90days with my Angel...

Sooyoung & Yoona Oneshot

 

Narrator: Happy Birthday Yoona . Im not planning to update because of my sprain .. I got into accident last week ..

 

90DAYS WITH MY ANGEL

Characters: Sooyoung, Yoona , SNSD, Taecyeon and Minho

 

 

Nakahiga si Sooyoung sa couch habang nanunuod ng TV. Narinig niya bumukas ang pintuan ng Condo unit niya. Kahit hindi niya ito tingnan ay alam niya kung sino ito. Hindi niya ito pinansin at patuloy parin nanunuod ng TV. Nang matapos ang palabas na pinapanuod niya ay tumayo siya at pumasok sa kwarto niya. Sinalubong siya ng isang babae.

 

"Anak.." tawag ng babae.

 

Nilagpasan ni Sooyoung ang babae at nagpatuloy sa paglalakad na parang wala itong nakita o narinig. Tumigil siya sa paglalakad ng hawakan siya ng babae sa braso. Tiningnan ni Sooyoung braso niya na hawak ng babae at tiningnan niya ito ng masama. Punong-puno ng hihinakit mga mata ni Sooyoung.

 

"Anak.." tawag ulit ng babae.

 

"Bitawan mo ko" utos ni Sooyoung.

 

"Anak, hanggang kailan mo ba ako iiwasan?" tanong ng babae.

 

"Hanggang sa mawala ka sa buhay ko" tinatamad na sagot ni Sooyoung.

 

"Syoo.." malungkot na tawag ng babae.

 

"Hoy matanda pwede ba lubayan mo na ako?" walang modong sabi ni Sooyoung.

 

Sinampal ng babae si Sooyoung ng napaka-lakas. Agad namula pisngi ni Sooyoung, maya-maya ay may namumuong dugo sa pisngi nito. Dahil siguro sa suot na singsing ng babae. Nag-angat ng tingin si Sooyoung sa babae, nagtaka siya sa reaksyon nito na gulat-gulat. Hinawakan niya pisngi niya at tiningnan palad niya may dugo ito. Tiningnan niya ng masama ang babae at naglakad papunta sa pinto. Binuksan niya ito.

 

"Labas!" sigaw ni Sooyoung.

 

"Saan ba ako nagkulang sayo Syoo?" may namumuong luha sa mata ng babae.

 

"Choi Sohee labas!" sigaw ni Sooyoung.

 

Umiyak ang babae habang naglalakad palabas ng condo unit nito. Hindi ito pinansin ni Sooyoung tsaka padabog niyang sinara ang pintuan. Ni-hindi man lang nito sinilip sa peekhole ang nanay niya. Kahit siya mismo ay hindi alam kung bakit ginagawa niya ito sa nanay niya.

Bumuntong hininga si Sooyoung tsaka naglakad sa Comfort Room.

 

 

* * *

 

 

Masayang pinapanuod ng isang anghel ang mga tao mula sa tubig. Natutuwa siya habang tinitingnan ang mga ngiti sa labi ng mga tao. Aminado siyang gusto niyang maging tao kahit ilang araw lang. Pero hindi siya pinapayagan ng ama niya. Masaya maging tao. Yun ang tingin niya. Sa kabilang banda ay may nakita siyang mag-asawa, bit-bit nila ang mga anak nila. May nakita rin siya mga bata masayang naglalaro. Naputol ang panunuod niya ng lumapit ang ina niya. Agad agad siyang tumayo at nagkunwareng hindi nakatingin sa tubig.

 

"Anak.." tawag ng Ina niya.

 

"Anak ok lang panuorin ang mga tao" sabi ng Ina niya.

 

"Ina.." lumapit siya sa Ina niya.

 

"Anak.. Bakit malungkot ka?" tanong ng ina niya.

 

"Gusto ko maging tao" diretsahang sagot ng Anghel.

 

"Anak......" ngumiti ng mapait ang ina niya.

 

"Ina kahit ilang araw lang!" pagmamakaawa ng anghel.

 

Hindi sumagot ang ina niya at nag-isip ito ng ilang saglit. Tiningnan niya ang anghel, nakita niya kung gaano kasaya ito. Ngumiti din ang ina niya habang nakatingin sa kanya.

 

"Ina?" nagtatakang sabi ng anghel.

 

"Ok.." ngumiti ang kanyang ina.

 

"Ok? Anong Ok?" tila hindi nito naiintindihan sinabi ng ina niya.

 

"Basta uuwi ka agad bago ito malalaman ng ama mo" hindi nagpaliwanag ang kanyang ina.

 

"Talaga ina?!" sabi ng anghel habang kumi-kislap mga mata nito.

 

"Basta! Sa isang condition..." putol ng ina niya.

 

"Ano yun Ina?" tanong ng anghel.

 

"Walang makaka-alam sa sekreto natin." anito.

 

"Opo!" excited itong tumango.

 

"Bibigyan kita ng misyon, para may dahilan ako sa ama mo" bumuntong hininga Ina niya.

 

"Walang problema ina" nakangiting sabi ng anghel.

 

"Mamaya nalang pag nasa lupa ka na. Kailangan mo ng umalis anak..Bago ka maabutan ng ama mo" sabi ng Ina.

 

"Saan tayo dadaan Ina?" tanong ng anghel.

 

"Halika sumunod ka" hinawakan ng Ina niya kamay ng anghel.

 

 

Maya-maya ay nasa harap na sila ng napaka-laking kulay berdeng usok at hugis bilog ang usok na ito. Sa tingin ng anghel ito ang lagusan papunta sa mundo ng mga tao. Ngumiti ang anghel sa Ina niya.

 

"Ka-kausapin parin kita kahit andun ka na." sabi ng Ina niya habang nakatingin sa lagusan. Hindi matatago sa mukha nito ang pag-alala niya sa Anghel.

 

"Ina.." nagsimula tumulo luha ng anghel.

 

"Anak..." niyakap niya ito.

 

Binitawan ng ina niya pagkakayakap niya sa Anghel. Hinawakan ng Ina ang pakpak ng batang anghel. Unting-unti naglaho ang pakpak ng batang anghel.

 

"Ina, bakit mo binawi ang pakpak ko?" sigaw ng batang anghel.

 

"Hindi ka pwedeng pumunta sa lupa ng may pakpak" paliwanag ng Ina niya.

 

Hindi na sumagot ang anghel tsaka niyakap ulit Ina niya.

 

"Anak, ang earth ay hindi katulad dito. Kung sa atin ay may lugar kung saan gabi palagi at dito sa kahari-an natin ay palaging umaga. Dun sa mundo ng tao anak ay may gabi at araw." paliwanag ng Ina niya.

 

Tumango-tango lang ang batang Anghel habang nakikinig ng mabuti sa Ina niya.

 

"May oras din sa kanila. Ang isang araw ay may 24 na oras." patuloy ng Ina niya.

 

"Bibigyan lang kita ng 90days. Pag lumipas ang 90days at naroon ka parin sa mundo ng mga tao ay hindi ka na makakabalik sa langit." babala ng Ina.

 

"Ina. Ayuko ng pumunta sa mundo ng mga tao" bakas sa mukha ng batang anghel ang takot niya.

 

"Patawad anak..." ngumiti ng malungkot Ina niya. "Pero hindi na pwede bawiin yun"

 

Nanghina tuhod ng batang Anghel at natumba siya sa damuhan. Palinga-linga siya sa paraiso. Nag-simulang tumulo luha ng batang anghel.

 

"Anak..Kailangan mo ng umalis" pa-alala ng Ina niya.

 

"Gaano katagal ang 90days Ina?" tanong ng anghel.

 

"Malalaman mo rin pag andun ka na" ngumiti ang Ina.

 

 

* * *

 

 

A-alis na sana si Sooyoung ng condo niya ng mapansin sira ang bisikleta niya. Na-inis si Sooyoung at binato niya ito. Nagulat siya ng may nabasag na kung ano. Maya-maya naman ay may sumigaw na lalaki. Tiningnan niya ito at nakita ang bintana office ng may ari ng condo kung saan siya tumutuloy. Basag na ito! Dali-dali tumakbo si Sooyoung habang nakangiti.

Naglakad si Sooyoung papunta sa skwelahan niya. Hindi naman ito kalayuan sa condo niya kaya nilakad niya nalang ito. Napansin ni Sooyoung na may sumusunod sa kanya. Pero hindi niya ito pinapansin dahil sa tingin niya taohan ito ng magulang niya at pinapasundo lang siya. Kaya hindi niya ito tinitingnan. Umaasta siyang hindi niya ito napapansin.

Malapit na siya sa skwelahan pero sumusunod parin ito sa kanya. Kaya nagdesisyon siya tingnan niya ito. Mula sa hindi kalayuan ay may babaeng nakaputi. Sa tingin niya hindi ito ang sumusunod sa kanya. Kaya nagpatuloy siyang maglakad.

 

"Choi Sooyoung!"

 

Narinig niyang may tumawag sa kanya, kaya lumingon ulit siya sa likuran niya. Nakita niya nanaman ang babaeng nakaputi. Nakangiti ito habang kumakaway sa kanya. Lumapit si Sooyoung sa babaeng nakaputi.

 

"Hoy! Hindi kita kilala! Sino ka ba?!" masungit na tanong ni Sooyoung.

 

"Tulong?" sabi ng babae habang nakangiti sa kanya.

 

Umuyam si Sooyoung. "Ang kapal ng mukha mo para humingi ng tulong sa akin, hindi naman kita kilala!" tumalikod si Sooyoung at maglalakad na sana.

 

Hinawakan siya ng babaeng nakaputi sa braso. "Tulongan mo ako"

 

"Pwede ba? Wag mo pag-aksayahin ang oras ko?!" sigaw ni Sooyoung.

 

Tumahol ang aso kay Sooyoung. Tila galit na galit ito sa kanya. Lumapit ito sa direksyon niya. Natatakot si Sooyoung dahil mukhang mabangis ito.

 

"Help?" nakangiting sabi ni Sooyoung sa babaeng nakaputi.

 

Umiling-iling ang babae habang nakangiti. Nag-squat siya sa harap ng aso at hinawakan ito sa ulo. Si Sooyoung naman ay nanunuod lang sa babae habang pinapa-amo ang aso. Maya maya ay gumulong-gulong na ito sa sahig.

 

"Wow?" namamangha sabi ni Sooyoung.

 

Ngumiti ang babaeng naka-white habang tinitingnan ang aso tumatakbo papalayo sa kanilang dalawa. Napansin ni Sooyoung maganda ito. Kulang ang word na maganda. Magandang-maganda ito! Hindi niya alam kung bakit pero nahahawa siya sa ngiti ng babae. Napapangiti rin siya. Maya-maya ay napansin ni Sooyoung nakatitig ito sa kanya. Kaya umayos siya ng tayo.

 

"Sooyoung?" pukaw ng babae kay Sooyoung sa reyalidad.

 

"Ehrmm" umiwas siya ng tingin. "Bakit mo ako kilala?" tanong ni Sooyoung.

 

"Isa akong anghel at kilala ko ang lahat ng tao" sagot ng babaeng white-dress.

 

Tumawa ng malakas si Sooyoung. Halos maiyak-iyak ito kakatawa. Tumawa rin ang babaeng naka white-dress tila hindi naiintindihan kung bakit ito tumatawa.

 

Nang makabawi si Sooyoung sa kakatawa ay tiningnan niya ng masama ang babae. "Ako ba'y gino-goodtime mo?"

 

"Goodtime?" tanong ng babae.

 

"Sa bagay sa itsura mo mukha ka ngang Anghel" tiningnan niya ito mula ulo hanggang tuhod. Natigilan si Sooyoung ng makita niya binti nito.

 

Tumahimik ang babae habang binabasa nasa isip ni Sooyoung.

 

"Bakit ka nakapaa?" seryosong tanong ni Sooyoung sa babae.

 

"Naka-paa?" tanong ng babae.

 

"Bobo ka ba o ignorante ka lang?" tanong ni Sooyoung.

 

"Ako bobo?" inosenteng tanong ng babae. "Ignorante?"

 

Walang pa-alam binuhat ni Sooyoung ang babae at naglakad siya pauwi sa condo niya. Nagtaka si Sooyoung ng mapansin niya hindi ito nagrereklamo o nagpupumiglas makababa.

 

"Wow? Kung bubuhatin ka ng .. Papayag ka lang?" ngumiti si Sooyoung.

 

"Alam ko hindi ka masama" ngumiti ang babae habang kumakapit sa le-eg ni Sooyoung.

 

"Paano kung nagkakamali ka?" ngumisi si Sooyoung.

 

"Alam ko rin nagpapanggap ka lang masama" sabi ng babae.

 

"Dami mong alam" sabi ni Sooyoung. "Gahasain kita dyan eh"

 

 

CLICK!

Nagulat ang babae sa tunog kaya hinigpitan pagkakakapit niya kay Sooyoung. Awtomatiko nag ON ang mga ilaw sa unit ni Sooyoung. Dumiretso sila sa banyo, karga niya parin ang babae. Sinara niya ang Tank Cover at pina-upo niya rito ang babae. Nag squat si Sooyoung sa harap ng babae at binuhas ito ng tubig sa paa.

 

"Pangalan mo?" seryosong tanong ni Sooyoung.

 

"Pangalan?" tanong ng babae.

 

"Ako Sooyoung ang pangalan ko. Ikaw?" tanong ulit nito.

 

"Wala akong pangalan" sagot ng babae.

 

Tumawa si Sooyoung. "Impossible! Baka na amnesia ka?" tanong niya.

 

"Anong amnesia?" tanong ng babae.

 

"Alien ka ba?" naiinis na tanong ni Sooyoung.

 

"Alien? Ano yun?" tanong din ng babae.

 

Sinampal ni Sooyoung sariling noo niya. "Tumahimik ka nalang"

 

Ilang segundo lumipas. Pareho silang tahimik. Tumayo si Sooyoung ang towel at pinunas ito sa basang paa ng babae.

 

"Sige ako nalang mag-iisip ng pangalan mo" sabi ni Sooyoung.

 

Hinawakan ni Sooyoung baba ni Yoona at inangat ito. Tiningnan niya ng mabuti mukha ni Yoona.

 

"Tutal maganda ka....at malambot kutis mo" sabi ni Sooyoung habang tinitigan mukha nito.

 

"Yoon-Ah itatawag ko sayo. Yoon Ah. Yoona para mas madali" ngumiti si Sooyoung.

 

Hindi sumagot ang babae. Inaasahan niya may makukuha siyang reaksyon mula dito.

 

"Bakit hindi ka sumasagot?" tanong ni Sooyoung.

 

"Sabi mo hindi ako magsasalita?" inosenteng tanong ng babae.

 

Parang gusto itong sakalin ni Sooyoung. Dahil parang hindi tao kausap niya. Pero ang cute nito at sa tingin niya, mapagkakatiwala-an niya ito.

 

"Ano masasabi mo sa pangalan mo?" tanong ni Sooyoung.

 

"Yoona? Maganda ito! Salamat" sabi ng babae tsaka hinalikan si Sooyoung sa labi.

 

Nagulat si Sooyoung sa ginawa ng babae tsaka tinulak ito palayo. "Ba─bakit mo ako hi─hi─hinalikan?" nauutal tanong ni Sooyoung.

 

"Diba ganyan ginagawa ng mga tao pag nagpapasalamat?" tanong ng babae.

 

"Dapat gawin mo yun sa taong mahal mo!" sagot ni Sooyoung.

 

Sinampal ng babae si Sooyoung at nagulat rin siya.

 

"Bakit mo ko sinampal?" protesta ni Sooyoung.

 

"Hinalikan mo ako?" alangan na sagot ng babae.

 

"Ako ba talaga?" tumayo si Sooyoung at naglakad palabas ng banyo.

 

 

Pakurap-kurap ang babae habang nakatingin sa pintuan kung saan nawala si Sooyoung. Maya-maya ay ngumiti siya. Nasiyahan siya dahil may pangalan na rin siya tulad ni Sooyoung.

 

"Anak!" narinig niya boses ng Ina niya.

 

"Ina?" hinanap niya ito.

 

"Andito anak!" sigaw ng Ina niya.

 

Maya-maya ay nakita niya rin ito. Nasa loob ito ng parang parehaba na hugis tapos nakadikit ito sa pader.

 

"Ina!" sigaw ng babae.

 

"Kamusta ka dyan?" tanong Ina niya.

 

"Mabuti Ina" sagot ng batang Anghel.

 

"Nahanap mo na siya?" tanong ng Ina niya.

 

"Opo. Nahanap ko na siya" sagot niya.

 

 

* * *

 

 

"Kailan ka ba a-alis?" tanong ni Sooyoung.

 

"Maari bang dumito muna ako?" paki-usap ni Yoona.

 

"Bahala ka, may kwarto dun" tinuro ni Sooyoung ang Guest Room.

 

Hindi na nagsalita si Yoona. Tiningnan niya lang ito tsaka dumako ulit tingin niya kay Sooyoung.

 

"Yoona, umamin ka nga sa akin" sabi ni Sooyoung habang umuupo ito sa harap niya.

 

"Ang mga anghel ay hindi nagsisinungaling" agad na sagot ni Yoona.

 

"Fine. Fine. Whatever!" bumuntong hininga si Sooyoung. "Taga saan ka ba talaga? North Korea? China? Taiwan? Singapore?"

 

"Mula sa langit" sagot ni Yoona.

 

Tumawa si Sooyoung. "Sa tingin mo maniniwala ako sayo?!" sigaw niya dito.

 

"Ngunit nagsasabi ako ng totoo!" paliwanag ni Yoona.

 

"Nasaan pakpak mo kung ganon?" tanong ni Sooyoung.

 

"Tinanggal ni Ina dahil kailangan ko daw mag balat-kayo" sagot ni Yoona.

 

"Ako ba talaga pinagti-tripan ako? Lumayas ka dito!" kinaladkad ni Sooyoung si Yoona palabas ng unit.

 

"Dito ako matutulog" sabi ni Yoona habang umuupo sa labas ng unit ni Sooyoung.

 

Sinara niya ang pintuan tsaka pinatay lahat ng ilaw. Gusto niyang takotin si Yoona. Dahil mag-isa nalang ito sa labas. Pero sinisilip-silip niya parin ito mula sa peekhole. Napansin niyang nanginginig na ito dahil sa suot nitong damit ay hindi siya kaya protektahan mula sa lamig.

Maya-maya ay binuksan niya ang pintuan at hinatak si Yoona. Hindi niya alam kung bakit pero na-aawa siya rito. Niyakap ito ni Sooyoung.

 

"Sorry" sabi ni Sooyoung.

 

"Diba hindi ka nagsosorry?" tanong ni Yoona.

 

Hindi pinansin ni Sooyoung komento ni Yoona "Matulog na tayo"

 

"Naniniwala ka na bang anghel ako?" tanong ni Yoona.

 

"Hindi.." tumigil si Sooyoung. "Siguro pag nakita ko na mga pakpak mo" dugtong niya.

 

 

* * *

 

 

Dahil Sunday ay nanatili si Sooyoung sa condo niya. Nanunuod siya ng TV pero ang atensyon niya ay nakay Yoona. Abala sa pagluluto si Yoona. Nagaalala si Sooyoung baka hindi ito marunong magluto. Pero masarap ang aroma ng luto nito.

 

"Marunong ba magluto ang anghel?" biro ni Sooyoung.

 

"Hindi. Sa totoo lang ito ang unang kong beses" seryosong sagot ni Yoona.

 

"Baka masunog ang building na ito" komento ni Sooyoung.

 

"Hindi nama─" biglang nagtago si Yoona sa ilalim ng mesa.

 

RING~!!!

 

Ngumiti si Sooyoung habang naglalakad sa kusina. "Bakit ka natatakot? Gusto mu palitan ko?" tiningnan ito sa ilalim ng mesa.

 

Tumango si Yoona. Nagtatago parin siya sa ilalim ng mesa.

 

"Teka bubuksan ko lang pinto" paalam ni Sooyoung.

 

Nasa sala pa lang siya ay rinig na niya boses ng mga kaibigan niya mula sa screen ng speaker.

 

"Choi!"

 

"Hoy Choi!"

 

Pinindot ito ni Sooyoung. "Bakit ba?!" sigaw niya sa screen.

 

"Papasokin mo kami!" sigaw ni Taecyeon.

 

"Wala ng basura, kanina pa kinuha" biro ni Sooyoung.

 

"Ga**" mura ni Yuri.

 

Tumawa si Sooyoung habang binubuksan ang pintuan. Nagulat siya ng mapansin kompleto mga kaibigan niya. Si Taeyeon, Yuri, Hyoyeon, Tiffany, Jessica, Sunny, Taecyeon at si Minho.

 

"Di ka pumasok nung Friday!" sabi ni Tiffany habang umuupo sa couch.

 

Isa-isa sila umupo sa couch kahit pero si Taecyeon ay nakatingin sa Kusina.

 

"Girlfriend mo?" bulong ni Taecyeon.

 

"UGOK! Maupo ka nalang!" sigaw ni Sooyoung.

 

Tumingin si Minho sa direksyon kung san nakatingin si Taecyeon at Sooyoung.

 

"Hindi ko alam may ka live-in ka pala" komento ni Minho.

 

"Hi─Hin─Hindi!" nauutal sigaw ni Sooyoung.

 

"May namumula" pang-aasar ni Hyoyeon.

 

"LUMAYAS NGA KAYO DITO!" pagtaboy niya sa mga kaibigan niya.

 

Nagtawanan mga ito ng malakas patuloy parin sila sa pang-aasar kay Sooyoung.

 

"Sino siya?" tanong ni Yuri.

 

Sasagot sana si Sooyoung ng mapansin niya mga ngiti ng mga kaibigan niya. "Jessica! Pati ba naman ikaw?!" protesta ni Sooyoung.

 

"Seryoso..Sino siya?" seryosong tanong Taeyeon.

 

"Ah─Hmm si─si Yoo─na. Yoona" pilit niyang inayos pagsasalita niya.

 

"Maganda siya Choi" komento ni Minho.

 

"Hoy Minho mahabang le-eg, tigilan mo siya pwede?! Alam ko ini-isip mo!" sigaw ni Sooyoung.

 

"Wow bat parang uma-asta kang nagseselos na Boyfriend?" tanong ni Taecyeon habang nakangiti.

 

"Ano ba talaga kailangan niyo? Pwede umalis na kayo?" pagtaboy ulit ni Sooyoung.

 

"Na-aabala ba namin kayo?" tanong ni Jessica habang kumakain ng potato chips.

 

"JESSICA!" protesta ni Sooyoung na parang bata.

 

"Oh bakit? May masama ba sa sinabi ko? Baka kasi natutulog kayo o may lakad kayo" paliwanag ni Jessica.

 

"Defenssive" bulong ni Tiffany kay Yuri.

 

"Narinig ko yun Hwang! Umalis na kayo pwede?" hinatak ni Sooyoung mga ito.

 

"Hanggang hindi mo sasabihin kung sino siya hindi kami aalis" sabi ni Jessica.

 

"Sa school na! Ngayon monday na!" sagot nito.

 

"Ok! Tara guys" sigaw ni Jessica sa mga kaibigan nila.

 

Nang makita ni Sooyoung nakaupo parin si Taecyeon.

 

"Labas Ok!" sigaw ni Sooyoung sa matangkad na lalaki.

 

"Pero hindi ko pa siya nakikilala" nalungkot si Taecyeon.

 

"Problema mo na yun" tsaka sinara ni Sooyoung ang pinto.

 

 

* * *

 

 

"Ok...Mag simula ka ng magpaliwanag" sabi ni Jessica kay Sooyoung.

 

"Ganito kasi...." pag-simula ni Sooyoung. "Isa daw siyang anghel"

 

Nagsimulang nagtawanan mga kaibigan niya, pwera kay Taecyeon.

 

"Kaya pala mukha siyang anghel" komento ni Taecyeon.

 

Inirapan ni Sooyoung si Taecyeon at nagpatuloy. "Hindi ko rin maipaliwanag. Pero meron bahagi sa puso ko na gustong maniwala"

 

"Ang weird dahil nalalaman niya laman ng utak ko" seryosong sabi ni Sooyoung.

 

"Bakit may utak ka ba?" tanong ni Minho.

 

"Ga** ka pala eh!" sinugod ni Sooyoung si Minho at natumba ito sa kinauupuan niya.

 

Tiningnan ng masama ni Taecyeon si Minho. Tumatawa parin ito. Si Yuri, Taeyeon, Hyoyeon, Tiffany at Sunny naman ay pinipigilan si Sooyoung.

 

"Biro lang" sabi ni Minho.

 

"Seryoso akong nagkukwento dito, tapos ikaw salita ka rin ng salita dyan wala naman humihingi ng komento mo!" sigaw ni Sooyoung.

 

"Choi tama na, patuloy mo" pag-awat ni Sunny.

 

 

* * *

 

 

Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Sooyoung. Palagi naglalaro sa isip niya paguusapan nila ng mga kaibigan niya. Hindi niya alam kung saan maniniwala. Ganito na ba siya kasama para bigyan siya ng anghel ng dyos? Panahon na ba para ayusin sarili niya?

Bumangon si Sooyoung sa kama niya at lumabas ng kwarto niya. Gusto niya uminom ng tubig. Nang dumaan siya sa kwarto ni Yoona ay sinilip niya ito. Nakita niya si Yoona. Umiiyak habang yakap ang tuhod niya. Nilapitan ito ni Sooyoung at niyakap niya ito ng mahigpit.

 

"Sooyoung..." bulong ni Yoona.

 

"Namimiss ko na si Ina" niyakap rin ni Yoona si Sooyoung.

 

"Gaanu ba katagal ang 90days?" tanong ni Yoona.

 

 

 

 

TO BE CONTINUE.....

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
I will publish the finale tomorrow ..

Comments

You must be logged in to comment
byunsoshi_09
#1
Chapter 4: Otorrrr~ tuloy mo na 'toooo plith~ gand na nang basa ko ehhh huhu
BOD-COD #2
Chapter 24: can you make a english version ??

i'm trying to understand but failed.
ArielleKim #3
asan yung ibang chapter? nakalagay 13 chapters? e bakit 4 lang nakalagay? -___-?
shikshinhot24
#4
Chapter 6: Daebak!!!!wohohohohoh SooNa ♡♡
Leibmjuell #5
Chapter 2: Omg mahal na po kita xD ang gondo nung I'm in love with a robot *o*
itsmecarylann
#6
99 Days With My Angel please!
nyonyo3012 #7
soona fic!! ^o^
Do you have eng.version? I don't understand tagalog... :(
shikshinhot24
#8
Chapter 2: <3 <3 <3 <3 <3 SHOOT!!!!MAH SOONA FEELS!!daebak author'ssi !!
soyung #9
Chapter 1: English version please :(
kenpetfamsys #10
Chapter 1: too bad i can't understand :'( hope that u'll have the eng ver. for these stories :((