Bullied and Sick

My Heart is Yours

2 weeks na ang nakakalipas....

"Pst!" 

"Pst!" 

"Pst!"

"Pst!"

"ANO BA???!!" Nilukot mo yung papel na pinagsusulatan mo at binato kay Kai. Tawa ng tawa si Kai.

Napatingin sainyong dalawa ang buong klase pati ang teacher mo. Masama pa rin ang tingin mo kay Kai na tawa pa rin ng tawa. May pinapakopya kasi na notes yung teacher niyo kaya tahimik. Nabulabog sila nung sumigaw ka. 

"Anything wrong Ms. Choi?" Tanong ng teacher niyo nung humarap siya sainyo.

Tumingin ka sakanya. "Eh kasi po si Kai..." 

Tumingin naman yung teacher niyo kay Kai. "Mr. Kim, nan-t-trip ka na naman ba?" 

"Huh? Hindi po ah. Siya nga po yung nangungulit sakin---"

"Yah! Ikaw kaya nangugulit diyan. Imbento ka Jongin!" Sigaw mo.

"Stop it! Pareho kayong tumigil. Kumopya na ulit kayo." Sabi nalang ng teacher niyo at humarap na ulit siya sa board para magsulat. 

Tumingin ka kay Kai at inirapan mo siya. Nag-smirk lang siya sayo. Bumalik ka na rin sa pagsusulat. 

-------

Lunch break nag-tungo ka muna sa locker mo para ilagay ang iba mong mga gamit. Inaayos mo ang libro mo sa loob. Sa may bandang tuktok ng locker mo ay tinignan mo ang picture niyo ni Chanyeol. Picture niyo iyon sa tabing-dagat nung 9 years old ka palang at siya ay 10. Pagkatapos mo ayusin ang mga gamit mo, pagkasara mo ng pinto ay biglang lumitaw si Chanyeol sa tabi mo na naka-sandal sa ibang lockers.

"AJDBAHBADKDVSDJ!!!" Nagulat ka sakanya. 

Natawa siya sayo. "Nagulat ka sa ka-gwapuhan ko no?" Biro niya sayo. 

"Oppa naman eh. Ginulat mo ko." Hampas mo ng mahina sa braso niya. 

Nagsimula na kayong maglakad. "Sorry naman. Ecxited lang ako makita ka." 

Napa-blink ka sa sinabi niya. "Sus. Palagi mo naman ako nakikita eh. Tara na oppa nagugutom na ako." 

"Tara" Hinawakan niya ang kamay mo at napatingin ka na naman sa kamay niyo. 

 

Sa cafeteria...

Sabay kayong dalawa kumain ni Chanyeol. Masaya kayong kumakain. Nagtatawanan kayo at sinusubuan ka pa niya ng pagkain niya at sinusubuan mo rin siya. 

Meanwhile, hindi mo alam na merong nanonood sainyong dalawa. Si Kris. Mejjo malayo ang table niyo ni Chanyeol sakanilang dalawa ni Kai. Hindi pinapansin ni Kris ang pagkain niya sa table niya. Inusog niya lang ito tapos pinatong niya ang dalawa niyang legs sa table. Like a boss. Pinapanood pa rin niya kayong dalawa habang sinasalu-salo ang apple sa kanyang kamay.

"Wow legsss....." Sabi ni Kai nang may dumaan sa harap niyang makinis na babae. "Grabe naman talaga dito sa school na to nagkalat ang mga dyosa..." 

Napansin ni Kai na hindi siya pinapansin ni Kris. "Huy! Okay lang ba dyan?" 

"Sigurado ka bang bestfriend lang ni Suji yung lalaki na yun?" Tanong ni Kris nang hindi pa rin inaalis ang mata sainyo. 

Tinignan ni Kai ang tinitignan ni Kris. Nakita niya kayong sinusubuan ka ni Chanyeol tapos pinunasan ng tissue ang bibig mo. Nag-smirk si Kai kay Kris.

"Alam mo... may napapansin ako sayo." Sabi ni Kai.

"Ano naman?" Tumingin saglit si Kris kay Kai.

"Gusto mo ba si Suji? Napapansin ko kasi sayo na parati kang nakatingin sakanya. Naiinis ka sa kaisa-isa niyang bestfriend. Marami kang tanong tungkol sakanya. Pag magkasama tayo siya lagi ang binabanggit mo sakin. Inuutusan mo pa ko sa parati siyang asarin kasi gustong-gusto mo na naiinis siya. Gusto mo siya no?" 

"Tumigil ka nga diyan!" Binato ni Kris ang apple niya kay Kai at tumama lang ito sa dibdib niya. Umayos na rin siya ng upo.

"Sabi ko na nga ba eh." Asar ni Kai. 

Hinila ni Kris ang food tray papunta sa harap niya para simulan kumain pero hindi pa rin niya maiwasan ang tumingin sainyong dalawa ni Chanyeol. Umiling-iling na siya at sinimulan na niyang kumain. Tinignan niya si Kai at sa isang iglap lang may kahalikan na itong babae. Nakikipag-frech kiss siya dito habang naka-kandong ang babae sakanya. Hindi na nagulat si Kris dahil sanay siya dito. 

---------

Last subject niyo na at isang oras nalang ay uwian niyo na. Naiihi ka na at nagpa-alam ka sa teacher niyo nag magbabanyo ka. Pumunta ka sa cr, pumasok sa cubicle at umihi. Walang tao sa cr kundi ikaw lang. Habang umiihi ka, may narinig kang nagtatawanan ng mahina sa labas. Ang ikinagulat mo ay boses ito ng mga lalaki.

"Yah! Pambabae itong cr na ito." Sigaw mo habang naka-upo ka doon. 

Walang sumagot pero mahinang tawanan pa rin ang naririnig mo mula sa labas. Tumayo ka at inayos na ang skirt mo. Naisip mo na baka may mangtrip na naman sayo. Inalis mo yung lock ng cubicle pero ayaw mabukas. Pinilit mo talagang buksan pero ayaw mo pa rin. Ayun, may nagt-trip na naman sayo. Naririnig mo pa rin ang mga mahihinang tawanan.

"Hoy buksan niyo!!!!!!!" Pinaghahampas mo na naman yung pintuan ng cubicle. 

Hindi mo alam kung ano ginawa nila para ma-lock ang cubicle dorm na ginamit mo. 

"Hoyyyyy!! Sinabi nang--------"

Biglang may nangbuhos sayo ng maraming-maraming tubig mula sa taas. Basang-basa ka na talaga as in. 

Nagulat ka. "AHHHH!!!! Ano bang problema niyo!!! Buksan niyo itong pinto!!" Pinaghahampas mo pa lalo yung pinto. 

Naramdaman mong tumakbo na sila papalabas ng cr kaya naiwan ka na naman doon. Mga 30 minutes na ang lumipas at nandun ka pa rin sa loob ng cubicle. Basang-basa ka pa rin at nilalamig ka na. Pilit mo pa ring tinutulak yung pintuan pero ayaw pa din. Nangangatog ka na sa lamig at nawawalan ka na ng lakas. Umupo ka nalang sa sahig ng nakasandal sa pintuan tapos nakayakap ka sa mga tuhod mo. 

Maya-maya ay nagbell na. It means uwian na. Ilang minuto na ang lumipas at nagtataka ka dahil walang pumapasok sa loob. Tumayo ka at pinilit mo ulit buksan yung pinto pero ayaw pa rin. Naiiyak ka na pero pinipigilan mo. Naalala mo bigla si Chanyeol. 

*Baka kanina pa ako hinahanap ni oppa....* 

Nagpapanik ka na at di mo na alam ang gagawin mo. Tumingin-tingin ka sa taas at naka-isip ka na ng paraan para makalabas. Tumayo ka sa kubeta at humawak ka sa pader na nagdidivide sa kabilang cubicle. Sumampa at dahan-dahan kang bumababa para makatapak ka sa kabilang inidoro. Nakahawak ka pa rin sa divider ng cubicle. Naka-apak ka na sa inidoro ng kabilang cubicle pero biglang dumulas ang right foot kaya nalublob ito sa bowl. Bumitaw ka na sa divider wall at dahan-dahan kang bumaba sa inidoro. Finally, nakabukas ang pintuan ng cubicle kaya nakalabas ka na. 

Basang-basa ka pa rin at nilalamig ka na ng todo. Mabagal kang naglalakad papalabas ng cr dahil nanginginig ka. Binuksan mo ang pintuan at lumabas ka. Pagkabukas mo ng pintuan, may nakita ka sa doorknob na nakasabit na papel nakalagay 'Out of Order'. Kaya pala walang pumapasok sa loob. 

Lumabas ka na ng cr. Dismissal time kaya maraming tao. Hinawakan mo ang magkabila mong balikat dahil nilalamig ka. Naglalakad ka papunta sa classroom. Pinagtitinginan ka ng mga tao sa paligid. Basang-basa ka at tipong may tumutulo pa sa laylayan ng skirt mo. Nandidilim na ang paningin mo. 

"SUJI!" Narinig mong tawag ni Chanyeol. 

Napatigil ka sa paglalakad at lumingon ka sa likod mo. Patakbo si Chanyeol sayo ng naka-ngiti. 

"Grabe kanina pa ko naghihi--- Teka... bakit basang-basa ka? Ano nangyare sayo?" Napansin ni Chanyeol ang damit mo na basang-basa. Hindi ka sumagot at no reaction ka lang nakatingin sakanya marahil nahihilo ka na. 

"Namumutla ka Suji... anong nanyare sayo?" Nag-aalalang tanong sayo ni Chanyeol. Chineck niya ang leeg mo at naramdaman niyang mainit ka. "Ang init mo Suji. Nilalagnat ka na. May nantrip na naman ba sayo?" Halong nag-aalala at inis na tanong ni Chanyeol. 

Nag-nod ka lang sakanya. Mapungay na ang mga mata mo dahil bumibigat ang pag-dilat mo. Nilabas ni Chanyeol ang jacket niya sa bag niya at ipinatong sa mga balikat mo. 

"Halika na, dadalhin kita sa clinic." 

"Teka... yung gamit ko...." Nanghihina mong sinabi.

"Mamaya na yun Suji. Halika na..." Inakbayan ka na niya at dinala sa clinic. 

--------------------

Sa clinic......

Nakahiga ka na sa kama at pa-pikitpikit ka doon dahil sa sakit ng ulo. Napalitan ka na rin ng damit ng nurse. P.E jogging pants tsaka shirt.

"Mataas ang lagnat niya dahil nalamigan siya ng sobra-sobra dahil sa mga basa niyang damit. Ano ba nangyare sakanya?" Tanong nung nurse. 

"Napag-tripan na naman siya. Hindi namin alam kung sino ang gumawa sakanya." Sagot ni Chanyeol.

"Mukhang hindi siya makakapasok bukas dahil nga mataas ang lagnat niya. Kailangan niya ng pahinga. Girlfriend mo ba siya?" 

Napa-iling si Chanyeol. "Ah hindi. Bestfriend niya lang ako pero nakatira kami sa iisang bahay." Sagot ni Chanyeol.

"Ahh. Osige tatawagin ko lang yung mommy niya para maka-uwi na kayo. Iwan ko lang kayo diyan."  Umalis na yung nurse. 

Nag-nod si Chanyeol sa nurse. Pagkaalis nung nurse, tumingin na sayo si Chanyeol na nasa harap mo. Lumapit siya sayo at umupo sa kama sa tabi mo. 

"Okay ka na ba?" 

Mejjo nag-smile ka at nag-nod. 

"Hindi ako sanay ng may sakit ka. Wala ka bang idea kung sino gumawa sayo neto?" Seryoso niyang tanong.

"Hindi ko alam... pero may narinig akong boses... parang si Kai...." Nahihilo mong sinabi. 

Nainis si Chanyeol. "Si Kai? Wag mo sabihing sila rin ang may gawa sayo doon sa locker sa room" Galit na galit si Chanyeol at nagpipigil.

Hinawakan mo ang kamay niya. "Wag mo na sila intindihin... hindi ko naman sigurado..." 

"Pero tignan mo nangyare sayo Suji. Paano kung mas masama ang nagyare sayo?" Galit niyang tanong.

Hinigpitan mo ang hawak sa kamay niya. "Wag ka na magalit. Di naman ako sigurado. Please oppa...." 

Nag-sigh siya. "Sige na magpahinga ka na dyan. Kukunin ko lang yung gamit mo sa classroom mo." Binitawan mo na ang kamay niya at tumayo na siya. 

Naglakad na siya papalabas sa clinic at dumaretso sa classroom niyo. Pagpasok niya dun, may mga kaunti pang student ssa loob. Kinuha niya ang bag mo sa upuan mo. Pagkatalikod niya, nakita niya si Kai tsaka si Kris na nakikipag-usap sa ibang mga babae. Sumama ang tingin niya dito. Nakasandal si Kai tsaka si Kris sa pader habang nakikipagtawanan. Lumapit siya sa harap nila. 

"Ikaw si Kai diba?" Fierce na tanong ni Chanyeol.

Napatigil ang tawanan nila at napatingin kay Chanyeol. Nag-smirk muna si Kai kay Chanyeol. Mayabang siyang lumapit dito. 

"Oo ako nga bakit?" Nakipag-face to face si Kai kay Chanyeol. 

"Hindi kita gagalawin ngayon. Pero kung ikaw man ang gumawa kay Suji ng kalokohan ngayon, sinasabi ko sayo na sana makonsensya ka dahil mataas na lagnat ang inabot niya. Hindi siya makakapasok ng ilang araw dahil sa kalokohang ginawa mo." Nag-walkout na si Chanyeol. 

Natahimik at na-guilty si Kai sa sinabi ni Chanyeol. 

"Kai, ano yung sinasabi nung lalaking yun?" Gulat na tanong ni Kris at pumaharap siya kay Kai. 

Napakagat si Kai sa labi niya at hindi siya makasagot.

"Ano bang ginawa mo kay Suji?" Inis na tanong ni Kris.

"Wag mo akong pagsalitaan na parang ako lang may gawa nun. Tandaan mo, ikaw ang nag-utos sa akin." Madiin na sagot ni Kai.

"Alam ko pero bakit nagkalagnat yun? Hindi mo ba sinunod yung sinabi ko?" Mistulang mag-aaway na sila.

"Sinunod ko. Kinulong ko siya sa cubicle at pinabuhusan ko ng tubig." Galit na sagot ni Kai.

"Ahmm sige una na kami...." Pa-excuse nung mga babaeng kasama nila at umalis na. 

"ANO?! Ang layo ng ginawa mo sa sinabi ko! Sabi ko sayo takutin mo lang siya sa cr. Hindi yung lalagyan mo siya ng sakit." Galit na galit na si Kris. 

"Alam ko! Gusto ko lang siya mapagtripan ng sobra!" Nagsisigawan na sila. 

Natakot ang ibang students na nasa loob pa ng classroom kaya umalis na rin sila.

"Hindi magandang trip yun pare!" -kris

"EH BAKIT BA INAALALA MO YANG SUJI NA YAN?" Sigaw ni Kai.

"KASI GUSTO SIYA!" Sigaw ni Kris sabay walkout.

------------------

Kinabukasan, gumising ka dahil sa liwanag ng araw. Dahan-dahan kang umupo at napa-ingit ka dahil sa masakit ang ulo mo. Tumingin ka sa paligid mo at wala si Chanyeol. Pumasok ang mama mo na may dalang soup.

"Gising ka na pala. Kumain ka na muna." Ipinatong ng mama mo yung soup bowl sa lamesa sa tabi ng kama na malapit sayo. 

"Mama, asan po si Chanyeol oppa?" 

"Pumasok siya anak. Kumain ka na diyan." Lumabas na sa kwarto ang mama mo. 

Lumapit ka dahan-dahan sa lamesa kung nasaan ang soup mo. Napatingin ka sa lamp at nakita mo may note na nakadikit doon. 

"Papasok na ako. To be honest, hindi ako sanay ng hindi ka kasama sa school.

Magpa-galing ka ha. I love you bestfriend......" 

Yan yung note. Napa-ngiti ka. 

*Nag-i love you siya... pero may bestfriend. Siguro nga hanggang bestfriend lang ang tingin niya sakin. Sayang....*

Kumain ka na at pagkatapos nun uminom ka na ng gamot mo. Nilalagnat ka pa rin pero di na kasing taas kagaya nung kagabi. Natulog ka na ulit. 

Nagising ka ulit mga magsi-6 na ng gabi. Naramdaman mong may nakayakap sayo. Unti-unti kang lumingon at nakita mong natutulog rin si Chanyeol sa tabi mo. Naka-uniform pa siya at naka-medyas. Umusog ka at humarap ka sakanya. Sa tangkad niya, dibdib niya katapat ng mukha mo. Tumingala ka sakanya. Naka-smile ka pa rin sakanya. Masakit pa rin ang ulo mo. Niyakap mo siya, sinandal mo ang mukha mo sa chest niya at pumikt ka ulit. Napadilat siya ng konti at napatingin siya sayo. Napa-smile rin siya at niyakap a rin niya tsaka natulog ulit.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

HELLO. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
imaneberhil52
#1
how i wish this fic is in english tho....
Jejemy21 #2
Chapter 17: Update na po please??? Bitin po eh TT^TT please??????????????????????????????//
khenkhay #3
Chapter 17: idol.. update na please.. tgal na din ng huli mo tong ina-update
Smilers #4
ud na po kau
baebycheesecake
#5
Chapter 17: Update please :)
eunhaeforlife
#6
Chapter 17: omg kaiyak huhu
Denisse44 #7
Chapter 17: Thank you unnie sa pagsagot sa wish ko.:))
glittery_sparkles
#8
Chapter 16: Aaaaaahhhh more on Kris and Suji please!!!!
glittery_sparkles
#9
Chapter 16: Pleaaaasssse!!!!!!!!!!
glittery_sparkles
#10
Chapter 16: Updaaaaaaaaaate!!!!!!