Unsweetened 16

My Heart is Yours

 

"HAPPY BIRTHDAYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!!!" Sinigawan ka ng mama mo tsaka ni Chanyeol habang natutulog ka pa. Syempre ikaw naman ay nag-panik na akala mo ay may sunog.

Tumayo ka bigla. "Ano meron? Ano meron? May sunog ba?!" Nagpapanik mong tanong. 

"Sira! Birthday mo ngayon anak!" Binatukan ka ng mama mo.

"Ha?!" Nga-nga ka at nanlaki ang mga mata mo. 

Nakita mong may bitbit na small cake si Chanyeol with candles 16. Ang pangyayari ay walang pinagka-iba sa birthday rin ni Chanyeol. 

Lumapit sayo si Chanyeol. "Pikit ka na tapos mag-wish ka." 

Ikaw naman ay napangiti. Pumikit ka na at nag-wish. *Sana magkakasama kaming tatlo forever.* 

Pagkatapos mo mag-wish, dumilat ka na at binlow yung mga candles. 

"YEHEEYYYYYYYY!!!!!!!!!!!" Sigawan kayong lahat. 

"Happy Birthday anak. Mahal na mahal kita." Hinug ka ng mama mo at hinalikan yung cheeks mo. 

"Thankyou mama!!" Hinug mo rin siya. 

"Akin na yang cake, Chanyeol at ihahanda ko na para iyan na yung agahan natin." Kinuha ng mama mo yung cake kay Chanyeol tsaka lumabas na ng kwarto. Naiwan kayong dalawa ni Chanyeol sa kwarto. 

Nakangiti kayo sa isa't-isa. Lumapit siya sayo. "Dalagang-dalaga ka na......" Hinawakan niya yung buhok mo at ipinagilid sa mga tenga mo. 

Ikaw naman ay nagsimulang kiligin. 

"Ibang-iba ka na ngayon. Mas gumaganda ka..." Sabi niya sayo habang nakangiti. 

Hindi mo na mapigilan ang mga ngiting kilig mo. "Oppa naman eh....." Napakagat ka sa labi mo at napayuko ka sa hiya. 

Niyakap ka bigla ni Chanyeol. "Happy Sweet 16 my Suji." Kiniss niya yung tuktok ng ulo mo. 

Namumula ka na ng sobra at pinipigilan mong kiligin ng todo. Niyakap mo rin siya at nag-thankyou ka nalang. 

--------------------------------------------------------------------------

Sorry ka dahil may pasok ang araw ng birthday mo. Nag-bell na at sabay kayong naglalakad ni Chanyeol papunta sa classroom mo. Trip ka niya ihatid ngayon. Nasa harap na kayo ng classroom mo.

"Osige na oppa. Baka ma-late ka na." Nag-tiptoe ka at hinalikan mo yung cheeks niya. 

"Sige. Kita nalang tayo mamaya." Tumalikod na siya at naglakad. 

Bago ka pa maka-pasok ng classroom ay tinawag ka niya ulit. 

"Suji wait lang..." Sigaw niya. 

Napatigil ka at napatingin sakanya. "Oh, bakit oppa?" 

Lumapit siya sayo at hinalikan niya yung cheeks mo. "I love you bestfriend." Sabi niya sabay takbo papaalis. 

Nanigas ka na naman sa kinatatayuan mo at wide eyes ka lang habang pinapanood mo siya tumakbo. Bumibilis ang pagtibok ng puso mo at nararamdaman mong umiinet ang mga pisngi mo. Pumasok ka sa classroom niyo na may ngiting kinikilig. Gustong-gusto mo sumigaw pero di mo magawa kaya nagpipigil ka. Nawala ang ngiti mo nang nakita mo si Kris sa harap ng blackboard at nakasandal tapos nakatingin sayo. Inirapan mo siya tapos naglakad ka papunta sa upuan mo. 

Nang makarating ka sa upuan mo, nanlaki ang mga mata mo dahil bumabaha ito ng chocolates. Nagningning ang mata mo at di ka makapaniwala sa nakikita. 

*Totoo ba to...*

 

Pinagmasmadan mo itong mga to. Naisip mo na baka dumating na yung teacher mo kaya naisipan mong ligpitin na ito. Mabuti nalang parati kang may dala na plastic. Nilabas mo ito sa bag mo tsaka mo pinagpa-plastik ang mga nagkalat na chocolate. 

*Ang dami naman neto.... gusto niya ata akong mamatay dahil sa tonsilitis.....* Sa isip mo yan habang nililigpit mo. 

Pagkatapos mo ligpitin ang mga chocolates ay umupo ka. Nakita mo bigla na may pink na papel na naka-fold sa ibaba ng desk mo. Kinuha mo ito at tinignan. 

Dear my crush,

                               Happy Sweet 16th Birthday. Sana magustuhan mo yung regalo ko sayo. Gusto ko sabihin sayo na matagal na kitang crush. Nagustuhan kita kasi maganda ka na nga, matapang at palaban pa. Sana pag nakilala mo ko, wag mo akong kamuhian. Sana replyan mo itong letter ko sayo. Idikit mo nalang yung papel sa ilalim ng desk mo at ako na bahala kukuha nun. Alam ko naman na wala akong pag-asa sayo pero sana malaman mo na handa akong mahintay para sayo. Happy Birthday Suji! Mwa mwa! 

 

                                                                                                                                                           From your Secret Admirer <3

 

Habang binabasa mo ito ay napapangiti ka. Natutuwa ka sakanya dahil di mo ineexpect na may nagkakagusto pala sayo. Pero ang tanong, sino nga ba ito?

 

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Ngayong araw na ito maraming bumati sayo. Syempre natutuwa ka naman. Si Kris at si Kai naman ay wapakels sayo at mas wapakels ka rin sakanila. Last subject niyo na at may pinapasagutan na excercise ang subject teacher niyo. Tutal matalino ka naman kaya natapos mo ito agad. Bored ka na at wala kang magawa. Bigla mong naalala yung letter ng secret admirer mo. Naisipan mo na replyan ito at pasalamatan. So iyun, nagsulat-sulat ka na. Pagkatapos mo isulat, kumuha ka ng tape sa bag mo tapos idinikit mo sa ilalim ng desk mo. 

Nagbell na it means uwian na. Tumayo na kayong lahat. Yung iba lumabas na pati ang teacher mo at yung iba ay nag-aayos ng gamit kagaya mo. Pagkatapos mo ayusin ang mga gamit mo, sinukbit mo na yung bag mo sa balikat mo at naglakad papalabas. Saktong pagkalabas mo ay may agad-agad na humawak sa kamay mo ng mahigpit. Nagula ka at tinignan mo ito. Si Chanyeol. 

"Oppa ginulat mo naman ako." Pout mo sakanya. Naglalakad na kayo. 

"Kanina pa kasi kita gusto makita." Sweet niyang sinabi. Namula ka naman. 

"Eh kanina lang naman magkasama tayo ha." Sabi mo. Holding hands na kayo. 

"Kaya nga di na ako sanay nang hindi tayo magkasama eh." Pa-sweet pa niya. 

Kinikilig ka na pero pilit mong tinatago. Naglalakad na kayo sa lobby papalabas ng school. 

"Siya nga pala. Nagpaalam na ako kay mama na magpapagabi ng sandali sa may tabing-dagat." 

Nagulat ka. "HAA? Eh may pasok pa bukas...." 

"Okay lang yun. Sandali lang naman eh." Sabi niya. 

"Osige......" 

Lumabas na kayo ng school. 

 

Hindi mo alam na may nanonood pala sainyo habang papalabas na kayo ng school. Nung nakalabas na kayo ng school, hindi na niya kayo sinundan at bumalik nalang ulit sa classroom niyo. 

Pagpasok ni Kris sa classroom niyo, ay saktong nag-sipag alisan na yung mga natitira niyong classmates kaya siya nalang yung tao doon. Naglakad siya papunta sa table mo at hinanap niya yung papel na idinikit mo sa ilalim ng desk mo. Buti naman nakuha niya ito. Tumayo na siya ng diretso at binasa niya yung reply mo. 

To my secret admirer, 

                                          Thankyou sa pagbati at sa mga chocolates na binigay mo. Pero may tanong ako, gusto mo na ba akong mawalan ng lalamunan? Hehehe. Joke lang. Pero grabe ang dami nun tsaka mamahalin pa. Sobrang thankyou talaga. Di mo alam na kahit papaano ay napasaya mo rin ang birthday ko. Natutuwa ako kasi nalaman kong crush mo pala ako. Pero mas matutuwa ako kung makikilala kita. Dont worry hindi naman ako yung taong naiilang kapag merong may crush sakin. Wag ka lang gagawa ng kalokohan kundi WAR tayo. So yun, thankyou talaga sa lahat. Take care!

                                                                                                                                                          Suji.

 

Napangiti ng todo-todo si Kris. Alam niyang napasaya ka niya sa ibang paraan. Hindi maalais sa tingin niya ang mga nakasulat sa papel. Biglang pumasok si Kai sa classroom. 

"Uy! Andyan ka pa pala! Anong ginagawa mo bakit ka kinikilig diyan?" Tanong ni Kai na hindi makapaniwala kay Kris. 

"Grabe pre! Nireplyan ako ni Suji" Nangingiting sabi ni Kris. 

"Oh? Naks naman!" Nag-apir sila. "Nagustuhan naman daw ba niya yung mga binigay mo?" Dugtong na tanong ni Kai. 

"Oo naman. AKo pa, magaling ako pumili." Sagot ni Kris. 

"Alam mo Kris first time lang kita makitang ganyan. I-deny mo man o hindi, INLOVE KA KAY SUJI" Emphasize niya. 

"Alam naman nating wala akong pag-asa doon eh." Malungkot na sabi ni Kris. 

"Hindi ko alam. Malaki galit sa atin nun. Kaya kahit gaano pa kaganda ang mga ibigay mo sakanya, pag nalaman niyang sa iyo galing yun, itatapon niya lang sa basurahan." Patawa-tawa pa si Kai. 

Nanahimik nalang si Kris habang hawak pa rin niya yung papel. 

"Halika na, andyan na yung driver ko." Aya ni Kai habang sinusuot yung bag niya. 

Sabay na silang lumabas ng classroom. 

------------------------------------------------------------------------------------------------

Ala-sais na ng gabi at nagbobonfire kayo ni Chanyeol sa ilalim ng punong mangga sa tabing-dagat. Nakasandal ang likod niya sa puno tapos ikaw ay yakap mo ang tuhod mo at nakasandal ka sa braso niya. Pinapanood niyo lang yung apoy.  

"May kilala ka na ba kung sino yung secret admirer mo?" Tanong ni Chanyeol at halatang nagseselos ito. 

Napatingin ka sakanya. "Hindi ngae." 

"Tsss." Umirap lang siya. 

"Uy! Ano ka ba.... nagseselos ka ba?" Hampas mo ng mahina sa braso niya. 

"Oo." Matulis niyang sagot. 

Napa-kunot ang noo mo sakanya. "Yah! Wag ka na magselos kasi......" Hindi mo matuloy yung gusto mong sabihin. Gusto mo sabihin sakanya na siya lang ang gusto mo. 

Tumingin sayo si Chanyeol. "Kasi?" Taas niya ng kilay. 

"Kasi....... uhmmmm...." Nag-isip ka ng palusot. 

"Kasi ano nga?" Mejjo naiinis niyang pang-asar na tanong. 

"Ano... ummmmm... hindi ko siya gusto. Oo hindi ko siya gusto." Palusot mo tapos pilit na smile.

"Tssss palusot pa." Umirap siya tas tinanggal yung tingin sayo. 

"Uy grabe ka naman. Galit ka na agad." Pout mo. "Wag ka na magalit." Niyakap mo siya habang nakatingin ka sa masungit niyang mukha. Hindi ka pa rin niya pinapansin. Kiniss mo ng mabilis yung pisngi niya. 

Nagulat si Chanyeol at napatingin sayo bigla. Nag-blink ang mga eyes niya sayo. 

"Wag ka na magalit please...." Nakayakap ka pa rin sakanya. 

"Oo na... sige na....." Ngumiti na siya sayo. 

 

Maya-maya ay naka-upo na kayo ng maayos. Awkward at wala kayong mapag-usapan. Nagngingitian lang kayo. Si Chanyeol ay may kinapa-kapa sa bulsa niya. Napatingin ka naman dito. 

"Oppa, may hinahanap ka ba?" Tanong mo sakanya. 

"Haa? Wala..." Umupo na ulit siya ng maayos. Napansin mo na mukhang kabado siya. 

Binalik mo ang tingin mo sa mga apoy. Si Chanyeol naman ay patingin-tingin sayo. 

"Uhh... Suji...." Kinakabahan niyang tawag sayo. 

"Mm?" Tumingin ka sakanya. 

"May ibibigay sana ako sayo." Dumukot si Chanyeol sa bulsa niya at may nilabas siyang isang couple necklace. 

"Oppa....." Mahina mong nasabi habang tinitignan mo yung necklaces na hawak niya. 

"Para sa ating dalawa ito. Sayo yung lalaki na bear at saakin naman yung babae. Talikod ka." Utos niya sayo. 

Tumalikod ka sakanya at hinawakan mo ang buhok mo. Isinusuot niya yung kwintas sayo. 

"Isipin mo ako yang lalaking bear na yan." Sabi niya habang sinusuot sayo yung kwintas.  "Pag di mo ako kasama, isipin mo ako lang yan para di ka na malungkot." Sweet niyang sinabi.

Pagkatapos niyang isuot sayo yung kwintas, umayos ka na ng upo at hinawakan mo yung pendant. 

"Oppa, ang ganda naman neto. Thankyou!!!!!!!" Niyakap mo siya ng mahigpit sa leeg niya. "Ayy oppa, akin na yung sayo isusuot ko naman sayo." 

Binigay niya sayo yung kwintas na hawak niya. Pumunta ka sa likuran niya at sinuot mo sakanya yung babaeng bear na kwintas. Pagkatapos mo isuot, niyakap mo ulit siya tapos kiniss mo yung cheeks niya. 

"Thankyou oppa!" Sabi mo. 

Nakuryente na naman ang buong katawan ni Chanyeol. Umupo ka ulit sa tabi niya. Naka-cling ang arms mo sa arms niya tapos humiga ka sa balikat niya. 

"Masaya ako ngayon oppa....." sabi mo sakanya nang hindi nakatingin. 

"Syempre ako rin..." Kiniss niya yung tuktok ng ulo mo. 

Kinilig ka na ulit. 

*Ikaw ang first love ko oppa... I love you...* Nakatingin ka sakanya habang sinasabi mo yan sa isip mo. 

Hinawakan mo yung kamay niya. Tumingin si Chanyeol sayo at tumingin ka rin sakanya tapos nag-smile kayo sa isa't-isa. Pagtapos nun, magka-hloding hands pa rin kayo at nanonood sa apoy.

*Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal.... I love you so much Suji....* 

Sa isip yan ni Chanyeol at hiniga niya ang ulo niya sayo. 

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

BORING YATA. 

NASIRA MOOD KO SA PAG-UPDATE DAHIL SA WOLF TEASER NG EXO 

NA MAY KASAMANG BABAE TAPOS HINALIKAN PA NI KAI. /////3

WHY OH WHY.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
imaneberhil52
#1
how i wish this fic is in english tho....
Jejemy21 #2
Chapter 17: Update na po please??? Bitin po eh TT^TT please??????????????????????????????//
khenkhay #3
Chapter 17: idol.. update na please.. tgal na din ng huli mo tong ina-update
Smilers #4
ud na po kau
baebycheesecake
#5
Chapter 17: Update please :)
eunhaeforlife
#6
Chapter 17: omg kaiyak huhu
Denisse44 #7
Chapter 17: Thank you unnie sa pagsagot sa wish ko.:))
glittery_sparkles
#8
Chapter 16: Aaaaaahhhh more on Kris and Suji please!!!!
glittery_sparkles
#9
Chapter 16: Pleaaaasssse!!!!!!!!!!
glittery_sparkles
#10
Chapter 16: Updaaaaaaaaaate!!!!!!