Missing You

My Heart is Yours

"Chanyeol oppa... i love you" Sabi mo ng nakatingin sakanya habang nakahiga ka sa legs niya. 

"I love you too Suji...." Kiniss ni Chanyeol ang noo mo. 

"Matutulog muna ako dito oppa ha...." 

Nag-nod siya at nag-smile. Kinuha mo ang kamay niya at ipinatong mo sa pisngi mo habang hawak mo sabay natulog ka. 

*I love you so much oppa.* 

Maya-maya ay nagising ka na. Napansin mong madilim na at napa-upo ka bigla. Tumingin ka sa likod mo para hanapin si Chanyeol pero di mo nakita.  Nag-panik ka na at tumayo ka na para hanapin ka. 

"Oppa?" Tawag mo sakanya habang tumi-tingin ka sa paligid. 

Naglakad ka kung saan-saan sa tabing-dagat para hanapin siya pero ni anino niya ay di mo nakita. Nagsisimula ka nang umiyak. 

"Chanyeol oppa, nasan ka na?!!!!" Sigaw mo habang hinahanap siya. 

Na-realized mo na wala na talaga siya. Iyak ka na ng iyak at tumigil sa harap ng tubig. Tinawag mo siya ng tinawag. 

"Chanyeol oppa!!!!!" 

"Oppa nasan ka na?!!!"

"Oppa bakit mo ako iniwan?!!!!"

"CHANYEOL!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" 

*Krrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnngggggggggggggggggg* 

Nagising ka at napa-upo bigla. Hinihingal ka at pawis na pawis. Hinawakan mo ang dibdib mo na malakas ang kabog. 

"Chanyeol...." mahina mong sabi habang hawak-hawak mo ang dib-dib mo na malakas ang kabog. 

"Napaginipan ko na naman siya......" sabi mo.

"Oy Suji bakit ba ayaw mong patayin yung alarm clock mo." Sabi ng nanay mo na natutulog. 

Napatingin ka lang sa nanay mo tapos pinatay mo na yung alarm clock mo. Nalungkot ka bigla dahil napaginipan mo si Chanyeol. Araw-araw palagi nalang ganito ang gigising sayo. Naka-upo ka pa rin at sa lungkot mo niyakap mo ang tuhod mo at mahina kang umiyak. 

*I miss you Chanyeol oppa....*

Dalawang linggo na ang nakaka-lipas at hindi ka pa rin pumapasok simula nang umalis si Chanyeol. Palaging tinatawagan ng teacher mo yung nanay mo kung bakit ka absent at sinasabi nalang na may sakit ka. Pero this time, naisip mo na bababa ang grades mo kung di ka pa pumasok. 

--------------------------

Naglalakad ka na paputna sa bus stop at malungkot ka pa rin. Nakayuko ka lamang kapag naglalakad ka. Hindi ka sanay kapag hindi mo kasama si Chanyeol. Nakatayo ka na sa bus stop at inimagine mo bigla na katabi mo lang si Chanyeol. Na-imagine mo na naka-smile siya sayo at napangiti ka naman. Humangin nang malakas at bumalik sa reyalidad ang pag-iisip mo at nakita mo lamang na hangin lang ang katabi mo. Dumating ang bus at bumukas ang pintuan neto para sayo. Sumakay ka papasok at puno na naman ng tao ang loob. Tumayo ka lamang sa isang pole at kumapit ka doon. Namiss mo na naman ang mga moments niyo ni Chanyeol dito tuwing umaga. Namiss mo yung mga  moments na hahawakan ka niya kapag pepreno yung bus, sobrang magkalapit niyo kapag siksikan yung bus. Yung may magtatanggol sayo kapag may manyakis kang katabi. Pero ngayon wala na. You're all alone. Pinipigilan mo ang mga luha mo dahil ayaw mong mapagkamalan na baliw. 

Bumaba ka na sa tapat ng school at nakayuko ka pa ring naglalakad papasok. Binati ka ng guard ng goodmorning pero hindi mo lang ito pinansin at patuloy ka pa rin sa paglalakad, Nagtataka sayo si manong guard dahil sa katunayan ay masaya niyo silang binabati ni Chanyeol. Pumasok ka na sa lobby ng school at tumayo ka lamang sa gilid. Nakayuko ka  pa rin at si Chanyeol lang ang nasa isip mo. 

Naghihiyawan na ang mga babaeng students dahil kararating lang nina Kim Jongin tsaka ni Kris Wu. Ikaw ay wapakels ka pa rin at nakayuko ka lang habang hawak ang mga libro mo. Ikaw naman ang unang napansing babae ni Kris at nakita ka niya na mag-isa kang nakatayo sa gilid at malungkot. Natutuwa siya dahil pumasok ka na ulit pero nagtataka siya dahil bakit ikaw lang mag-isa ngayon sa kinatatayuan mo.

Nagbell na at naglakad ka na papunta sa classroom. Nakakalungkot dahil wala ka nang ibebeso-beso. Pumasok ka na sa pintuan ng classroom niyo at as usual pinatid ka na naman ni Kai kaya nadapa ka. Tumawa siya ng tumawa. Ikaw naman ay manhid kaya normal na tumayo ka nalang at naglakad papunta sa upuan mo without any reactions. 

Nagulat at nagtaka sayo si Kai dahil kung tutuusin dapat sinisigawan mo na siya ngayon pero ang nangyare ay parang wala lang sayo. Sinundan ka ng tingin ni Kris at pansin na pansin sa mukha mo na malungkot ka at parang namatayan. 

 

---------------------------------------------

"Welcome back Ms. Choi Suji. I hope you're better now." Bati sayo nung teacher kaya napatingin ka lang at nag-fake smile tapos yumuko ka ulit. 

Nag-simula na ang klase at pinipilit mo ang sarili mo na mag-focus pero palagi pa rin si Chanyeol ang nasa isip mo. Maya-maya ay nagbreak time na. Pumunta ka sa locker mo at pagkabukas mo nun, picture niyo agad ni Chanyeol ang nakit niyo. Tinignan mo ito at napa-smile ka pero nasapawan ulit ng lungkot. Pagkatapos mo ayusin ang mga gamit mo, ay sinara mo na ito at naalala mo bigla si Chanyeol na palagi kang ginugulat pag kasara mo. Hangin lang ang tumambad sayo. Naglakad ka na papunta sa cafeteria at bumili ka ng pagkain mo. Umupo ka mag-isa sa table at tinitigan mo lang yung pagkain mo. 

*Sana andito ka ngayon kasama ko....* Malungkot mong naisip. 

Hinawakan mo ang tinidor pero ginalaw-galaw mo lang yung pagkain mo dahil wala kang gana kumain. May isang grupo ng mga babae na dumaan sa table mo tapos natapon ng isang babae ang juice niya sa table mo pero dahil alert ka, ay naka-iwas ka bigla at napatayo. Nanlaki ang mga mata mo at tinignan mo yung may-ari ng juice. 

"Oh, I'm sorry..." Maarte na pag-sosorry nung babae. Dahil matalino ka, alam mong peke ang sorry na yun dahil patawa-tawa pa siya pati ang mga kasama niya. 

Kumunot ang noo mo at nag-fist ang kamay mo. Tinignan mo ng mabuti ang babae na mukhang leader nila at napansin mong ka-batch mo lang ito pero taga-ibang section.

"C'mon girls...." Sabi ng nakatapon at umalis na sila. 

Alam mong sinadya nila ang nangyare. Napaisip ka bigla kung bakit naman nila gagawin yun. Mukhang nasa bagong trouble ka. Ano na naman kayang gulo ang napasok mo at sino ba sila? Dahil natapunan ng juice ang pagkain mo, ay hindi mo na ito balak galawin kaya umalis ka na sa cafeteria at bumalik ka na sa classroom niyo. 

Umupo ka sa upuan mo at nilabas mo ang physics book mo dahil sinabihan ka ng teacher mo na humabol sa mga lessons. Sinimulan mo na magbasa habang may oras ka pa. Maya-maya ay unti-unting dumadami ang mga tao sa classroom niyo dahil malapit na magbell. Habang nagbabasa ka, may dumaan sa harap mo at nagbagsak ng sandwich na naka-balot pa sa plastik sa lamesa mo. Tumingin ka sa taas at nakita mong si Kris ito. Tinignan mo ang sandwich tapos kinuha mo at inabot sakanya.

"Kainin mo yan." Like a boss niyang sinabi habang nakatayo sa harap mo. 

Ikaw naman ay walang reaction na pinapakita. Dahil sa ayaw mong makipagtalo sakanya, tumayo ka at naglakad papunta sa basurahan at itinapon mo ang hawak mong sandwich. Tinignan ka lang ni Kris ng diretso at tila'y nabadtrip sa ginawa mo. Bumalik ka sa upuan mo at nagbasa ka na ulit. 

Napa-sigh nalang si Kris bumalik na rin sa upuan niya. 

*Anong problema ng babaeng ito....* tanong niya sa isip niya habang tinitignan ka.

-----------------------------------------------------

Last subject niyo na at free time dahil absent ang teacher niyo. Maingay sa classroom niyo, maraming nagdadaldalan, naghahabulan, at naghihiyawan na lalaki. Ganito palagi pag free time. Sina Kris at Kai naman at nakasandal sa pader at may mga babaeng kausap at nagtatawanan. Ikaw naman ay naka-upo ka lang sa upuan mo habang may nakabukas na libro. Napatingin ka kila Kris at saktong nakita mong nakatingin siya sayo. Inirapan mo lang siya at bumalik ka na sa pagbabasa. Palakas ng palakas ang ingay at hindi ka na makapag-concentrate. 

Naisipan mong pumunta sa library. Tumayo ka at kinuha ang librong binabasa mo at naglakad papalabas ng classroom. Napatingin kaagad sayo si Kris at nakita ka niyang lumabas ng classroom. 

Pumasok ka sa library at napansin mong ikaw lang ang estudyante. 

"Goodafternoon po." Bati mo sa librarian. 

"Goodafternoon din Ms. Choi, wala ka na bang klase?" Tanong nung librarian.

"Uhmm... absent po kasi si Ms. Song kaya free time po namin. Maingay po sa klase at hindi po ako makapag-concentrate. Kailangan ko po kasing maghabol." Sagot mo sa libraria. 

"Ayy oo nga pala. Matagal na kitang hindi nakikita dito. Ano ba nangyare sayo?" Tanong niya ulit.

"Nagkasakit po kasi ako kaya di po ako nakapasok." Simpleng mong sagot. 

"Ahhh...mabuti naman at magaling ka na. Teka, pati si Mr. Park hindi ko na rin nakikita. Diba magboyfriend kayo?" Tanong ulit nung librarian.

Napa-smile ka bigla nung nabanggit niyang mag-boyfriend kayo. "Ay hindi po. Magbestfriend lang po kami nun. Actually, wala na po siya dito sa school kasi pumunta na po siya ng New York." Bigla kang nalungkot pero pilit mong tinatago.

"Oh talaga? Nasa new york na si Mr. Park? Big time." Napa-ngiti yung librarian. 

"So Mrs. Do, pwede na po ba akong tumuloy?" Tanong mo. 

"Ahh oo sige mag-aral ka na doon." Masaya naman niyang sagot. 

Kinuha mo na ang library pass mo tapos dumaretso ka sa reading venue at umupo ka na sa may bandang dulo sa isang long table. Pagka-upo mo doon, nagbasa at nag-aral ka na. Inaral mo na rin yung mga bagong lessons niyo sa phyisics, math, history, at sa iba pang subject. Kumpol-kumpol ang mga libro na nasa harap mo at concentrate kang nagbabasa. Mabuti nalang pansamantala mong nakalimutan si Chanyeol. Nagsulat ka ng maraming notes sa notebook mo. Dahil matalino ka, natapos mo nang aralin ang mga dapat mong habulin na lessons. Isa-isa mo nang binalik ang mga librong kinuha mo sa shelves, itinago mo na rin ang notebook mo na punong-puno ng notes at malinis na ulit yung lamesa mo. Napatingin ka sa upuan sa harap mo at inimagine mo na naman si Chanyeol na kasama mo. Napa-smile ka pero nawala ito agad. 

*Ano na kayang ginagawa mo ngayong Chanyeol oppa. Naiisip mo na ako? Palagi kasi kitang iniisip. I miss you Chanyeol oppa.... i love you...* Sa isip mo yan habang tinitignan yung bakanteng upuan sa harap mo. 

Tumingin ka sa orasan sa taas ng pader at may 20 minutes ka pang natitira bago mag-dismissal. Naisip mo na magbasa-basa muna. Umikot sa library para maghanap ng librong mababasa. Habang tumitingin-tingin ka sa mga book shelves, may pumukaw na naman sa mga tingin mo. Nakita mo ulit yung librong "Bestfriends In Love" na hindi mo man lang nasimulan. Kinuha mo ito at bumalik ka ulit sa upuan mo. 

Binuksan mo ito at binasa. Habang binabasa mo ito ay napapangiti ka. Wala nang ibang nasa isip mo kundi si Chanyeol at yung mga laman sa libro. 

~Today and always, beyond tomorrow, I need you beside me, always as my friend, lover and forever soul mate.

~You are my best friend as well as my lover, and I do not know which side of you I enjoy the most. I treasure each side, just as I have treasured our life together.

~Best friends are always best lovers.

~It's so hard to pretend to be friends with someone special, when everytime you look at that person, all you see is eveything you want to have.

~Some things are destined to be -- it just takes us a couple of tries to get there.

~Relationship are always stronger when you are best friends first, and a couple second.

~You're my best friend. You smile, I smile. You cry, I cry. What makes you happy, makes me happy. I'll love you forever, I promise.

 

Yan yung mga nabasa mo sa libro. Natutuwa ka na napapa-iyak dahil puro si Chanyeol lang ang mga naiisip mo. 

*Kelan ka ba babalik oppa.... Namimiss na talaga kita...* 

Naiyak ka na ng tuluyan kaya nagheads down ka sa libro. Sa kakaiyak mo, hindi mo namalayan na nakatulog ka na pala. Maya-maya ay nagising ka dahil umingay yung paligid mo. Napa-angat mo ang ulo at una mong nakita ang mukha ni Kai na naka-smirk at nakatingin sayo. Nakita mo rin na katabi niya lang si Kris at naka-ngiti rin sayo.

"Hi Miss!" Kinindatan ka ni Jongin. 

Nainis ka bigla kaya tumayo ka na ng galit at naglakad papalabas ng library. Marami nang tao sa hallway it means dismissal na. Bumalik ka sa classroom niyo at inayos mo na ang bag mo at sinuot ito sa balikat mo. Naglalakad ka na sa lobby ng may biglang tumawag sa pangalan mo. 

"Suji!!!" Tawag ng isang babae.

Napatigil ka sa paglalakad at nilingon mo ito sa likod. Nakita mong si Jinae ang tumawag sayo at kumakaway pa siya ng kamay sign na siya yung tumawag sayo. Tumakbo siya papunta sayo. 

"Oh Jinae bakit?" Simple mong tanong. 

"Ahhh ehh... gusto ko sana itanong sayo kung nasaan si Chanyeol oppa." Tanong niya na nahihiya pa. 

Nainis ka ng konti pero naalala mo na wala na pala si Chanyeol dito kaya okay lang. 

"Uhmm Jinae di mo pa ba alam? Akala ko sinabi na sa klase niyo." Sabi mo.

"Ha? Bakit? Ano bang nangyare kay Chanyeol oppa?" Nag-aalala niyang tanong.

"Nasa new york na siya. Hindi na siya mag-aaral dito." Simple mong sagot. 

Nalungkot bigla ang mukha ni Jinae. "Ahh ganun ba.... wala ba siyang sinabi kung kelan siya babalik?" 

Umiling-iling ka lang. 

"Ahh sige salamat Suji..." Naglakad na papaalis si Jinae. 

Ikaw naman ay naglakad na ulit papalabas ng campus. 

--------

Naglalakad ka na pauwi at malungkot ka na naman. Hindi ka sanay ng walang kahawak sa kamay at nang walang kasama. Naisip mo rin na dumaan muna sa tabing-dagat dahil ilang linggo ka na rin di nakakapunta dito. 

Pagkarating mo sa ilalim ng puno ng mangga, umupo ka lang doon at sumandal sa puno. 

*Na-miss kita kasama dito oppa.... namimiss mo rin kaya itong paraiso natin. Sana bumalik ka na para may kasama na ulit ako dito.* 

Naisipan mong mag-stay muna dito at dito mo na rin ginawa ang mga homeworks mo. Pagkatapos mo gawin, humiga ka sa buhangin. Pumikit ka at inimagine mo ulit na nakahiga ka kay Chanyeol at hawak-hawak mo ang kamay niya at nasa-pisngi mo. 

Tumayo ka na at dumampot ka ng stick sa sahig. Naglakad ka malapit sa tubig. Yumuko ka at may sinulat ka sa buhangin. 

Chanyeol and Suji = FOREVER <3 

Yan yung sinulat mo sa buhangin gamit ang stick na hawak mo. Mejjo malaki ang pagkakasulat mo. Matapos mo isulat, tumayo ka ng maayos tapos tinignan mo ito. Napa-ngiti ka. 

*Sana nakikita mo to oppa...*

Bumalik ka sa ilalim ng puno ng mangga. Kinuha mo na ang bag mo tapos sinuot mo na ito at naglakad papauwi.

 

-------------------------------------------------------------------------------

GUYS, MUKHANG MAPAPATAGAL ANG UPDATE KO SA SUSUNOD. 

KUKUNIN NA ANG LAPTOP KO DAHIL NEXTWEEK NA ANG PASUKAN.

PERO HINDI KO PAPATAYIN NG MATAGAL ANG STORYA NA ITO.

GAGAWA AKO NG PARAAN PARA MAKAPAG-UPDATE.

MAHAL NA MAHAL KO KASI KAYO. 

THANKYOU SA LAHAT. 

I PROMISE PAG NAG-UPDATE AKO MAS MAGANDA NA ANG MGA EKSENA. 

MAG-SISIMULA ANG LAHAT SA PROM. 

ABANGAN NIYO. MAY PROM PA. 

THANKYOU TALAGA NG MARAMI. 

SANA DI KAYO MAGSAWA. 

MAHAL NA MAHAL KO KAYO.

BYE!!!!!

AWWWWWOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
imaneberhil52
#1
how i wish this fic is in english tho....
Jejemy21 #2
Chapter 17: Update na po please??? Bitin po eh TT^TT please??????????????????????????????//
khenkhay #3
Chapter 17: idol.. update na please.. tgal na din ng huli mo tong ina-update
Smilers #4
ud na po kau
baebycheesecake
#5
Chapter 17: Update please :)
eunhaeforlife
#6
Chapter 17: omg kaiyak huhu
Denisse44 #7
Chapter 17: Thank you unnie sa pagsagot sa wish ko.:))
glittery_sparkles
#8
Chapter 16: Aaaaaahhhh more on Kris and Suji please!!!!
glittery_sparkles
#9
Chapter 16: Pleaaaasssse!!!!!!!!!!
glittery_sparkles
#10
Chapter 16: Updaaaaaaaaaate!!!!!!