My Guardian Angel Part Two

Sooyoung & Yoona Oneshot

 

 

Continuation..

 

Sa Library..

 

"Sica, tingnan mo kung sino ang nandito.." saad ni Tiffany habang tinatago ibabang portion ng mukha niya sa libro. Lumingon si Jessica nagtataka kung sino ang tinutukoy ng kaibigan niya. Nakita niya si Sooyoung pumasok sa Library. "Yah! Wag mo siyang titingnan. Baka mahalata niya tayo." nang dumaan si Sooyoung sa harap nila agad silang yumuko at nagtago sa kanilang hawak na libro. Pareho silang nagtataka kung anong ginagawa ni Sooyoung sa library kahit niminsan hindi ito pumapasok ng library. Ito ang unang beses na makita ito sa ganitong klase na lugar at mukhang may hinahanap pa ito. Maya-maya ay lumabas na ito.

 

"Ano kaya ginagawa niya dito? At sino kaya hinahanap niya?" tanong ni Jessica at nagkibit balikat si Tiffany bilang sagot.

 

Sa Cafeteria..

 

Nang pumasok si Sooyoung sa cafeteria agad niyang nakita si Yoona na kumakain mag-isa hindi na siya nagdalawang isip lapitan ito at umupo sa harap nito. Tiningnan siya ni Yoona ng ilang saglit bago binalik ulit ang atensyon niya kanyang pinapanuod na video sa cellphone niya.

 

"May makakakita sa atin." matamlay na wika ni Yoona.

 

"Ano ba pinapanuod mo?" tanong ni Sooyoung. Pinakita ni Yoona ang kanya phone kay Sooyoung tsaka nagfocus nanaman sa pinapanuod niya. "Ano bang klaseng palabas yan?" tanong ulit ni Sooyoung ngunit hindi na muling nagsalita si Yoona tahimik lang itong nanunuod tila nakalimotan ang presensya ni Sooyoung.

 

"Yoona, namiss kita." malungkot na wika ni Sooyoung habang nakatingin sa mukha nito. "Na inspire ako dahil sayo."

 

"Tumigil ka na please baka maniwala nanaman ako sayo." pagmamakaawa ni Yoona habang iniiwasan parin tingin nito.

 

"Yoona maniwala ka sa akin seryoso na ako this time." nakasimangot na wika ni Sooyoung. Naglakas loob si Yoona na salubungin ang tingin nito at nakita niya sa mata ang sincerity ngunit ayaw na niya ito paniwalaan.

 

"Patunayan mo." malamig na wika ni Yoona tsaka dali-daling nililigpit ang kanyang mga gamit at naglakad ng mabilis habang si Sooyoung naman nakasunod sa kanya.

 

"Yoona!" pagtawag ni Sooyoung pero ayaw siya pakinggan ni Yoona.

 

"Hindi mo alam ang tunay na ibig sabihin ng kaibigan."

 

"Hindi lang kita gusto maging kaibigan. Gusto kitang maging higit pa sa kaibigan." sa wakas tumigil na rin sa paglalakad si Yoona ngunit nanatili parin itong nakatalikod sa kanya.

 

"Hindi mo alam kung ano gusto mo."

 

"Baka naman kasi natatakot ka na may mga tao na gusto ka makasama." sagot ni Sooyoung habang hinahabol niya ang kanyang hininga.

 

"At bakit naman ako matatakot?" tanong ni Yoona habang nakastraight face.

 

"Dahil hindi ka na makakapagtago sa libro mo, sa telescope mo at sa pananalig mo." sagot ni Sooyoung. Nagpanic siya ng magpatuloy muli si Yoona sa paglalakad. "No. No." inabot ni Sooyoung kamay ni Yoona tsaka hinila ito patungo sa kanya tsaka niyakap niya ito pataliko parang nagslow motion ang lahat ng yakapin siya ni Sooyoung. "Alam mo ang tunay na rason kung bakit ka natatakot Im Yoona.. Natatakot ka dahil gusto mo rin ako makasama." pinilit ni Yoona kumawala sa pagkayayakap ni Sooyoung tsaka tiningnan muna ito bago umalis. Wala ng magawa si Sooyoung. Pinanuod niya nalang ito maglakad papalayo sa kanya.

 

 

...

 

 

Sa Kwarto ni Sooyoung..

 

"Choi, magsayaw nalang tayo." suhesyon ni Hyoyeon habang nagpo-popping dance sa gilid habang si Sooyoung may ano pinapanuod sa laptop niya.

 

"Hyo, pwede bang pakihinaan natin yan. Nagbabasa ako dito oh." mahinahon na wika ni Sooyoung habang nakafocus ang atensyon niya sa pinapanuod niya.

 

"Ano ba yang pinapanuod mo, Choi?" tanong ni Hyoyeon nagpo-popping dance parin. "Okay. Okay." in-off ni Hyoyeon ang music tsaka umupo at uminom ng beer at natawa siya nang makita na yogurt ang iniinom ni Sooyoung. "So, wala ka ng paki alam sa hiphop ko? Ano bang nangyayari sayo, Soo?"

 

"Bakit ano ba nangyayari sa akin?" tanong ni Sooyoung habang palipat-lipat tingin niya sa kaibigan niya at sa pinapanuod niya.

 

"Naging boring ka na rin tulad ni Yoona." bumuntong hinga si Hyoyeon habang pinagmamasdan ang kaibigan niya. "Sa totoo lang akala ni Jessica na may namamagitan na sa inyo ni Yoona." hindi nanaman sumagot si Sooyoung pero alam niya nakikinig ito sa kanya. "Ano ba nangyayari sayo, Sooyoung? Wala ka ng panahon sa real friends mo."

 

"Ewan ko ba, Hyo. Isang araw ng magising ako narealized ko na pagod na ako maging ganito. Gusto ko ng baguhin buhay ko, Hyo." sagot ni Sooyoung habang sinasara niya ang kanyang laptop.

 

"Binago ka ng babaeng ito at hindi mo toh alam." malungkot na wika ni Hyoyeon.

 

"Alam ko. Si Jessica nagsabi niyan diba?" ngumiti si Sooyoung kay Hyoyeon.

 

"Hindi." tiningnan ni Hyoyeon mga mata ni Sooyoung. "Ako nagsabi nun."

 

 

...

 

 

Sa Bahay ng mga Im..

 

"Hey.." ngumiti si Sooyoung habang lumalapit kay Yoona.

 

"Ikaw." ngumiti rin si Yoona habang nakatingin kay Sooyoung.

 

"Ako." inabot ni Sooyoung ang dala niyang paper bag kay Yoona ngunit hindi ito tinanggap ni Yoona.

 

"Ano yan?" tanong ni Yoona.

 

"Para sa iyo." ngumiti si Yoona tsaka inabot ulit ni Sooyoung ang paper bag at tinatanggap na rin ito sa wakas ni Yoona.

 

"Kamsahamnida." sagot ni Yoona. Kahit na curious siya ayaw niya itong buksan sa harap ni Sooyoung.

 

"Magkita nalang tayo sa school bukas." ngumiti si Sooyoung. Sa totoo lang napakasaya niya ngayon pero ayaw niya naman ito ipakita kay Yoona o kay Mr. Im. Nanatili lang siyang kalmado.

 

"Okay.." ngumiti rin Yoona. Bago pa man makaalis si Sooyoung ay naabutan siya ni Mr. Im sa labas.

 

"Mr. Choi.." seryosong tinig ni Mr. Im.

 

"Goodnight, Sir." yumuko si Sooyoung tsaka umalis. Binuksan ni Yoona ang paper bag at napangiti siya ng makita ang kulay blue na sweater. Halatang gustong-gusto ito ni Yoona. Lumapit si Mr. Im at umupo sa tabi ni Yoona habang nakatingin sa regalo ni Sooyoung.

 

"Yoon..." humarap si Mr. Im kay Yoona. "Ganyan ang mga lalaki." hindi sumagot si Yoona at hinintay ang susunod nitong sasabihin. "May mga expectations sila. Alam mo ang rules at hindi magbabago yun."

 

"Fine.." ngumiti si Yoona sa daddy niya. "Sa tingin ko gusto niya lang ako maging masaya. Sweater lang naman ito, appa." hinalikan ni Yoona ang kanyang daddy sa pisngi tsaka pumasok sa bahay nila nang maiwan mag isa si Mr. Im napabuntong hinga nalang ito.

 

 

...

 

 

Sa Bahay ng mga Choi..

 

"Kinausap ko daddy mo ngayon. Ang sabi niya napanuod niya daw stage play mo." ani ni Mrs. Choi habang naghihiwa ng lettuce habang si Sooyoung naman nagluluto ng ramyeon sa stove.

 

"Yeah, kung sa tingin niya padadalhan ako ng check twice ay magiging ama na siya sa akin. Nagkakamali siya." saad niya habang kumukuha ng itlog sa kitchen counter.

 

"Sooyoung, may mga rason kung bakit nangyari yun." malungkot na wika ni Mrs. Choi.

 

"Umma, iniwan niya tayo. Iniwan niya tayo para sa isang babae n—s***. Bull****!" giit ni Sooyoung.

 

"Pero kailangan mo siyang patawarin. Daddy mo parin siya kahit anong mangyari." hinawakan ni Mrs. Choi ang likod ni Sooyoung tsaka hinahagod-hagod ito para pakalmahin ang kanyang anak.

 

 

...

 

Sa Hallway...

 

Naglakad si Jessica at Hyoyeon binigay niya ang pictures na nakuha niya nung stage play nila. Lumapit si Taeyeon ng makita niya ang kanyang dalawang kaibigan.

 

"Oh my God, Im Yoona. Tingnan mo si Im Yoona ang ganda niya talaga sa stage play." bulaslas ni Hyoyeon habang nakatingin sa mga pictures na nakuha ni Jessica. Binigyan din ni Jessica ng picture si Taeyeon dahil nagtataka ito kung ano pinagsasabi ni Hyoyeon. Nung stage play kasi wala siyang napanuod dahil mahimbing ang tulog niya. Ginising lang siya ni Tiffany nung tapos na ang play.

 

"Oo nga Hyo, ang ganda niya pala. Sayang hindi ko nakita toh nung stage play." kinamot ni Taeyeon ulo niya ng makita niya nagdilim ang ekspresyon ni Jessica.

 

"Hindi naman siya maganda, ganun parin naman itsura niya. Plain." sagot ni Jessica habang nakatingin sa mga larawan na nakuha niya. "Wait, wait."

 

"Bakit?" tanong ni Hyoyeon at Taeyeon.

 

"May naisip akong ideya." ngumiti si Jessica kay Taeyeon at kay Hyoyeon.

 

Sa Labas ng SM University..

 

Binibigyan ni Tiffany at Taeyeon ng fliers ang lahat na dumadaan na estudyante.

 

"Yul, tingnan mo toh." binigyan ni Tiffany ng fliers si Yuri at tumawa ng malakas si Yuri.

 

"Ito." binigyan ni Tiffany yung ibang estudyante.

 

"Tingnan niyo toh." binigyan din ni Tiffany ang grupo ng mga juniors na dumaan.

 

Sa Hallway..

 

"Yoona." lumapit si Jessica kay Yoona.

 

"Hi." naawkward na bati ni Yoona.

 

"Hi.." huminto muna sa pagsasalita si Jessica para lumunok ng laway. "Makinig ka, gusto ko na malaman mo. Matagal na kaming wala ni Sooyoung. No hard feelings."

 

"Wala akong maintindihan sa sinasabi mo." kinagat ni Yoona ang kanyang ibabang labi tsaka ibinaling ang kanyang atensyon sa iba.

 

"Yoona..." pagtawag ni Jessica at napatingin naman si Yoona sa kanya. "Ang ganda mo pala pag nakamake up." kumunot ang noo ni Yoona habang nakatingin kay Jessica. "Halika." kinaladkad ni Jessica si Yoona papuntang cafeteria. "Samahan mo akong kumain." ngumiti si Jessica kay Yoona.

 

"Okay.." sagot ni Yoona.

 

"Ano ba gusto mong kainin?" tanong ni Jessica.

 

"Okay lang ako. Busog pa naman ako."

 

"Okay." naglakad si Jessica sa kabilang table at pinulot ang fliers na nasa sahig. Napansin ni Yoona nagtawanan ang mga estudyante dahil sa fliers. Nagsimula nanaman siyang kabahan dahil dito. "Wow!" pinakita ni Jessica kay Yoona ang fliers. "Ikaw ba toh?" tanong ni Jessica. Tiningnan ni Yoona ang picture tsaka nakita niya ang kanyang picture pero pinalitan ang kanyang katawan at nakabikini lang ito may nakalagay pang Rilakkuma Lady? sa baba. "Nice body." ngumisi si Jessica kay Yoona. Dahan-dahan namuo ang luha sa mga mata ni Yoona habang nakatingin sa mga estudyante na tumatawa. Hanggang sa hindi na niya kinaya ang pagkahiya tatakbo na sana siya papuntang exit pero bumangga siya sa pagkakayakap ni Sooyoung.

 

"Woah!" hinayaan ni Sooyoung na umiyak si Yoona sa kanyang dibdib bago kinompronta ang kanyang mga kaibigan. Ramdam niya nanginginig si Yoona. "Yoona, hindi toh tungkol sa iyo, okay?" tumango si Yoona kahit na nakabaon ang kanyang mukha sa dibdib ni Sooyoung. "Tungkol toh sa akin. Dito ka lang, okay? Kakausapin ko lang mga ito." nag dilim ang ekspresyon ni Sooyoung habang tiningnan paisa-isa ang kanyang mga kaibigan. Binitawan ni Sooyoung ang kanyang bag at lumapit sa kanila.

 

"Yo, Soo." pinakita ni Yuri ang fliers kay Sooyoung. "Kaya pala ayaw mo siya i-expose sa iba." ngumisi si Sooyoung kay Yuri tsaka tinulak ito ng napaka-lakas agad bumangon si Yuri at tinulak niya rin si Sooyoung.

 

"Tama na, Yul." pinigilan ni Jessica si Yuri.

 

"Umalis ka dito Jessica!" bulyaw ni Yuri kay Jessica tsaka hinarap niya ulit si Sooyoung. "Man, it—" hindi pinatapos ni Sooyoung si Yuri at binigyan niya ito ng malakas na suntok sa mukha. Nilapitan ni Tiffany si Yuri para pigilan ito ngunit tinulak siya Yuri ng napakalakas agad tumakbo si Taeyeon kay Tiffany para alamin kung ok lang siya, tumango lang si Tiffany tsaka ngumiti kay Taeyeon pero nagdilim parin ekspresyon ni Taeyeon. Lumapit si Hyoyeon sa pumunta sa gitna para pigilan ang dalawa ngunit tinulak siya ni Yuri.

 

"Hindi ka na kasali sa grupo namin." sigaw ni Yuri.

 

"Oh edi, mabuti." pinulot ni Sooyoung ang kanyang bag tsaka nilapitan si Yoona. "Okay ka lang ba?" tumango lang si Yoona bilang sagot.

 

"Isa itong malaking pagkakamali, Choi Sooyoung. Tandaan mo yan." sigaw ulit ni Yuri. Hindi pinansin ni Sooyoung ang kanyang concern lang ngayon ay si Yoona. Nasasaktan si Jessica habang pinapanuod niya si Sooyoung at Yoona.

 

"******* mo Choi Sooyoung!" sigaw ni Yuri. Dahil ayaw tumigil ni Yuri sa pagwawala kaya sinuntok ni Taeyeon si Yuri ng napakalakas dahilan para mahimatay ito.

 

"Tae!" sigaw ni Tiffany kahit si Hyoyeon ay nagulat sa ginawa ni Taeyeon.

 

"Para yan sa pagtulak mo sa Girlfriend ko." pinilit niyang kumalma. "Square lang tayo."

 

"Sorry.." pinunasan ni Sooyoung ang luha ni Yoona.

 

"Gusto mo ba ihatid kita sa bahay niyo?" tanong ni Sooyoung at agad naman tumango si Yoona.

 

"Sige, umalis na tayo dito." hinawakan ni Sooyoung ang kamay ni Yoona tsaka pumunta sila sa carpark.

 

Sa labas ng bahay ng mga Im..

 

"Okay ka lang ba talaga?" tanong ni Sooyoung kay Yoona.

 

"Hmm.. Okay na ako at salamat sa lahat." ngumiti si Yoona kay Sooyoung.

 

"Walang anuman, Yoona." ngumiti rin si Sooyoung. Binuksan ni Yoona ang pintuan sa passenger seat. "Yoona.." tiningnan siya ni Yoona. "May gusto lang sana ako itanong sa iyo."

 

"Okay, ano ba yun?" tanong ni Yoona kay Sooyoung.

 

Kinagat muna ni Sooyoung ang kanyang ibabang labi bago magtanong. "Pwede ba tayo lumabas ngayong saturday night?" tanong ni Sooyoung habang kumikinang ang mata.

 

"Erm.. Sorry. Hindi ako pwede." sagot ni Yoona at pinagsisihan niya ito ng makita niya ang sakit sa mga mata ni Sooyoung.

 

"Oh, may lakad ka ba ngayong Saturday Night? o—" umiling si Yoona.

 

"Hindi. Hindi."

 

"So, ano?" lalong nalungkot si Sooyoung. "Posible kayang may boyfriend na siya? Tsaka sino naman? Si Suho?"

 

"Bawal ako makipagdate." bumuntong hinga si Yoona habang si Sooyoung naman deep inside na relieved.

 

"Okay, naiintindihan ko." ngumiti si Sooyoung kay Yoona.

 

 

...

 

 

Sa Simbahan..

 

"Do not be deceived.." boses ni Mr. Im.

 

"God is not a mocked." abala parin ito sa pagbabasa, nihindi niya napansin na pumasok pala si Sooyoung.

 

"For whatever a man sows that he will also reap" dagdag ni Mr. Im at hindi maintindihan ni Sooyoung ang ginagawa ng nakakatanda na lalaki. "For he who sows to his flesh will of the flesh reap—" natigilan si Mr. Im nang mapansin niya presensya ni Sooyoung.

 

"Bakit ka narito? Anong kailangan mo, Mr. Choi?" sunod-sunod na tanong ni Mr. Im.

 

"Hmm.. Sir, gusto lang sana magpaalam sa inyo kung pwede ko ba yayain si Yoona kumain sa labas ngayong saturday." kinakabahan na wika ni Sooyoung.

 

"Sorry pero hindi ako pumapayag." sagot ni Mr. Im habang binabasa ng mahina ang isang bible verse.

 

"Sir, please." nagsimula ng magmakaawa si Sooyoung.

 

"Sorry pero buo na pasya ko at yun ay NO." sagot ni Mr. Im nang mapansin niya na hindi parin gumagalaw si Sooyoung sa kinakatayuan ay tiningnan niya ulit ito. "Makakaalis ka na, Mr. Choi."

 

"Sorry Sir, kung hindi ko tinatrato ng maayos si Yoona noon. Hinihingi ko lang po yung tinuturo niyo sa amin sa simbahan. At yun ay Faith." ngumiti si Sooyoung kay Mr. Im tsaka nagsimulang lumuhod sa harap nito.

 

 

...

 

 

"Hindi ako makapaniwalang napapayag mo si appa." ngumiti si Yoona kay Sooyoung. Sa totoo lang kahit na naglalakad lang sila sa riverside ng han river ay nag e-enjoy na siya. Hindi niya alam na ganito pala kaganda ang view nito pag gabi na. Nagtataka siya kung bakit walang tao eh isa naman ito sa matao na lugar dito sa Seoul.

 

"Hindi naman big deal kay Mr. Im yun. Okay lang naman siya sa totoo lang." sumakay si Sooyoung at Yoona sa Ferry Cruise. Tulad sa labas wala parin mga tao sa loob kung meron may ay mga waiter at waitress lang ang nakikita niya. Hindi naman sa nakasakay na siya sa Ferry Cruise noon pero nagtataka talaga siya kung bakit tahimik napaka-aga pa naman. At may isang table at dalawang upuan lang ang nakita nila. Hinila ni Sooyoung ang upuan at pinaupo si Yoona upuan na yun tsaka siya naman nasa kabilang upuan. 

 

"Salamat, Soo." nakangiting wika ni Yoona. Hindi niya maideny na kinikilig na talaga siya sa dahil sa pagiging sweet nito. "Soo, bakit tayo lang narito nasaan na yung ibang tao." tanong ni Yoona habang palinga-linga.

 

"Nirentahan ko cruise na toh para sa ating dalawa." nakangiting wika ni Sooyoung. Maya-maya lumapit ang waiter kina Sooyoung at Yoona.

 

"Para sa iyo." binigyan ng waiter ng menu si Yoona at tinanggap ito ni Yoona.

 

"Kamsahamnida.." ngumiti si Yoona tsaka kinuha ang menu mula sa waiter. Kinuha ni Sooyoung ang isa pang menu mula sa waiter.

 

"Thanks."

 

"Gusto niyo ba umorder muna ng inomin habang hinihintay order niyo?" tanong ulit ng waiter.

 

"Ice tea, please.."

 

"Gawin mong dalawa." utos ni Sooyoung sa waiter tsaka umalis na ang waiter. Nagsimula nanaman maging awkward ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa. Nang sinubukan ni Sooyoung salubongin tingin ni Yoona agad naman ito yumuko. Nung tiningnan naman siya ni Yoona ay tumingin naman siya sa ibang direksyon.

 

"Hindi mo naman kailangan gumastos para lang sa date na ito, Sooyoung ssi." ani ni Yoona.

 

"Wag mo iisipin ang babayarin, Okay?" ngumiti si Sooyoung ngunit agad naman ito sumimangot.  "Aray, ang sakit naman ng Sooyoung ssi. Pwede Soo nalang o Sooyoung?" malungkot na sabi ni Sooyoung pero halatang pinapeke niya lang ito.

 

"Okay. Sooyoung." napangiti siya ng makita niya itong mag pout hindi niya inaakalang marunong pala itong mag aegyo.

 

"Pumili ka na kung anong gusto mo." nakangiti niyang wika tsaka binuksan ang menu book niya.

 

1 hour later...

 

Halos maubos na ni Yoona ang kanyang red velvet habang si Sooyoung naman ay hindi parin ginagalaw ang kanyang Mocha cake dahil nakatitig lang siya kay Yoona habang kumakain ito. Hindi niya inaasahan napakaganda parin nito kahit na ang takaw-takaw nitong kumain dahil wala naman sa itsura nito. Natutuwa siya dahil may mga bagong inpormasyon siyang nalalaman tungkol kay Yoona. Maya-maya lumapit nanaman ang waiter.

 

"Nagustohan niyo ba order niyo?" tanong ng waiter habang nililigpit ang mga pinggan. Tumigil si Sooyoung sa pagtitig kay Yoona tsaka tiningnan ang waiter.

 

"Hmmm.. Hmm.. Neh, kamsahamnida." nakangiting wika ni Yoona.

 

"Ako rin nagustohan ko. Salamat." ngumiti rin si Sooyoung. Kinuha ng waiter ang plato ni Sooyoung tsaka umalis. Nang makaalis ang waiter at tiningnan niya nanaman si Yoona na kasulukuyan namang nakatingin sa lalaking tumatugtog ng violin mula sa di kalayuan. Sinundan ni Sooyoung ang tingin ni Yoona tsaka napakunot ang noo niya nang makita kung anong tinitingnan nito.

 

"Gusto mo ba sumayaw?" tanong ni Yoona habang nakatingin parin sa lalaking tumutugtog ng violin. 

 

"Sorry, pero hindi ako sumasayaw." sagot ni Sooyoung habang sinusubukan parin ngumiti.

 

"Ako rin naman, hindi ako sumasayaw. I mean, hindi sa harap ng ibang tao." napangiti si Yoona ng makita niya ang reaction ni Sooyoung. Mukhang kinakabahan nanaman ito.

 

"Well, no. I mean, h-hindi talaga—" sagot ni Sooyoung habang umiiling na parang bata. "As in hindi talaga ako sumasayaw."

 

"Lahat naman tayo marunong sumayaw eh. Siguro naman hindi ka naman ganun kasama sumayaw." niluwagan ni Yoona ang kanyang ngiti habang nakatingin sa mga mata ni Sooyoung. "Please, kahit para sa akin lang.." pakiusap ni Yoona habang kumikinang ang kanyang mga mata kaya walang nagawa si Sooyoung kundi pumayag nalang. Magkahawak kamay sila habang naglalakad papunta sa gitna. Huminga muna ng malalim si Sooyoung bago inilagay ang kaliwa niyang kamay sa bewang ni Yoona. Inilagay naman ni Yoona ang kanyang kanang kamay sa balikat ni Sooyoung habang yung isa naman ay nilagay niya ang kanyang kaliwang kamay sa kamay ni Sooyoung. Nasira ang moment ng matapakan ni Sooyoung ang paa ni Yoona. "Oww."

 

"Oh, sorry sabi ko naman kasi sayo hindi ako marunong sumayaw." malungkot na wika ni Sooyoung tsaka bumuntong hinga.

 

"Mabuti naman winarningan mo ako." natatawang wika ni Yoona.

 

"So ano ba ang number 1 sa list mo?" tanong ni Sooyoung ng tumigil si Yoona sa kakatawa ngunit umiling lang ito bilang sagot. "Okay, hmm, yung nasa number 1 list ko, gusto ko pumunta sa dalawang city ako at the same time.l."

 

"Possible ba yun?" kumunot ang noo ni Yoona habang nakatitig kay Sooyoung.

 

Sa Jingwan Dong..

 

"Saan ba tayo pupunta, Sooyoung?" tanong ni Yoona habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse ni Sooyoung. Nang bumaba sila sa Seonyudo Park ay akala niya ihahatid na siya ni Sooyoung sa kanilang bahay ngunit dinala nanaman siya nito kung saan at mukhang aalis sila sa Seoul.

 

"Basta, malalaman mo rin." nakangiting sagot ni Sooyoung habang hinahawakan kamay ni Yoona. Maya-maya tumigil na rin sa wakas sa pagda-drive si Sooyoung, agad itong lumabas sa kotse tsaka pinagbuksan si Yoona ng pintuan. 

 

(Background Music: Give My Love by 에드워드 천)

 

"Halika.." hinawakan ni Sooyoung ang kamay ni Yoona tsaka tumakbo.

 

When I look in your eyes I can see that you
Want to be with me but you're so scared.

 

"Ano ba ginagawa natin dito, Soo?" tanong ni Yoona.

 

"Tatakbo." ngumiti si Sooyoung tapos maya-maya tumigil ito sa pagtakbo. "Okay tumayo ka lang dyan.."

 

And I don't know what to say or do
But the tears keep falling from your eyes

 

"Okay, tapos?" tanong ni Yoona.

 

"Ilagay mo kaliwang paa mo dito.." tinuro ni Sooyoung ang line markings agad naman ito ginawa ni Yoona. "Tapos isang paa mo dito."

 

"Okay.." tila hindi parin naiintindihan si Yoona sa pangyayari.

 

"Okay ito na.." ngumiti si Sooyoung.

 

And I know that times won't change my love
And I can't do nothing to keep you

 

"Alam mo para kang baliw." nakangiti paring wika ni Yoona.

 

"Sa ngayon nasa dalawang city tayo at the same time.." ngumiti si Sooyoung tsaka hinawakan ang dalawang kamay ni Yoona.

 

"Okay???" sa totoo lang ay wala parin talaga maintindihan si Yoona sa nangyayari. Ngunit naintindihan niya ang lahat ng ipakita ni Sooyoung ang signboard na Welcome to Goyang City. 

 

Oh, I'll give my love
Oh when I hold you tight

 

Pareho silang nakangiti na parang timang. Tumawa ng malakas si Yoona tsaka niyakap si Sooyoung.

 

Give.. My love through kisses oh so bright
And you know... That I can't change my love.
Take my love all through the night

 

(Background Music: Everyday by 박은우)

 

Everyday.. Everytime.. Sonkkeute beonjin ne miso...
Everyday.. Everynight.. tto kkumeul kkudeut dagawah...

 

"Butterfly, Kisses, or Star?" tanong ni Sooyoung habang kinukuha ang temporary tattoo mula sa bag niya.

 

"Gusto ko ikaw ang pumili.." nakangiting sagot ni Yoona.

 

"Star..." pinakita ni Sooyoung ang temporary tattoo na Star kay Yoona tsaka ngumiti.

 

Seuttururu.. Tteollineun du nun.. Sujubeun misoga neomu chowa...
Talgomhae.. Neoye hyanggikkaji.. Nal seollege hae...

 

"Kailan ka ba nagka-interest sa star?" tanong ni Yoona.

 

"Simula nung nakilala kita ng lubusan." sinserong sagot ni Sooyoung tsaka ngumiti kay Yoona. "Saan mo ba gusto ito ilagay?"

 

"Hmm." hinawakan ni Yoona ang kanyang batok. "Gusto ko dito." itinali ni Yoona ang kanyang buhok habang si Sooyoung naman ay tahimik niyang pinapanuod si Yoona. Tiningnan niya ang batok ni Yoona at napakadami nitong baby hair sa batok. Natulala si Sooyoung dahil hindi niya inaakalang may y side din pala ito.

 

Nan idaero Falling.. Urin Falling nunbushike binnaneun Little Star..
Nan neo eobshin Lonely.. Seulpeun Lonely.. Sarangseureon namani Little Star..
Naegero wah...

 

"Okay.." pinakalma muna ni Sooyoung ang kanyang dibdib bago nagpatuloy. Tinanggal ni Sooyoung ang cellophane ng temporary tattoo tsaka inilagay ito sa batok ni Yoona habang si Yoona naman ay nakatingin kay Sooyoung mula sa rear mirror. Tumingin muna si Sooyoung sa rear mirror bago nagpatuloy tsaka ngumiti kay Yoona.

 

Seuttururu.. Kwiitkareul maemdon.. Najeun moksoriga naneun chowa..
Onjongil.. I'm falling in love.. Neoreul saranghae...

 

Dahan-dahan tiinanggal ni Sooyoung ang likod na parte ng temporary tattoo at napangiti siya ng dumikit ang pekeng tattoo sa batok ni Yoona.

 

Nan idaero Falling.. Urin Falling.. Nunbushike binnaneun Little star...
Nan neo eobshin Lonely.. Seulpeun Lonely.. Sarangseureon namani Little star...
Naegero wah.. Naegero wah.. Nae mam da kajyeogan neon Little star...
Nan neo eobshin Lonely.. Seulpeun Lonely.. Sarangseureon namani Little star...

 

Ngumiti si Sooyoung at Yoona sa isa't-isa tsaka hinihipan ni Sooyoung ang batok ni Yoona. Hinawakan ni Sooyoung ang Star na nasa batok ni Yoona habang naga-eye-to-eye contact silang dalawa at parehong may ngiti sa kanila labi. "I love you, Yoona." sa isip ni Sooyoung.

 

Neol gidaryeo... Oh yeah...
NEOL SARANGHAE...

 

"I love you, Yoona." bulong ni Sooyoung habang nakatitig parin sa mga mata ni Yoona. Bakas sa mukha ni Yoona ang pagkagulat at isang minutong natahimik si Yoona. "Yoona? Wala ka bang isasagot sa akin?" tanong ni Sooyoung.

 

"Nangako ka sa akin na hindi ka maiinlove sa akin." nanginginig na sagot ni Yoona. Nadismaya si Sooyoung sa sagot ni Yoona ngunit hinalikan niya parin ito.

 

"I love you, Im Yoona."

 

 

...

 

 

(Background Music: Heaven by Jessica and Tiffany)

 

 

Sa Labas ng SM University..

 

Oh - thinkin' about all our younger years..
There was only you and me..
We were young and wild and free..

 

Magkahawak kamay habang naglalakad si Sooyoung at Yoona papasok ng SM University. Wala silang pakialam sa tingin ng ibang estudyante. Habang si Taeyeon, Tiffany, Hyoyeon, Jessica at Yuri naman na nakatambay sa bench ay napansin ang pagdating ni Sooyoung at Yoona. Tiningnan ni Yuri si Jessica na kasulukuyan tahimik na pinagmamasdan ang bagong couple na dumaan sa harap nila at kahit si Sooyoung walang paki-alam sa tingin ng dati niyang mga kaibigan.

 

Now nothin' can take you away from me..
We've been down that road before..
But that's over now..
You keep me comin' back for more..

 

"Bulls***!" sigaw ni Yuri habang nakatitig sa likod ni Sooyoung.

 

 

...

 

 

Sa labas ng Bahay ng mga Im..

 

Umiinom ng kape si Mr. Im habang hinintay si Yoona kada minuto niya tinitingnan ang kanyang wristwatch dahil 10pm na at hindi parin umuuwi si Yoona. Maya-maya dumating si Yoona kasama nanaman si Sooyoung. Pinapanuod niya ang dalawa na masayang magkaholding hands hanggang sa tumigil ito sa paglalakad tapos hinalikan ni Sooyoung si Yoona. Tumayo si Mr. Im at lumapit sa kanilang dalawa.

 

"Yoona, magpaalam ka na kay Mr. Choi." seryosong wika ni Mr. Im habang nakatitig kay Sooyoung. Agad naman binitawan ni Sooyoung ang kamay ni Yoona ng makita niya ang kanyang ama at dumistansya siya kay Yoona. "Umuwi ka na Mr. Choi. Gabi na."

 

"Goodnight, Yoong." hinawakan ni Sooyoung kamay ni Yoona tsaka hinalikan ito.

 

"Goodnight, Soo." ngumiti ng matamis si Yoona.

 

"Goodnight, Sir." ngumiti si Sooyoung kay Mr. Im tsaka yumuko bago umalis.

 

"Yoona ano ba sa tingin mo ginagawa mo?" tanong ni Mr. Im. "Ikaw.. Ikaw at yung Choi Sooyoung umaasta na par—"

 

"Inlove?" dugtong ni Yoona.

 

"Yoona, bata ka pa.." bumuntong hinga si Mr. Im.

 

"Appa. Tingnan mo ako. Hindi na ako bata." sagot ni Yoona.

 

"Edi, wag ka na umasta na parang bata!" sigaw ni Mr. Im. Nagulat siya ng magtaas ng boses ang kanyang ama. Ngayon palang niya ito nakitang magalit.

 

"Mahal ko siya, appa." bulong ni Yoona tsaka iniyuko niya ang kanyang ulo. Lumambot ang ekspresyon ni Mr. Im ng marinig niya ang sagot ni Yoona.

 

"Maging fair ka sa kanya Yoona, bago pa mahuli ang lahat." nagwalk out si Mr. Im agad itong pumasok sa loob ng bahay niya tsaka iniwan magisa si Yoona.

 

 

...

 

 

Sa bahay ng mga Choi..

 

Pumasok sa study room ni Mrs. Choi at nakita niya ang kanyang ina abala sa pagta-type ng kung ano sa laptop niya. Hindi siya nagdalawang isip na lapitan ito at umupo sa single couch sa harap ng desk ni Mrs. Choi. Mukhang abala talaga ito sa ginagawa niya at hindi nito napansin ang presensya niya kaya nilapitan niya ito. 

 

"Eomma.." hinalikan ni Sooyoung ang pisngi ni Mrs. Choi.

 

"Oh!" sigaw ni Mrs. Cho bakas sa mukha nito ang pagkagulat. "Kanina pa ba dito?"

 

"Opo." umupo ulit si Sooyoung sa single couch.

 

"Wag mo na ako gugulatin sa susunod, Soo." pinilit niyang ngumiti kay Sooyoung tsaka tumawa naman ng marahan si Sooyoung.

 

"Okay, Sorry." ngumiti si Sooyoung sa kanyang ina.

 

"Maiba tayo. Girlfriend mo na ba si Im Yoona?" tanong ni Mrs. Choi agad naman ngumiti si Sooyoung bilang sagot. Kahit na hindi ito magsalita ay alam na niya ang sagot. "Soo, mag ingat ka anak siya ng Reverend. Please lang, Soo. Wag kang gagawa ng ikakagalit ni Reverend Im. Kung pwede lang itigil mo na yan habang maaga pa."

 

"Eomma, wag ka magalala. Iba si Yoona. Mahal ko siya." ngumiti si Sooyoung.

 

"Mabuti naman kung ganun, Soo." ngumiti din si Mrs. Choi tsaka may kung ano itong kinuha sa kanyang bag. "Pumunta nga pala ako sa Kyobo Bookstore Centre.. Tsaka nakita ko ito." inabot ang flier kay Sooyoung ng mabasa ito ay dumilim ang ekspresyon sa mukha ni Sooyoung.

 

Seoul National University.

 

"Diba gusto mo maging doctor katulad ng daddy mo?" tanong ni Mrs. Choi.

 

"Noon yun." tumayo si Sooyoung. "Nung gusto ko maging katulad ni Daddy pero hindi na ngayon. Ayuko maging katulad niya." nasaktan si Sooyoung ng makita niyang nalungkot ang kanyang ina. "Pero kung yan ang gusto mo. Kaya kong gawin ito. Para sa iyo, Eomma." ngumiti si Sooyoung kay Mrs. Choi tsaka naglakad patungo sa pintuan tsaka lumabas.

 

 

...

 

 

Sa Lotte World Mall..

 

Tahimik na naglalakad si Sooyoung at Yoona habang magkahawak kamay. Kanina pa nakatingin si Yoona sa sahig habang si Sooyoung naman ay nakatingin kay Yoona nagtataka kung bakit naging cold si Yoona sa kanya. Hindi nila napansin na naglalakad din si Jessica at Tiffany palapit sa kanila.

 

"Sa sobrang pagkalasing ko ay wala na akong maalala." natatawang wika ni Jessica. Nagulat si Tiffany at Jessica ng magkasalubong silang apat. Nagkatinginan si Sooyoung at Jessica habang si Yoona naman ay nakatingin parin sa sahig na parang wala itong pakialam sa presensya ng dating kaibigan ni Sooyoung. Nagpatuloy sa paglalakad si Sooyoung at Yoona habang si Jessica naman ay nakatingin sa kanilang dalawa. "Sana nakalimutan ko na rin pati nararamdaman ko."

 

Tumingin si Sooyoung sa loob ng Arcade Area at nakita niya pa naglalaro ng Cabela's Dangerous Hunts 2013 si Hyoyeon at Yuri habang si Taeyeon naman ay magisang umiinom ng soda. Tiningnan ulit ni Sooyoung si Yoona na nakapoker face parin ang ekspresyon sa mukha nagtataka kung bakit ganito si Yoona.

 

"Nagugulohan ka ba kung saan ka magka-college?" tanong ni Sooyoung habang pinipisil kamay ni Yoona at sa wakas tumingin rin si Yoona sa kanya.

 

"Hindi.." sagot ni Yoona habang umiiling. "Hindi ako magka-college." binitawan ni Yoona kamay ni Sooyoung.

 

"Bakit hindi? Hindi ka ba paaralin ni Mr. Im? Edi ako magpapaaral sa iyo." sinubukan ulit ni Sooyoung hawakan ang kamay ni Yoona ngunit iniwaksi ito ni Yoona.

 

"Soo, may sakit ako." sagot ni Yoona at nagsimula ng namuo ang luha sa mga mata ni Yoona.

 

"Halika uuwi na tayo. Magiging okay ka rin bukas." ngumiti si Sooyoung kay Yoona habang hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

 

"Hindi Soo." tinanggal ni Yoona ang dalawang kamay ni Sooyoung. "May sakit ako." hindi maintindihan ni Sooyoung ang ibig sabihin ni Yoona ngunit hinintay niya parin ang sasabihin ni Yoona. "May leukemia ako, Soo." ngunit tumawa lang si Sooyoung.

 

"Ano? Hindi, 19 years old ka pa lang. Bata ka pa. Impossible." kinuyom ni Sooyoung ang kanyang kamay tsaka sinuntok ang pader dahilan para magulat ang mga tao na nasa paligid nila.

 

"Bago ko lang nalaman toh at nakuha ko ito kay Eomma." tiningnan ni Yoona si Sooyoung habang si Sooyoung naman ay kinakagat ang ibabang labi niya na parang dudugo na ito anytime at may namumuo na ring luha sa mga mata nito.

 

"Bakit mo hindi sinabi sa akin toh?" pinilit ni Sooyoung kumalma ngunit nakakuyom parin mga kamay nito.

 

"Sabi ng doctor, magpatuloy ako at mamuhay ng normal na walang inaalala. Ayuko magalala ang ibang tao dahil sa akin." sagot ni Yoona habang nakatingin ng diretso kay Sooyoung.

 

"Ibang tao? Isa ba ako sa ibang tao na yan? Wala ba talaga akong karapatan malaman ang lahat ng ito!" sigaw ni Sooyoung habang dumudugo labi niya. "Ito na ba karma ko ha?! Parusahan mo na ako. Wag lang siya. G*** ka Jesus ******* Christ!"

 

"Naalala mo ba sinabi ko sa iyo wag kang mainlove sa akin, Soo?" tanong ni Yoona habang pinipilit harapin siya ni Sooyoung ngunit nakayuko lang ang ulo nito. "Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana hindi na kita tinulongan. Wala kang magalit sa Dyos. Kasalanan ko toh.." pagkatapos niya sabihin yun agad siyang tumakbo palayo kay Sooyoung habang si Sooyoung naman sinusundan ito ng tingin habang pinipigilan ang sarili niyang umiyak.

 

 

To Be Continued..

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
I will publish the finale tomorrow ..

Comments

You must be logged in to comment
byunsoshi_09
#1
Chapter 4: Otorrrr~ tuloy mo na 'toooo plith~ gand na nang basa ko ehhh huhu
BOD-COD #2
Chapter 24: can you make a english version ??

i'm trying to understand but failed.
ArielleKim #3
asan yung ibang chapter? nakalagay 13 chapters? e bakit 4 lang nakalagay? -___-?
shikshinhot24
#4
Chapter 6: Daebak!!!!wohohohohoh SooNa ♡♡
Leibmjuell #5
Chapter 2: Omg mahal na po kita xD ang gondo nung I'm in love with a robot *o*
itsmecarylann
#6
99 Days With My Angel please!
nyonyo3012 #7
soona fic!! ^o^
Do you have eng.version? I don't understand tagalog... :(
shikshinhot24
#8
Chapter 2: <3 <3 <3 <3 <3 SHOOT!!!!MAH SOONA FEELS!!daebak author'ssi !!
soyung #9
Chapter 1: English version please :(
kenpetfamsys #10
Chapter 1: too bad i can't understand :'( hope that u'll have the eng ver. for these stories :((