Ako pa ba?

Akin ka na lang, please?

Isang pangkaraniwang araw sa mall.

 

Haru’s POV

Napapagod na ko kalalakad pero hindi ko pa rin alam kung saan ako kakain, nang bigla kong naramdaman  na parang yumanig yung tinatapakan ko. “Hala? Lumilindol?” Sabi ko habang paikot ikot ng tingin. Mukang okay naman yung mga tao na naglalakad. Napatagil ako dahil may naririnig akong yabag ng paa, tumatakbo sya habang sumisigaw. Madaming tumatakbong paa, madami sila! Nararamdaman ko palapit na nang palapit.. Paglingon ko, “TUUUGSSS!!!”

 

Tinulak ako ng isang babae kaya lumagapak ako sa sahig. Tumayo ako at sumigaw, “HOY! T*RANTADO KA AH! PAG AKO NABAOG, GAGAWIN KONG PAMPATIGAS NG TULAY YANG DUGO MO!!!” habang hinihimas ko ang pwet ko.  Hindi nya ko pinansin o baka hindi nya ko narinig kasi sigawan sila ng sigawan. “Ano ba kasi yun?!”

 

Naki-usyoso ako ako sa mga nagsisiksikang babae, kahit wala naman akong Makita dahil sa height ko. Tinanong ko yung nakatulak sa akin, “Oy, anong meron?” “EXO fansign, unnie.” Sagot nya sabay sigaw ulit. Aba, lokong to! Nagawa pa kong tawaging unnie matapos akong baogin? Napa-“Ahhhh” na lang ako. Tumingkayad pa ako at pinilit kong silipin, “Sino yun?” sunod na tanong ko. Tumahimik lahat ng babae sa sinisiksikan ko at tumingin sa akin. Sinamaan ako ng tingin nung isa, “Hindi mo sila kilala?!!”

 

Napatigil ako, hindi kasi ako ganun ka-hilig sa kpop kahit taga Korea ako. Pero kilala ko naman lahat ng kpop groups no! Nagkataon lang siguro na bago lang sila? Ngumiti na lang ako, “De joke lang! Kayo naman. Kilala ko yan no! Sus, ako pa ba?! Kang Haru? Tss!” Sabay atras at lakad palayo.

 

Langya naman kasi, Kang Haru! Maging updated ka naman sa sarili mong bansa!! Isesearch ko yang EXO na yan pag-uwe ko. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
#1
looks good!