My Guardian Angel Part One

Sooyoung & Yoona Oneshot
 
 

 Sa ilalim ng Han Bridge...

 

 

"Nandito na ba siya?" tanong ni Yuri sa mga kaibigan niya habang bumababa sa kotse niya. 

 

"Hindi pa siya dumarating." sagot ni Taeyeon.

 

"Baka tinakot mo, Yul." ani ni Tiffany na girlfriend ni Taeyeon.

 

Maya-maya dumating na rin ang isa pa nilang kaibigan na si Choi Sooyoung sakay ang bagong lamborghini niya. Nang bumaba siya agad siyang binati ng mga kaibigan niya.

 

"Ang ganda nito ha." nakangiting wika ni Hyoyeon tsaka umupo sa bumper ng lamborghini ni Sooyoung.

 

"May dala ba kayong beer?" tanong ni Sooyoung sa lima niyang kaibigan.

 

"Nakalimutan mo na ba naubos na natin lahat sa SMU ang dala nating beer. Tsaka tama na yan ang dami mo ng nainom kanina." pagaalalang wika ni Taeyeon habang nakayakap sa girlfriend niya.

 

"Wag ka ngang ganyan, Tae. Baka magselos si Tiffany niyan." pabirong wika ni Sooyoung habang kinindatan niya si Tiffany na agad naman ngumiti sa kanya. Nilagpasan ni Sooyoung ang love nang maghalikan nanaman ito. "Wala pa ba siya?" tanong ni Sooyoung kay Yuri, Hyoyeon at Jessica.

 

"Kanina pa nga kami naghihintay sa kanya eh." sagot ni Yuri

 

"Hindi yata pupunta yun. Natakot yata yung u**k." natatawang wika ni Hyoyeon.

 

"Ang sabi ko naman kasi sayo Soo. Mag noraebang nalang tayo." ani ni Jessica habang tumitingkayad at dinampian ng halik ang pisngi ni Sooyoung. "Namimiss ko na magnoraebang, Soo. Namimiss ko ng kumanta."

 

"Yah Sica, may ideya ako. Bakit hindi ka nalang mag noraebang mag isa?" sarkastikong tanong ni Yuri agad naman tumawa si Taeyeon at Hyoyeon.

 

"Hindi ikaw kinakausap ko, Yul." malungkot na wika ni Jessica.

 

"Alam mo namang hindi ako kumanta, Sica." sagot ni Sooyoung habang naglalakad palapit kay Yuri at sumadal sa sports car nito.

 

"Naiisip ko pa lang plano natin natatawa nako." nakangising wika ni Yuri.

 

"Sinabi mo pa.." pag sang-ayon ni Taeyeon habang hinahabol ang kanyang hininga. "Sana lang dumating siya."

 

"Man, nandito na siya."sigaw ni Hyoyeon.

 

"Hay sa wakas. Halos hubaran ko na Boo ko sa sobrang pagkainip, eh." pabirong wika ni Taeyeon habang nakatingin sa magaganda mata ng kanyang girlfriend, umani naman siya ng mahina na suntok sa dibdib. "Biro lang, Boo." tsaka muli nanaman naghalikan ang dalawa.

 

"Hay! Tigilan niyo na nga yan. Ang kokorny niyo." naiiritang wika ni Yuri dahilan para matawa si Sooyoung at Hyoyeon. Maya-maya bumaba na rin mula sa kotse ang kanilang hinihintay. Pinilit ni Yuri at Sooyoung na wag matawa dahil sa suot nitong malaking eye glasses.

 

"... A-Annyeonghaseyo sunbae ako nga pala ..s-si Do Kyungsoo yung first year." kinakabahan nitong wika.

 

"Akala ko ba... Nagkaintindihan tayo. Diba sabi ko 2am dapt nandito ka na." seryosong wika ni Yuri habang inakma niyang susuntokin si Kyungsoo yung pabiro lang.

 

"... S-Sorry sunbaenim. Hindi na po mauulit." yumuko ng paulit-ulit si Kyungsoo.

 

"Kung meron pang next time." ngumiti si Taeyeon kay Kyungsoo. "Tara na bata."

 

Naunang maglakad si Taeyeon, Yuri at Hyoyeon habang nakabuntot naman si Jessica at Tiffany. Naglalakad sila patungo sa ibaba ng Han Bridge. Nagulat si Kyungsoo nang may umakbay sa kanya ngunit nang tingnan niya ito nasilayan niya sinserong ngiti ni Sooyoung.

 

"Handa ka na ba sa pagsubok?" tanong ni Sooyoung sa binatang tsaka ngumiti lang ito bilang sagot.

 

"So ganito ang deal.. Paunahan kayo ni Yuri sa pinakaunang pier." tinuro ni Taeyeon ang pinaka unang paa ng Han Bridge. "Pag nauna ka kaysa kay Yuri, member ka na namin. ganun lang kadali."

 

"Handa ka na ba?" tanong ni Yuri habang hinuhubad ang kanyang sapatos, pantalon at coat.

 

"Pero hindi ako sanay lumangoy." sagot ni Kyungsoo habang lumulunok ng laway tsaka nagsimula na rin itong maghubad.

 

"Hindi ko na problema yan.." sagot ni Yuri. Dahil madaling araw na wala ng tao dumadaan sa ilalim ng Han Bridge kaya kahit mag ingay pa sila ay walang makakarinig sa kanila. "Wooooh!! Gawin na natin ang kasayahan!" sigaw ni Yuri.

 

"YEAH! MOTH*****KER!!" sigaw ni Taeyeon.

 

"Magbibilang ako hanggang tatlo." nakangiting wika ni Sooyoung. "One..."

 

"Guys, tigilan niyo na toh." ani ni Jessica naawa siya sa sa binata agad naman siya tinigilan ni Hyoyeon.

 

"Two... Three!" sigaw ni Sooyoung agad nagdive ang binata sa tubig habang si Yuri naman ay nanatiling nakatayo tsaka natatawa. "Grabe ang tindi mo, Yul." tsaka naghigh five si Sooyoung at Yuri.

 

"Uto-uto na u***." nagtawanan si Sooyoung, Hyoyeon, Yuri at Taeyeon habang pinapanuod lumalangoy palayo si Kyungsoo natahimik sila ng tumigil si Kyungsoo sa paglangoy at lumubog sa tubig.

 

"Oh my God!" sigaw ni Tiffany.

 

"Tulo—" sigaw ni Kyungsoo habang nagsimulang mag panic. "Tu—"

 

"S***" nagsimula na rin magpanic Taeyeon.

 

"Ayan na nga sinasabi ko sa inyo kanina wag niyo ng ituloy toh!!! Pero itinuloy niyo parin." sigaw ni Jessica habang lumalapit sa kinatatayuan nila Yuri, Sooyoung, Taeyeon at Hyoyeon.

 

"Hindi niya naman sinabi na hindi pala siya marunong lumangoy!!" sigaw ni Yuri. "Anong gagawin ko?" tiningnan ni Yuri si Sooyoung at Hyoyeon na kasulukuyan nakatulala. "Mag isip ka, Yul." inirapan ni Jessica si Yuri bago nagsimulang maghubad.

 

"Iiwan nalang natin siya. Halika na." suhesyon ni Taeyeon tsaka agad naman sumang-ayon si Tiffany, Hyoyeon at Yuri ngunit laking gulat nila ng magdive si Sooyoung sa tubig.

 

"CHOI ******* SOOYOUNG!!" sigaw ni Yuri kaya lalo silang nagkagulo.

 

"Sira ulo!" sigaw ni Taeyeon habang sinuntok ang semento. Maya-maya nakarating din Sooyoung kung saan huminto si Kyungsoo tsaka tinulongan ito at lumangoy pabalik sa river side walk.

 

"Tulongan natin si Sooyoung!" utos ni Hyoyeon.

 

"BILISAN MO SOOYOUNG." sigaw ni Taeyeon. Maya-maya nakarating na rin si Sooyoung sa river sidewalk tsaka inangat si Kyungsoo.

 

"Yung ulo hawak mo Taeyeon." sigaw ni Hyoyeon. Nang makaahon ang binata ay agad sini-pr ni Hyoyeon si Kyungsoo.

 

"Patay na ba siya?" tanong ni Tiffany sa boyfriend niya. "Anong gagawin natin sa kanya?"

 

"Ano ginagawa niyo dyan?!" sigaw ng mga security guards.

 

"S***!!! ...I-Iwan na natin siya dyan!" sigaw ni Taeyeon habang tumatakbo sila ni Tiffany patungo sa kotse niya.

 

"Jessica sumakay ka na sa kotse ko." sigaw ni Yuri ngunit nanatili parin ito sa kinatatayuan niya. "Tara na!!" kinaladkad Yuri si Jessica.

 

"Hyo, mauna ka na ako na bahala dito." sigaw ni Sooyoung.

 

"Paano ka, Soo?!" tanong ni Hyoyeon.

 

"Wag kang magaalala susunod ako. Kailangan ko muna siguradohin na buhay siya." sagot ni Sooyoung ngunit hindi parin gumagalaw si Hyoyeon. "Tumakbo ka na!!" nang maiwan mag isa si Sooyoung sini-pr niya ulit si Kyungsoo kahit na malapit sa pinaroroonan nila ang mga security guards. Maya-maya dumuwal ng tubig si Kyungsoo tsaka dahan-dahan dumilat.

 

"Patawarin mo kami Kyungsoo." bulong ni Sooyoung tsaka tumayo at tumakbo patungo sa kotse niya. Nang makarating agad niyang in-unlock ang kotse niya tsaka pumasok ngunit bago siya maistart ang makina....

 

"Ilagay mo sa steering wheel ang dalawa mong kamay." utos ng security guard habang nakatutok ang pistol niya kay Sooyoung. Wala nagawa si Sooyoung kundi sumuko nalang.

 

...

 

 

Sa Bahay ng mga Choi...

 

"Good morning Sooyoung..."

 

"Choi Sooyoung.."

 

Dahan-dahan binuksan ni Sooyoung ang kanyang mga mata tila nag aadjust pa dahil sa liwanag na bumati sa kanyang mukha.

 

"Wake up. Come on. Up, up, up!"

 

"Umma, sunday po ngayon. Walang pasok." inaantok na wika ni Sooyoung tsaka pumikit ulit.

 

"May pupuntahan tayo." nakangiting sagot ni Mrs. Choi.

 

Sa Simbahan...

 

Nakabusangot ang mukha ni Sooyoung habang nakatitig nakatingin sa sapatos niya. Gusto pa niya magpahinga sa bahay ngunit dinala siya ng kanyang ina sa simbahan, gusto niya magprotesta ngunit hindi niya magawa dahil may kasalanan siya at ayaw na niya itong bigyan ng sakit sa ulo. Kaya ito siya ngayon pinipigilang ang kanyang antok at nagkukunwaring nakikinig kay Reverend Im. Nakita niya sa front row ang kanyang nerd na classmate na si Im Yoona ang nagiisa anak ng Reverend.

 

"Let us be thankful today..." nakangiting wika ni Mr. Im.

 

"Yeah, thankful. Bulls***" bulong ni Sooyoung habang kinukuha earphones niya sa kanyang bulsa ngunit bago pa niya ito magamit ay kinonfiscate na ito ni Mrs. Choi.

 

"Umayos ka nga, Choi Sooyoung." bulong ni Mrs. Choi sa tenga ni Sooyoung agad naman umayos ng upo ang binata tsaka tinitigan ulit ng masama si Mr. Im.

 

"Kailan ba kasi matatapos toh?! Gusto ko ng umalis dito, bored na bored na talaga ako dito."

 

"That a young life was saved by our Lord. And let us pray for the lives of the others involved who are clearly not on the path of righteousness." dagdag ni Mr. Im habang nakatingin sa kanya na parang pinaparinggan nito. Maya-maya umakyat si Yoona sa podium kasama ang lalaking may dalang gitara. At wala itong suot na malaking salamin. Ngumiti ito sa mga tao bago umupo sa upuan tsaka nagsimulang mag gitara ang lalaki.

 

Here I am

Down on my knees again

Surrendering all..

Surrendering all..

 

Find me here

Lord as you draw me near

Desperate for You..

Desperate for You..

 

I surrender...

 

Hindi ganun kaganda boses ni Im Yoona pero inaamin ni Sooyoung napakasweet ng boses nito. Tiningnan niya ito habang nakapoker face at sa hindi niya inaasahan tiningnan rin siya ni Yoona habang kumakanta. Hindi maiwasan ni Sooyoung maflustered ng dahil dito.

 

Drench my soul

As mercy and grace unfold

I hunger and thirst..

I hunger and thirst..

 

With arms stretched wide

I know You hear my cry

Speak to me now..

Speak to me now..

 

Tiningnan muli ni Sooyoung si Yoona na kasulukuyan nakatitig parin sa kanya at tsaka pekeng humikab.

 

I surrender..

I surrender..

I wanna know You more..

I wanna know You more..

 

 

...

 

 

Sa SM University...

 

Nakaupo si Sooyoung, Yuri, Hyoyeon, Taeyeon, Tiffany at si Jessica sa bench habang hinihintay klase nila. Si Taeyeon naman abala sa iniinom niya kape, si Tiffany naman nagma-makeup sa tabi ni Taeyeon, si Yuri naman nakatingin kay Jessica na kasulukuyan nakatingin kay Sooyoung punong-puno ng pagaalala ang mga mata nito. Dumaan si Jiyeon at Eunjung sa harap nila.

 

"Hi Choi Sooyoung ssi" nakangiting wika ng cheerleader na si Jiyeon.

 

"Hello Park Jiyeon ssi." tsaka ngumiti rin si Sooyoung sa dalawang dalaga at bakas sa mukha ni Jiyeon na kinikilig siya tsaka naglakad ito papalayo kay sa grupo ni Sooyoung. "Hay mga babae talaga.." nakangiting wika ni Sooyoung lingid sa kaalaman niya na nagseselos si Jessica.

 

"Kamusta ka naman, Choi?" tanong ni Hyoyeon.

 

"Okay lang naman ako, Hyo.." nakangiting wika ni Sooyoung.

 

"Hindi ako makapaniwala na nahuli ka nila, Soo." dagdag ni Tiffany.

 

"Anong sinabi mo sa kanila, Soo?" tanong ni Taeyeon habang hinimashimas tyan ni Tiffany sa loob ng suot niyang uniform.

 

"Sinabi ko pumunta ako sa ilalim ng Han Bridge para magmuni-muni at nakita ko may lalaking nalulunod kaya tinulungan ko siya. Kaya ako tumakbo nung nakita ko ang mga security guards baka mapagbintangan ako. Pinalaya din nila ako dahil nakita nila damit at gamit ni Kyungsoo sa gilid. Naniwala sila baka nagsuicide si Kyungsoo. Tapos ayun!"

 

"Ikaw na talaga ang Master of Bulls***, Choi." natatawang wika ni Hyoyeon tsaka nagbro fist sila ni Sooyoung. Sa tabi niya ngumiti naman si Jessica habang pinapanuod dalawa niyang kaibigan.

 

"Wow minsan bilib talaga ako sa fashion sense ni Im Yoona." sarkastikong wika ni Tiffany habang tinitingnan ang rilakkuma sweater ni Yoona na may tenga pa sa hoodie.

 

"Yeah, naalala ko nung huli ako nagsuot ng ganyan nung nasa Elementary school pa ako." sagot ni Jessica.

 

"Mag ingat kayo sa mga babaeng ganyan may tinatagong kulo yang mga yan." natatawa wika ni Yuri tsaka nagtawanan rin silang lahat except kay Sooyoung.

 

"Sa tingin ko kailangan niya lang ng konting maintenance pwede na at sa tingin ko hindi naman ganun kasama itsura niya." wala sa sariling wika ni Sooyoung habang nakatingin kay Yoona agad naman siya umani ng 'disgusted look' mula sa mga kaibigan niya.

 

"Seryoso ka ba dyan, Choi Sooyoung? Ipagpapalit mo lang ba talaga si Jessica sa weirdo na yan?" nakakunot-noong tanong ni Tiffany kay Sooyoung.

 

"Yah! Hindi naman, Hwang. Hindi naman natin kailangan maging harsh sa kanya." pagdepensa ni Sooyoung sa sarili niya. "Just saying, okay?" natahimik sila ng dumaan si Yoona sa harap nila na may dalang malaking kahon.

 

"Nice sweater, Yoona ssi." pagpuri ni Jessica habang binibigyan ito ng napaka sinserong ngiti. Narinig niyang tumawa-tawa si Taeyeon at Yuri sa likod niya habang si Sooyoung at Hyoyeon naman nakapoker face lang.

 

"Kamsahamnida.." nakangiting wika ni Yoona tsaka nagpatuloy maglakad. Nang makalayo ito agad nagtawanan silang lahat.

 

"Kamsahamnida.." pag gaya ni Hyoyeon sa sinabi ni Yoona kaya lalo silang natawa.

 

Sa Opisina Principal Lee Soo Man...

 

Bumuntong hinga si Sooyoung habang nakatingin sa relo niya. Tila nabobored na siya sa Staring Game nila ni Principal Lee. Maya-maya nagulat siya ng maglabas ito ng anim na walang laman na Soju sa desk nito.

 

"What the f***?"

 

"May estudyanteng nakakita sayo umiinom ng Soju sa loob ng eskwelahan Mr. Choi. Pasalamat ka at yun lang ang binigay niyang impormasyon dahil sa sobrang takot niya sayo." seryosong wika ni Principal Lee. "At alam mo namang bawal yun sa eskwelahan natin diba?" tanong ni Principal Lee kay Sooyoung. "At kahit na anak ka ng top donators sa university na toh hindi-hindi ko palalampasin toh."

 

"So anong gagawin niyo sa akin? E-expel niyo ba ako?" tanong ni Sooyoung.

 

"Hindi pa.." sagot ni Principal Lee habang pinagaaralan ekspresyon sa mukha ni Sooyoung. "Pero pagkatapos ng klase mo tutulong ka sa janitorial staff." dagdag ni Principal Lee.

 

"Okay, yun lang ba? Walang problema sa akin yun." sagot ni Sooyoung habang dinadampot ang kanyang bag at naglakad patungo sa exit.

 

"Hindi pa ako tapos Mr. Choi.." hinampas ni Principal Lee ang kanyang desk para tumigil sa paglalakad si Sooyoung. "Isinali na kita sa drama club kaya tuwing saturday pupunta ka sa eskwelahan para mag practice. Panahon na para makipagkaibigan ka sa ibang klase na tao. "

 

"Sigurado ka ba diyan Principal Lee? Pang nerd lang nama—" protesta ni Sooyoung pero agad siyang pinutol ni Principal Lee.

 

"Dismissed!"

 

Sa Science Club...

 

Abala sa pamo-mop si Sooyoung habang nakapasak sa tenga niya ang mga earphones nang mapagod ay tumigil muna siya sa pagmo-mop at sumandal sa pader. Maya-maya napansin niya mula sa di kalayuan si Yoona tinuturuan ang mga bata.

 

"This is a very simple device made of plastic wrap, a coat, and white-out. Does anyone know what it is?" tanong ni Yoona sa mga bata na agad naman umiiling dahil hindi nila alam ang sagot.

 

"Star friend..." sagot ni Sooyoung. Nagulat si Yoona dahil alam ni Sooyoung ang sagot sa tanong niya.

 

"This is a star friend and it help you locate stars and planets with your eyes." ngumiti si Yoona sa mga bata at pinahiram sa mga bata ang star friend para masubukan nila ito.

 

Nakita niyang pumasok si Yuri at Hyoyeon sa Science Room para bisitahin siya agad napangiti si Sooyoung ng makita niya mga kaibigan niya.

 

"Makikita mo rin mga anghel lumilipad sa star friend na yan." pagsabat ni Yuri agad naman natawa si Hyoyeon. Tumigil si Yoona sa pag lecture niya sa mga bata para harapin si Yuri.

 

"In fact, there are some things that called miraculous." pagsang-ayon ni Yoona sa sinabi ni Yuri. "Einstein said  the more he studied the universe, the more he believed in a higher power."

 

"Kung meron ngang tinatawag na Higher Power. Bakit hindi niya mapalitan ang Rilakkuma sweater mo?" tanong ni Yuri habang nakakunot ang kanyang noo.

 

"Baka busy pa siya kahahanap ng utak mo." ngumiti si Yoona tsaka nagpatuloy sa pag lecture sa mga bata.

 

"Arayy!!" natatawang wika ni Hyoyeon habang inaakbayan si Yuri.

 

"Lumayo ka nga sa akin!" iwinaksi ni Yuri ang braso ni Hyoyeon tsaka naunang lumabas ng Science Room. "Mauna na ako baka mahawa ako sa kaboringan ng lugar na toh."

 

"Tara umuwi na tayo, Choi." nakangiting wika ni Hyoyeon habang inaalok ito ng panyo para punasan ang pawis niya at hindi naman nagdalawang isip tanggapin ang panyo tsaka ipinunas ito sa pawis niya. 

 

"Maglilinis pa ako, Hyo." pagtanggi ni Sooyoung.

 

"Wag mo ng ipagpatuloy yan. Umuwi na si Principal Lee." kinuha ni Hyoyeon ang mop mula sa kamay ni Sooyoung tsaka inilagay ito sa malinis na mesa. "Halika na tayo nalang hinihintay nila." ngumiti rin Sooyoung tsaka inilagay sa bulsa ni Hyoyeon ang panyo na ginamit niya tsaka tumakbo palabas ng science room. "YAHHH kadiri ka!!!" sigaw ni Hyoyeon. Habang si Yoona naman napailing-iling habang pinapanuod tumakas si Sooyoung sa punishment niya.

 

 

...

 

 

Sa labas ng SM University...

 

"Sa totoo lang, Soo. Hindi ko alam problema mo kung bakit kailangan mo maging sunod-sunoran sa sinasabi ni Principal Lee. Eh, pwede ka naman humingi ng tulong sa daddy mo para matanggal yang punishment mo." suhesyon ni Hyoyeon.

 

"Alam mo naman na wala akong daddy diba?" nakangiting wika ni Sooyoung. "Matagal ng patay, daddy ko." dagdag ni Sooyoung tsaka binuksan ang kotse ni Hyoyeon.

 

"Yeah... Whatever." inirapan ni Hyoyeon si Sooyoung na kasulukuyan naglalakad papunta sa entrance. "Teka, Choi." sigaw ni Hyoyeon agad naman itong huminto sa paglalakad at tiningnan siya. "Halika dito."

 

"Aish, Hyo malalate na ako." prostesta ni Sooyoung ngunit lumapit parin siya. "Ano ba kasi?"

 

"Kilala mo ba sino ang teacher ng drama club?" tanong ni Hyoyeon kay Sooyoung na agad naman umiling. "Si miss BoA Kwon."

 

"Siya yung pinakamaganda at y na teacher dito sa SMU. Kung binabalak mo na magka girlfriend si miss BoA Kwon ang pinaka capable." ngumiti si Hyoyeon.

 

"Wag mo ngang lasonin pag iisip ko, Hyo." kumunot ang noo ni Sooyoung. "Umalis ka na nga!"

 

"Basta yung sinabi ko ha.. Hindi na ako makapaghintay na makita kang nakamake up!" sigaw ni Hyoyeon tsaka humarurot ng takbo bago pa siya ipagtabuyan ni Sooyoung.

 

Sa Drama Club...

 

"This year's spring musical is a story of burning  passions and blazing tommyguns na isinulat ni Kim Suho." tumayo si Miss BoA para ipakilala ang sumulat ng storyang gagawin nila. "tapos ang isinulat naman Im Yoona ang kanta." ngumiti si Miss BoA kay Yoona. "Mr. Choi, better late than never."

 

"Sorry" pabulong na wika ni Sooyoung.

 

"Please join us..." ngumiti si Miss BoA tsaka itinuro ang upuan sa tabi ni Yoona.

 

"Sure.." umupo siya sa tabi ni Yoona. Napansin niya ang masamang tingin ni Suho kaya tiningnan niya rin ito ng masama.

 

"So, si Im Yoona ang gaganap sa rule ni Alice ang mysterious club singer." pag anunsyo ni Miss BoA sa mga characters. Tiningnan ni Sooyoung si Yoona na bakas sa mukha nito na masaya na masaya siya sa character niya. "Victoria Song ikaw naman ang gaganap bilang Caroline."

 

"Congratulations.." bulong ni Yoona sa nagngangalang 'Victoria'.

 

"At ikaw naman Choi Sooyoung, ikaw ang gaganap na Tommy Thornton." 

 

"Ha? Ako? Bakit ako?" sunod-sunod na tanong ni Sooyoung. "Alam ko gwapo ako pero hindi ako marunong mag acting." protesta ni Sooyoung ngunit hindi siya pinansin ni Miss BoA.

 

"Okay guys gusto ko bumuo kayo ng circle tsaka magsimula na tayo sa pagbabasa ng script." ngumiti si Miss BoA ng makita na excited ang kanyang mga estudyante. Lalong lumuwag ang kanyang ngiti ng makita niya si Sooyoung na kinakaladkad ang kanya upuan.

 

"When did you know, Tommy?" tanong ni Victoria kay Sooyoung.

 

"Know what?" tinatamad na tanong ni Sooyoung. 

 

"That we were in love?" sagot ni Victoria tsaka binasa script niya.

 

Bumuntong hinga muna si Sooyoung bago binasa ang script niya. "Love? Uhh... baby, believe me, you don't wanna go falling in love with a guy like me." habang binabasa ni Sooyoung ang kanyang script nakatitig lang si Yoona kay Sooyoung. 

 

"It's too late, Tommy. I'm crazy about you. I'm breathing it, drinking it all in. Aren't you?"

 

Tumawa si Sooyoung tsaka binasa ang script niya. "Yeah, ..I-I don't what I'm drinking, dollface, but if this is love, pour me another glass?" wala sa script na sagot ni Sooyoung tsaka tumawa habang si Suho naman na nasa tapat niya ay nakatingin sa kanya ng masama.

 

"Sinasadya mo ba ibahin script mo para palitan ka namin?" tanong ni Miss BoA.

 

"No, ganito lang talaga ako." sagot ni Sooyoung tsaka ngumiti.

 

Sa Bus...

 

Abala si Sooyoung sa pagpili ng magandang kanta niya. Nang makapili siya ng kanta agad niyang pinasak ang earphones sa tenga niya at nagdrum gamit ang kanyang dalawa hintuturo. Nang mag angat siya ng tingin nagulat siya nang makita niyang naglalakad ito palapit sa kinauupuan niya.

 

"Hi!" nakangiting binati ni Yoona si Sooyoung. Ngunit hindi siya pinansin ni Sooyoung at nanatiling nakatingin sa kalye.

 

"Gusto mo ba bumili ng raffle tickets? Nagiipon kasi ako ng pera para ibili ng computer si Kris oppa." ngumiti si Yoona kahit alam niyang tinatrato siya na parang hangin ng binata.

 

"No." simpleng sagot ni Sooyoung nihindi man lang siya tinitingnan ni Sooyoung. 

 

"Sooyoung, bibisitahin mo ba si Do Kyungsoo?" tanong ulit ni Yoona. "Okay, alam ko na ayaw mo. Alam mo ba na ililipat nila si Kyungsoo sa Goya—"

 

Hanggang sa mairita si Sooyoung tsaka tinanggal ang right earphone niya para tingnan ng masama si Yoona. "Ito ba ideya mo para makausap ako? Tsaka ano bang paki-alam ko kay Kyungsoo. Hindi naman namin siya pinilit na lumangoy."

 

"Peer Pressure tawag nun.." sagot ni Yoona.

 

"Paano mo nalaman? Nabasa mo sa libro na yan?" tanong ni Sooyoung habang nakatingin sa Bible na nasa binti ni Yoona. Tumawa si Sooyoung ng hindi makasagot si Yoona.

 

"Please wag kang umasta na kilala mo ako." malungkot na wika ni Yoona.

 

"Pero totoo, kilala kita. Kilalang kilala na kita. Magkapareho tayo ng skwelahan simula nung nasa Kindergarten pa lang tayo. Kilala kita Im Yoona." siguradong sagot ni Sooyoung habang nakatingin. "Palagi kang nakaupo mag isa tuwing lunch dahil walang may gusto makipag-share sa iyo." huminto muna sa pagsasalita si Sooyoung para tingnan suot nitong sweater. "Tapos itong sweater mong rilakkuma paulit-ulit mong sinusuot kahit ang baduy na."

 

"Nakasuot ka pa ng eye glasses na wala namang degree. Dahil para ano? Para tawagin kang Genius?" tanong ni Sooyoung habang nakatingin sa mga mata nito at may namumuo ng luha sa mga mata nito. "Kaya walang gusto makipagkaibigan sa iyo dahil ang boring ng personality mo. At tsaka ilang clubs ba sinalihan mo? Bakit kung saan ako magpupunta palagi nalang kita nakikita. Tsaka ano.. Wala ka ba talagang pakialam sa iniisip ng mga para sayo?"

 

"No." ngumiti si Yoona tsaka bumalik sa upuan niya. Nang makaalis ito pinasak niya ulit ang earphones niya sa kanyang tenga.

 

 

...

 

 

Sa labas ng SM University...

 

"Nasaan ka na ba Hyo?" bulong ni Sooyoung habang nakatingin sa relo niya. "S***! 4:50 na wala pa rin ang sira."

 

Dahil kinonfiscate ni Mrs. Choi ang susi ni Sooyoung kaya nagpapahatid siya kay Hyoyeon kung papunta naman siya sa eskwelahan ay sumasakay siya sa school bus at ngayon ito siya naghihintay sa labas ng SM University hinihintay ang kaibigan kaibigan niya.

 

"Wag mong iisipin na hindi ka magaling. I mean, ang ganda mo kaya Yoona ssi." pinuri ni Suho si Yoona.

 

"Salamat Suho ssi." sagot ni Yoona habang nakangiti. "Sige, magkita nalang tayo bukas."

 

"Okay Yoona ssi, see you tomorrow." ngumiti si Suho tsaka tumakbo patungo sa kotse niya. Nang makaalis si Suho naglakad si Yoona patungo sa direksyon ni Sooyoung.

 

"Bye Yoona ssi."

 

"Sige, Minho ssi." sagot ni Yoona. Napalingon si Sooyoung sa direksyon ni Yoona na dahan-dahan naglakad palapit kay Sooyoung.

 

"Wala ka ba talaga paki kung makakagraduate ka o hindi. Gusto mo ang school dahil sikat ka." ngumiti si Yoona kay Sooyoung.

 

"Ano bang paki-alam mo?" tanong ni Sooyoung habang tinitingnan ang wrist watch niya. "Nasaan ka na ba Kim Hyoyeon?!" 

 

"Wala lang naman.." ngumiti si Yoona tsaka naglakad patungo sa kotse niya na nakapark sa di kalayuan. Nilunok ni Sooyoung ang pride niya tsaka hinabol niya si Yoona nang maabotan niya ang dalaga ay nakaupo na ito sa loob ng kotse  niya habang ino-on ang makina ng kotse niya. Nang mag angat siya ng tingin nagulat siya nang makita niya si Sooyoung sa harap ng kotse niya. Agad tumakbo si Sooyoung sa driver's side tsaka binaba ni Yoona ang binatana.

 

"Pwede bang makisakay?!" tanong ni Sooyoung habang nakangiti ng napakatamis. Tumango naman si Yoona bilang sagot. Tumakbo ulit si Sooyoung patungo sa driver's seat tsaka umupo. Nagtataka siya kung bakit hindi parin sila umaalis. Nag staring game muna sila bago nagsalit si Yoona.

 

"Yung seatbelt mo Sooyoung ssi." seryosong wika ni Yoona. Tiningnan muli ni Sooyoung si Yoona bago nagsuot ng seatbelt. Pareho silang hindi nagsalita kaya naisipan ni Yoona na magpatugtog nalang. Pagbukas niya Gee ang Music.

 

Aha! Listen boy

My first love story..

My angel and my girls

My sunshine

Oh! Oh! Let's go!

 

"What the F***! Sa tingin mo nakikinig ako sa mga kanta na ganyan." nilipat ni Sooyoung ang radio.

 

Cause you're my, You're my, My true love,

My whole heart

 

Binalik ulit ni Yoona ang kanta sa Gee.

 

Sarange ppajyeosseo sujubeun Girl.

 

"Yah! Ano ba.." naiiritang wika ni Sooyoung tsaka nilipat ulit ang kanta.

 

Use me as you will

Pull my strings just for a thrill

And I know I'll be okay

Though my skies are turning gray

 

"Fine.." ngumiti nalang si Yoona at nagfocus sa pagda-drive.

 

 

...

 

 

Sa bahay ng mga Choi...

 

"I've come to see if you're ready." binasa ni Taeyeon ang nasa script.

 

"Take a good look, lady, cause the only thing I'm ready for is a dirt nap." confident na wika ni Sooyoung.

 

"Ready to look inside your heart, Tom Thornton?" tinatamad na binabasa ni Taeyeon ang script. "Your words have been heard and not just by me."

 

"When you walk into.. When you walk into... Ahh s***!" sigaw ni Sooyoung tsaka binasa ang linya niya. "When you walked out of the rain and into my club pala!" sinuntok ni Sooyoung ang railings sa sobrang pagkadismaya. "That wasn't a coindence, was it?"

 

"Nothing's coincidence baby." on character parin na sinabi ni Taeyeon iniba dinagdagan niya ang line at nagpatuloy. "You know you're the only one who can make me sing." tumalon si Taeyeon sa couch at gumawa ng weirdong expressions. "Oh yeah, Alicia! Oh, you gonna put Tommy Thornton in all your place." tsaka lumipat ito ng posisyon humiga sa couch habang nakapatong ang isa pang paa sa backrest. "Oh yeah, f*** me hard Tommy Thornton." napaface palm nalang si Sooyoungmahil sa ginawang kamanyakan ni Taeyeon.

 

"Taeng ano ba.." pagprotesta ni Sooyoung habang hinahampas ito ng script. "Alam mo ba may tatlong linggo nalang ako para imemorize toh." huminto sa pagtawa si Taeyeon dahil sa sinabi ni Sooyoung.

 

"Hindi mo toh kayang gawin kahit bigyan ka pa ng 3 months. Kahit nga si Jo In Sung hindi kaya gawin tong kakornihan na toh." tinapon ni Taeyeon ang script sa rubbish can na malapit sa kinauupuan nila.

 

"Yah, hindi ako ang sumulat nito okay?" pag depensa ni Sooyoung sarili niya.

 

"Oo nga pero ikaw tong magmumukhang ug** sa harap ng schoolmates at kaibigan natin." seryosong wika ni Taeyeon.

 

"Pero wala talaga akong choice, Taeng. Please tulungan mo naman ako ohh." pagmamakaawa ni Sooyoung.

 

"Wala naman talagang problema sa akin yun. Tutulongan naman talaga kita dahil bestfriend kita." tinapik ni Taeyeon ang balikat ni Sooyoung. "Pero hindi ko lang talaga maiwasan mamiss si Tiffany.

 

"Ilang beses niyo ba ginagawa yun?" seryosong tanong ni Sooyoung.

 

"7x a week.." seryosong sagot ni Taeyeon.

 

"G***, kadiri ka!!" natatawang wika ni Sooyoung.

 

"Yah, pero seryoso sa una mong stage play manunuod talaga ako, susupportahan ka namin, magchi-cheer kami para sa iyo pero syempre may dala akong kamatis para ihahagis ko sayo pagkatapos ng play." tumawa ulit si Taeyeon.

 

"Sira ulo pero salamat, Taeng." natatawang wika ni Sooyoung tsaka nag bro fist silang dalawa.

 

"Sooyoung at Taeyeon. Tulongan niyo ako iligpit toh." boses ni Mrs. Choi mula sa labas ng bahay.

 

"Okay eomma!" sigaw ni Sooyoung tsaka naglakad palabasan ng bahay. 

 

"Sure, no problem." sigaw ni Taeyeon ngunit bago niya sinundan si Sooyoung pinulot niya muna ang script na tinapon niya. 

  

 

Sa Hallway...

 

Lumabas si Sooyoung sa kanilang classroom. Siniguro niya muna na wala siyang kakilala at mga kaibigan na nasa hallway bago nilapitan si Yoona. 

 

"Yoona.." pagtawag ni Sooyoung sa babae na abala sa paglalagay ng gamit niya sa locker. "Hi"

 

Bumuga muna ng hangin si Yoona tsaka humarap kay Sooyoung. "Anong kailangan mo, Sooyoung ssi? Matagal na kita na kitang kilala pero niminsan hindi ka pa lumapit sa akin at binati ako ng Hi."

 

"Kailangan ko ng tulong mo sa lines ko.." sagot ni Sooyoung.

 

"Choi Sooyoung is asking me for a help?" sarkastikong tanong ni Yoona habang sinara ang kanyang locker.

 

"Yes." tipid na sagot ni Sooyoung habang pinapakita niya kay Yoona ang pinaka maamo niyang ngiti. Nanatiling nakatingin si Yoona sa mukha nito ng isang minuto tsaka naglakad at iniwan niya si Sooyoung sa Locker area.

 

"Sige ipagpapray nalang kita." sagot ni Yoona tsaka binilisan niya ang kanyang paglalakad. Nagulat siya ng biglang hawakan ni Sooyoung ang kanyang balikat tsaka inikot siya nito. Parang may naramdaman siyang kuryente sa loob ng systema niya ng hawakan siya nito sa magkabilang balikat. Inisip niya nalang na baka hindi lang talaga siya sanay sa skinship.

 

"Yah, Im Yoona seryoso ako. Kailangan ko talaga ng tulong mo." seryosong saad ni Sooyoung. 

 

"Hindi ka pa humihingi ng tulong sa iba diba?" tanong ni Yoona habang pinagaaralan ekspresyon ni Sooyoung.

 

"Yes hindi pa.." agad niyang sagot.

 

"Hi Choi Sooyoung ssi." bati ng dalawang babae pero hindi sila pinansin ni Sooyoung.

 

"Bigyan mo ko ng magandang rason para tulongan kita." hinintay ni Yoona ang sagot ni Sooyoung ngunit nung wala itong maisagot kaya nagpatuloy siya sa paglalakad.

 

"Kasi alam ko hindi matutuwa si Suho kung ganito ka walang kwenta ang pagdeliver ko ng lines." sigaw ni Sooyoung at napatigil muli si Yoona sa paglalakad pero nanatili parin itong nakatalikod. "Gusto ko matuwa si Suho. Gusto ko hindi pagsisihan ni Miss BoA ang pagpili sa akin bilang Tommy Thornton." bumuntong hinga muna si Sooyoung bago nagpatuloy "Pero paano ko gagawin yun kung wala akong experience sa drama. Niwala nga akong maintindihan sa pinaggagawa ko."

 

Ngumiti muna si Yoona bago hinarap si Sooyoung. "Okay, pero sa isang condition."

 

"Anong kondisyon?" nagliwanag ang mukha ni Sooyoung.

 

"Basta ipangako mong hinding-hindi ka maiinlove sa akin." seryosong wika ni Yoona habang nakatingin sa mga mata ni Sooyoung. Maya-maya nagsimulang tumawa ng napalakas si Sooyoung na halos lahat ng dumadaan na estudyante nakatingin sa kanilang dalawa.

 

"Sa tingin mo, bakit naman ako maiinlove sayo?" natatawang tanong ni Sooyoung ngunit hindi na muling nagsalita pa si Yoona kaya pinigilan niya ang sarili niya sa pagtawa. "Sure, hindi magiging problema sa akin yun." seryosong sagot ni Sooyoung.

 

"Sige magkita nalang tayo mamayang hapon. Pagkatapos ng klase."

 

Sa bahay ng mga Im...

 

"Anong sabi mo? Pupunta si Choi Sooyoung dito? Sa bahay?" tanong ni Mr. Im kay Yoona. "Alam mo naman ugali ng batang yan, diba? Baka pinagtitripan ka lang niyan. Teka.. Diba ininsulto ka niyan nung isang araw."

 

"Appa, humingi naman siya ng sorry." pagsisinungaling ni Yoona. "Tsaka appa, nagbago na siya. Diba sabi mo bigyan ng second chance yung mga taong naligaw ang landas."

 

"Oo, sinabi ko yun pero wala parin akong tiwala sa kanya.." sagot ni Mr. Im.

 

"Appa naman eh, tinutulongan ko lang naman siya eh. Hindi niya naman ako nililigawan." ngumiti si Yoona tsaka niyakap si Mr. Im at biglang tumunog ang doorbell.

 

"Teka lang appa." naglakad siya patungo sa pintuan para pagbuksan ito. Pagkabukas niya ay agad tumambad sa paningin niya ang ngiti ni Sooyoung.

 

"Hi..." nakangiting wika ni Sooyoung.

 

"Hello.." sagot ni Yoona habang nakatitig parin sa mukha ni Sooyoung. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakatitig sa mukha nagilat nalang siya ng muling magsalita si Sooyoung.

 

"Magtitigang nalang ba tayo o tutulongan mo ko?" tanong ni Sooyoung kay Yoona dahilan para maginit ang pisngi ni Yoona. "Pero sa totoo lang ok lang naman sa akin kung magtitigan nalang tayo." dagdag ni Sooyoung.

 

"Ermm.. Tuloy ka." nahihiyang pinapasok ni Yoona si Sooyoung. "Wait, kukunin ko muna script ko sa kwarto ko." dali-daling umakyat si Yoona sa kwarto niya. Nang maiwan mag isa si Sooyoung inobserbahan niya ang bahay nila. Tiningnan niya ang mga larawan na nakapatong sa mesa. May picture frame din sa loob ng glass cabinet kasama ng trophies. May nakita siyang maliit na action figure nakapatong sa piano agad niya ito nilapitan at tiningnan niya ito.

 

"Ito yata yung tinatawag nilang Jesus Christ." bulong ni Sooyoung tsaka ginaya niya ekspresyon sa mukha nito na parang timang. pag lingon sa likod niya laking gulat niya ng may lalaking nakatayo sa likod niya. "Jesu-"

 

"No, hindi ako si Jesus Christ ako ang daddy ni Im Yoona." nakipagkamay si Mr. Im kay Sooyoung. "Mr. Choi Sooyoung diba? Congrats dahil nakapasok ka sa stage play."

 

"Yeah ako nga po Mr. Im." ngumiti si Sooyoung sa may edad na lalaki.  "Salamat po dahil pinayagan niyo ako pumunta sa bahay niyo."

 

"Sa totoo lang hindi ako pumayag.." diretsong sagot ni Mr. Im habang nakatingin sa bilogan na mata ni Sooyoung. "Magkaliwanagan nga tayo Mr. Choi, kung ano man ginagawa mo wala akong paki alam pero pag nalaman kong pinagtitrip mo lang anak k-" naputol ang sasabihin ni Mr. Im ng bumaba si Yoona mula sa taas.

 

"Tara na Sooyoung ssi?" tanong ni Yoona kay Sooyoung pero nung hindi kumibo ang dalawa ay nagtaka siya. "May nadistorbo ba akong usapan?"

 

"Wala naman, Yoon." sagot ni Mr. Im habang nakangiti. "Aalis na ba kayo?" iniba niya kaagad ang usapan.

 

"Oo, appa." ngumiti si Yoona habang naglalakad patungo sa pintuan.

 

"Sige umuwi ka before 9pm, okay?" habilin ni Mr. Im. Nung nakatalikod na si Yoona ginawa niya ang IM-WATCHING-YOU pose tsaka tumango lang si Sooyoung.

 

 

...

 

 

Sa Soccer Field...

 

"Kamusta ka na, Soo?" tanong ni Taeyeon kay Sooyoung habang naghahandshake sila.

 

"Bakit ngayon ka lang, Choi?" tanong din Hyoyeon nang maghandshake sila.

 

"Yo Soo!" nakangiting wika ni Yuri tsaka tinapik ang likod ni Sooyoung.

 

"Okay lang naman ako. Medyo pagod na ako dahil sa practice para sa upcoming stage play." ngumiti si Sooyoung habang nakatitig sa pintura na nasa kamay niya. Natalsikan siya ng pintura habang nag pipintura sila ng props. Ang nakakagulat hindi siya nagalit. "Sorry kung ngayon lang ulit ako nagpakita sobrang busy lang talaga."

 

"Soo, may sasabihin nga pala ako sa iyo." kinakabahan na saad ni Yuri.

 

"Ano yun, Yul?" tanong ni Sooyoung kay Yuri habang pinagaaralan ekspresyon ni Yuri. Kinabahan siya dahil hindi naman ganito si Yuri, ngayon niya lang nakitang ganito kaseryoso ang kaibigan. Naglalakad sila ngunit hindi niya alam kung saan sila pupunta. Hanggang sa makarating sila sa cafeteria. 

 

"Lahat ng nandito labas!" sigaw ni Yuri. Yung iba estudyante tumakbo palabas ng cafeteria habang yung iba naman nakatingin lang masama sa kanya kaya nilapitan niya ito tsaka kinuha ang iniinom nitong smoothie. "Hindi mo ba narinig sinabi ko?" ibinuhos ni Yuri ang smoothie sa ulo nang kaya dali-daling tumakbo kasamahan nito palabas ng cafeteria.

 

"Yul, dapat hindi mo na ginawa yun." ngumiti si Sooyoung tsakapinunasan kamay ni Yuri gamit ang sarili niyang panyo. "Pwede naman tayo mag usap kahit nandyan sila eh."

 

"Eh, gusto ko kasi tayong dalawa lang. Medyo importante kasi tong paguusapan natin." sagot ni Yuri habang nakatitig sa sahig. 

 

"Ano ba kasi yang sasabihin mo sa akin?" tanong ni Sooyoung.

 

"Galit ka ba sa akin, Soo?" tanong ni Yuri habang sinasalubong tingin ni Sooyoung.

 

"Hindi naman.." sagot ni Sooyoung habang umuupo sa harap ni Yuri. "Kung iniisip mong galit ako sa iyo dahil hindi na ako masyadong sumasama sa barkada. Nagkakamali busy lang talaga ako sa rehearsal at pag gawa ng props." ngumiti si Sooyoung kay Yuri.

 

"Hindi ka ba magagalit kung sasabihin ko sa iyo na liligawan ko si Jessica?" mahinahong tanong ni Yuri.

 

"Alam mo, Yul hindi kita maintindihan ngayon. Una pinaalis mo yung mga tao na tahimik kumakain ng lunch nila para lang tanongin ako niyan. Pangalawa hindi ko maintindihan kung big deal pa pala sa iyo naging relasyon namin. Yul, alam mo naman diba na hindi ko siya minahal. Noona lang talaga tingin ko sa kanya, Yul."

 

"Pero siya, Soo.. Mahal na mahal ka parin niya." sagot ni Yuri.

 

"Kaya nga mas kailangan ka niya. Tulongan mo siya mag move on. Tulongan mo siyang makalimutan ang feelings niya para sa akin." nakangiting wika ni Sooyoung.

 

"Maging okay na sana ang lahat, Soo." yumuko ulit si Yuri.

 

"Magiging ok rin ang lahat, Yul. Wag kang magalala." ngumiti si Sooyoung tsaka niyakap niya ang kanyang kaibigan. "Pero hindi parin ako makapaniwala na pinaalis mo ang mga tao para pag usapan natin siya." pangaasar ulit ni Sooyoung.

 

Sa Hallway...

 

"Wooh! Saan ba nagtatago ang mga legs nung winter?" sigaw ni Hyoyeon habang nakatingin sa mga babae nakasuot ng mid thigh skirt. Habang si Yuri naman pinipigilan ang kaibigan niya.

 

"Ohh, andito nanaman si Rilakkuma lady." natatawang saad ni Tiffany habang nakatingin sa babae naglalakad patungo sa direksyon nila. Sinundan ni Sooyoung ang tingin ni Tiffany at nakita.

 

"Soo, nandito na leading lady mo." nagtawanan si Tiffany, Jessica, Hyoyeon, Taeyeon at Yuri habang si Sooyoung nakapoker face lang.

 

"Sooyoung ssi magkita tayo after school." ngumiti si Yoona kay Sooyoung habang si Sooyoung naman ay nakakunot ang noo. Tiningnan ni Yuri at Tiffany sa kaibigan nila naghihintay sa sagot ni Sooyoung.

 

"Ako ba kinakausap mo?" tanong ni Sooyoung kay Yoona. "Hindi kasi kita kilala eh. Sino ka ba?" agad nagtawanan silang lahat.

 

"Ouch! Ang sakit!" sigaw ni Hyoyeon.

 

"Nasaan na yung sweater mo?" dagdag ni Yuri. Iksakto nung umalis si Yoona nag ring ang school bell. Isa-isa silang umalis sa patungo sa klase nila.

 

Sa Bahay ng mga Im...

 

Pinindot ni Sooyoung ng ilang beses ngunit hindi parin lumalabas si Yoona. Kaya pinindot niya muli ang doorbell at naghintay ng isang minuto. Maya-maya binuksan ito ni Yoona ngunit hindi ito lumabas sumilip lang lang ito. Nang makita ni Sooyoung mga mata ni Yoona iniwasan niya ito. Tila nainip si Yoona at sinara ang pintuan.

 

"Yoona please buksan mo ang pinto." kumatok si Sooyoung sa pinto at maya-maya bumukas ulit ito tsaka lumabas na rin sa wakas si Yoona. 

 

"Ano bang kailangan mo?" walang kaekspresyon-ekspresyon sa mukha na tanong ni Yoona.

 

"Yoona alam wala ka ngayon sa mood." seryosong tinig ni Sooyoung.

 

"Oo nga at alam ko na alam mo kung bakit ako wala sa mood ngayon, diba?" sarkastikong tanong ni Yoona.

 

"Sa totoo lang Yoona gusto kitang maging kaibigan.." sinerong saad ni Sooyoung.

 

"Ahh pero gusto mo wala makakaalam, diba?" tanong ni Yoona habang nakangiti.

 

"Gusto ko silang surprisahin na kaibigan kita." sagot ni Sooyoung.

 

"Talaga? Gusto mo maging secret friends tayo diba?" excited na wika ni Yoona.

 

"Oo nga, yun nga. Ang galing parang binabasa mo ang nasa isip ko." nakangising wika ni Sooyoung habang hinahawakan kamay ni Yoona.

 

"Pero sana mabasa mo rin nasa isip ko ngayon." bumalik sa pagiging poker face nanaman ekspresyon ni Yoona at nawala rin ang ngiti sa mukha ni Sooyoung nang maintindihan niya ibig sabihin ni Yoona tsaka pumasok na si Yoona bahay nila.

 

"Yoona ayaw lang kita maging kaibigan gusto ko maging more than friends tayo." sigaw ni Sooyoung.

 

"Akala ko Soo, nagbago ka na. Akala ko magiging matino ka na pero hindi parin pala. Sinayang ko oras ko sa iyo." sagot ni Yoona.

 

"Yoona.." sinandal ni Sooyoung ulo niya sa pintuan habang sinusubukan parin kumatok. "DAM***!!!" sigaw ni Sooyoung tsaka naglakad paalis sa bahay ng mga Im. Napalingon siya nang marinig niyang bumukas ulit ang pintuan ngunit hindi si Yoona ang lumabas kundi si Mr. Im nakahawak ito sa bewang niya habang nakatingin sa kanya. "Sorry."

 

Sa Kwarto ni Sooyoung...

 

Tiningnan ni Sooyoung ang yearbook at hinanap niya si Yoona sa yearbook.

 

"Im.. Im..." naghanap siya sa 'I' dahil naka alphabetical order ang kanila yearbook.

 

"Im Jin Ah at Im Yoon Ah there you are.." ngumiti si Sooyoung habang tinitingnan larawan ni Yoona pagkatapos binasa niya impormasyon ni Yoona.

 

"Age of Birth... May 30, 1990? Mas bata pa pala siya kaysa sa akin.." ngumiti ulit siya.

 

"Interest... Rilakkuma, Drama, Stars and Food." napangiti ulit si Sooyoung. "I guess, mahal na mahal niya talaga ang Rilakkuma."

 

"Ambition... To witness a miracle? Okay." nawerdohan si Sooyoung sa sagot ni Yoona ngunit nung tingnan niya ulit larawan ni Yoona napangiti siya. Wala itong suot na malaking eye glasses sa yearbook picture tsaka hindi naka pigtail buhok ni Yoona. "Sa totoo lang maganda ka naman eh kung tatanggalin mo lang nerd image mo." ngumiti muli si Sooyoung tsaka sinara ang libro.

 

 

...

 

 

SaIlsan Paik Hospital...

 

Nang makarating si Sooyoung sa labas ng kwarto ni Kyungsoo huminga muna siya ng malalim bago kumatok. Nung kumatok siya ay walang sumasagot marahil natutulog ito. kaya binuksan niya nalang ang pinto at nakita niya si Kyungsoo nanunuod ng TV at parang wala itong paki alam sa presensya niya. Kinagat ni Sooyoung ang kanyang ibabang labi bago lumapit sa mas bata na lalaki napansin nito ang kanyang presensya pero binalik kaagad nito ang atensyon niya sa TV.

 

"Bumisita ako para mag sorry." senserong wika ni Sooyoung habang umuupo sa pinaka malapit na upuan. Ngumiti lang si Kyungsoo tsaka nagkibit balikat lang ito bilang sagot.

 

"Ok lang, ano masaya ka na?" tanong ni Kyungsoo sa nakatatandang lalaki.

 

"No, pakiramdam ko g*** ako." sagot ni Sooyoung habang nakayuko ang ulo.

 

"Alam mo, akala ko noon gusto ko kayo maging kaibigan." huminto muna si Kyungsoo para patayin ang TV. "At hindi ko alam kung bakit gusto ko kayo maging kaibigan. At sa totoo lang hindi naman ako galit sa iyo pero galit ako sa kaibigan mo. Lalo na yung leader niyo."

 

"Tumalon din ako para iligtas ka. Ang sakit pala ma bellyflop." pagbibiro ni Sooyoung para gumaan naman ang pakiramdam ni Kyungsoo.

 

"Masakit ba?" tanong ni Kyungsoo sa nakatatandang lalaki.

 

"Oo, ang sakit pala." sagot ni Sooyoung habang nagpapanggap na masakit parin ang tyan niya hanggang ngayon. 

 

"Mabuti naman.." seryosong wika ni Kyungsoo ngunit maya-maya ay ngumiti rin ito at ngumiti rin si Sooyoung.

 

"So, friends?" tanong ni Sooyoung habang inaalok ito makipagkamay.

 

"Friends." ngumiti muna si Kyungsoo bago tinanggap ang kamay ni Sooyoung. "Pero sana totoo na this time."

 

"Syempre, totoo na this time." ngumiti si Sooyoung tsaka naghandshake silang dalawa. "Magkita nalang tayo sa school. Bumalik na sa school sigurado ako matutuwa si Principal Lee Sooman pag nakita ka niya."

 

"Susubukan ko." ngumiti si Kyungsoo.

 

Sa SM Theater..

 

"Pour me a drink, Joey." utos ni Sooyoung habang tinutulak ang walang laman na wine glass sa bartender. May mga katabi din siya na umiinom ng Martini. Sa likod naman may naglalaro ng poker. May silhouette naman ng babae sa likod ng kurtina. May mga babae na nakasuot ng pang waitress naghahatid ng mga drinks sa mga lalaking naglalaro ng poker. Habang si Victoria naman nakatayo sa likod niya.

 

"You promised me, Tommy. No more of your goodnik schemes." on character na wika ni Victoria. "You promised me we'd go to Paris." umupo si Victoria sa bakanteng stool sa tabi ni Sooyoung. Habang likod naman nakasilip si Miss BoA kasama si Suho pareho silang kinakabahan. Sa audience naman nakita niya ang kanyang ama na kararating lang kasama si Sulli ang half sister niya.

 

"I'm not gonna sit on my keister and watch all the fat cats in this town get rich, okay? Trust me." napabuntong hininga nalang si Victoria habang pinapanuod siyang umiinom. "This is a sure thing."

 

"That's it.." tumayo si Victoria tsaka lumapit sa kurtina kung saan makikita ang silhouette tsaka tiningnan niya si Sooyoung. "We are through." habang si Jessica naman sa audience kinukunan ng litrato si Sooyoung. "Go ahead and run your booze!" tinulak ni Victoria si Sooyoung at tiningnan niya naman ito ng masama bakas sa mukha niya ang galit.

 

"And I hope you drown in it." aalis na sana si Victoria ng makita niya ang babaeng nakahoodie. Si Mr. Im naman na nasa backstage na a-amused sa pinapanuod niya. "So. You must be the new girl he's hired." tiningnan ni Victoria si Sooyoung ngunit abala parin ito sa pag inom. "The singer?"  nang marinig ito ni Sooyoung napalingon siya at tiningnan niya ang dalawang babae.

 

"You want some free advice about this one?" tanong ni Victoria kay Yoona tsaka tiningnan ulit si Sooyoung. "Stay far away. He's nothing but a trouble. CHEAP SPATS!" tsaka umalis na sa eksina si Victoria at naiwan nalang si Sooyoung at Yoona. Habang sa backstage bakas sa mukha ni Tiffany ang pagkabored habang si Yuri naman ay walang magawa kundi maglaro nalang ng random games sa cellphone niya habang si Hyoyeon at Taeyeon naman ay parehong natutulog.

 

"When you walked out of the rain and into my club." lumunok ng laway si Sooyoung nang magsimula maghubad ng hooded robe si Yoona at umupo sa tabi niya. "That wasn't just a coincident, was it?"

 

"Nothing's coincidence." sagot ni Yoona habang nakatingin sa mga mata ni Sooyoung. Si Tiffany, Yuri at Hyoyeon ay napatingin sa stage nagkainterest sila bigla sa stage play.

 

"Your face... you looked so familiar. Like this dame I knew once, only... It wasn't real, it was a dream." kinabahan bigla si Sooyoung.

 

"Tell me about this girl." seryosong wika ni Yoona.

 

"I don't remember.. All I know is." tuluyan ng na mental block si Sooyoung. "ang ganda mo." bulong ni Sooyoung ngunit sapat na ito para marinig ito ng lahat dahil nakasuot siya ng collar mic. Si Mr. Im sa audience inobserbahan ang mga nanunuod kung napansin nila ang sinabi ni Sooyoung. Si Jessica naman ay sumimangot dahil sa sinabi ni Sooyoung. Habang si Sooyoung ay bumitaw sa eye contact nilang dalawa at tumingin kina Suho at Miss BoA.

 

"Yung kanta! Yung kanta!" bulong ni Miss BoA.

 

"The dream... Help me to remember." medyo gumaan ang pakiramdam ni Sooyoung tsaka tiningnan muli sa mata si Yoona. "Will you sing for me?" napabuntong hinga si Sooyoung ng magsimulang tumugtog ang kanta at tumayo na si Yoona.

 

In your smile that's like a spring day, the whole world gets brighter

It makes me dream again.

On the day where the sun sparkles,

I hold your hand and walk in sync with your footsteps.

Tumingin muna si Yoona kay Sooyoung tsaka ngumiti dahil dito nag init ang kanyang magkabilang pisngi tsaka dinuko ulo niya. 

When I sometimes walk ahead and suddenly look back

That face that looks at me is so eye-blinding..

 

When I hear the sound of spring coming,

(I walk on the path with the bloomed flowers)

When the rainy summer comes,

(I walk as I see the rainbow)

When autumn passes and winter comes

(With the warmth from our hands)

We walk together

How great is your love..

 

I always waited for a love that resembles the sky to be given to me

On the day where the stars twinkle, I walk to the melody of the birds

Your seasons that go round and round repeating like a secret

In that unchanging love my eyes are blinded

 

When I hear the sound of spring coming,

(I walk on the path with the bloomed flowers)

When the rainy summer comes,

(I walk as I see the rainbow)

When autumn passes and winter comes

(With the warmth from our hands)

We walk together

How great is your love..

 

You became a bright light to me,

(who was exhausted by the world)

Even if winter comes at the end

(Of this narrow road we walk together)

If you would hold my hand to me this world is rough,

(Will be like springdays)

How great is your love..

How great is your love. 

 

 

Nang matapos siya kumanta, tiningnan niya si Sooyoung tsaka umupo sa tabi nito dahan-dahan nagtagpo ang kanilang mga labi. Nagsigawan ang audience tila kinikilig sa kanilang dalawa. Habang si Mr. Im naman nakakunot ang noo. At si Jessica naman ay nasasaktan sa pinapanuod niya. Kahit nung magsara na ang kurtina ay nagpatuloy parin si Sooyoung at Yoona sa paghahalikan kahit tapos na palabasan tumigil lang sila ng maubosan sila ng hininga ngunit nagtitigan parin sila kahit pareho silang hinihingal. Nang matapos na ang palabas agad nag si tayuan ang mga tao at nagpalakpakan. Lalapit na si Sooyoung kay Yoona ngunit nilapitan siya ni Sulli at niyakap kaya hindi siya makalapit kay Yoona.

 

"Ang galing mo oppa." nakangiting wika ni Sulli.

 

"Salamat, Sulli." nakangiting sagot ni Sooyoung.

 

"Girlfriend mo ba siya oppa?" tanong ni Sulli habang nakatingin kay Yoona na kasulukuyan kinakausap ni Suho at ni Miss BoA.

 

"Bakit mo naman naitanong?" tanong ni Sooyoung habang nakayuko ang ulo.

 

"Yung kiss..." sagot ni Sulli habang nakatingin kay Sooyoung dahilan para mag init pisngi niya. "Yung kiss parang realistic." may halong panunudyo na wika ni Sulli.

 

"Jeez, sino ba nagturo sa iyo niyan ha?" inarm lock ni Sooyoung si Sulli tsaka ginulo ang buhok ng dalaga. Tumingin si Yoona sa direksyon nila dahilan para maflustered siya pero ngumiti siya sa dalaga.

 

"Yah oppa! Bakit mo ba ginulo buhok?" nakapout na wika ni Sulli. Nawala ang ngiti ni Sooyoung ng makita niya si Mr. Choi. "Sige oppa maiwan ko muna kayo ni Daddy. May kakausapin lang ako."

 

"Hindi inaakalang magaling ka pa lang umarte. Ang galing mo, Soo. Proud na proud ako sa iyo." nakangiting wika ni Mr. Choi.

 

"Bakit ka ba pumunta dito?" tanong ni Sooyoung.

 

"Sinabihan ako ng umma mo." hindi parin naglalaho ang ngiti sa mukha ni Mr. Choi kahit turing nito sa kanya ay hindi ama. "Kumain muna tayo bago umuwi."

 

"Salamat pero hindi ako gutom, Mr. Choi." tsaka naglakad si Sooyoung sa direksyon kung saan naguusap si Sulli at Yoona.

 

"Sooyoung, wag mo naman akong talikuran." malungkot na wika ni Mr. Choi.

 

"Ikaw ang nagturo sa akin niyan." lalapit na sana si Sooyoung kina Sulli at Yoona ng bigla nanaman siya harangin ni Suho. "Bull****" pagmumura ni Sooyoung sa isipan niya.

 

"Nice iniiba mo yung ibang lines." saad ni Suho pero mukhang hindi naman ito galit.

 

"Ginawa ko ang lahat Suho. Pasensya na kung iniba ko yung ibang lines." senserong wika ni Sooyoung habang nakatingin parin kay Yoona na kasulukuyan yumuyuko sa harap ng mga tao mukha aalis na ito. "What the hell.." kinuyom ni Sooyoung ang kanyang kamay.

 

"Pero mahusay naman acting mo." nakangiting wika ni Suho habang tinatapik ang balikat niya. "Sige mauna na kami." hindi na muling sumagot si Sooyoung agad siyang lumabas sa theater hall ngunit hindi na niya mahanap si Yoona.

 

 

To Be Continued...

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
I will publish the finale tomorrow ..

Comments

You must be logged in to comment
byunsoshi_09
#1
Chapter 4: Otorrrr~ tuloy mo na 'toooo plith~ gand na nang basa ko ehhh huhu
BOD-COD #2
Chapter 24: can you make a english version ??

i'm trying to understand but failed.
ArielleKim #3
asan yung ibang chapter? nakalagay 13 chapters? e bakit 4 lang nakalagay? -___-?
shikshinhot24
#4
Chapter 6: Daebak!!!!wohohohohoh SooNa ♡♡
Leibmjuell #5
Chapter 2: Omg mahal na po kita xD ang gondo nung I'm in love with a robot *o*
itsmecarylann
#6
99 Days With My Angel please!
nyonyo3012 #7
soona fic!! ^o^
Do you have eng.version? I don't understand tagalog... :(
shikshinhot24
#8
Chapter 2: <3 <3 <3 <3 <3 SHOOT!!!!MAH SOONA FEELS!!daebak author'ssi !!
soyung #9
Chapter 1: English version please :(
kenpetfamsys #10
Chapter 1: too bad i can't understand :'( hope that u'll have the eng ver. for these stories :((