Bullied and Loved

Sooyoung & Yoona Oneshot

 

 

Characters: SooyoungYoona, Tiffany Chaerin(CL) and Seunghyun(TOP)

 

 

 

Alas dyes na ng gabi ay nasa Office parin siya, kasama ang assistant niya. Abala siya sa pagta-type sa Laptop niya. Dahil hindi pa tapos ang ginagawa niyang report. At bukas na niya ito ire-representa.

 

"Yoona, nabalitaan mo na ba?" maingat na tanong ni Tiffany.

 

"Ang Alin?" patuloy sa pagtype si Yoona, nihindi man lang tiningnan kaibigan niya.

 

"Babalik na daw si Sooyoung galing sa Japan" dahan-dahan na sagot ni Tiffany.

 

Tiningnan ni Yoona ang kaibigan niya at nanigas siya sa kinauupuan niya. Pakiramdam niya binuhosan siya ng isang timbang puro Yelo ang laman. Halos mabagsak ang laptop sa sahig dahil sa narinig niya. Babalik na si Sooyoung sa Korea, ang taong pinaka-iinisan niya, ang taong pinapa-mukha sa kanya kung gaano sila kahirap, ang taong masaya sa twing binu-bwesit siya, ang taong kinamumuhi-an niya at ang taong pinaka-ayaw niyang makita.

 

Bata pa lang ako ay mulat na ako sa kahirapan. Ang mga magulang ko ay parehong nagta-trabaho sa pamilyang Choi. Ang mama ko ay nagta-trabaho bilang katulong sa pamilyang Choi at ang papa ko naman nagta-trabahong family driver ng mga Choi. Mabait naman ang mga Choi pwera lang sa bunsong anak nila. Magkaibigan kami ng panganay na anak ng mga Choi. Kahit malaki agwat ng edad nito sa akin. Ni-minsan hindi ako tinratong iba sa Choi. Si Mrs. Choi Sohee naman ay pinapakilala ako bilang kamaganak nila kahit hindi naman kami magka-anu ano. Si Mr. Choi Jungnam naman ay nagpapa-utang sa amin sa twing gipit kami. Libre nila kami pinatira sa Mansyon ng mga Choi. Kahit ayaw ito tanggapin ni Papa ay sa huli tinanggap na rin niya ito.

Kung gaanu naman kabait ang pamilyang Choi ay ganun rin ka-gaspang ugali ng Bunso nilang anak.

 

"Magbabakasyon lang ba siya o talaga uuwi na siya?" napangiwi si Yoona.

 

"Hindi na siya babalik sa Japan.." sagot ni Tiffany. "Talagang dito na siya ulit titira..." dugtong niya.

 

Simula Elementary hanggang Highschool ay kaklase niya si Sooyoung. Sinadya ito ni Mr. Jungnam kasi pinapabantay niya sa akin si Sooyoung. Matalino naman ito, yun nga lang ay tamad siya mag-aral. Minsan ay magkasama kami sa Quiz Bee Competition ng skwelahan namin. Kahit sinabing dapat Teamwork ay ayaw nitong makipag Teamwork sa akin. Ewan ko ba kung anung ginawa ko sakanya bakit niya ako ginaganun.

Kahit nung nasa Elementary pa lang kami na naglalaban bilang Valedictorian. Hinding-hindi ito nagpapatalo sa akin. Kompetisyon ang tingin niya sa akin! Sinubukan ko siyang maging kaibigan pero wala itong paki-alam sa existence ko. Hindi niya rin ako pinapansin sa Mansyon nila, pinapansin lang ako nito pag nasa skwelahan na kami. Pinapansin lang ako pag may Prank siya sa akin! Tiniis ko yun para sa Magulang ko. Dahil gusto kong makaraos kami sa kahirapan.

Pareho lang sila ng pinsan niyang si Seunghyun! Pero nag bago ito nung lumaki na kami. Hindi ko alam kung anong nagustohan niya sa akin. Mabait naman ito at gentleman. Lahat ng gusto ng babae nandyan na kay Seunghyun pero hindi ko alam kung bakit. Oo alam kong maswerte ako ko Seunghyun. Sinubukan ko namang magustohan siya. Siguro natutulog lang ang puso ko.

 

Dahil sa sinabi ni Tiffany ay hindi na siya makapag-focus sa ginagawa niyang report. Kaya napagdesisyonan niyang umuwi nalang muna, matulog at magising ng maaga bukas.

 

 

* * *

 

 

Padabog naglalakad si Yoona papunta sa Meeting and Conference Room. Ang sama ng umaga dahil dalawang oras lang tulog niya dahil tinapos niya ang report niya. Tapos malalaman lang niya na ipo-postpone lang pala ito. Dahil may announcement daw sasabihin si Mr. Jungnam. Huminga ng malalim si Yoona bago pumasok sa Conference Room at dahan-dahan binuksan ang pintuan. Pumasok siya sa Conference Room kahit na naiilang siya sa titig ng mga Shareholders. Isa-isa siya ngumiti rito at yumuko siya sa mga ito bilang pag-galang. Tsaka umupo siya sa tabi ni Mr. Park.

Ilang minuto ang lumipas ay pumasok si Mr. Jungnam. Kasama ang isang matangkad na naka-hoody. Base sa suot nito ay hindi ito nababagay sa Office. Nagulat sila ng kaladkarin ito ni Mr. Jungnam papasok sa Conference Room. Mapapansin din nila bumubulong si Mr. Jungnam sa taong naka-hoody.

 

"Pero dad! Gusto ko maging Photographer!" protesta taong naka-hoody.

 

Bago pa makilala ni Yoona kung sino ito ay nag salita na si Mr. Jungnam. "I would like to introduce you my youngest daughter. Choi Sooyoung" pinilit ngumiti ni Mr. Jungnam.

 

Tuluyan nanigas si Yoona sa kinauupuan niya. Halos gusto niya tumakbo palabas ng Conference Room. Lumakas ang bulong-bulongan sa loob ng Conference Room nang ibaba nito Hoody niya. Naka-kunot noo nito habang naka-tingin isa-isa sa Shareholders. Nawala simangot nito ng dumaan tingin niya kay Yoona. Agad-agad tinakpan ni Yoona mukha niya gamit ang Folder na hawak niya.

 

"Hi, ako si Choi Sooyoung ikinagagalak ko kayong makilala" yumuko si Sooyoung sa harap nilang lahat.

 

Isa-isa pinakilala ni Mr. Jungnam si Sooyoung sa mga Shareholders. Halos mamatay sa kaba si Yoona ng malapit na si Sooyoung sa kanya.

 

"Yoona.." tawag ni Mr. Jungnam.

 

Nagulat si Yoona sa pagtawag ni Mr. Jungnam, kaya dali-dali siya nag-angat ng tingin kay Mr. Jungnam at aksidente siyang napatingin sa katabi ng may edad na lalaki. Ang bunsong anak ng mga Choi! Si Sooyoung! Nakangiti ito sa kanya. Kinabahan siya dahil mukhang nanunudyo ito kahit napaka-inosente ngiti nito.

 

"Soo..Naalala mo ba siya?" tanong ng Daddy niya.

 

"Oo, yung Valedictorian" sagot ni Sooyoung habang nakangiti ito sa kanya.

 

Namutla si Yoona ng marinig niya sagot nito. Hindi niya matanggap na ganun nangyari nung Highschool pa sila. Nainsulto talaga si Yoona sa ginawa ni Sooyoung. Yun ang dahilan bat ayaw na ayaw niya rito.

 

"Yoona, siya ang anak ko si Sooyoung. Yung kababata mo. Sana turuan mo ang magaling kong anak" bilin ni Mr. Jungnam

 

Labag man sa loob ni Yoona ay tumango siya rito. Ngayon pa ba siya tatanggi? Ngayon lang ito humingi ng pabor sa kanya. "Yes Sir"

 

"Soo..I hatid mo si Yoona ha?" bilin ni Mr. Jungnam bago umalis. Nang makabalik si Mr. Jungnam sa upuan nito ay umupo si Sooyoung sa tabi ni Yoona.

 

 

* * *

 

 

Inis na inis si Yoona naglalakad pauwi sa Mansyon ng mga Choi. Ang bwesit na si Sooyoung ay hindi parin pala nagbabago. Tawang-tawa pa si Sooyoung nung nakita nitong nainis si Yoona. Kahit kailan ay tetanu talaga si Sooyoung sa buhay niya. Naiinis pa siya lalo dahil pinaalala nito nangyari nung Highschool. Akala niya mababago ng panahon ang Sooyoung na yun. Yun pala ay kahit panahon hindi ito kayang baguhin.

 

Nasa duyan si Tiffany at Yoona. Naguusap sila tungkol sa nalalapit nilang Graduation. Pino-problema kasi ni Yoona ang resulta . Kung sino sa kanila ni Sooyoung ang Valedictorian. Hinihintay nila ang TOPIK nila. Kabado si Yoona dahil makakatulong sa kanya kung siya ang magiging Valedictorian. Pag nakuha niya ang Valedictorian ay 100% scholarship ang matatanggap niya.

Kaya sinisikap niyang siya makakuha. Para kaunti nalang gagastosin ng tatay niya. Dahil ayaw nitong nangungutang sa iba. Pero kilala niya si Sooyoung. Alam niyang hindi magpapatalo ang mokong. Alam niyang hindi papayag si Sooyoung na makuha niya ang Valedictorian.

 

"Paki-usapan mo kaya si Sooyoung?....Tutal mayaman naman sila at hindi na niya kailangan ng Scholarship" suhestyon ni Tiffany.

 

"Magpapakamatay nalang ako bago ko gagawin yun! Pag ginawa ko yun ay parang pinatunayan ko na hindi ko siya kaya!" pasigaw nitong sagot.

 

"Sana naman maawa siya Yoong, kaya niya mag-aral kung saan niya gusto. Hindi niya kailangan scholarship para makapag-aral" bumuntong hininga si Tiffany.

 

"No need! Hindi ko kailangan ng awa niya! Kung sakaling magiging second lang ako ay ayus lang. Magta-trabaho nalang ako para kahit papanu makakatulong ako" ngumiti si Yoona sa kaibigan niya.

 

"Yoona, hindi ka ba na-a-attract kay Sooyoung? Ang cute niya kaya kahit ganun siya" ngumiti si Tiffany kasabay ng mata nito.

 

"Cute? Eww!" nagpapanggap na nasusuka si Yoona. "Wait..Dont tell...me!!!" nanlaki mga mata ni Yoona habang nakatingin sa kaibigan niya.

 

"Hoy hindi ha!" tanggi ni Tiffany.

 

"Hey Yoong?" pagtawag sa kanya ni Seunghyun mula sa loob ng kotse.

 

"Seunghyun oppa!" ngumiti si Yoona sa lalaking naka-shades.

 

"Hop in Yoong" ngumiti si Seunghyun habang binubuksan ang pintuan ng kotse niya.

 

 

* * *

 

 

Dumaan ang isang buwan, nasa pangagalaga niya parin si Sooyoung. Kahit na minsan ay binubwesit siya nito ay sumusunod naman ito sa pinapagawa niya. Sa isang buwan ay hindi ito naging ganun kasakit sa ulo. Napapangiti siya dahil kahit ni-photocopier ay hindi nito kayang gamitin. Sanay kasi itong mang-utos. Kaya hindi niya alam paanu gawin ang mga simpleng bagay.

Minsan ay pakiramdam ni Yoona kinukunan siya ng litrato ni Sooyoung dahil napapansin niya ang mga flash galing sa Camera nito. Pero sa twing tinitingnan niya ito ay nakatutok sa ibang direksyon ang camera. Minsan ay pakiramdaman din niya nakatingin si Sooyoung sa kanya pero pag tiningnan niya ito sa iba naman pala ito nakatingin. Siguro nga nagiging assummng na siya simula nung nakaraang araw.

 

"Akalain mo ang mga mababang uring katulad mo ay maganda rin pala" komento ni Sooyoung.

 

Hindi malaman ni Yoona kung matutuwa siya o maiinis sa sinabi nito. Pinuri nga siya nito pero iniinsulto naman siya nito. Hindi niya alam paanu niya ito sagutin kaya nagdesisyon siya tumahimik nalang muna.

 

"Akala ko ginayuma mo lang si Seunghyun" nakangising sabi nito.

 

Tumango lang si Yoona. Ayaw niya pansinin pang iinis nito kasi alam niyang aasarin lang siya lalo nito pag pinansin niya ito.

 

"Madami chix yun. Ingat ka" seryosong sabi ni Sooyoung.

 

"Wow? Pati pinsan mo sisiraan mo?" kumunot noo ni Yoona.

 

"Hindi ko siya sinisiraan, nagsasabi lang ako totoo" seryoso parin ito.

 

"Bakit nagseselos ka ba sa pinsan mo? Kaya sinisiraan mo nalang siya?" nakangiting tanong ni Yoona.

 

"Bakit ako magseselos? Wala naman kaming relasyon ng pinsan ko" pilosopong sagot ni Sooyoung. "Kung sa tingin mo may gusto ako sayo.. Bilib rin ako sa Self Confidence mo" ngumisi si Sooyoung.

 

Nainis si Yoona sa sinabi nito. Hindi naman ito ang ibig sabihin niya. Bakit ba ang babaw ng tingin nito sa kanya? Tinapunan niya ng masamang tingin si Sooyoung bago siya tumakbo palabas ng Office nila. Dumiretso siya sa Elevator pero nasa unang palapag pa ito. Kaya nagpasya siyang dumaan nalang sa Fire Exit. Alam niyang sinusundan siya ni Sooyoung kaya binilisan niya ang takbo niya ng matalisod siya sa Hagdanan. Pumikit nalang siya ng malapit na siyang mahulog sa hagdanan ng may humawak ng Braso niya. Malakas siya nitong hinila at napasandal siya rito.

Naluha siya sa sobrang takot. Napayakap siya rito at humagulgol.

 

"Congrats President Im. Ang galing mo at natalo mo si Choi! Akala ko talaga siya si Choi ang magiging Valedictorian." maligayang sabi ni Ok.

 

"Salamat! Yun nga rin akala ko.. Akala ko talaga siya ang mananalo" ngumiti si Yoona sa mga kaklase niya.

 

"Congrats sa Full Scholarship Yoona!" nakangiting sabi ni Tiffany.

 

"Salamat Tiff." niyakap ni Yoona si Tiffany.

 

Maya-maya ay nakita niya si Sooyoung sa Hallway. Dali-dali siyang tumakbo at hinabol ito. Napansin ni Yoona nakakuyom ang palad nito at nangi-ngig ang kamay nito. Sa tingin niya ay galit ito. Dahil siya ang naging Valedictorian.

 

"Well Done Sooyoung.." bati ni Yoona niya rito habang inaabot kamay niya.

 

Hinarap siya ni Sooyoung at ngumiti ito sa kanya. "Congrats! Alam ko kasing mas kailangan mo yan, mayaman kami at kaya ko mag-aral sa pinaka-malaki at sikat na skwelahan. Pwede naman ako mag-aral sa states" anito.

 

"Sinadya kong hindi galingan. Dahil naawa ako sa inyo. Dahil mahirap lang kayo. Baka hindi mo kakayanin kung 50% lang ang Scholarship mo" ngumisi si Sooyoung. "Wala bang salamat dyan?!" sigaw nito.

 

Hindi nagdalawang isip si Yoona sampalin ito. Malakas iyon at lahat ng kaklase nila ay nakita ang ginawa niya rito. Makikita ni Yoona ang luha sa mga mata ni Sooyoung. Halatang pinipigilan niya lang ito.

 

"Sorry Sooyoung!" agad hinawakan ni Yoona pisngi nito kung saan niya ito sinampal.

 

Pero hinawakan ng mahigpit ni Sooyoung ang pulso nito. Sa sobrang higpit ay hindi makagalaw ang dugo niya sa kamay. Tsaka tinanggal ni Sooyoung kamay nito sa pisngi niya. Tsaka nagsimula itong naglakad papalayo sa kanya.

 

"Hoy!" sigaw ni Sooyoung. "Basang basa na ako!" tinulak ng mahina ni Sooyoung si Yoona.

 

Napakurap-kurap si Sooyoung ng hindi ito kumikibo. Kaya hinawakan ni Sooyoung magkabilang pisngi nito. "Sorry kung Harsh ako... Hindi ko alam nasasaktan na pala kita. Im sorry"

 

Nagulat si Yoona sa narinig niya.

 

"Wag mo nga ako tingnan ng ganyan!" naiiritang sabi ni Sooyoung.

 

"Pero wala parin akong gusto sayo. May naiwan ka kasi kaya hinabol kita" paliwanag nito.

 

"Defenssive" sabi ni Yoona habang nakangiti

 

 

* * *

 

 

Isang linggo ang lumipas naging maayos ang relasyon nilang dalawa ni Yoona. Hindi na siya nagiging harsh kay Yoona. Ilang taon niya rin ito tiniis. Minsan ay niyaya niya itong kumain sa labas.

Nadaanan ni Sooyoung ang kotseng pula kung saan kausap ni Yoona ang driver nito. Hindi ito nakapang-office. Ayaw ni Sooyoung sa suot nito. Dahil naka-sundress lang ito. Hinintay ni Sooyoung matapos mag-usap si Yoona at yung Driver. Pero maya-maya ay binuksan na ni Yoona ang pintuan ng kotse nito, mukhang sasakay ito sa pulang kotse. Uminit ulo ni Sooyoung at binangga niya ang pulang kotse.

Dahil hindi tinted ang kotse niya kaya nakita siya ni Yoona. Bakas sa mukha ni Yoona ang pagkagulat niya. Agad lumabas ng kotse si Sooyoung habang tinitingnan ng masama si Yoona. Nang makalabas siya ay huminga siya ng malalim.

 

"Kung ayaw mung kaladkarin kita papapunta sa kotse ko sumakay ka nalang at ako na bahala rito" giit ni Sooyoung.

 

Umuyam si Yoona dahil hindi siya makipaniwala sa pinagga-gawa nito. "At sa tingin m─" naputol niyang wika.

 

"Wag mo ako hahamunin Yoona! Kilala mu ako, pag sinabi ko gagawin ko. Don't dare me Yoona!" bulyaw ni Sooyoung.

 

Oo kilala niya si Sooyoung, ang hindi niya maintindihan bakit ito nagagalit. Bakit napaka-asal bata nito? Wala naman siyang ginagawa. Tsaka bakit kung maka-utos ito sa kanya, parang utang na loob niya buhay niya rito. Kaya sumakay nalang siya sa kotse nito ng walang imik. Masamang masama talaga loob niya kay Sooyoung.

 

"Seu─Seung─Seunghyun" nauutal na sambit ni Sooyoung.

 

"Oh? Anung kalokohan nanaman ba toh Choi Sooyoung?" tanong ni Seunghyun

 

"Choi Kilala mo ba siya?" tanong ng babaeng nakayakap sa pinsan niya.

 

"Oo, nakakahiya man sabihin. Pero kilala ko siya. Siya ang pinsan ko na kinakahiya kong ipakilala" sagot ni TOP habang nakatingin ng masama sa kanya.

 

"Hi, I'm Chaerin. Seunghyun's girlfriend" pakilala ng babaeng maliit.

 

"Hi? I'm Choi Sooyoung. Please to meet you" pormal niyang wika habang nakangiti. "I'm Sorry Chaerin" yumuko si Sooyoung sa harap ng maliit na babae.

 

"No. No. It's ok Sooyoung. No need to say sorry. May insurance naman ako, it's ok lang talaga" ngumiti si Chaerin kay Sooyoung.

 

"Ako na bahala sa Damages, ipasa niyo nalang sa akin ang Bill. Gusto ko pa sana makipagkwentohan pero may lakad pa kasi kami" pagpa-alam ni Sooyoung sa dalawa.

 

"Araso" ngumiti si Chaerin tsaka sumakay sa kotse ni Seunghyun.

 

"Sorry, akala ko kasi..." lumunok ng laway si Sooyoung tsaka umiwas ng tingin kay Seunghyun. "Ang akala ko ba...May gusto ka kay Yoona?"

 

"Ofcourse wala! Diba pinababantayan mo siya sa akin?" napipikon niyang tanong.

 

"Pina-asa mo lang si Yoona?" naging madilim ekspresyon sa mukha ni Sooyoung.

 

"Walang gusto sa akin si Yoona, Choi Sooyoung. May iba siyang mahal!" sigaw ni Seunghyun sa pinsan niya.

 

Dumilim lalo ekspresyon ni Sooyoung at the same time nasasaktan puso niya.

 

"Umamin ka na! Bago mahuli ang lahat Sooyoung! Wag ka ng mag aksaya ng panahon!" dagdag ni Seunghyun.

 

Agad tumakbo si Sooyoung ng marinig niya sinabi ng pinsan niya. Walang imik pina-andar niya ang kotse niya. Pareho silang tahimik ni Yoona. Mukhang galit na galit nga si Yoona sa kanya. Palihim sinilip-silip ni Sooyoung si Yoona sa Rear Mirror. Nakasimangot ito habang nakatingin sa labas ng bintana.

 

"Yoona.." nanghihinang tawag ni Sooyoung.

 

"Ano?" malamig niyang tanong.

 

Kinagat ni Sooyoung ibabang labi niya bago nagsalita. "May sasabihin sana ako sayo.."

 

"Ano?" malamig niyang tanong.

 

"May boyfriend ka na pala?" pabiro niyang tanong, pero sa kaloob-looban niya ay seryoso siya.

 

"Boyfriend? Sino si Seunghyun oppa? May girlfriend na siya diba?" tumingin si Yoona kay Sooyoung.

 

"Saan ka ba pupunta? Date?" tanong ni Sooyoung.

 

"Date?! Ganun ba ako kababaw sa tingin mo?! Para manira ng relasyon ng iba?!" bulyaw ni Yoona.

 

"Sino ba may sabing si Seunghyun tinutukoy ko?" seryosong tanong ni Sooyoung.

 

"Bukod kay Seunghyun wala na akong kaibigan na lalaki..." huminto si Yoona. "Bakit ka ba tanong ng tanong? Ano nanaman ba yang inaasal mo Choi Sooyoung?!"

 

Nagpark si Sooyoung sa Parking Space at hinawakan niya kamay nito habang nakatitig ng diretso sa mga mata ni Yoona. "Gusto kita Yoona..Hindi..Kulang yun.. Yoona, Mahal kita"

 

"Soo! Kung ano man Prank ito itigil mo na yan!" binawi ni Yoona kamay niya sa pagkakahawak nito.

 

Mabilis niyakap ni Sooyoung si Yoona ng makawala ito sa pagkakahawak niya. "Mahal kita simula nung Highschool. Alam ni Seunghyun yun!"

 

Hinawakan niya kamay ni Yoona at nilagay niya kamay nito sa dibdib niya. "Ikaw lang tinitibok niyan simula nung una..."

 

Nagulat si Yoona ng maramdaman niya gaanu ka bilis pintig ng puso nito. "Pero... Diba si Jessica ang gusto mo?! Yung mate mo sa USA"

 

"Ok lang kahit wala akong mapala sayo. Bigyan mo lang ako pagkakataon aminin sayo ito..." hindi pinansin ni Sooyoung tanong nito.

 

"Sooyoung, baka kasi hindi mo nakikita si Jessica. Kaya akala mo may gusto ka sa akin.." pag sabat ni Yoona.

 

"Yoona, makinig ka muna!" hindi niya sinasadyang masigawan ito.

 

"Baka nabigla ka lang!" pagmamatigas ni Yoona.

 

"SHUT..........UP!" giit ni Sooyoung.

 

"Syoo..I-tigil mo na prank na to. Hindi ka nakakatu─" naputol sasabihin ni Yoona nang halikan siya nito.

 

Maya-maya ay gumanti na rin ng halik si Yoona. Nang maubosan sila ng hangin ay dahan-dahan sila naglayo pero magkadikit parin mga noo nila. Tsaka niyakap niya ng mahigpit si Yoona.

 

"Alam mu ba.. Sinasadya kong matalisod ka noon" ngumiti si Sooyoung habang hinahawi buhok ni Yoona.

 

"Hindi mo kasi ako, pinapansin. Gusto sana kita kausapin pero makita mo lang ako ay iniirapan mo na ako" tumawa si Sooyoung nung maalala niya mga nangyari noon.

 

"Eh kasi binubwesit mo ako!" inirapan ni Yoona si Sooyoung.

 

Tumawa ng malakas si Sooyoung. Nang makabawi siya ay nagbalik tanaw ulit siya. "Ginawa pa nga kitang inspiration nun para mag aral. Pero mali naman pagkakaintindi mo!"

 

"Mayabang ka kasi..." iniirapan niya ulit ito.

 

"Ako mayabang?" seryosong tanong ni Sooyoung.

 

"Oo!"

 

"Talaga mayabang ako?" .

 

"Oo! Sobra!"

 

"Di nga?"

 

"Oo! Sobra!"

 

"Talaga?"

 

"Oo! Oo! Oo!"

 

"Mahal mo ako?" nakangiting tanong ni Sooyoung.

 

"Oo! Sobra! Oo!!!"

 

"Talaga?"

 

"Oo nga kasi!"

 

"I love you too"

 

"Bakit may too?!"

 

"Sagot mo oo diba? Oo mahal mo ako!"

 

"Wala akong sinabi!"

 

"Yehey kami na!"

 

"Hindi!"

 

"Oo!"

 

"Hindi nga sabi eh!"

 

"Sabi mo mahal mo ako!"

 

"Hindi ko alam!"

 

"I love you!"

 

"No way!"

 

"Hayyy"

 

"I love you! I love you!!!!!"

 

 

NEXT STORY: The Sun Will Rise Again

Zombie Apocalypse Love Story

Genderbender / Suspense

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
I will publish the finale tomorrow ..

Comments

You must be logged in to comment
byunsoshi_09
#1
Chapter 4: Otorrrr~ tuloy mo na 'toooo plith~ gand na nang basa ko ehhh huhu
BOD-COD #2
Chapter 24: can you make a english version ??

i'm trying to understand but failed.
ArielleKim #3
asan yung ibang chapter? nakalagay 13 chapters? e bakit 4 lang nakalagay? -___-?
shikshinhot24
#4
Chapter 6: Daebak!!!!wohohohohoh SooNa ♡♡
Leibmjuell #5
Chapter 2: Omg mahal na po kita xD ang gondo nung I'm in love with a robot *o*
itsmecarylann
#6
99 Days With My Angel please!
nyonyo3012 #7
soona fic!! ^o^
Do you have eng.version? I don't understand tagalog... :(
shikshinhot24
#8
Chapter 2: <3 <3 <3 <3 <3 SHOOT!!!!MAH SOONA FEELS!!daebak author'ssi !!
soyung #9
Chapter 1: English version please :(
kenpetfamsys #10
Chapter 1: too bad i can't understand :'( hope that u'll have the eng ver. for these stories :((