I'm In Love with a Robot..

Sooyoung & Yoona Oneshot

 

Characters: Sooyoung, Yoona, Yuri, Taeyeon and DONGHAE

 

 

"Sooyoung..." tawag ng maliit na babae sa matangkad na babae na kasulukuyan nakaupo sa puntod ng mga magulang niya.

 

Hindi ito sumagot pero tiningnan siya nito. Seryoso ito habang nakatingin sa kanya, hindi na bago ito sa kanya dahil kahit nung una niya ito makilala ay niminsan hindi niya ito nakita ngumiti. Simula nung makilala niya ito sa NEST o Nexus Emergency Support Team.

 

"Pinapatawag ka ni Mr. Kim" sabi ng maliit na babae.

 

Hindi man lang ito sumagot. At ni-hindi din siya hinintay nito. Mabilis itong naglakad papunta sa office ni Mr Kim. At iniwan siya nito sa labas ng office ni Mr. Kim. Matagal na niya itong kaibigan pero hanggang ngayon ay hindi niya parin ito kilala. Tanging si Kwon Yuri lang nakaka-alam sa tunay niyang ugali.

 

"Andito na po ako, Sir" tumayo ng matuwid si Sooyoung.

 

"May gusto akong ipapakilala sayo." tumayo sa kina-uupuan si Mr. Kim "Choi Sooyoung, si Mr. Im ang bago nating kliyente"

 

Yumukod si Sooyoung bilang pag-galang rito at ngumiti ang matandang lalaki sa kanya.

 

"Mr. Im si Choi Sooyoung.. Isa sa pinaka-magaling kong agent dito sa NEST. Maipagmamalaki ko talaga batang ito. Sa murang edad nito ay ilang beses na niyang pinapatunayan sarili niya sa amin" pagmamalaki ni Mr. Kim

 

"Pero ang payat niya, sigurado ka bang kaya niya protektahan ang anak ko?" nag-aalalang tanong ni Mr. Im

 

Ngumiti si Mr. Kim at kinuha ang bote. Pinukpok ito ni Mr. Kim sa ulo nito at napaluhod si Sooyoung dahil dito. Nakita ni Mr. Im ekspresyon sa mukha ni Sooyoung sa tingin niya hindi na makakabangon ito.

 

"Tingnan mo" sabi ni Mr. Kim

 

Dinampot ni Mr. Kim ang isang boteng walang laman at binato kay Mr. Im. Mabilis tumayo si Sooyoung para protektahan si Mr. Im at sinalo ito na parang walang nararamdaman na sakit. Tsaka nito dahan-dahan kinuyom ang bote at nabasag ito.

 

"Wow! Impressive" pumalakpak si Mr. Im

 

"Kahit na payat si Sooyoung ay kaya niya protektahan ang mga kliyente namin." tinapik ni Mr Kim ang likod ni Sooyoung.

 

Nakatayo lang ng diretso si Sooyoung, ni-hindi man lang ngumiti sa mga natatanggap niyang komplimento mula sa Boss niya. Walang ekspresyon sa mukha nito. Kahit si Mr. Im ay hindi niya kaya basahin mood nito. Pero sa tingin niya mapagkakatiwalaan niya naman anak niya rito.

 

"Bata pa lang si Sooyoung ay sinanay na namin siya. Gamit ang lakas, talino at bilis niya ay kahit anung assignment ipagawa namin sa kanya ay kaya ito tapusin ng walang kahirap-hirap." kwento ni Mr. Kim

 

"Ilang taon na ba siya?" tanong ni Mr. Im

 

"24years old na siya" sagot ni Mr. Kim

 

"Ganun? Kasing edad niya pala anak ko" anas ni Mr. Im "Baka magkasundo kayo ng anak ko"

 

Ngumiti ng mapait si Mr. Kim "Nako, hindi pala-kaibigan batang yan. Masyado itong tahimik, baka mabagot lang anak mo sa kanya"

 

"Ayos lang yan, ang importante ay kaya niyang protektahan anak ko" nakangiting sabi ni Mr Im.

 

"Nako, makaka-asa kami dyan Mr. Im. Para sa amin, Ok lang mamatay ang operatives basta ligtas ang kliyente namin" ngumiti si Mr. Kim

 

"A-asahan ko yan, protektahan mo ang prinsesa ko. Ok?" paki-usap ni Mr. Im kay Sooyoung

 

"Yes sir!" sigaw ni Sooyoung ni-hindi man lang nito sinulyapan si Mr. Im

 

"Salamat sa pag-pili ng kompanya namin Mr. Im" nagkamay ang dalawang matandang lalaki.

 

"Umaasa ako sa serbisyo niyo" nakangiting sabi ni Mr. Im bago ito umalis. "Bueno, mauna na ako"

 

"Sige Mr. Im" hinatid nito ni Mr. Kim si Mr. Im sa pintuan.

 

"Choi, siguro naman may ideya ka na sa misyon mo?" tanong ni Mr. Kim

 

"Sir, andito na po si Kwon Yuri" sabi ng Secretary niya mula sa pintuan.

 

"Papasokin mo siya" utos ni Mr. Kim

 

"Andito na po ako, Sir" sabi ni Yuri habang dahan-dahan ito pumapasok. Tiningnan niya si Sooyoung.

 

"Choi at Kwon, may ibibigay akong Misyon sa inyo. Isang napaka-minor na misyon" sabi ni Mr. Kim

 

May kinuhang picture si Mr. Kim mula sa Envelope niya at pinakita ito sa dalawang matangkad na babaeng agent.

 

"Siya si Im Yoona, ang nag-iisang anak ng CEO ng IM Techonologies Ltd" kwento ni Mr. Kim

 

"May nagta-tangka sa pamilya nila. Hindi sila sigurado sa pakay nito pero sa tingin nila ay dahil ito sa negosyo"

 

"Ilang buwan ang lumipas ay nasawi si Mrs. Im"

 

"Ngayon naman ay si Im Yoona nanaman ang target nila"

 

"Ilang beses na nilang tinangkang patayin si Im Yoona"

 

"Sa tingin ni Mr. Im ay iisa lang ang killer na pumatay kay Mrs. Im at ang nagtatangka sa anak nito"

 

"Nung nakaraang buwan ay nag-hire si Mr. Im na magbabantay at pro-protekta sa anak niya"

 

"Pero kamuntikan na siyang marape ng Body Guard niya"

 

"Kaya naghanap si Mr. Im ng bagong Body Guard para sa anak niya"

 

"Maswerte tayo dahil tayo ang napili niya"

 

"Kaya pagbubutihin niyo"

 

"Ikaw Kwon Yuri. Ikaw mag-aassist kay Choi Sooyoung. Ikaw magda-drive kung kina-kailangan. Ikaw mag-provide ng mga kina-kailangan ni Choi Sooyoung. Paminsan-minsan mag disguise kang si Im Yoona, para maligtas siya."

 

Lumunok ng laway si Yuri "Pero Mr. Kim! Ayukong mag-panggap na si Im Yoona, unang-una sa lahat hindi kami magkamukha at hindi kami pareho skin-tone! Kaya impossible pinapagawa mo" reklamo ni Kwon Yuri

 

"Hindi ko na problema yan, ikaw na gumawa ng diskarte" walang paki-alam na sagot ni Mr. Kim

 

"Hindi siguro kita bibigyan ng instruction, Choi Sooyoung. Alam kong alam mo na gagawin mo" sabi ni Mr. Kim

 

"Basta ang importante, protektahan mo si Im Yoona." dagdag ni Mr. Kim habang inaabot ang picture ng babae.

 

"Yes sir!" sigaw ni Sooyoung.

 

"Tsaka.... Kung pwede sana, makipagkaibigan ka sa kanya" sabi ulit ni Mr. Kim

 

Nag facepalm si Yuri sa hiningin pabor ni Mr. Kim pero hindi na siya nagsalita. Dahil kilala niya itong kaibigan niya, kahit siya noon ay nahirapan din kaibiganin si Sooyoung. Tumagal din ng dalawang taon bago niya ito maging kaibigan.

 

"Dismiss na kayo" sabi ni Mr. Kim tsaka umupo ito sa swivel chair niya.

 

Sabay lumabas si Yuri at Sooyoung sa Office ni Mr. Kim, wala siyang ideya kung kailan nila pupuntahan si Im Yoona. Dahil si Sooyoung ang magdedesisyon para dito. Kung ma-ari sana matulog muna si Yuri ngayon dahil inaantok pa siya.

 

"Sooyoung" pagtawag ni Yuri kay Sooyoung dahil tahimik lang ito habang naglalakad.

 

Tiningnan lang siya ni Sooyoung at gaya ng palagi niyang ginagawa ay hindi ito sumagot.

 

"Kailan ba tayo aalis?" tanong ni Yuri.

 

"Ngayon" tipid na sagot ni Sooyoung.

 

"Pwede bang magpahinga muna tayo?" umaasa si Yuri na umu-o ito.

 

"May nagtatangkang pumatay nga sa kanya diba?" tanong ni Sooyoung.

 

Tumango lang si Yuri bilang sagot.

 

"Ibig sabihin kailangan niya tayo ngayon. Baka sa mga oras na toh ay may nagtatangka nanaman sa buhay" paliwanag nito.

 

"Sabihin mo excited kang makita ito sa personal" panunudyo ni Yuri sa kaibigan niya.

 

"Dahil, binayaran na tayo ni Mr. Im" seryosong sagot ni Sooyoung ni-hindi man lang pinansin biro nito.

 

"Talaga? Pero Sooyoung nagagagandahan ka ba sa kanya?" tanong ni Yuri habang tinitingnan litrato ng babae.

 

Hindi nanaman ito sumagot tila walang interes si Sooyoung sa babaeng ito. Ni-minsan hindi ito nakita ni Yuri na may nagugustohan ito.

 

"Maganda siya diba?" ulit ni Yuri.

 

Tumango si Sooyoung bilang sagot pero walang ka ekspresyon-ekspresyon sa mukha nito.

 

"Bagay kayo" komento ni Yuri habang pinagtatabi picture ng babae kay Sooyoung.

 

"Siguro mas maganda siya sa personal" bulaslas ni Yuri habang pinagmamasdan ang picture ng babae.

 

 


 

 

Bumaba sila sa SUV. Pinagmamasdan ni Yuri at Sooyoung ang paligid. Pareho silang nakasuot ng earphones tila na para bang mga normal lang silang mga kabataan. Pero hindi nila alam, isa itong communicator. May mikropono sa kwelyo nila na sa mata ng ibang tao ay parang nakaipit lang ito na ballpen.

 

"Kwon, dun ka dito ako" bulong ni Sooyoung.

 

"Approve" sagot ni Yuri.

 

Naghiwalay silang dalawa ni Yuri at Sooyoung at naglakad sila sa magkaibang direksyon. I-isa lang ang gusto nilang gawin, mahanap si Im Yoona. Naglakad-lakad si Sooyoung sa kalye habang may nahuhulog na Cherry Blossom sa sahig. Pinulot ito ni Sooyoung dahil ngayon lang niya ito napansin. Sa sobrang abala niya sa mga misyon niya o kaya minsan pag wala siyang misyon ay palagi lang ito nakatambay sa kwarto niya. Ngayon niya lang napansin ang mga magagandang bagay.

 

"Choi Sooyoung!" mula sa earphones niya.

 

"May, narinig ako dito. Isang grupo ng lalaki, hinahanap si Yoona. Kailangan na natin siya mahanap bago pa siya mahanap ng mga ito" sabi ni Yuri.

 

Binitawan ni Sooyoung ang Cherry Blossom at tumayo. "Ok" simpleng sagot ni Sooyoung.

 

Patuloy naglalakad si Sooyoung habang hawak niya ang picture ng babae. Tinitigan niya ito ng ilang saglit at tinaas niya ang picture ng babae. Nang ibaba niya ito ay may nakita siyang babaeng. Ang babaeng nasa picture! Si Im Yoona!

 

"Nakita ko na siya" bulong ni Sooyoung habang naglalakad palapit sa babae.

 

"Nice!" narinig niyang huminga ng maluwag si Yuri.

 

Umupo ang babae sa bench at umupo din si Sooyoung sa tabi nito. Umusog ang babae, dahil naiilang ito sa kanya.

 

"Sooyoung, papunta na sila dyan. Itakas mo na siya!" mula sa earphone niya.

 

Pinag-masdan ni Sooyoung ang paligid at may nakita siyang grupo ng kalalakihan na nakasuot ng itim. Tiningnan ni Sooyoung ang babae tsaka hinawakan ang pulso nito at kinaladkad ito pa-alis sa lugar.

 

"Sino ka ba?!" bulyaw ng babae.

 

"Ano kailangan mo sa akin?!" sigaw ulit ng babae.

 

"Kidnapper ka ba?!" tanong ng babae.

 

" ka?!" tanong ulit ng babae.

 

"Tulongan niyo ako!" sigaw ng babae at umani ito ng atensyon.

 

Lumingon si Sooyoung mula sa likod nila at nakita niya nakasunod ang grupo ng lalaki na naka-itim. Napansin niyang hinihingal na si Yoona kaya nagdesisyon siyang tumigil muna sa pagtakbo. Nagtago sila sa eskinita habang sinasandal niya ang babae sa pader at tinatakpan bibig ng babae gamit kamay niya. Kinagat ng babae kamay ni Sooyoung pansamantala nakalaya ang babae pero tinakpan ulit ni Sooyoung ang bibig ng babae.

 

"Kung ayaw mong mamatay, tumahimik ka muna" utos ni Sooyoung sa babae habang nakatingin siya sa kalye.

 

Hinubad ni Sooyoung ang suot niyang jacket at tinapon ito sa basurahan. Kinuha ni Sooyoung ang dalang bag ng babae at nilabas ang pulang Jacket na may Hoodie mula sa bag nito.

 

"Suotin mo yan bilis!" utos ni Sooyoung.

 

"At bakit ko gagawin sinasabi mo?" tanong ng babae kay Sooyoung.

 

Walang balak patulan ang katigasan ng ulo nito, kaya siya mismo nagpasuot sa babae ng Jacket niya at nung nai-suot na ito ay binaba ni Sooyoung ang hoodie ng babae dahilan para matakpan mukha nito.

 

"Mga pol-pol! Nakatakas nanaman siya!" sigaw ng isang lalaki

 

"Tulo─" sigaw ng babae at agad tinakpan ni Sooyoung bibig nito.

 

"Lagot na" sabi ni Sooyoung.

 

"Bakit, anong nangyari?" mula sa earphone niya.

 

"Natunogan nila kami" pabulong na sagot ni Sooyoung tsaka tinitigan niya ng masama ang babae.

 

"Ihahanda ko ang kotse" mula sa earphone.

 

"Andyan ba si Yoona?" nakangising tanong ng lalaki.

 

"Oppps! Mukhang nakaka-abala kami ha?" nakangising sabi ng isa pang lalaki.

 

Tinakpan ni Sooyoung ang mukha ni Yoona na parang hinahalikan ito sa labi. Pero kabilang banda ay hindi niya ito hinahalikan. Parang naiintindihan na ni Yoona ang nangyari at sinabayan si Sooyoung hinawakan nito ang shirt nito.

 

"Tara, wala siya dito. Impossible mapadpad siya dito" sabi ng matangkad na lalaki at umalis ito palabas sa eskinita.

 

"Oo nga" sumunod pa ang isang lalaki.

 

Isa-isa nagsi-alisan ang mga ito. Hanggang nawala ang mga ito. Lumayo si Sooyoung sa babae at tumayo ito ng diretso. Ang babae naman ay namumula. Bigla niyang sinampal si Sooyoung. Tiningnan ni Sooyoung ang babaeng habang nakahawak sa pisngi niya. Dahilan ito para mailang ulit ang babae.

 

"Sino ka ba?" tanong ng babae.

 

"Ako ang protector mo" malamig na sagot ni Sooyoung.

 

"Baka katulad ka ng previous na body guard ko" bulaslas ng babae habang hinahawak niya ulo niya.

 

"Hindi" sagot ni Sooyoung at hinawakan ulit ito sa kamay.

 

"Teka, saan mo ko dadalhin?" tanong ng babae.

 

"Sa bahay mo.." tinatamad na sagot ni Sooyoung

 

"Maglalakad ba tayo?" tanong ulit ng babae.

 

Umiling si Sooyoung bilang sagot.

 

"Nasaan kotse mo?" tanong ulit ng babae.

 

Hindi na sumagot si Sooyoung. Patuloy parin ito sa paglalakad habang hawak kamay niya.

 

"Pwede ko ba tanggalin tong hoodie?" tanong ng babae.

 

Hindi nanaman sumagot si Sooyoung.

 

"Ano ba pangalan mo Body Guard?" ngumiti ang babae kay Sooyoung.

 

Tiningnan ni Sooyoung ang babae habang nakangiti. Maganda ito at napatanga siya ng ilang segundo dahil sa ngiting yun.

 

"Masyado kang seryoso. Ngumiti ka naman" sabi ng babae.

 

"Feeling ko cute ka pag ngumiti" patuloy ng babae.

 

"Hindi ka ba napapagod magsalita?" tanong ni Sooyoung sa babae.

 

"Sungit mo naman!" reklamo ni Yoona.

 

Bumuntong hininga si Sooyoung. "Choi Sooyoung" malamig itong nagpakilala.

 

"Im Yoona" inabot nito kamay niya.

 

Tiningnan ni Sooyoung kamay ni Yoona, hindi niya parin ito tinatanggap.

 

"Taga saan ka ba?" tanong ni Yoona.

 

"Taga ibang planeta ka ba?" dugtong niyang tanong.

 

"Kwon, may duct tape ka ba?" bumulong si Sooyoung.

 

"Saan mo gagamitin Sooyoung?" mula sa earphone niya.

 

"Baliw ka ba? o May kinakausap ka talagang hindi ko nakikita?" tanong ni Yoona.

 

"Wala akong duct tape, sorry!" mula sa earphone niya.

 

Binuksan ni Sooyoung ang pintuan ng kotse tsaka hinintay niya pumasok si Yoona. Naintindihan naman ito ni Yoona at pumasok ito sa kotse niya. Sinara ito ni Sooyoung at umupo sa tabi ni Yoona. Hinubad ni Sooyoung ang earphones niya at sumandal sa Backseat.

 

"Hi Im Yoona!" bati ng babaeng nasa driver's seat.

 

"Hello?" bumati din si Yoona sa babae.

 

"Im Kwon Yuri, NEST Agent rin ako tulad ni Sooyoung. Tama nga hula ko, mas maganda ka nga sa personal" ngumiti ito kay Yoona.

 

"Salamat" tumingin si Yoona kay Sooyoung na kasulukuyan nakatingin sa bintana. Tila di naririnig pag-uusap nila.

 

"Hayaan mo siya Yoona, ganyan talaga si Sooyoung. Masyadong tahimik" Kwento ni Yuri habang pinapa-andar ang kotse.

 

 

 

"Sooyoung bakit mo pala kailangan ang Duct Tape" tanong ni Yuri habang nakasilip siya kay Sooyoung mula sa rear mirror.

 

Tiningnan ni Sooyoung si Yoona at laking gulat niya ng nakasandal ang babae sa balikat niya habang natutulog.

 

"Mukhang magkaka-love interest ka yata Sooyoung" nakangiting sabi ni Yuri.

 

"Hindi ko kailangan ng pag-ibig, kung sa bandang huli ay iiwan ko rin ang tao kong mahal. Nabuhay lang tayo para protektahan kliyente natin Yuri" paalala ni Sooyoung habang binaling atensyon niya sa bintana.

 

Bumuntong hininga si Yuri. "Oo tama ka."

 

"Isang araw.. Mamatay din tayo dahil sa misyon natin" sabi ni Sooyoung.

 

"Ang lungkot naman nun, kaya nga gusto ko sana lumabas muna at maghanap ng kadate. Ayukong mamatay na single" ngumiti si Yuri habang nakasilip sa rear mirror.

 

"Pero Sooyoung, nagaganda ka ba sa kanya?" seryosong tanong ni Yuri.

 

Tiningnan ni Sooyoung si Yoona at tumingin ulit sa bintana. "Oo, parang anghel.."

 

Tumawa ng marahan si Yuri. "Pasok sa taste mo?" pinigilan ni Yuri tawa niya.

 

Na-dismaya si Yuri ng hindi na sumagot si Sooyoung. Dahil gusto niyang makilala pa lalo si Sooyoung. Sabihin na natin kahit 18years na sila magkakilala ay hindi pa niya ganun ka kilala si Sooyoung. Pero alam niya nangyari sa pamilya ni Sooyoung.

 

"Ganito ka-arte pro-protektahan ko ng ilang buwan. Makakaya ko kaya toh?" tanong ni Sooyoung sa sarili.

 

"Oo nga pala, ayaw mo sa mga ma-arte" sabi ni Yuri.

 

"Pero malay mo, mahulog ka sa kanya." nanunudyong komento ni Yuri.

 

 


 

 

Nagdaan ang ilang araw ay mas lalong na curious si Yoona kay Sooyoung. Gusto niya itong makilala. Kahit na madalas ay masungit at suplada ito. Nagiging mabait ito sa kanya. Kahit na madalas silang nagtatalo. Gusto niya malaman kung anong klaseng personality meron ito. Gusto din niyang tanongin si Yuri pero nahihiya siya magtanong baka asarin lang siya nito.

Hindi niya rin naririnig naguusap si Yuri at Sooyoung, napaka-tahimik lang ng dalawang ito. Hindi siya sigurado kung magkaibigan ang dalawang Protector niya o magkakilala lang.

Panibagong araw nanaman ang dumaan, panibagong banta nanaman natanggap ni Yoona.

 

"Hi! Pinapatanong ni Sooyoung kung tapos ka na daw Yoona?" tanong ni Yuri.

 

"Almost!" sabi ni Yoona mula sa loob ng kwarto.

 

"Pinapatanong din niya kung saan tayo pupunta ngayon?" tanong ulit ni Yuri.

 

"Sa office ko" lumabas na ng kwarto si Yoona.

 

"Wow..." napatitig si Yuri at Sooyoung kay Yoona.

 

"Pupunta ka ng Office ng nakaganyan?" tanong ni Sooyoung habang nakatitig kay Yoona.

 

"Oo naman may problema ka?" nakangiting tanong ni Yoona.

 

"Masyadong y, magpalit ka" tinulak ni Sooyoung si Yoona sa loob ng kwarto nito.

 

"Pero mala-late na ako" pilit lumabas si Yoona sa kwarto.

 

"Wag kang magsuot ng ganyan" sabi ni Sooyoung habang nakaupo sa kama.

 

"Hindi ka pa lalabas? Hindi ko kaya magbihis sa harap mo eh" panunudyo ni Yoona.

 

Namula mga pisngi nito tsaka lumabas ng kwarto ni Yoona. Ngumiti si Yoona habang tinitingnan ang pintuan kung saan lumabas si Sooyoung.

 

"Bakit namumula ka?" tanong ni Yuri

 

Hindi nanaman sumagot si Sooyoung. Dahil alam niya saan nanaman hahantong usapan nila. Dahil kilala niya si Yuri.

 

"May nangyari sa loob?" nakangiting tanong ni Yuri.

 

"Wala" tipid na sagot ni Sooyoung.

 

"Tara!" masiglang sabi ni Yoona.

 

Naunang lumabas si Sooyoung tsaka si Yoona at Yuri naman ay sabay naglakad.

 

"Yuri, palagi ba talaga ganyan si Sooyoung?" bulong ni Yoona.

 

"Oo palagi" sagot ni Yuri.

 

"Di ba talaga siya ngumingiti?" tanong ni Yoona.

 

"Sa totoo lang hindi ko pa nakita ngumingiti yun" malungkot na sabi ni Yuri.

 

"Ilang taon na ba kayo magkakilala?" tanong ni Yoona kay Yuri.

 

"18years" sagot ni Yuri habang nakangiti.

 

"Woah!?!" di makapaniwalang sabi ni Yoona. "Tapos hindi mo pa siya nakitang ngumingiti?"

 

"Oo parang ganun na nga" sagot ni Yuri.

 

Napangiti si Yoona dahil sa naisip niya. Gusto niyang pangitiin niya ito. Gusto niya siya unang makakita na ngumiti ito. Nang makababa sila ay nakita niya ka agad si Sooyoung nag-hihintay sa SUV. Naka-sun glasses ito, mas mukha pa itong artista kaysa agent.

Agad siyang pinagbuksan ni Sooyoung ng pintuan at umusog ito para makaupo siya sa pwesto niya.

 

"Awkward?" panunudyo ni Yuri sa dalawa.

 

Tiningnan ng masama ni Sooyoung si Yuri. Si Yoona naman ay tumingin nalang sa bintana.

 

"Defenssive? Sabi ko Awkward. Awkward tayo ngayon" pagdadahilan ni Yuri.

 

Hindi na naman sumagot si Sooyoung. Tumunganga nanaman ito habang nakatingin sa bintana. Mula sa labas ay may nakita siyang magnobyo at nobya naghoholding hands parehong masaya. Sa kabilang banda naman ay may mag nobyo at nobya na nagaaway maya maya ay hinalikan ito ng lalaki.

Tinitigan niya si Yoona at biglang lumingon si Yoona sa direksyon niya. Tsaka ngumiti si Yoona sa kanya. Umiiwas ng tingin si Sooyoung, bigla siyang nahiya sa pagtitig niya kay Yoona.

 

"Bakit?" tanong ni Yoona.

 

"Wala" tipid na sagot ni Sooyoung tsaka binaling ulit atensyon niya sa bintana.

 

Umubo si Yuri pero halatang peke ito. Tsaka ngumiti ito habang nakatingin sa rear mirror.

 

 


 

 

Mag alas syete na ng gabi ay nasa office parin si Yoona. Hindi pa siya kumakain at gutom na gutom na siya. Pero may kailangan pa siyang taposin bago umuwi kaya nagpaiwan nalang siya. Kahit si Sooyoung ay hindi pa kumakain, kanina pa ito nakatayo sa gilid ng office niya. Alam niyang gutom na ito, pero hindi parin siya iniwan nito.

Nagulat si Yoona ng may kumatok sa pintuan. Akmay tatayo na siya para pagbuksan ito pero papunta na si Sooyoung sa pintuan. Binuksan ito ni Sooyoung at pinapasok ang bisita niya. Inakala niyang si Yuri ito dahil may dala itong pagkain pero nung tiningnan niya ito ay Donghae pala ito, ang fiance niya.

 

"Hi Yoona" sabi ni Donghae pagkatapos ay hinalikan niya sa pisngi si Yoona.

 

"Hello Hae" ngumiti si Yoona at tinabi ang laptop na kaharap niya.

 

"I miss you" malambing na sabi ni Donghae.

 

Hindi sumagot si Yoona, ngumiti lang siya sa binata. Sinulyapan niya si Sooyoung na kasulukuyan nakatayo parin sa gilid ng Office niya.

 

Sinundan ni Donghae ang tinitingnan ni Yoona. "Hi? Friend ni Yoona?"

 

Tiningnan lang ni Sooyoung si Donghae at kumunot ang noo nito.

 

"Pasensya ka na Hae, hindi talaga nagsasalita si Sooyoung lalo na sa hindi niya kakilala" bulong ni Yoona.

 

"Kahit kilala ko ay hindi ko masyado kinakausap" pagtama ni Sooyoung.

 

"Ah oo nga pala" sagot ni Yoona.

 

Hinawakan ni Donghae kamay ni Yoona. "Kailan ba tayo magpapakasal?" tanong ni Donghae.

 

"Sa labas muna ako" singit ni Sooyoung.

 

Tatayo sana si Yoona para pigilan si Sooyoung pero hawak ni Donghae kamay niya.

 

"Sagotin mo ko" nagbago ekspresyon sa mukha ni Donghae.

 

"Si Daddy lang naman pumili sayo hindi ako. Hindi ibig sabihin nun ay magpapakasal na ako sayo" pilit kinukuha ni Yoona kamay niya sa pagkakahawak ni Donghae.

 

"Ako ang gusto niya para sayo!" bulyaw ni Donghae at hinigpitan pagkakahawak niya sa pulso ni Yoona.

 

"Donghae, nasasaktan na ako!" naiiyak na sabi ni Yoona.

 

Mula sa pintuan ay biglang pumasok si Sooyoung. Maitim ang ekspresyon sa mukha nito at nakakuyom ang kamao nito. Tinupunan niya ng masamang tingin si Donghae.

 

"Bitawan mo siya!" utos ni Sooyoung.

 

"Wala kang paki-alam. Fiance ko siya at naguusap lang kami" nakangiting sagot ni Donghae. "Sino ka ba?"

 

"Body Guard niya" sagot ni Sooyoung

 

"Haha!" Malakas na tawa ni Donghae. "Baka kahit laptop hindi mo kayang buhatin" sarkastikong sabi ni Donghae.

 

Nakaramdam ng takot si Yoona, dahil alam niyang walang laban si Sooyoung kay Donghae. Ayaw nyang masaktan ito. "Tara" sabi ni Yoona habang hinahawakan kamay ni Sooyoung.

 

Tiningnan ni Sooyoung pulso ni Yoona na namumula at tiningnan niya ng masama si Donghae. Lumapit siya kay Donghae at hinawakan pulso nito ng napakahigpit. Sa simula ay tinawanan lang ito ni Donghae. Pero maya-maya ay nagpupugmiglas na siyang makawala sa pagkakahawak ni Sooyoung. Halatang nasaktan ito.

 

"Fiance ka ni Yoona, kaya pagbibigyan kita" binitawan ni Sooyoung pagkakahawak niya sa pulso nito.

 

"Tara!" sabi ni Yoona habang hatak-hatak niya coat ni Sooyoung.

 

Palabas na ng Office si Sooyoung at Yoona habang magkahawak kamay. Sa huling pagkakataon ay tiningnan niya ng masama si Donghae bago makalabas silang dalawa.

 

"Sh*t.." sabi ni Donghae habang ginagalaw-galaw niya kamay niya.

 

 


 

 

"Bakit mo ginawa yun?!" tanong ni Yoona.

 

Hindi sumagot si Sooyoung mabilis itong naglakad palabas ng Elevator.

 

"Ayan ka nanaman! Sumagot ka naman pwede" bulyaw ni Yoona.

 

"Dahil....Body Guard mo ako at kailangan kitang protektahan" alanganing sagot ni Sooyoung.

 

Na-dismaya si Yoona, hindi ito ang inaasahan niyang sagot mula kay Sooyoung. Aminado siya mismo sa sarili niya unti-unti na siyang nahuhulog dito. Alam niyang kahibangan ang mainlove sa mismong Body Guard niya. Pero hindi niya mapigilan sarili niya.

 

Nakarating sila sa kotse ng hindi nagsasalita. Nagtaka si Yuri dahil madalas naman ay kinukulit ito ni Yoona. Pero ngayon ay pareho silang tahimik tapos nauna naglakad si Sooyoung at nakasunod lang si Yoona. Pero pinagbuksan niya parin ito ng pintuan.

 

"Ok lang kayo?" tanong ni Yuri sa dalawa.

 

Pareho sila hindi sumagot. Halatang pareho sila wala sa mood. Umiling si Yuri habang pinapaandar ang kotse.

 

 


 

 

"Masama ang pakiramdam ko kay Donghae" bulong ni Sooyoung.

 

"Bakit mo nasabi?" tanong ni Yoona.

 

"Pakiramdam ko masama siyang tao" sabi ni Sooyoung.

 

Baka nagseselos ka lang? Ngumiti si Yoona bago nagsalita. "Ok naman si Hae. Minsan talaga ganun siya"

 

"Matagal mo na bang nararanasan yun?" tanong ni Sooyoung.

 

"Oo" ngumiti ng mapait si Yoona. "Sa twing napaguusapan namin ang kasal. Tapos tinanggihan ko"

 

"Bakit mo tinatanggihan?" tanong ni Sooyoung habang nakatitig kay Yoona.

 

"Di ko siya mahal" diretsong sagot ni Yoona. "Si daddy lang pumili sa kanya"

 

"Bakit di mo siya subukan mahalin?" tanong ni Sooyoung.

 

"Hindi natuturuan ang puso" sagot niya kay Sooyoung.

 

"Baka may mahal ka ng iba?" tanong ni Sooyoung.

 

"Hindi crush lang naman" walang kamalay-malay si Yoona sa sinagot niya.

 

"Sino crush mo?" tanong ni Sooyoung.

 

Ikaw! Sigaw ni Yoona sa isip niya.

 

"Si Kwon?" tanong ni Sooyoung.

 

"Hindi!" tanggi ni Yoona.

 

"Wala na ako maisip.. Impossible naman ako diba?" seryosong tanong ni Sooyoung.

 

Nag init ang mga pisngi ni Yoona dahil sa tanong ni Sooyoung. Buti nalang hindi ito napansin ni Sooyoung. Dahan-dahan tumayo si Sooyoung sa duyan na inuupuan nilang dalawa.

 

"Matulog na tayo" yaya ni Sooyoung.

 

"Tara" ngumiti si Yoona habang pinapanuod likod nito naglalakad palayo sa kanya. Masaya siya dahil nakausap niya ito ng Matagal ngayon. At hindi tipid mga sagot nito sa kanya. Masaya siya dahil nakausap niya din ito ng matino.

 

 

 

 

TO BE CONTINUE.....

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
I will publish the finale tomorrow ..

Comments

You must be logged in to comment
byunsoshi_09
#1
Chapter 4: Otorrrr~ tuloy mo na 'toooo plith~ gand na nang basa ko ehhh huhu
BOD-COD #2
Chapter 24: can you make a english version ??

i'm trying to understand but failed.
ArielleKim #3
asan yung ibang chapter? nakalagay 13 chapters? e bakit 4 lang nakalagay? -___-?
shikshinhot24
#4
Chapter 6: Daebak!!!!wohohohohoh SooNa ♡♡
Leibmjuell #5
Chapter 2: Omg mahal na po kita xD ang gondo nung I'm in love with a robot *o*
itsmecarylann
#6
99 Days With My Angel please!
nyonyo3012 #7
soona fic!! ^o^
Do you have eng.version? I don't understand tagalog... :(
shikshinhot24
#8
Chapter 2: <3 <3 <3 <3 <3 SHOOT!!!!MAH SOONA FEELS!!daebak author'ssi !!
soyung #9
Chapter 1: English version please :(
kenpetfamsys #10
Chapter 1: too bad i can't understand :'( hope that u'll have the eng ver. for these stories :((