung grupo ni Baekhyun? Bakit di ko sya napansin? Sya ba talaga yung tinutukoy ng kapatid ko? Pero, rapper daw eh. Walang duda, dati pa lang mahilig na syang mag rap. Kpop Idol na sya? Yun ba yung dahilan kaya.... 

*BEEP!!!*

May kotseng huminto sa gilid ko at binaba ang bintana, "Haru-yah!" Tintigan kong mabuti ung lalaki sa passenger seat ng kotse hanggang sa.... "Baekhyun?!"

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
#1
looks good!