I'm In Love with a Robot II

Sooyoung & Yoona Oneshot

 

 

Dumaan ang dalawang buwan ay hindi parin sumusuko si Yoona. Naging maganda naman resulta ng pangungulit niya. Ngayon ay mas kilala na niya si Sooyoung dahil kay Yuri. Dahil hindi kasi nagkukukwento si Sooyoung tungkol sa buhay niya, kaya si Yuri tinatanong niya. Pero hindi na sila tulad ng dati na hindi halos nag-uusap, madalas na siyang kinakausap ni Sooyoung. Nawala na ba talaga epekto ng Droga na yun? Bumalik na ba sa dati si Sooyoung?

Nalaman din ni Yoona mula kay Yuri, na-ulila na pala si Sooyoung. Nasasaktan si Yoona sa tuwing naiisip nito naging buhay ni Sooyoung. Sa edad na anim na taon ay wala na siya ng magulang. Pinatay ang mga magulang niya sa harap ng anim na taon na batang Sooyoung. Kinuha siya ng head ng NEST at pinalaki. Pero may masamang pakiramdam si Yoona sa NEST pero hindi niya matukoy kung anu iyon.

Naikwento ni Yuri sa kanya na may pinapainom silang droga kay Sooyoung simula bata pa ito. Ang N-40. Lahat ng makaka-inom nito ay nawawala pakiramdam. Pinapatay ng N-40 ang konsensya, takot, sakit, pangungulila, awa at ang Pag-ibig. Ang mga taong nakaka-inom ng N-40 ay hindi basta-basta napapagod at nagugutom. Nagiging mabangis din ang taong nakainom nito.

 

"Tahimik ka ata?" pag-gising sa kanya ni Sooyoung sa reyalidad.

 

Tumawa ng marahan si Yoona bago tiningnan si Sooyoung. "Saan ba tayo pupunta Syoo?" maingat na tanong ni Yoona.

 

"Sa bahay ko" ngumiti si Sooyoung habang nagmamaneho.

 

"Nasaan nga pala si Yuri?" tanong ni Yoona.

 

"Nasa office ng NEST" agad na sagot ni Sooyoung.

 

Hindi na nagtanong si Yoona. Tinitigan niya lang labi ni Sooyoung. Kailan ba kita makikitang ngumiti?

 

Kasulukuyan nakatayo si Sooyoung at Yoona sa isang malaki ngunit abandonadong bahay. Magkahawak kamay sila ni Yoona papasok ng bahay.

 

"Sa totoo lang, ayuko pumunta sa lugar na ito." bulong ni Sooyoung.

 

"Bakit?" tanong ni Yoona.

 

"Madaming magagandang alaala sa bahay na ito. Napaka-sakit. Sa isang iglap ay nawala ang lahat" sagot ni Sooyoung.

 

Hinawakan ng mahigpit ni Yoona kamay nito tsaka siya ngumiti rito at tumingin ito sa kanya. "Andito lang ako Syoo"

 

"Salamat...." hinawakan din ni Sooyoung ng mahigpit kamay nito.

 

Nagsimula silang maglakad sa loob ng bahay. Pagkakapasok pa lang ni Yoona ay alam niyang matagal ng walang nakatira dito. Ang kapal ng alikabok at ang daming sapot. Pero kahit ganun estado ng bahay, makikita niya parin na maganda ito. May mga malaking Frame nakasabit sa pader. Sa tingin niya ito ang Family Picture nila. Ngunit may dalawang bata sa litrato. Hindi niya matukoy kung nasaan si Sooyoung dahil magkamukha naman ang dalawang bata. Pareho silang naka-kandong sa kandungan ng magulang niya. Marahil ang isang bata sa litrato ay kapatid ni Sooyoung.

 

"Syoo.." sambit ni Yoona.

 

"Oh?" sabi ni Sooyoung pero hindi nito tiningnan si Yoona.

 

"May kababata kang kapatid?" tanong ni Yoona habang lumalapit kay Sooyoung.

 

"Wala, pero ate meron" sagot ni Sooyoung sa wakas tumingin rin siya kay Yoona.

 

May ate pala si Sooyoung. Pero wait! Nasaan na ito ngayon? tanong ni Yoona sa sarili niya. "Syoo, asan na pala ate mo?" maingat na tanong ni Yoona.

 

"Ewan ko" sagot ni Sooyoung. "Gusto mo ba dito tayo matulog?" yaya ni Sooyoung sa kanya.

 

"Oo, gusto ko magpalipas ng isang gabi dito." agad niyang sagot.

 

"Maglilinis muna ako" humakbang si Sooyoung pa alis.

 

"Teka.." hinawakan ni Yoona kamay nito. "Gusto ko rin maglinis!"

 

"Pero Yoona, bisita kita" tanggi ni Sooyoung.

 

"Gusto ko sabi eh!" nagtaas ng boses si Yoona.

 

"Araso, araso" pag-sangayon ni Sooyoung.

 

 

* * *

 

Sa sobrang pagod ni Yoona ay nakatulog siya. Nagising siya kwarto hindi niya pamilyar. Kung saan may mga Stuff Toy at Woody action figure. Kahit yung Blanket ay si Sheriff Woody din. Sa sobrang antok ni Yoona ay nakalimutan niya kung nasaan siya ngayon. Dahan-dahan siyang bumangon sa kama. Isa kama na Single Bed pero ang lambot nito. Maya-maya ay naunawaan niya na kwarto ito ng isang bata. Bigla niyang na-alala si Sooyoung kaya agad siyang lumabas sa kwarto.

Dumiretso si Yoona sa Kusina, dahil gusto niya uminom ng tubig. Natigilan siya sa paglalakad ng mapansin niya si Sooyoung nakatayo sa labas ng Terrace. Binuksan ni Yoona ang Sliding Glass Door tsaka lumapit kay Sooyoung. Ang lamig sa Terrace pero naroon si Sooyoung. Tila walang nararamdaman na ginaw. Halos hindi nito napansin presensya niya. Tila may iniisip ito.

 

"Syoo.." pagtawag ni Yoona.

 

"Hi, bakit nandito ka?" tanong ni Sooyoung.

 

"Nakita kasi kita. Tsaka hindi ako makatulog" nagsimula ng manginig si Yoona sa lamig.

 

"Matulog ka na uuwi tayo Seoul bukas" paalala ni Sooyoung.

 

"Syoo..Magkwentohan muna tayo" hiling ni Yoona.

 

"Ok, kung yan ang gusto mo" sagot ni Sooyoung.

 

Naningig si Yoona dahil sa simoy ng hangin na dumapo sa balat niya. "Syoo..Nagmahal ka na ba?"

 

"Mahal?" tiningnan ni Sooyoung si Yoona. Napapansin ni Sooyoung na nilalamig si Yoona.

 

"Oo mahal" paglinaw ni Yoona.

 

"Nilalamig ka ba?" pag-iba ng usapan ni Sooyoung.

 

Hindi na sumagot si Yoona. Hindi niya rin ito tiningnan. Hinintay niya sagot ni Sooyoung. Medyo naiinis siya dito dahil binabalewala nito sinasabi niya. Pwede naman niyang sagotin ang tanong niya, hindi yung umiiwas siya. Kahit hindi niya ito tinitingnan ay pakiramdam niya gumagalaw si Sooyoung. Nag-init ang mga pisngi niya at nagulat siya ng maramdaman niya si Sooyoung sa likod niya. Maya-maya ay niyayakap na siya ni Sooyoung mula sa likod.

 

"Hmm.." paghaginit ni Sooyoung. "Hindi ako dapat magmahal." sagot ni Sooyoung

 

"A─A─Ano b─b─ba gi─gi─ginagawa m─mo?" nauutal na tanong ni Yoona habang nakatingin sa kamay nito nakapulupot sa tyan niya.

 

"Hindi ka ba komportable?" tanong ni Sooyoung.

 

"O─Ok la─lang naman" sagot ni Yoona.

 

"Nilalamig ka kasi at wala akong Jacket. Ayos lang ba?" inosenteng tanong ni Sooyoung.

 

"O─O─Oo na─man" hinawakan ni Yoona kamay ni Sooyoung na nasa tyan niya.

 

Pinatong ni Sooyoung baba niya sa balikat ni Yoona. Tumatama ang mainit na hininga ni Sooyoung sa leeg niya. Kaya mas lalo siyang namumula. Pilit niyang pinapakalma puso niya. Dahil bakit hindi niya ito kakayanin at mahimatay siya sa harap ni Sooyoung.

 

"Bawal magmahal ang mga Agent, Yoona" mahinang sagot ni Sooyoung.

 

"Bakit naman bawal? Tao rin kayo" kumunot noo ni Yoona sa sinabi ni Sooyoung.

 

"Diba dapat hindi mo iiwan taong mahal mo?" tanong ni Sooyoung.

 

"Tapos?" sabi ni Yoona.

 

"Isang araw Yoona. Mamatay ako dahil sa isang Misyon." dahan-dahan bumitaw si Sooyoung sa pagkakayakap niya sa tyan nito. "At maiiwan ko siya"

 

"Pero sinubukan niyo! Kahit na konti nalang oras niyo, atleast hindi mo yun pinalampas." humarap si Yoona kay Sooyoung.

 

"Yoona, sasaktan ko lang damdamin niya?" tanong ni Sooyoung.

 

"Syoo.." walang maisip na sagot si Yoona. May isa bagay pumapasok sa utak niya at nagdadalawang isip siya kung itatanong niya ito.

 

"Syoo..Mag quit ka nalang sa NEST" hiling ni Yoona.

 

"Hindi pwede yan Yoona. Hindi ko iiwan ang NEST" kumunot na rin noo ni Sooyoung habang nakatingin kay Yoona.

 

"Kung yan ang gusto mo Syoo. Goodnight" walang pa-alam hinalikan ni Yoona si Sooyoung sa pisngi.

 

Nanigas si Sooyoung sa kinakatayuan niya. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Yoona. Nanatili siyang nakatitig sa mukha ni Yoona. Samatalang si Yoona naman ay may ngiti sa labi. Biglang bumilis tibok ng puso ni Sooyoung at sumalamin sa mukha niya ngiti ni Yoona. Hindi na niya maitindihan ang mga nangyayari sa sarili niya.

 

"Goodnight" bati ni Sooyoung ng makabawi ito mula sa pagkakagulat.

 

"Hindi ka pa matutulog?" tanong ni Yoona.

 

"Susunod nalang ako Yoona." nakangiting sagot ni Sooyoung.

 

Yes! Napangiti ko siya! sigaw ni Yoona sa isip niya.

 

 

* * *

 

 

"Choi?! Nasaan na kayo?" nagaalalang tanong ni Yuri mula sa telepono.

 

"Sa bahay pa.." tinatamad na sagot ni Sooyoung.

 

"Choi! May sasabihin ako sayo! Importante" hinihingal na sabi ni Yuri.

 

"Ano?" biglang nagising ang diwa ni Sooyoung.

 

"Pinapapatay ka ni Boss Kim" bulong ni Sooyoung.

 

Hindi sumagot si Sooyoung ng ilang segundo. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Alam ko"

 

"Alam mo?!" sigaw ni Yuri.

 

"Oo, alam ko binabalak ni Boss Kim sa akin" umayos si Sooyoung sa kinauupuan niya.

 

"Alam mo rin ba na si Boss Kim pumatay sa mga magulang mo?" malungkot na tanong ni Yuri.

 

"Oo. Matagal ko ng nadiskobre yan" tumayo si Sooyoung para hanapin si Yoona.

 

"Choi umalis ka na sa NEST!" sigaw ni Yuri.

 

"Hindi pwede Yuri, kailangan ko bawiin ang NEST. Wag kang magaalala sa akin" lumabas si Sooyoung sa kwarto niya at pumunta siya sa Guest Room.

 

"Choi, wag ka ng uminom ng N-40" paalala ni Yuri.

 

"Depende.." mahinang sagot ni Sooyoung ng nasa labas na siya ng pintuan.

 

"Choi! Alam mo bang, alam na ni Yoona tungkol sa N-40?" maingat na tanong ni Yuri.

 

"Sinabi mo?" seryosong tanong ni Sooyoung.

 

"Oo....Sorry" bulong ni Yuri.

 

"Ok.." walang paalam binaba ni Sooyoung ang Telepono.

 

Pumasok si Sooyoung sa Guest Room para gisingin si Yoona. Tulad ng ekspektasyon niya mahimbing pa itong natutulog. Kaya nagdesisyon siyang wag nalang ito gisingin. Umupo siya sa kama at pinagmasdan niya lang ito dahil para itong anghel. Hinawi niya hibla ng buhok na tinatakpan ang kaliwang bahagi ng mukha niya. Ngumiti si Sooyoung habang nakatitig sa natutulog nitong mukha.

 

Kahit walang bayad, po-protektahan kita. Kung mamamatay man ako sa misyon na toh ay ok lang. Basta ligtas ka.

 

Dumapo tingin niya sa labi ni Yoona. Dahan-dahan niya ito hinawakan ng makaramdam siya ng kuryente galing sa katawan niya. Biglang kinabahan si Sooyoung. Ano ba nangyayari sa akin? Hinawakan ni Sooyoung hinlalaki ni Yoona tsaka ngumiti siya.

 

"Syoo?" inaantok na boses ni Yoona. Dahan-dahan siya bumangon tsaka kinukusot mga mata niya.

 

! "Magbihis ka na aalis na tayo" malamig niyang pakikitungo tsaka tumayo sa kama nito.

 

Pinanuod ni Yoona ang likod ni Sooyoung habang naglalakad ito palabas ng kwarto. Dahan-dahan siya naglakad papunta ng banyo para makapaghalamos. Namalik mata lang ba ako? o talaga nakatingin siya sa akin kanina? Hawak niya ba talaga labi ko? Pakiramdam ko lang yun? Tiningnan ni Yoona repleksyon niya sa salamin.

 

 

* * *

 

 

"Yuri? Nasaan si Sooyoung?" tanong ni Yoona sa babaeng nanunuod ng TV.

 

"Hahanapin niya raw muna sarili niya." sagot ni Yuri. Nakakatutok parin mga mata niya sa TV.

 

"Hahanapin? Kailan daw siya babalik?" umupo si Yoona sa tabi ni Yuri.

 

"Tutal may misyon naman kami. Baka bukas na bukas uuwi na si Choi" sagot ni Yuri.

 

"Sa tingin mo? Hindi ba delikado pupuntahan niya?" tanong ulit ni Yoona.

 

"Hindi naman siguro.." tiningnan niya si Yoona tsaka ngumiti. "Nagaalala ka?" panunudyo ni Yuri.

 

"Bakit hindi!" agad niyang sagot. "Eh, body guard ko siya!"

 

"Ah, may pinuntahan kasi si Sooyoung. Importanteng babae sa buhay niya." sagot ni Yuri habang pini-pigil tawa niya.

 

Umuyam si Yoona. "Paki-alam ko! Hahanapin pala sarili ha"

 

Tumawa ng malakas si Yuri. "Selos ka?"

 

"Body Guard ko siya pero iba inaasikaso niya!" inirapan ni Yoona si Yuri.

 

"Akala mo ba di ko napapansin Yoona?" panunudyo ni Yuri.

 

"Na?" nagtaas ng isang kilay si Yoona.

 

"Na may gusto ka kay Choi" ngumiti si Yuri.

 

"Wala na─" naputol sasabihin ni Yoona ng marinig nilang may nagdoorbell.

 

"May bisita ka ba ngayon dis-oras ng gabi?" tanong ni Yuri habang ino-off ang TV.

 

Kumunot ang noo ni Yoona. "Wala naman.."

 

Nilabas ni Yuri baril niya at naglakad papunta sa pintuan. Sinilip niya muna kung sino ito sa peekhole. May nakita siyang binata naghihintay sa labas ng apartment ni Yoona. May hawak itong bulaklak. Sa tingin ni Yuri mabait naman ito. Kaya pinagbuksan niya ito ng pintuan.

 

"Sino ka nanaman?" tanong ng binata.

 

"Ako si Kwon Yuri" pinakita ni Yuri Identification Card niya sa wallet.

 

"Ha? Kasama mo ba yung gago?" tanong ulit ng binata.

 

"Gago?" tanong ni Yuri.

 

"Yuri, sin─Oh Hae!" bati ni Yoona sa binata.

 

Tumayo ang binata sa kinauupuan niya at hinagkan niya si Yoona sa pisngi at binigay ang bouquet na hawak niya. "Hi Yoona."

 

Ngumiti lang si Yoona at umupo sa harap ni Donghae. "Salamat Hae"

 

Umupo rin si Yuri sa tabi ni Yoona. Hindi niya gusto iwan si Yoona dahil wala siyang tiwala sa Hae na yun. Wala siyang balak inisin ang binata, ginagawa niya lang trabaho niya.

 

"Pwede ba maiwan mo muna kami?" tanong ni Donghae kay Yuri.

 

"Nakakaintindi ka ba ng Privacy?" tanong ni Donghae.

 

"Ganun ba?" ma-ang na tanong ni Yuri

 

"Hae, pwede ba?" naiiritang wika ni Yoona. "Yuri, si Donghae. Fiance ko. Si Yuri Kwon, friend ko"

 

"Imbitahin mo siya sa kasal natin" ngumiti si Donghae kay Yoona.

 

Halos malaglag panga ni Yuri sa sinabi ng dalawa. Na guilty siya sa panunudyo niya kay Yoona kanina.

 

"Teka lang Yoona, tatawagan ko lang si Choi." ngumiti si Yuri kay Yoona.

 

"Yuri! Gusto ko rin siyang maka-usap!" tumayo si Yoona sa couch.

 

"Yoona, wag mo naman kalimutan existence ko!" hinawakan ni Donghae kamay ni Yoona.

 

"Yoona, wag ka magaalala ibibigay ko sayo pag nakontak ko na siya" nakangiting wika ni Yuri habang naglalakad siya palayo sa dalawa.

 

 

* * *

 

 

Dumaan ang tatlong araw hindi parin umuuwi si Sooyoung. Nagaalala na si Yoona, kahit si Yuri rin ay nagaalala. Dahil hindi nila ito matawagan. Nakapatay lagi Cellphone nito. Nagsimula na silang dalawa matakot. Pareho silang natutulog sa couch para alam nila kung umuwi na ito. Gabi-gabi umiiyak si Yoona, dahil namimiss na niya ito.

Halos sabay silang napatayo ng tumunog ang Doorbell. Agad-agad nila itong pinagbuksan at tumambad sa harap nila ang duguan na si Taeyeon. Nakahiga ito sa harap ng pintuan. Agad naman ito binuhat ni Yuri.

 

"K..Kwo..Kwon..."

 

"Tae! Sino may gawa sayo niyan!" nagaalalang tanong ni Yuri.

 

"Si...C..C...Cho....Choi S..Sooy..young..T..Tulonga...m...mo ako" umiiyak si Taeyeon.

 

"Pina-inom niyo nanaman ba siya N-40?!" dumalim ekspresyon sa mukha ni Yoona.

 

"Hi..Hindi" sagot ni Taeyeon. Hanggan tuluyan mawalan ng malay si Taeyeon.

 

"Yuri!" tumulo nanaman luha ni Yoona.

 

"Wag kang magaalala Yoona, sigurado akong walang nangyari sa kanya." niyakap ni Yuri si Yoona.

 

 

* * *

 

 

"Boss Kim!!" sigaw ni Sooyoung sa matandang lalaki.

 

Ngumiti ang matandang lalaki tsaka umupo sa desk niya. "Oh Choi? Napano ka?"

 

"Boss Kim wag na tayong mag-plastikan!" bulyaw ni Sooyoung tsaka sinapak niya ito.

 

"Hayop ka!" sinapak niya ulit ito hanggang sa dumugo ilong ng matandang lalaki.

 

Tiningnan niya ng masama ang matandang lalaki. Hinihingal siya sa sobrang galit niya rito. Dumura ang matandang lalaki ng dugo tsaka ngumisi. 

 

"Ano na pinagmamayabang mo Choi?" tanong ng matanda.

 

"Naging imperno buhay ko dahil sayo hayop ka!" sinapak niya ulit ito.

 

"Matagal ko ng gustong gawin sayo tong Hayop ka!" kinuha ni Sooyoung ang baril niya na naka-ipit sa camo pants niya at tinutok ito sa matanda.

 

"Naging ulila ako dahil sayo!" kinasa ni Sooyoung ang baril.

 

"Wala kang utang na loob Choi! Mana ka nga sa ama mo!" nilabas ng matanda ang kanyang baril at tinutok ito kay Sooyoung.

 

"HAYOP KA!" sigaw ni Sooyoung rito.

 

"Isasama kita sa imperno!" sigaw ng matanda saka kinalabit ang trigger ng baril.

 

 

"Talaga? Pero Sooyoung nagagagandahan ka ba sa kanya?"

 

"Maganda siya diba?"

 

"Bagay kayo"

 

"Mukhang magkaka-love interest ka yata Sooyoung"

 

"Hindi ko kailangan ng pag-ibig, kung sa bandang huli ay iiwan ko rin ang tao kong mahal. Nabuhay lang tayo para protektahan kliyente natin Yuri" 

 

"Baka may mahal ka ng iba?"

 

"Hindi crush lang naman"

 

"Sino crush mo?"

 

"Si Kwon?"

 

"Hindi!"

 

"Wala na ako maisip.. Impossible naman ako diba?"

 

"Syoo..Nagmahal ka na ba?"

 

"Bawal magmahal ang mga Agent, Yoona"

 

"Pero hindi ko sinasadyang mahalin ka"

 

 

* * *

 

Three Months Later...

 

 

"Sa ayaw mo o hindi ipakakasal kita kay Donghae" sabi ni Mr. Im

 

"Are you out of your mind dad?!" nagtaas ng boses si Yoona.

 

"Kampante ako kung si Donghae pakakasalan mo!" diin ni Mr. Im 

 

"But dad!" pagmamatigas ni Yoona.

 

"No more buts Yoona!" pagmamatigas din ng ama niya.

 

"Mahal ko si Choi dad" bulong ni Yoona wala siyang paki-alam kung marinig ito ng ama niya o hindi.

 

"Anong sabi mo?" tanong ni Mr. Im

 

Yumuko si Yoona tsaka nagsimula tumulo luha niya. "Pero hindi na siya nagpakita, kahit si Kwon hindi niya alam nangyari sakanya"

 

Natigilan si Mr. Im sa inamin ni Yoona. Dahan-dahan niya ito nilingon at lumapit siya sa anak niya.

 

"Hindi ko naman sinasadya mainlove sa kanya eh" humagulgol si Yoona.

 

"Anak..." niyakap ni Mr. Im si Yoona tsaka tinapik-tapik ng mahina ulo nito. "Tahan na..."

 

"Dad, gusto ko lang malaman kung ok siya eh. Kasi mamatay na yata ako kakahintay sa kanya" niyakap ni Yoona.

 

"Anak. Sorry kung pinipilit kita. Bakit hindi mo sinabi agad?" hinalikan ni Mr. Im noo ni Yoona.

 

"Palagi ka kasing wala dad" nagtatampong sagot ni Yoona.

 

"Hindi ko alam nasaan si Choi anak. Pero ikaka-kansela ko nalang kasal niyo ni Donghae" ngumiti si Mr. Im

 

"Talaga dad?!" tanong ni Yoona habang kumikislap ang kanyang mga mata.

 

 

* * *

 

One Year Later...

 

 

"Taeyeon, anong bulaklak dadalhin natin kay Choi?" tanong ni Yuri sa maliit niyang kaibigan.

 

"Hindi ako mahilig sa Flowers. Rose nalang dadalhin natin" ngumiti si Taeyeon.

 

"Rose? Sigurado ka ba?" tanong ni Yuri.

 

"Oo rose! Tama rose!" tila may naalala si Taeyeon.

 

"Ang tagal naman ni Yoona." tiningnan ni Yuri ang kanyang relo.

 

Halos sabay silang dalawa napalingon ng tumunog wind chime at gaya ng inaasahan nila. Si Yoona nga. Dumating na hinihintay nila. Nagulat si Yuri ng mapansin niyang namumugto mga mata ni Yoona.

 

"Ok ka lang?" tanong ni Yuri.

 

"Ayos lang" pilit ngumiti si Yoona.

 

"Tara sa Sementeryo" ngumiti si Taeyeon sa dalawang matangkad na babae.

 

 

"Hala? Bakit patay ang ilaw?" tanong ni Taeyeon sa dalawa.

 

"Baka nakalimutan lang nila buksan ang ilaw?" sagot ni Yuri.

 

"Teka pupuntahan ko nga staff dito" pag boluntaryo ni Taeyeon.

 

"Tara mauna na tayo sa loob Yoona.." yaya ni Yuri.

 

Nagsimula ng namuo luha ni Yoona sa mga mata niya habang naglalakad sila sa loob.

 

"Aw! Nakalimutan ko yung bulaklak!" natigilan si Yuri ng may matandaan siya.

 

"Sige Yoona mauna ka dun, may kukunin lang ako sa kotse" tumakbo si Yuri palayo rito.

 

Nagpatuloy sa paglalakad si Yoona. Kahit madilim ay medyo may nakikita parin siya dahil sa liwanag galing sa labas. Nakakabingi ang katahimikan rito pero nagpatuloy parin siyang maglakad. Maya-maya ay bumukas ang ilaw at may natapakan siyang kung ano. Kaya tiningnan niya ito at pinulot. Binuksan niya ito para basahin.

 

"I love you Im Yoona. Sino ako? Nasa akin ang kasunod nito. Puntahan mo ko" binasa niya ito ng malakas.

 

Ngumiti si Yoona habang hinahanap ang ikalawang letter. Maya-maya ay nahanap niya ito at binasa ulit ito.

 

"Hi! Naiinip ka na ba? Sorry pero wala ako dyan. Hanapin mo nalang ulit kasunod nito."

 

Ngumiti nanaman si Yoona habang naglalakad. Hinanap niya ulit ang ikatatlong letter.

 

"Im sorry if I make Im Yoona cry so many times. Sorry for making you wait"

 

Nagsimulang tumulo luha ni Yoona. Nagulat siya ng may yumakap sa kanya mula sa likod.

 

"Ganun ba ako kasama? Pinaiyak nanaman kita" hinigpitan nito pagkakayak sa tyan ni Yoona.

 

"Oo masama ka! Sobra!" nagtatampong sagot ni Yoona.

 

"Galit ka ba?" tanong ni Sooyoung.

 

Umikot si Yoona tsaka niyakap niya ito ng napakahigpit. "Namimiss lang kita"

 

Ngumiti si Sooyoung. "Yoona.."

 

"Bakit?" kinakabahan na tanong ni Yoona.

 

"I love you" simpleng wika ni Sooyoung.

 

"I love you too so much" agad nyang sagot.

 

"Talaga? So tayo na?" ngumiti ng malaki si Sooyoung.

 

"Ayaw mo?" nakangising tanong ni Yoona.

 

"Sinong may sabing ayaw?!" sumimangot si Sooyoung.

 

"Pero kailan mo ba ako minahal?" seryosong tanong ni Yoona.

 

"Basta" nakangiting sagot ni Sooyoung habang hinahalikan labi nito.

 

"Hi Yoona"

 

"Hello Hae"

 

"I miss you"

 

"Hi? Friend ni Yoona?"

 

"Pasensya ka na Hae, hindi talaga nagsasalita si Sooyoung lalo na sa hindi niya kakilala"

 

"Kahit kilala ko ay hindi ko masyado kinakausap"

 

"Ah oo nga pala"

 

Hinawakan ni Donghae kamay ni Yoona. "Kailan ba tayo magpapakasal?"

 

"Sa labas muna ako"

 

Dali-dali akong lumabas sa office ni Yoona. "Asa ka pa Choi"

 

"I love you Yoona."

 

"I love you more Syoo"

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
I will publish the finale tomorrow ..

Comments

You must be logged in to comment
byunsoshi_09
#1
Chapter 4: Otorrrr~ tuloy mo na 'toooo plith~ gand na nang basa ko ehhh huhu
BOD-COD #2
Chapter 24: can you make a english version ??

i'm trying to understand but failed.
ArielleKim #3
asan yung ibang chapter? nakalagay 13 chapters? e bakit 4 lang nakalagay? -___-?
shikshinhot24
#4
Chapter 6: Daebak!!!!wohohohohoh SooNa ♡♡
Leibmjuell #5
Chapter 2: Omg mahal na po kita xD ang gondo nung I'm in love with a robot *o*
itsmecarylann
#6
99 Days With My Angel please!
nyonyo3012 #7
soona fic!! ^o^
Do you have eng.version? I don't understand tagalog... :(
shikshinhot24
#8
Chapter 2: <3 <3 <3 <3 <3 SHOOT!!!!MAH SOONA FEELS!!daebak author'ssi !!
soyung #9
Chapter 1: English version please :(
kenpetfamsys #10
Chapter 1: too bad i can't understand :'( hope that u'll have the eng ver. for these stories :((