The Mage and The Lost Spirit (Part One)

Sooyoung & Yoona Oneshot

 

 

Characters:

Cho Kyungsan as Gem

Choo Sarang as Mini

Seohyun as Cancer

Kim Hyoyeon as Virgo

Sunny as Taurus

Kahi as Capricorn

Nicole as Libra

• Krystal as Scorpio

Kwon Yuri as Sagittarius

Tiffany as Leo

Jessica as Aries

Kim Taeyeon as Pisces

 

 

Nung una ko siyang makita, alam kong siya na. Alam kong siya ang aking hinahanap. Noong una ay wala akong pakialam sa mundong ito, ang gusto ko lang ipagpatuloy ang aking buhay at kalimutan ang aking nakaraan. Ngunit nagbago ang ikot ng aking mundo ng makita ko siya. Walang araw na hindi ko siya sinusundan, palagi ko siyang pinapanuod mula sa malayo. Minsan naririnig niya itong tumutugtog ng Harp kasama ang dalawang bata. Sa tuwing naririnig niya itong tumutugtog ng harp ay gumagaan ang kanyang pakiramdam. Pag tinitingnan niya ang magandang mukha nito ay parang nakatingin na rin siya sa anghel. Hindi niya maiwasan mapangiti habang pinapanuod ito. Nang pumikit uli siya ay nakita niya ulit yung babae at pangyayari na gustong-gusto niyang kalimutan. Kinuyom niya ang kanyang mga kamay tsaka naglakad palayo. 

 

"Kikilalanin ko muna siya..."

 

 

...

 

 

"Aigoo.." nakangiting wika ni Yoona habang iniinat ang kanyang katawan.

 

"Gaano katagal pa ba tayo maglalakad?" tanong ni Kyungsan habang nakabusangot ang mukha. "Malayo pa ba yung, eskwelahan niyo?"

 

"Bakit pagod ka na ba?" tanong ni Yoona habang nakangiti na may halong panunudyo. Hindi sumagot ang batang lalaki ngunit inirapan niya ang dalaga. "Okay," ngumiti si Yoona tsaka nag squat sa harap ng batang lalaki dahan-dahan niya itong binuhat.

 

"Yah!" sigaw ni Kyungsan habang sinisipa ang tyan ni Yoona ng mahina agad naman ibinaba ni Yoona ang batang lalaki tsaka nag pout. "Hindi ako bata.. Wag mo sanang kalimutan na mas matanda pa ako sa iyo."

 

"Araso, pasensya na po." yumuko si Yoona sa harap ng batang lalaki ng ilang beses. Maya-maya lumapit ang batang babae sa kanya. "Sarang-ah~!"

 

"Unnie, pwede bang ako nalang ang buhatin mo?" tanong ni Sarang habang kumikinang ang kanyang mga mata agad naman napa-Aww si Yoona tsaka kinarga ang batang babae. Kahit kambal silang dalawa ay magkaiba talaga silang dalawa. Si Sarang napaka-malambing, si Kyungsan naman ay napakasungit. Palaging nakangiti si Sarang habang si Kyungsan naman ay napakaseryoso pero kahit ganun ay pantay parin ang tingin niya sa dalawa.

 

"Ano ka, bata?" tanong ni Kyungsan habang nakatingin ng masama kay Sarang.

 

"Inggit ka lang." ngumiti si Sarang tsaka bumelat kay Kyungsan.

 

"Yah!" sigaw ni Kyungsan habang tinuturo si Sarang.

 

"Kyungsan-ah, tama na yan." mahinahong wika ni Yoona. Hindi na muling nagsalita si Kyungsan at nagpatuloy sa paglalakad. Nang namayapa ulit ang katahimikan ay napangiti siya habang nakatingin sa likod ni Kyungsan at napadpad atensyon niya sa mga susi niya na nakasabit sa bag niya.

 

"Ano bang meron kay Pisces at kay Aquarius?" tanong ni Yoona habang kinukuha ang susi ni Taeyeon sa likod ni Kyungsan.

 

"Erm.. Mag bestfriend po si Aquarius at Pisces. Sa katunayan bago maging leader si Pisces ng 12 Zodiac Spirits, si Aquarius ang leader namin noon" nakangiti na wika ni Sarang. "Pero nung umalis siya ay nagsi-alisan si Taurus, Capricorn, Libra, Virgo at yung girlfriend ni Virgo na si Cancer." naglaho ang ngiti ni Sarang ng banggitin si Taurus, Cancer, Virgo, Libra at Capricorn.

 

"Oh.. Kaya pala." tumatango-tango na wika ni Yoona.

 

"Namimiss na namin si Aquarius." napabuntong-hininga si Sarang habang inaalala ang itsura ni Aquarius. "Naalala ko napakaganda ng mga mata niya. Katulad ng kay Pisces, kulay asul din ang kanyang mga mata. Magkapareho ng element si Aquarius at Pisces kaya naging magbestfriend sila." dagdag ni Sarang habang si Kyungsan naman ay bumuntong-hinga "Dati napakamasayahin ni Pisces pero nagbago ang lahat ng nawala si Aquarius." unti-unting namumuo ang mga luha sa mata ni Sarang. "Kung hindi dahil kay Aries baka umalis na rin siya sa Spiritual World."

 

"Ganun pala ang nangyari kay Taeyeon, kaya pala ganun ang trato niya sa akin. Akala ko kasi ayaw niya sa akin." tumawa ng marahan si Yoona ngunit nang marealize niya na hindi tumawa si Kyungsan at Sarang ay tumigil siya tsaka umubo. "Heh. Sorry." nakangiti na wika ni Yoona. "Hayaan niyo.. Hahanapin ko si Aquarius para sa inyo."

 

"Talaga unnie?" masiglang wika ni Sarang tsaka niyakap si Yoona.

 

"Neh!" agad na sagot ni Yoona.

 

"Sus, asa ka pa. Hindi mo mahahanap si Aquarius." umuyam si Kyungsan tsaka binilisan ang lakad niya.

 

"May isa pa akong tanong, Sarang-ah." bulong ni Yoona sa tenga ni Sarang.

 

"Ano yun, unnie?" tanong ni Sarang

 

"Naging masungit ba si Gem simula nung umalis si Aquarius." bulong ulit ni Yoona ngunit narinig ito ni Kyungsan.

 

"Yah!" tinuro ni Kyungsan si Yoona at papaluin sana pwet ng dalaga ng magsalita muli si Sarang.

 

"Unnie, diba ito yung school mo?" palinga-linga na wika ni Sarang habang natutuwa dahil sa sobrang laki ng building na nasa harap niya. Sa Spiritual World kasi maliliit lang yung mga building. "Ang laki..."

 

"Sarang, Kyungsan bumalik na muna kayo sa Spiritual World. Papasok muna ako sa eskwelahan namin." idinala ni Yoona ang dalawang bata sa alley malapit sa eskwelahan niya.

 

"Tumigil na nga kayo sa pagyayakapan nasusuka na ako sa inyong dalawa! Buksan mo na yung portal." utos ni Kyungsan habang inaabot yung suot niyang bag kay Yoona.

 

"Unnie, mag-usap muna ulit tayo mamaya pagkatapos ng klase mo." hinalikan ni Sarang ang pisngi ni Yoona tsaka tumakbo sa direksyon ni Kyungsan.

 

"Araso. Araso." ngumiti muna si Yoona bago niya kinuha ang susi ni Sarang at Kyungsan mula sa bag niya. Huminga muna siya ng malalim tsaka itinaas ang hawak niyang susi. "The gate of the ssangdungi open!" sigaw ni Yoona at maya-maya lumitaw ang portal sa pader. Naglakad si Kyungsan at Sarang papunta sa portal tsaka pumasok rito.

 

"Annyeong unnie." sigaw ni Sarang bago isinara ni Yoona ang gate. Nang maglaho ang portal ay agad siyang tumakbo patungo sa eskwelahan niya.

 

"Pag naging akin ang susi ni Aquarius, ano kaya ipapangalan ko sa kanya?" 

 

 

...

 

 

"So class, bago magsimula ang klase nais kong ipakilala sa inyo ang bago nating estudyante." pormal na wika ni Mr. Kang. Dahan-dahan pumasok si Yoona sa classroom habang nakayuko ang kanyang ulo. Nag simula maghiyawan ang mga lalaking estudyante ng pumasok siya. "Boys, quiet. Sige, Miss Im ipakilala mo ang iyong sarili."

 

"Annyeonghaseyo." yumuko si Yoona sa harap ng lahat. "Ako nga pala si Im Yoona." nakangiting wika ni Yoona, nagulat si Yoona ng tumulo ang dugo mula sa ilong ng kanyang kaklase niyang lalaki. Pinunasan lang ng lalaki ang kanyang dugo habang nakatitig kay Yoona na para bang walang nangyari. "Masaya akong makilala kayo."

 

"Sige, Yoona maari ka ng umupo dun sa tabi ni Miss Choi." tinuro ni Mr. Kang ang bakanteng upuan sa likuran. Nadaanan ng kanyang tingin ang isang babae na tinatawag ni Teacher Kang na Miss Choi, nagtataka siya kung bakit ang sama nito makatingin sa kanya. Yumuko muna si Yoona bago nagsimulang maglakad patungo sa upuan niya ng biglang hawakan ng kaklase niyang babae ang kanyang kamay. Halos lahat ng estudyante ay nakatulala na para bang nahihipnotismo.

 

"Ako nga pala si Park Eunjung isa akong Gun User." nakangiting wika ng dalagang maikli ang buhok.

 

"Araso." matipid na sagot ni Yoona habang dahan-dahan niyang inaalis ang kamay nito sa kamay niya. Nang makaalis si Yoona ay nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa upuan niya. Nakatingin parin sa kanya ng masama yung kaklase niya na babae ngunit hindi niya ito pinansin at umupo sa tabi nito. "Galit ka ba sa akin?" tanong niya sa babaeng kaklase niya. Napanga-nga siya ng makita ang kulay ng kanyang mga mata. Kulay asul ito ngunit hindi niya alam kong totoo yung kulay ng mata niya o contact lens lang. Basta napakaganda nitong tingnan.

 

"Hindi." tumingin ito sa ibang direksyon at hindi na siya nito muling tiningnan.

 

"Erm.. Ako nga pala si Im Yoona." pagpakilala ni Yoona sa kanyang sarili ngunit hindi ito sumagot at hindi man lang siya nito tiningnan tila wala itong naririnig. "Sana maging mag kaibigan tayo.." nakangiti paring wika ni Yoona ngunit wala parin siyang natatanggap na sagot mula sa babae. "Hmm.. Ang sungit naman nito."

 

"Hayeon.." pagtawag ni Yoona ngunit hindi parin ito lumingon. "Seohyun.. Soo—" natigilan si Yoona ng tingnan siya nito. "Ah! Seohyun ba pangalan mo?"

 

"Ang ingay mo." kinuha ng babae ang kanyang earphones mula sa bag tsaka pinasak ito sa tenga niya.

 

"Soojin ba pangalan mo?" tanong ni Yoona sa babae na kasulukuyan nagda-drum sa eri. "Soojung.. Sooyoung?" maya-maya tumigil ang babae sa pagda-drum ng ilang segundo tsaka nag drum muli. "Ah, Sooyoung diba?" 

 

"Miss Im. Nakikinig ka ba?" tanong ni Teacher Kang.

 

"I'm sorry, Seonsaengnim." agad tumayo si Yoona tsaka yumuko bago umupo muli. Nang magpatuloy si Teacher Kang sa pagtuturo ay sinilip niya muli ang babae.

 

 

...

 

 

"Miss Choi!" sigaw ni Yoona habang hinahabol ang babae.

 

"Sooyoung!" sigaw ulit ni Yoona habang hinihingal. Nagtagumpay siya dahil huminto ito sa paglalakad pinagsamatahan niya ang panahon at tumakbo patungo kay Sooyoung. "Classmate, galit ka ba sa akin?" tanong ni Yoona.

 

"Hindi.." matipid nitong sagot.

 

"Ano ba kasi pangalan mo?" tanong ni Yoona. Nagtataka si Yoona kung bakit biglang kumilimlim eh kanina napakaganda naman ng panahon tapos ngayon nagbabanta na ang ulan. Sasagot na sana ang babae ng may lumapit babaeng brunette ang buhok.

 

"Sooyoung!" sigaw ng babaeng brunette ang buhok na maganda rin tsaka sinalubongan ng yakap ang kaklase niya.

 

"Hey!" nakangiting wika ni Sooyoung tsaka hinalikan ito sa labi habang si Yoona naman ay parang nanigas sa kinatatayuan niya. Maya-maya nag init ang mga pisngi ni Yoona pakiramdam niya kasi napahiya siya.

 

"Ang sama mo!" nakapout na wika ng babaeng brunette ang buhok. "Hindi mo man lang ba hihintayin Girlfriend mo?"

 

"Araso, sorry." ngumiti si Sooyoung sa babae habang nakahawak parin ang dalawang niyang kamay sa magkabilang pisngi nito.

 

"Mianhae." yumuko si Yoona tsaka umalis ngunit pinigilan siya ng babaeng brunette ang buhok. "Hmm.."

 

"Classmate ka ba ni Sooyoung?" tanong ng babaeng brunette ang buhok agad naman tumango si Yoona bilang sagot. "Ako nga pala si Im Nana, girlfriend ni Sooyoung."

 

"Im Yoona, classmate ni Sooyoung." nakangiting nagpakilala si Yoona.

 

"Related ba tayo?" pabirong tanong ni Nana habang nakangiti, tsaka ngumiti rin si Yoona. "Anyways, anong Magic ba ang kaya mong gawin?"

 

"Isa akong Spiritual Mage. Ikaw?" sagot ni Yoona. Napansin niya nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Sooyoung ng marinig niyang isa siyang Spiritual Mage pero binalewala niyang lang ito. 

 

"Isa akong Rain Mage." ngumiti ito kay Yoona.

 

"Ah, kaya pala kumilimlim yung langit ng dumating siya." sa isip ni Yoona. "Wow ang galing naman, ang saya siguro maging Rain Mage." nakangiting wika ni Yoona.

 

"Nana, hindi pa ba tayo aalis?" tanong ni Sooyoung habang nakapout.

 

"Aigoo, sorry Soo." tinapik ng mahina ng babae ang pisngi ni Sooyoung. "I'm sorry Yoona ssi aalis na muna kami."

 

"Araso, mag ingat kayo." nakangiting wika ni Yoona habang sinusundan ng tingin si Sooyoung.

 

"Sa totoo lang, nakyu-kyuryos talaga ako sa kanya."

 

 

...

 

 

Pinagpawisan ng malamig si Yoona habang nakatingin sa babaeng mukhang mataray. Nakakatakot ang itsura nito lalo na ang kanyang mga mata nito para bang kakainin siya nito anytime. Mukhang tama nga ang sinabi ni Jessica na nakakatakot ito. Parang gusto na niyang umatras, parang ayaw na niya tumuloy ngunit nangako siya kay Sarang na hahanapin niya si Aquarius. Kung isa si Taurus sa makakapagturo kung nasaan si Aquarius ay gagawin niya ito kahit natatakot siya sa pwedeng gawin nito sa kanya tsaka gusto niya rin kompletohin ang 12 Zodiac Spirits.

 

"Taurus ssi, ako nga pala si Im Yoona." yumuko si Yoona sa harap ng maliit na babae.

 

"Anong kailangan mo sa akin?" malamig nitong tanong.

 

"Gusto ko sana mag apply bilang Owner mo.." nagsimula ng maging komportable si Yoona kay Taurus kahit na ang lamig ng pag trato nito sa kanya. Laking gusto niya ng biglang magblush si Taurus tsaka nag squat sa harap ni Yoona tsaka niyakap ang tuhod niya tsaka tinapik-tapik pwet ni Yoona. "Y-Yah! Ano ba ginawa mo Taurus ssi."

 

"Pasensya na Miss Yoona. Naging emotional lang ako. Akala ko kasi pumunta ka lang dito para sirain ang aking tahanan." sagot ni Taurus. "Salamat Miss Yoona."

 

"Walang anuman, Taurus ssi." sagot ni Yoona habang tumatawa ng marahan. "Nagtataka ako kung ano i-tatawag ko sa iyo. Lahat kasi ng Heavenly Spirits ko binibigyan ko ng human name."

 

"Oh talaga? Ang astig mo naman.." nakangiting wika ni Taurus.

 

"Teka magiisip ako ng ipapangalan ko sa iyo." tiningnan niya ang kanyang paligid tila naghahanap ng mapagkunan ng ideya hanggang sa mapadaan ang tingin niya sa langit. Napakaganda ng panahon ngayon. Hindi makulimlim at hindi rin maulap ang langit. Napakaganda ng panahon ngayon. "Pwede ba kitang tawaging Sunny?"

 

 

...

 

 

Palukso-luksong habang naglalakad si Yoona papunta ng dorm niya bakas sa mukha niya ang kasiyahan. Masaya siya dahil nadagdagan nanaman ang kanyang Zodiac Keys at tatlong susi nalang ang kailangan niya para mabuo ang 12 Zodiac Keys. Pagnabuo ang 12 Zodiac Keys ang kanyang kahilingan ay matutupad. Kaya gusto-gusto niya mabuo kaagad ito. Hindi niya alam mula sa kalayuan may nagmamasid sa kanya.

 

"Aba, ang ganda mo naman miss." nakangising wika ng lalaking hindi gaano ka katangkad.

 

"Kilala mo ba itong cute chick, hyung?" tanong ng isang binatang maamo ang mukha.

 

"Ngayon ko pa lang nakita tong babaeng ito." nakangisi parin nitong wika habang tinitingnan ang katawan niya.

 

"Kamsa." yumuko si Yoona tsaka tumakbo ngunit pinigilan siya ng lalaking nakahoodie.

 

"Wag ka munang umalis, miss." kinabahan si Yoona ng biglang hawakan siya ng isang lalaki sa kanyang bewang tsaka kinuha ang kanyang mga susi.

 

"Yah~!" sigaw niya habang pilit kinukuha ang mga susi mula sa kamay ng lalaking matangkad.

 

"Ah, isa ka palang Spiritual Mage." nagdilim ang itsura ng mga lalaki. "At nagmula ka pa sa walang kwentang guild. Hysteria.." tinapon ng lalaki ang mga susi sa ilog. "Lumipat ka nalang sa amin, mga weaklings naman yung Hysteria."

 

"Wag!!!" sinubukan habulin ang kanyang susi ngunit huli na ang lahat. Napagulgol si Yoona habang nakatingin sa ilog.

 

"Ano na, miss Spiritual Mage?" pinatunog ng isang binata ang buto niya sa kanyang kamao habang lumalapit kay Yoona.

 

"Hah! Ano yan? Apat laban sa isa?" nakangising wika ng babaeng nakasandal sa poste. "Mga duwag.."

 

"Ano bang pakialam mo hunghang?" tanong ng lalaking nakahoodie.

 

"Sino ka ba?!" tanong ng lalaking mahaba ang buhok.

 

"At bakit ko naman sasabihin ang pangalan ko?" lumapit ito kay Yoona tsaka 

 

"Sooyoung-ssi?" bulong ni Yoona.

 

"Daming satsat, sugod." sigaw ni Sooyoung habang nakangisi.

 

"White Fury!" sigaw ng lalaking nakahoodie.

 

"Aerial Shot!" pag atake din ng lalaking maamo ang mukha.

 

"Blizzard!" sigaw ng lalaking matangkad.

 

"Water Barrier!" sigaw ni Sooyoung biglang umangat ang tubig mula sa ilog tsaka bumuo ito ng malaking bilog na tubig na parang shield kaya nabalewala ang atake ng mga ito. Gulat na gulat ang mga ito, hindi sila makapaniwalang kaya niyang tapatan ang mga atake nila habang yung lalaking hindi masyado matangkad ay nanunuod lang. Tulad ng tatlo niyang kasama hindi rin siya makapaniwala.

 

".. S-Snow Dragon!" pag atake ulit ng lalaking nakahoodie.

 

"Geyser!" sigaw ni Sooyoung habang nakaluhod. Nagulat ang lahat ng yumanig ang semento at sumabog ang tubig na parang bulkan. Laking gulat ni Yoona ng mawalan ng malay ang tatlong binata. Palagi niyang naririnig sa Hysteria na malakas ito ngunit hindi niya inaasahan na ganito ito kalakas na kaya nitong i-one hit ang kanyang mga kalaban.

 

"Demonic Thunder!" pag atake ng lalaking hindi gaano katangkaran. Hindi inaasan ni Sooyoung ang pag atake nito kaya natamaan siya nito agad siyang nahilo dahil dito. Gustong tumayo ni Sooyoung ngunit nanghihina tuhod niya. "Ano Hysteria butts?" nakangising wika nito.

 

"Sooyoung-ssi!" sigaw ni Yoona tsaka lumapit kay Sooyoung para tulongan itong tumayo.

 

"Umalis ka dito." iwinaksi niya ang kamay ni Yoona tsaka tumayo mag-isa. "Wate—"

 

"Roaring Thunder!" bago pa man makapagcast ng magic si Sooyoung ay inunahan siya nito. Pakiramdam ni Sooyoung naparalyze ang buong katawan niya dahil sa sobrang sakit ng tyan niya kaya pinagsamatalahan niya ang pagkakataon na ito. "Lightning Fist!"

 

".. W-Whirlpool Abyss!" sigaw ni Sooyoung. Kahit hinang-hina na ang kanyang katawan ay nagawa niyang mag counter attack. Nagulat ang binata ng may sumulpot na malaking tubig na buhawi sa harap niya tsaka hinihigop siya nito. Ngumiti muna si Sooyoung bago tuluyan na bumagsak.

 

"Sooyoung-ssi!" sigaw ulit ni Yoona tsaka sinubukan pigilan si Sooyoung mula sa pagkakabagsak.

 

"Sooyoung-ssi, okay ka lang ba?" tanong ni Yoona habang tinatapik ng mahina ang pisngi ni Sooyoung. "Uutosan ko nalang si Taeyeon para hanapin susi ko bukas."

 

"Mabuti naman, ligtas ka na." nakangiting wika ni Sooyoung habang sinusubukan niyang ibuka ang kanyang mga mata. Napatulala si Yoona habang nakatingin sa mukha ni Sooyoung. Ito na yata ang unang beses na ngumiti ito sa kanya. Nabigla siya ng makita sa malapitan ang mga mata nito, para itong tubig na gumagalaw! Katulad ng mga mata ni Taeyeon. Ngunit binalewala niya nalang ito dahil pareho naman silang water element. "Tutulongan kita hanapin mga susi mo." tsaka tuluyan nawalan ng malay si Sooyoung.

 

"Sooyoung-ssi!" bulaslas ni Yoona.

 

 

...

 

 

Halos maiyak si Yoona sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Hinawakan niya ang kanyang ulo saka niya nalaman na may bukol siya. Nang pumasok kasi siya sa classroom nagulat siya ng may magtapon sa kanya ng kung ano at natamaan siya sa ulo. Hinahanap niya kung ano itong tumama sa kanya. Nagbago ang ekspresyon sa mukha niya ng makita niya ang kanyang susi sa sahig, agad niya itong pinulot tsaka hinawakan ng mabuti at nilapit ito sa kanyang dibdib tsaka bumuntong hinga.

 

"Hay salamat! Nahanap ko rin kayo." nakangiting wika ni Yoona tsaka hinalikan ang mga susi isa-isa.

 

"Yah! Wag mo na ulit walain yan!" sigaw ni Sooyoung habang umuupo sa desk ni Mr. Kang. "Dahil napaka-useless mo kung wala ang mga susi na yan. Napakahina mo alam mo ba yun?"

 

"Alam ko mahina ako. Pero hindi mo naman kailangan maging rude sa akin.." nanginginig na wika ni Yoona. Laking gulat ni Sooyoung ng nagsimulang tumulo ang mga luha ni Yoona. "Tsaka pwede mo namang ibigay ng maayos ang mga susi ko diba." pinunasan ni Yoona ang kanyang luha.

 

".. Y-Yah! Wag k-kang umiiyak. Pwede?!" tumalon si Sooyoung mula sa desk tapos lumapit kay Yoona agad niyang hinawakan ang ulo nito tsaka nag cast ng magic. Ang healing magic. Maya-maya unti-unting nawawala ang kirot at ang bukol ni Yoona hanggang sa tuluyan itong nawala. ".. S-Sorry."

 

Kinuha ni Sooyoung ang kanyang jacket at bag niya sa desk niya tsaka dali-daling umalis habang si Yoona naman ay nagulat sa inasal ni Sooyoung. Minsan hindi niya talaga ito maintindihan. Kahapon lang ngumiti ito sa kanya tapos ngayon umaasta nanaman itong malamig sa kanya.

 

"Ano ba talaga, Sooyoung-ssi?" bulong ni Yoona tsaka bumuntong-hinga habang sinusundan ito ng tingin.

 

 

...

 

 

"May mahalaga akong announcement, Class." nakangiting wika ni Mr. Kang habang nakasandal desk niya.

 

"Next week na magsisimula ang Hysteria Battle." huminto muna si Mr. Kang para ngumiti tsaka nagpatuloy ulit. "Gusto ko gumagawa kayo ng Team. Pwede dalawa o tatlo o apat na member sa isang team. Dapat may pangalan ang team niyo."

 

"Kaya.. Kausapin niyo na ang gusto niyong maging teammates tsaka ilista niyo ang inyong team name at team members niyo sa papel. Pwede na kayong mag simula ngayon." nang matapos ang announcement ng kanilang seonsaengnim ay agad nagkagulo ang mga kaklase niya.

 

"Sooyoung-ssi, pwede ba kitang maging kapartner?" tanong ni Yoona kay Sooyoung pero tila wala itong narinig. Nahihiya man ngunit lumapit si Yoona kay Sooyoung para yayain ulit itong maging kapartner niya. "Sooyoung-ssi?"

 

"May partner na ako, sorry." pagsinungaling ni Sooyoung tsaka tumalikod siya at ibinaling nalang ang atensyon niya sa bintana,

 

"Pwede ba akong sumali?" tanong ulit ni Yoona habang nakatingin sa likod ni Sooyoung. Ngunit wala siyang narinig na sagot mula dito. Kaya umupo nalang siya sa upuan niya tsaka pinagmamasdan nalang mga kaklase niya na masayang naguusap. Yung iba naman ay nagsusulat ng possibleng pangalan ng team nila. Habang yung iba naman ay kinakausap si Mr. Kang. Pareho silang dalawang ni Sooyoung walang lumalapit sa kanilang dahil, alam niya ang dahilan kung bakit walang lumalapit kay Sooyoung para yayain siya maging part ng team dahil nakakatakot ang aura nito.

 

"Siguro nga tama si Sooyoung. Kaya walang may gusto makipag team sa akin dahil mahina ako. Kung hindi dahil sa susi ko wala akong pakinabang ngayon." bumuntong-hinga si Yoona tsaka tinakpan ang kanyang mukha, tinatago sa ibang tao ang kanyang luha. Lingid sa kaalaman niya nakatingin pala si Sooyoung sa kanya.

 

"Sooyoung-ssi, Yoona-ssi. Wala ba kayong partner o team?" tanong ni Mr. Kang habang nakatingin sa dalawang dalaga. Si Sooyoung ay iniirapan lang si Mr. Kang at hindi sumagot.

 

"Hindi po ba pwede mag solo nalang?" tanong ni Yoona.

 

"Hindi pwede.. Dapat team, bawala ang solo." sagot ni Mr. Kang. Sumimangot si Yoona ng marinig ang sagot nito. Habang si Sooyoung naman ay nakattig lang sa kanyang wrist watch, tila naghihintay ng lunch break. "Sooyoung-ssi.. Yoona-ssi.. Gusto ko maging magpartner kayong dalawa para sa upcoming Hysteria Battle."

 

 

...

 

 

"Marunong ka bang mag melee fight?" tanong ni Sooyoung kay Yoona.

 

"Anong melee fight?" tanong din ni Yoona, agad napa-facepalm si Sooyoung ng marinig niya tanong nito.

 

"Yung close combat, magagamit mo yan pag may emergency. Lalo na kung mahirapan ka magcast ng magic. Katulad nung nangyari kahapon nung tinapon ng Soul Reaper ang susi mo, hindi mo sila kayang labanan dahil hindi ka marunong mag melee fight." paliwanag ni Sooyoung agad naman napa-ohh si Yoona. "Ito yung mga melee weapon." pinakita ni Sooyoung mesang punong-puno ng kutsilyo, knuckles, pamaypay at iba pa. "Alin ba dyan ang gusto mong gamitin?"

 

"Ano ba ginagamit mo, Sooyoung-ssi?" tanong ni Yoona habang nakatingin sa mga gamit na nasa harap niya.

 

"Knuckles. Kasi hindi gaano kalakas ang aking suntok." sagot ni Sooyoung habang binabalance ang kutsilyo ang sa kamay niya.

 

"Pwede pala maging melee weapon ang pamaypay?" tanong ni Yoona habang tinitingnan ng maigi ang pamaypay.

 

"Oo, syempre." sagot ni Sooyoung habang abala parin ito sa paglalaro ng kutsilyo.

 

"Pwede ko bang subukan ito?" tanong ni Yoona habang sinusuot ang knuckles.

 

"Walang silbi itong pamaypay sa iyo dahil hindi ka naman Flame User." inilagay ni Sooyoung ang kutsilyo sa mesa tsaka tinititigan ang mukha ni Yoona, hindi niya inaasahan magkakasalubong ang kanilang tingin kaya agad umiwas si Sooyoung. "Kahit sa akin ay walang silbi itong paypay dahil namamatay ang apoy nito."

 

"Sayang..." bumuntong hinga si Yoona. "Magpractice na tayo?"

 

 

...

 

 

"Sooyoung! Sooyoung!" sigaw ng batang babae.

 

"Ano nanaman ba ang kailangan mo sa akin?" tanong niya habang nakabusangot.

 

"Wala lang gusto lang kita makita." nakangiting wika ng batang babae.

 

"Hoy bata, pwede bang wag mo kong tawagin para lang sa walang kwentang bagay!" naiinis niyang wika ngunit ang batang babae ay nanatili paring nakangiti.

 

"Mianhae, pero nagiging masaya kasi ako sa tuwing nakikita kita." sagot niya habang nakayuko. "Nalulungkot kasi ako dahil palagi lang akong mag-isa."

 

"Wala akong pakialam.." sagot niya habang iniiwasan ito ng tingin.

 

"Alam kong ayaw mo sa akin.. Pero kahit ganun, mahal parin kita unnie at nababawasan ang aking lungkot pag nakakasama kita. Kahit na palagi mo lang akong pinapagalitan." nanginginig nitong wika. "Patawad kong palagi kitang ginugulo." naglakad ito papalayo sa kanya.

 

"Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko nang mga oras na yun." nakangiting wika ni Sooyoung habang nakatingin kay Yoona na kasulukuyan natutulog ng mahimbing.

 

"Isa lang ang alam ko, lumakas ang tibok ng puso ko ng mga oras na yun." hinawi ni Sooyoung ang buhok ni Yoona.

 

"Yoonhee, kamusta ka na?" tumingin si Sooyoung sa langit.

 

"Alam kong galit ka sa akin hanggang ngayon." bulong ni Sooyoung. "Pasensya na sa ginawa ko noon."

 

"Patawarin mo sana ako, Yoonhee. Dahil hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko noon." nagdilim ang ekspresyon ni Sooyoung ng maalala niya ang nangyari noon. Kinuyom ni Sooyoung ang kanyang mga kamao ngunit lumambot ang ekspresyon niya sa mukha ng madaanan niya ng tingin ang babaeng natutulog. "Sana kasing bait mo siya."

 

"Sana hindi siya kasing sama niya." bumuntong hinga tsaka hinubad ang kanyang jacket at ikinumot niya si Yoona bago pinulot ang bag niya at tsaka umalis.

 

 

...

 

 

Halos ala sais na ng gabi ng magising si Yoona mula sa pagkakaidlip. Nadismaya si Yoona ng hindi niya makita si Sooyoung kaya agad siyang bumangon para hanapin ito. Nang tumayo siya ay nagulat siya ng may mahulog na kung ano. Maya-maya na realize niya na isa pala itong jacket. Jacket ito ni Sooyoung.

 

"Huh?" kinuha ni Yoona ang jacket tsaka tiningnan ito.

 

"Iniwan niya nanaman ako.." malungkot na wika ni Yoona tsaka kinuha ang susi niya.

 

"The gate of the gungsu open!" sigaw ni Yoona habang tinataas ang susi na hugis arrow. Maya-maya may narinig siyang yabag ng paa ng kabayo at palapit ng palapit ito sa kanya hanggang sa makita niya ang babaeng may quiver at punong-puno ito ng arrow habang may hawak-hawak itong bow at tali ng kabayo. Nang huminto ang kabayo ay agad siyang bumaba at lumuhod sa harap ni Yoona.

 

"Anong maipaglilingkod ko, aking prinsesa?" tanong nito habang nakaluhod parin.

 

"Erm.. Yuri-ssi, pwede mo ba akong ihatid pauwi ng aking dorm?" nahihiyang request ni Yoona sa babaeng archer.

 

"Araso aking prinsesa." tinulongan ni Yuri si Yoona makaakyat sa saddle tsaka yumakyat rin tsaka pumwesto sa likod ni Yoona. Sa totoo lang naawkward si Yoona dahil sa skinship nila ni Yuri ngunit nakalimutan niya ang lahat ng madaanan nila si Sooyoung at ang girlfriend nitong si Nana bus stop.

 

"Yuri-ssi, tumigil muna tayo." hinila ni Yoona ang tali ngunit ayaw parin tumigil ng kabayo.

 

"Araso, aking prinsesa." tinulongan nito si Yoona sa pagpigil sa kabayo nang makita niya ba-baba si Yoona ay agad siyang tumalon tsaka inalok itong tulongan bumaba. Napaface-palm nalang si Yoona ngunit tinanggap niya ang kamay ni Yuri tsaka bumaba. Sa totoo lang kaya niya naman bumaba ng hindi tinutulongan. Agad tumawid si Yoona at nagtago sa likod ng punuan malapit sa bus stop kung saan naroroon si Sooyoung at Nana habang si Yuri naman ay hindi maintindihan ang nangyayari. Nagulat siya ng makitang makulimlim ang langit. Parang kanina lang ang ganda naman ng panahon ah?

 

"Sorry.." malungkot na wika ni Sooyoung.

 

"Sorry lang ba talaga ang alam mong sabihin?" tanong ni Nana habang tinutulak si Sooyoung.

 

"May iba ka na ba, Soo?!" tanong ni Nana habang umiiyak ngunit nanatiling tahimik si Sooyoung. "Sumagot ka!"

 

"Sino?!" tanong ulit ni Nana.

 

"Wala.." matipid nitong sagot. "Gusto ko lang ng break up." sinampal ni Nana si Sooyoung.

 

"Ang kapal mo! Pagkatapos ko ibigay sa iyo ang lahat ito lang igaganti mo sa akin?!" sigaw ni Nana. Nang may dumating na bus ay iniwan niya lang si Sooyoung nang hindi nagpapaalam. Habang si Sooyoung naman ay nanatiling nakatayo sa bus stop pinapanuod ang bus hanggang sa mawala ito sa harap niya.

 

"Hindi niya ba hahabulin si Nana-ssi?" tanong ni Yoona sa isip niya habang nakatingin kay Sooyoung.

 

 

...

 

 

(Background Music: See You Again by Wiz Khalifa)

 

It's been a long day without you my friend..
And I'll tell you all about it when I see you again..

 

"Aquarius! Aquarius!" sigaw ni Taeyeon habang tumatakbo palapit kay Aquarius. Ngumiti lang si Aquarius bilang sagot.

 

"Aquarius, gusto mo bang pumunta sa ilog?" tanong ni Taeyeon sa babaeng matangkad.

 

We've come a long way from where we began..
Oh I'll tell you all about it when I see you again..

 

"Tara, Pisces." hinawakan ni Aquarius ang kanyang kamay nang tatakbo na sana sila ay may tumawag ng kanilang atensyon.

 

"Hep! Hep! Saan kayo pupunta?!" sigaw ng maliit na babae.

 

When I see you again..

 

"Sa ilog. Mamasyal kami ni Aquarius." agad na sagot ni Taeyeon.

 

"At sinong may sabing pwede kayo pumunta sa ilog?!" tanong ni Boram habang nakabusangot ang mukha. "Hindi ko kayo kinontrata para lang mamasyal mga walang kwentang spirits! Bigyan mo ko ng maraming isda Pisces!" utos ni Boram.

 

Damn..
Who knew all the planes we flew..
Good things we've been through..
That I'll be standing right here..
Talking to you.. 
About another path..
I know we loved to hit the road and laugh..
But something told me that it wouldn't last..
Had to switch up look at things different see the bigger picture..
Those were the days hard work forever pays.. 
Now I see you in a better place.

 

"Ano ba Boram, wag mo naman kami abusohin. Tratohin mo naman kaming kaibigan tulad ng dati naming owner." galit na wika ni Aquarius.

 

"Kaibigan? Hindi ko kailangan niyan. Salamat sa owner niyong mahina. Kung hindi ko siya napatay hindi ko makukuha ang mga susi niyo." nakangising wika ni Boram. "Alam niyo ba kung gaano kahirap pinagdaanan ko para makuha lang tong mga susi niyo?! Tapos ngayon hindi niyo ako susundin?!"

 

How could we not talk about family when family's all that we got?
Everything I went through you were standing there by my side..
And now you gonna be with me for the last ride..

 

"Ang sama mo!" sigaw ni Aquarius tsaka inatake niya si Boram agad humaba ang buhok ni Boram na parang si Rapunzel."Water Dome!" agad naman ito dinodge ni Boram at laking gulat niya ng magteleport ito sa likod ni Taeyeon at tsaka pumulupot ang kanyang buhok sa leeg niya at nag cast ito ng skill.

 

"Wag!" sigaw ni Aquarius ngunit hindi parin ito tumitigil. "Please, tumigil ka na." pagmamakaawa ni Aquarius habang dahan-dahan lumuhod.

 

"Ganun naman pala eh." binitawan ni Boram ang leeg ni Taeyeon tsaka dahan-dahan bumabalik sa normal ang buhok nito. Nang pumasok si Boram sa loob ng bahay niya ay agad niyang nilapitan si Taeyeon.

 

It's been a long day without you my friend..
And I'll tell you all about it when I see you again..

 

"Okay ka lang?" tanong ni Aquarius habang hinahawakan ang kamay ni Taeyeon.

 

"Okay lang ako, Aquarius. Sana hindi mo nalang inaway si Boram para wala ng gulo. Ayus lang naman sa akin eh." nakangiting wika ni Taeyeon.

 

We've come a long way from where we began..
Oh I'll tell you all about it when I see you again..

 

"Hindi okay sa akin yun. Pinagsasamantalahan ka niya, Pisces!" sigaw ni Aquarius.

 

"Okay lang naman, Aqua. Trabaho naman natin tulongan ang owner natin. Diba?" ngumiti si Taeyeon kay Aquarius ngunit umiling lang ito bilang sagot. "Matagal ko ng tanggap na pagkain lang talaga ang tingin sa amin ng mga tao." tinapik-tapik niya ng mahina ang kanyang kaibigan. Maya-maya muling lumabas si Boram dala ang kanyang latigo.

 

"Humanda kayong dalawa sa akin." nakangising wika ni Boram habang sinusubukan ipalo ang latigo sa punuan at pareho silang nakapalunok ng laway ng makita nila ang nangyari sa punuan.

 

When I see you again..

 

"Nasaan ka na ba, Aquarius?" bulong ni Taeyeon sa hangin habang nakatingin sa repleksyon niya sa tubig.

 

"Naalala mo pa ba ako? Siguro hindi na." bumuntong hinga si Taeyeon. "Namimiss na kita.. Sobra." unti-unting namumuo ang mga luha sa mata niya.

 

"Kung hindi lang sana ako tanga at mahina. Baka magkasama parin tayo hanggang ngayon." tuluyan ng tumulo ang luha ni Taeyeon at nahulog ito sa tubig.

 

First you both go out your way..
And the vibe is feeling strong and what's small turn to a friendship a friendship..
Turn into a bond and that bond will never bee broke..
And the love will never get lost..
And when brotherhood come first then the line..
Will never be crossed established it on our own..
When that line had to be drawn and that line is what we reach so remember me..
When I'm gone..

 

"Aquarius, wag mo ko iiwan!" sigaw ni Taeyeon habang hinahabol niya si Aquarius.

 

"Aquarius please!" pagmamakaawa ni Taeyeon.

 

How could we not talk about family when family's all that we got?
Everything I went through you were standing there by my side..
And now you gonna be with me for the last ride..

 

"Patawad.." sagot ni Aquarius tsaka nagpatuloy sa paglalakad.

 

"Ako ang aalis! Ako ang may kasalanan nito! Dahil mahina ako!" sigaw ulit ni Taeyeon. "Hindi mo naman kailangan umalis!" 

 

"Hindi mo ba maintindihan, Pisces?! Pinatay ko ang owner natin! Masama ako!" bulaslas ni Aquarius. "Wala akong kwenta! Pinatay ko si Boram!"

 

"Hindi! Hindi, Aquarius!" niyakap ni Taeyeon si Aquarius mula sa likod.

 

"Patawarin mo ako." tinanggal ni Aquarius ang kamay ni Taeyeon tsaka tumakbo.

 

So let the light guide your way yeah hold every memory..
As you go and every road you take will always lead you home..

 

"Aquarius, wag kang magalala kaya ko ng ipagtanggol ang sarili ko ngayon." pinunasan ni Taeyeon ang kanyang luha tsaka tiningnan si Yoona. "Kaya ko na rin protektahan ang aking bago kong owner."

 

"Bukod sa iyo. Isa si Yoona sa mga tinuturing ko nang kaibigan." nagsalita muli si Taeyeon pero this time sa tubig nanaman siya nakatingin. "Sigurado akong magugustohan mo rin siya pag nakilala mo siya."

 

It's been a long day without you my friend..
And I'll tell you all about it when I see you again..
We've come a long way from where we began..
Oh I'll tell you all about it when I see you again..
When I see you again..

 

"Salamat." laking gulat ni Taeyeon ng may marinig siyang magsalita. Nang lumingon siya ay nakita niya si Yoona nakangiti habang kinukusot ang kanyang mga mata gumanti rin siya ng ngiti sa babae. "Salamat dahil itinuring mo akong kaibigan kahit na isa akong tao. Alam kong may galit ka rin sa mga tao, Tae. Pero itinuring mo parin akong kaibigan. Salamat talaga."

 

"Hindi, dapat ako ang magpasalamat." niyakap ni Taeyeon si Yoona at niyakap rin siya nito habang nakangiti.

 

"Magdadramahan pa ba talaga tayo?" nakabungisngis na tanong ni Yoona.

 

"Yoon, may tanong nga pala ako sa iyo." naging seryosong ang itsura ni Taeyeon habang nakatingin sa mga mata ni Yoona.

 

"Ano yun, Tae-Tae?" inosenteng tanong ni Yoona.

 

"Ano ba hihilingin mo kung sakaling makompleto mo ang 12 Zodiac Keys?" seryosong tanong ni Taeyeon.

 

"Hmm.." nagsquat si Yoona sa harapan ni Taeyeon. "Gusto ko hilingin sa Heavenly Spirit na sana makausap ko ang aking namayapang ina." sensirong sagot ni Yoona. Napabuntong-hinga si Taeyeon. Atleast malinis intensyon niya diba? ngumiti si Taeyeon kay Yoona tsaka tinapik ng mahina ang likod nito. "Bata pa lang kasi ako ng maulila ako sa ina. Gusto ko siya makita, makausap at makayakap kahit ilang saglit lang." malungkot niyang dagdag.

 

"Sorry. Dapat hindi na ako nagtanong." nakasimangot na wika ni Taeyeon.

 

"Ano ka ba, syempre okay lang yun, Tae-Tae!" nakangiting sagot ni Yoona.

 

"Wag kang magaalala tutulongan kitang hanapin si Aquarius, Cancer at Virgo." seryoso parin nitong wika.

 

"Sa ngayon ang mas importante sa akin ang makapagsummon ng dalawang spirit ng sabay bago magsimula ang Hysteria Battle." nakangiti wika ni Yoona.

 

"Madali lang yan. Sigurado ako matutunan mo rin kaagad trick na yun." nakangiting wika ni Taeyeon. Palapit na ng palapit ang Hysteria Battle ngunit hanggang ngayon hindi parin siya marunong magsummon ng dalawang spirit ng sabay. Parang gusto na niya sumuko pero nang dahil sa sinabi ni Pisces ay nabuhayan siya ng loob.

 

"Sana okay na si Sooyoung bukas. Sana matutunan ko na tong Multiple Summon magic."

 

 

 

 

TO BE CONTINUED..

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
I will publish the finale tomorrow ..

Comments

You must be logged in to comment
byunsoshi_09
#1
Chapter 4: Otorrrr~ tuloy mo na 'toooo plith~ gand na nang basa ko ehhh huhu
BOD-COD #2
Chapter 24: can you make a english version ??

i'm trying to understand but failed.
ArielleKim #3
asan yung ibang chapter? nakalagay 13 chapters? e bakit 4 lang nakalagay? -___-?
shikshinhot24
#4
Chapter 6: Daebak!!!!wohohohohoh SooNa ♡♡
Leibmjuell #5
Chapter 2: Omg mahal na po kita xD ang gondo nung I'm in love with a robot *o*
itsmecarylann
#6
99 Days With My Angel please!
nyonyo3012 #7
soona fic!! ^o^
Do you have eng.version? I don't understand tagalog... :(
shikshinhot24
#8
Chapter 2: <3 <3 <3 <3 <3 SHOOT!!!!MAH SOONA FEELS!!daebak author'ssi !!
soyung #9
Chapter 1: English version please :(
kenpetfamsys #10
Chapter 1: too bad i can't understand :'( hope that u'll have the eng ver. for these stories :((