Jealousy

My Heart is Yours

6 months later.....

Pagkatapos nung nangyareng nagkasakit ka dahil sa kalokohan ni Kai, hindi ka na nila masyadong napapagtripan. Minsan pa nga ay binibigyan ka palagi ni Kris ng chocolates pero tinatapon mo lang iyon dahil ayaw mo talaga sakanila. Feeling mo kasi may lason yung mga binibigay niya. Never mo ring isipin na may gusto siya sayo. Mapapagtripan ka nila pero yung mababaw na trip lang. 

--------

Sa school.....

Lunch time na at lumabas ka na ng classroom niyo. Pumunta ka sa locker mo at inayos mo na ulit yung mga gamit mo. Napatingin ka ulit sa picture niyo ni Chanyeol at napangiti ka. Sinara mo na ang locker mo at naglakad ka na sa hallway papunta sa classroom ni Chanyeol. Malayo pa lang ay nakikita mo na ang classroom ni Chanyeol. Bigla kang napatigil sa paglalakad nang nakita mo si Chanyeol na masayang lumabas kasama si Jinae. Ang left arm ni Jinae ay naka-cling sa braso ni Chanyeol. Naglalakad sila papunta sa cafeteria. 

Naningas ka sa kinatatayuan mo. Halong inis, sakit, at inggit ang nararamdaman mo. Mejjo napapanganga ka dahil first time hindi ka samahan ni Chanyeol. 

*Ayaw na ba akong kasama ni Chanyeol oppa............* Nalungkot ka na naiinis. 

 

"Uy Jinae, sa susunod nalang.... hindi kasi ako nakapag-paalam sa bestfriend ko." Sabi ni Chanyeol habang hila-hila siya ni Jinae sa braso.

"Oppa. Ngayon lang please. She will be okay. Sabayan mo lang ako please...." Nagpapacute si Jinae. 

"Hindi talaga-----" 

"Sige na oppa.... tuturuan ulit kita sa ibang homeworks. Please...." Nag-pout si Jinae.

Napa-sigh si Chanyeol. No choice na siya dahil nasa harap na sila ng cafeteria. 

 

Bwisit kang pumunta sa cafeteria mag-isa. Nabwisit ka kasi yung Jinae na naman na yun ang kasama niya. Dumating ka sa cafeteria at nakita mo sa isang table sina Chanyeol at Jinae na nagtatawanan. Dumaan ka sa isle sa tabi ng table nila para makita ka talaga ni Chanyeol. Nang dumaan ka papunta sa bilihan, napatingin agad sayo si Chanyeol.

"Uyy Suj--" 

"Oppa...." sumimangot si Jinae.

Nilagpasan mo na sila at bwisit ka pa rin. Pagkatapos mo bumili ng pagkain dumaan ka ulit sakanila dala-dala ang food tray mo. Pinigilan ka bigla ni Chanyeol.

"Suji...I'm so----"

"Okay lang oppa.... enjoy!" Sabi mo lang sabay fake smile.

Naglakad ka na ulit at tinignan ka nalang ni Chanyeol. Napa-iling nalang siya at umupo na ulit.

"So oppa.... minsan punta ka sa bahay namin para turuan kita sa homework ko." Sabi ni Jinae habang nakangiti.

Problemadong nakatingin lamang si Chanyeol sa pagkain niya. Hindi niya pinapansin ang mga sinasabi ni Jinae. Ikaw lang ang iniisip niya. Alam niyang galit ka sakanya.

 

Umupo ka mag-isa sa isang table. Una tinitigan mo lang yung pagkain mo. Kung ano-ano ang iniisip mo. 

*Magsasama na nga lang iba doon pa sa babaeng yun. Wala nang duda may gusto nga siya doon sa babaeng yun. Eh paano ba naman kasi, maganda siya. Bahala siya sa buhay niya. Nagagalit rin naman siya pag naiinis ako.* 

Umiling-iling ka na at sinimulan mo na kumain. 

"Ano oppa, saang subject ka pa ba nahihirapan?" Tanong ni Jinae na nakangiti.

Walang sagot si Chanyeol at tila'y malalim pa rin ang iniisip niya.

"Oppa?" 

Napatingin bigla si Chanyeol. "Huh? Oo sige..." 

"Oppa anong oo? Nakakatawa ka talaga. Hihi. Tinatanong ko kung saang subject ka pa nahihirapan..."

"Ahhh ehh.... wala na okay na ako." Sagot niya. 

Tumingin-tingin si Chanyeol sa paligid ng cafeteria at ayun nakita ka niya sa isang table na kumakain mag-isa. Gustong-gusto ka niya puntahan pero di niya magawa kasi ayaw niyang magalit sakanya si Jinae.

"Oppa.... may hinahanap ka ba?" Tanong ulit ni Jinae.

"Huh? Wala wala....." Sagot naman ni Chanyeol.

 

 

Kain ka lang ng kain doon ng malungkot. First time mo kumain mag-isa. Maya-maya biglang may nagbagsak ng libro sa harap mo, ang kamay niya ay parehong nakapatong sa lamesa. Napatingin ka kung sino ito. Si Kris. 

"Anong problema mo?" Pagtataray mong tanong habang ngumunguya ka.

"Turuan mo naman ako sa assignment oh. Please?" Mabait na tanong ni Kris at seryosong-seryoso siya. 

Tinaasan mo lang siya ng kilay at inirapan. Bumalik ka na ulit sa pagsubo ng pagkain niya. Nag-sigh si Kris. Kinuha niya ang libro niya at dali-dali siyang tumabi sayo. 

"Please Suji.... kailangan kong matutunan to. Please kahit ngayon lang....." Pagmamakaawa ni Kris.

Nagulat ka sakanya at umusog ka bigla. "Lumayo ka nga!" Sinigawan mo siya kahit puro pagkain pa ang bibig mo.

"Please sige na Suji... kailangan ko talaga to...." Seryoso si Kris at tila'y problemadong-problemado na siya.

Umiwas ka ng tingin sakanya. "Ayoko nga.... kahit kelan di ko trip na turuan ka. Mas lalo IKAW PA!" 

Napa-roll ng eyes si Kris. "Please Suji...please please please.... sorry na sa lahat ng nagawa ko..." 

Inirapan mo lang siya at sumubo ka ulit ng pagkain. Hindi ka naniniwala sa sorry niya dahil bully siya. 

"Suji please ngayon lang.... kailangan ko to matutunan.. please... babagsak ako kapag hindi ko to napag-aralan." Pagmamakaawa niya. 

"Ayoko nga eh! Kahit kelan ayoko kita maging kaibigan!" Sigaw mo sakanya. 

"Suji please... magpapaturo lang ako. Hindi ko naman hinihingi ang friendship natin. Please Suji...." Pagmamaka-awa niya.

"Bahala ka diyan..." Mahina mong sinabi at pinagpatuloy mo yung pagkain mo. 

"Fine" Tumayo na si Kris at papaalis na siya. 

"Oy!" Tinawag mo ulit siya. 

Napatingin siya sayo. 

"Sige na tuturuan na kita." Naiinis mong sinabi.

Dali-dali siyang umupo. "Talaga? Salamat Suji!!!!" 

"PERO! Sa isang kondisyon...." 

"Ano yun?" 

"Pag katapos neto, wag mo na akong kakausapin kahit kelan." Seryoso mong sinabi.

Napa-nod na nalang si Kris kahit ayaw niya yung kondisyon niya. So ayun, sinimulan mo na siyang turuan. Turo ka lang ng turo. Maya-mayeoa napansin mo na nakatitig lang siya sayo. Salita ka ng salita pero nakatitig at tulala lang siya sayo. 

"YAH! NAKIKINIG KA BA?!" Sigaw mo sakanya..

Nag-blink yung mata niya. "Ahh oo. Sorry..." Sabay tingin ulit sa libro. 

 

 

Patingin- tingin pa rin si Chanyeol sa sayo pero this time nagulat na siya dahil nakita ka niyang katabi ni Kris at sobrang close niyo sa isa't isa. Napa-nganga siya ng konti dahil di niya ineexpect na kinakausap mo si Kris. 

".....tapos kakain tayo ng icecream diba? Oppa?" Tawag ulit sakanya ni Jinae dahil nakita niya itong may tinitignan na iba.

Hindi pa rin siya pinapansin ni Chanyeol. "Yah! Oppa!"

This time napatingin na si Chanyeol. "Ha?" Nga-ngang tanong ni Chanyeol ka Jinae.

"Okay ka lang ba? Kanina pa ata kasi may gumugulo sayo." Naiinis na ata siya. 

"Hindi wala. Sorry talaga....." Napa-iling siya.

"Anyways, kelan ka na pupunta ng bahay?" Tanong ni Jinae ng naka-ngiti.

"Uhmm kahit kelan..." Bothered na sagot ni Chanyeol.

 

"Tama na ba?" Pinatingin sayo ni Kris ang libro niya. 

Tinignan mo ang mga sagot nia.

"Mmm... may mali ka yung number 5. Check mo..." Simple mong sagot.

Sinagutan na ulit ni Kris ang mali niyang sagot. "O iyan..." 

Tinignan mo ulit. "Oo tama na. Okay na." Simple mong sabi.

"YES! Sa wakas alam ko na rin kung paano makuha yung sagot." Nakahinga na nang maluwag si Kris at abot langit ang ngiti niya.

"Oh alis na!" Pagtataray mo sakanya.

"Salamat Suji!" Kiniss niya ng mabilis ang cheeks mo sabay takbo.

Nagulat ka at nanlaki ang mata mo. "YAAKKKKK!" Pinunasan mo ang pisngi mo dahil diring-diri ka.

Di mo alam nakita ni Chanyeol ang paghalik ni Kris sa pisngi mo kaya mas lalo rin siyang nainis. 

 

-----------------------------

Uwian na. Tumayo na ang buong klase at nagsisipaglabasan na. Ikaw naman ay inaayos mo ang gamit mo sa table mo. Napatingin ka bigla sa pintuan at nakita mo si Chanyeol na nakasandal sa pader, iniintay ka. Pagkatapos mo mag-ayos, sinukbit mo na ang bag mo sa balikat mo at naglakad papalabas. Pagkalabas mo, hindi mo siya pinansin at dire-diretso ka lang kahit nadaanan mo na siya. 

"Suji....." Sinundan ka niya ng mabilis pero di mo siya pinansin.

"Suji.... pansinin mo naman ako." Sabi niya habang nasa likod mo siya hinahabol ang lakad mo. 

"Suji... galit ka ba... I'm sorry na please..." Hindi mo pa rin siya pinapansin at lakad ka pa rin ng lakad. 

Hinawakan niya ang braso at pinatigil ka. "Suji.. kausapin mo naman ako." 

Tinignan mo siya ng pilit at inis. "Ano?! Hindi ako galit okay? Gusto ko na umuwi." Tumalikod ka na ulit sakanya at naglakad na. 

Binilisan mo ang lakad mo at patuloy ka pa rin niyang hinahabol. Hindi mo pa rin siya pinapansin hanggang sa maka-abot na kayo sa kalsada.

"Suji pansinin mo na ako..." Dali-dali siyang pumunta sa harap mo at pinigilan ka sa paglalakad. 

Nakatayo lang siya sa harap mo. Hindi mo siya tinitignan at nakatingin ka lang kung saan-saan.

"Kausapin mo na ako...." Pleasing niyang sinasabi. 

Tinignan mo siya ng galit. "Sa susunod kasi sabihin mo sakin kung may kasabay kang iba para pati ako maghahanap ng kapalit mo." Straight mong sinabi.

Dumaretso ka na sa paglalakad. Hinabol ka niya ulit at pumunta sa harap mo. Napatigil ka na naman.

"I'm sorry please?" Sabi niya.

Tinignan mo lang siya at inirapan. Naglakad ka na ulit. Napa-roll ng eyes si Chanyeol at dali-dali niyang hinawakan ang left wrist mo at hinila ka ng mabilis. 

"YAH! Ano ba!" Sigaw mo. 

Nangunguna siya paglalakad ng mabilis at hila-hila ka niya ng mahigpit. 

"Chanyeol!!! Saan a tayo----" 

Hinihila ka pa rin niya ng mabili. Hindi niya pinapansin ang mga sigaw mo sakanya. Hila-hila ka pa rin niya hanggang makarating kayo sa tabing-dagat. 

"Ano ba Chanyeol gusto ko na umuwi!" Chanyeol lang tinatawag mo sakanya kapag nagagalit ka sakanya.

Tumigil kayo sa ilalim ng punong mangga. Doon ka na niya binitawan. 

Humarap siya sayo. "Oh gawin mo na lahat ng gusto mo. Saktan mo na ako, sabunutan, sampal, palu-paluin, kahit ano pa dali." Inispread niya yung arms niya. 

Tinignan mo lang siya ng masama. Lumapit ka sakanya at pinagpapalo mo yung braso niya.

"NAKAKAINIS KA PARK CHANYEOL! PINAGPAPALIT MO KO SA JINAE NA YUN! PORKET MAS MAGANDA LANG SIYA SAKIN IIWAN MO NA AKO KUNG SAAN! EPAL KA! EPAL KA! EPAL KA! HALATA SAYO NA GUSTO SIYA! NAKAKAINIS! NAKAKABWISIT! BWISIT KA PARK CHANYEOL! SUMAMA KA NA DOON SA JINAE NA YUN!" 

Sigaw mo yan sakanya habang pinagpapapalo mo yung braso niya. Di naman siya nasaktan dahil sanay na siya dito. Pagkatapos mo nun, tumayo ka lang sa harap niya, hingal na hingal,gulo-gulo ang buhok at masama ang tingin sakanya. 

"Tapos ka na?" Nakangiti niyang tanong. 

"BAKIT KA NAKANGITI DIYAN! NANG-IINIS KA BA?!" Sigaw mo sakanya. 

Ngumiti pa siya. Inayos niya ang mga buhok sa mukha mo pero bigla mong tinabig ang kamay niya.

"Wag mo nga ako hawakan." Galit mong sinabi. 

"Yakapin mo ako." Bigla niyang sinabi. Inispread niya ulit yung arms niya.

Nagulat ka. "Ano?!" Napakunot ang nood mo. 

"Yakapin mo ako." 

"Yah! Ayoko nga. Uuwi na ako!" Tumalikod ka na sakanya at nagsimulang maglakad.

"Pag di mo ko niyakap mag-oovernight ako sa bahay ni Jinae para magpaturo!" Sigaw niya sayo.

Napatigil ka bigla sa paglalakad. Ayaw mo siyang kasama ni jinae at mas ayaw mo talaga na doon siya makikitulog at hindi sa tabi mo. Humarap ka na ulit sakanya with galit face. Mabilis kang naglakad papunta sakanya at niyakap mo siya ng mahigpit. Niyakap ka rin niya ng mas mahigpit at nilagay niya ang mukha niya sa gilid ng leeg mo at inaamoy-amoy ang mabango mong buhok. 

"Sabi ko na nga ba hindi mo ko matitiis eh." Sabi niya. 

Mahigpit pa rin kayong nagyayakapan. Pero naalala mo na naman ang mukha ni Jinae kanina kaya kinagat mo bigla ang braso ni Chanyeol. 

"ARAY!" Bitaw niya sa yakap mo at napahawak siya sa kinagat mo.

"Buti nga sayo!" Pang-asar mo sakanya sabay belat.

"Ano? Ano sabi mo?" Lumapit siya sayo at bigla ka niyang kiniliti. 

"Yah wag mo nga akong kilitiin!" Sigaw mo habang pailag-ilag. 

"Masakit yung kagat mo ha. Gagantihan kita!" Kiniliti ka niya ng kiniliti.

"Oppa! Wag!" Natatawa ka na rin habang kinikiliti niya.

Ayun, naghabulan kayo sa buhangin habang nagkikilitian. 

 

 

Nakahiga ka sa legs ni Chanyeol habang siya naman ay nakasandal sa puno. 

"Close na pala kayo ni Kris..." sabi niya.

Napatingin ka bigla sakana. "Huh? hindi ah! Sino namang nag-sabi sayo?" 

"Nakita ko kayo sa cafeteria, magkasama tapos sobrang close niyo." Sagot niya.

"Uy hindi ah. Nagpupumilit siya sakin magpaturo kanina ng math eh. Napilitan naman ako." 

"So friends na kayo?" Tanong niya.

"No way never! Hindi as in! Teka.... nagseselos ka ba?" 

"Oo. Patas lang pala tayo. Ako kay Jinae tas ikaw kay Kris." Simple niyang sinabi.

"YAH! Hindi ah! Sumama ka talaga kay Jinae, sa akin nagpaturo lang si Kris. Hindi ko kaibigan yon. Never!" Galit mong sagot sakanya. 

"Wag na natin pag-usapan yun." Sabi niya sabay tingin sa malayo.

 

Nagpalipas kayo doon ng oras. Ganun pa rin pwesto niyo. 

"Oppa...." Tawag mo.

"Mmm?" Nakatingin pa rin siya sa malayo.

"Naranasan mo na ba ma-inlove?" Tanong mo sakanya ng hindi nakatingin. 

Napatingin siya bigla sayo. "U--uhhmm bakit mo naman natanong?" 

"Wala lang curious lang ako." 

"Malalaman mo yan kapag nasa tamang edad na tayo." Sagot niya. 

"Ako kasi............" sabi mo habang nag-iisip.

"Ano?" Mejjo nagulat siya.

"Ahh... wala... basta yun...." Yun nalang sagot mo. "Oppa, matutulog muna ako ha..."

"Sige." Sabay smile. 

Pumikit ka na at natulog. Tinitignan lang niya ang maganda mong mukha. Hinawakan na naman niya ang pisngi mo.

*Natatakot akong sabihin sayo Suji.... magulo ang nararamdaman ko sayo. Basta ang alam ko gusto kita.... hindi ko masabi sayo dahil bata ka pa tsaka baka bestfriend lang talaga ang tingin mo sakin....*

Sa isip yan ni Chanyeol habang hinahawakan niya ang gilid ng mukha mo. Ikaw naman ay naramdaman mo bigla ang hawak niya sa mukha mo kaya kinuha mo ang kamay niya at hinawakan mo ng mahigpit at saka natulog. Nagulat sayo si Chanyeol. Napangiti nalang rin siya at hinawakan din niya ng mahigpit ang kamay mo.

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

YOUNG LOVE <3

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
imaneberhil52
#1
how i wish this fic is in english tho....
Jejemy21 #2
Chapter 17: Update na po please??? Bitin po eh TT^TT please??????????????????????????????//
khenkhay #3
Chapter 17: idol.. update na please.. tgal na din ng huli mo tong ina-update
Smilers #4
ud na po kau
baebycheesecake
#5
Chapter 17: Update please :)
eunhaeforlife
#6
Chapter 17: omg kaiyak huhu
Denisse44 #7
Chapter 17: Thank you unnie sa pagsagot sa wish ko.:))
glittery_sparkles
#8
Chapter 16: Aaaaaahhhh more on Kris and Suji please!!!!
glittery_sparkles
#9
Chapter 16: Pleaaaasssse!!!!!!!!!!
glittery_sparkles
#10
Chapter 16: Updaaaaaaaaaate!!!!!!