Everyday Life

My Heart is Yours

"conversation"  *thoughts*

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Present time....

*ttttttttiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnngggggggggggggg* -alarm clock

Nagising ka at pinatay mo ang alarm clock sa table sa tabi ng kama mo. Mas nagising ka kasi may mahahabang braso at hita ang nakayakap sayo. Dumilat ka at tinignan mo yung orasan.

"WAAAAHHHHHHHH!!!!" Sigaw mo. Pinipilit mong tumayo pero di ka makatayo dahil may mga hita at brasong naka-dagan sayo. Kaya ginising mo siya. "CHANYEOL!!!!!! LATE NA TAYO BUMANGON KA NA DYAN!!!!!" Inalis mo ang legs niya at arms niya sa katawan mo. 

"Ano ba ang ingay mo...." Sabi ni Chanyeol na tulog at tumalikod siya sayo tapos natulog ulit. 

Ikaw naman ay nagpapanik na dahil late na kayo. "Chanyeol!!!! Gumising ka na!!! late na tayo sa school!!! ano baaaaaa!!!!!" Sinasabunutan mo yung buhok ni Chanyeol. Nainis siya kaya bumangon na rin.

"Ang kulit mo Suji!!! Ang sarap-sarap ng tulog ko eh!" Bumangon na si Chanyeol. 

"ANO BAYAN ANG AGA-AGA ANG IINGAY NIYO! MGA BWISIT!" Angal ng mama mo na natutulog sa tabi ni Chanyeol. Sa bwisit niya, tinakpan niya ng unan yung mukha niya tsaka natulog ulit.

O ayan. Ganyan kayo parati tuwing umaga. Tabi-tabi kayo matulog palagi. Ikaw, tapos sa gitna si Chanyeol tapos sa gilid din yung mama mo. Ang bahay niyo ay mejjo maliit lang. May sala, kusina tapos isang kwarto pero may malaking kama kaya tabi-tabi kayo matulog. 

Iyan ikaw. Ang pangalan mo ay si Suji. 15 years old ka na. Kasama mo sa bahay mo ay si Chanyeol tsaka yung mama mo. Ang tatay mo ay may iba nang pamilya kaya wala ka nang paki dun. Lumaki ka kasama silang tatlo. Palagi kayong masaya. Hindi kayo ganun kayaman pero okay lang. Meron kayong negosyo. Laundry shop. Ang mama mo ang nagpapatakbo doon. Katabi lang ng bahay niyo yung laundry shop nun. Kapag wala kayong pasok ni Chanyeol, minsan kayo nagbabantay doon. Simpleng babae ka lang na simple rin mamuhay.

Ayan si Park Chanyeol. Ang BESTFRIEND mo. Parang magkapatid na rin kayo kasi nga sabay kayong lumaki sa iisang bubong. 16 years old na siya. Mas matanda siya sayo ng isang taon. BLACK ang buhok niya ha. Hindi blonde. Sobrang tangkad na parang kapre pero gwapo naman. Pero sabay lang kayo nagsimula mag-aral kaya pareho kayo ng year level. Yun nga lang magka-iba kayo ng section. Palagi siya ang kasama mo. Ang mama niya ay wala na tapos yung dad niya nag-ibang bansa pero nagpapadala naman ng pera sainyo. Sobrang bait niyan. Bata palang siya, tinuruan na siya ng mama mo na magkaroon ng respeto sa babae. Kaya kahit magkatabi kayo matulog, hindi ka niya binabastos. Gentleman din siya tsaka matulungin. Oppa mo siya.

 

Back to the story.....

Naglalakad na kayo papunta sa bus stop. Tumayo muna kayo doon tsaka nag-intay ng bus. Bangag pa rin ang itsura ni Chanyeol na tila'y nananaginip pa. Tinignan mo siya at binatukan.

"Hoy! Umayos ka nga! Malelate na tayo oh..." Kaylangan mo pang tumalon para mabatukan siya. Ang tangkad niya kase. Halos nasa dibdib ka lang niya.

"Makabatok ka wags ha!" Binatukan ka rin niya. 

"Aray!!!" Pinagpapalo mo yung braso niya.

"Hoy tumigil ka nga!! Para kang bata!!" Inaawat ka niya. Mistulang naghaharutan kayo sa bus stop. 

Biglang may tumigil na bus sa harap niyo. Patuloy mo pa rin siyang hinahampas na parang bata.

"Oy tumigil ka na nga!! Halika na!!!" Hinawakan ni Chanyeol ang batok mo at naglakad na kayo habang hawak niya yun. 

Nauna kang sumakay ng bus at nasa likod mo siya. Boom! Puno ang bus kaya kailangan niyong tumayo. Tumayo ka na doon at humawak ka sa isang pole. Nasa harap mo si Chanyeol. Umandar na yung bus. Maya-maya, nagsakay ulit yung bus ng pasahero kahit puno na. Limang tao pa ata sumakay. Nainis ka na kasi siksikan na kayo overload. 

"Anobayan! Siksikan na..." Angit mo. 

"Uy tumabi ka may dadaan oh..." Hinila ka ni Chanyeol papalapit sakanya. 

Sobrang lapit niyo na ni Chanyeol sa isa't isa. Yung mukha mo halos dumikit na sa dibdib niya. Hindi ka naiilang dahil sanay ka na sa ganito. Tumingala ka sa mukha ni Chanyeol at nakita mong nakatingin din siya sayo. 

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" Angal mo na parang bata.

Nag-smile muna siya sayo. "Mas pangit ka pa sa umaga" Asar niya sayo.

"Ewan ko sayo!" Tumalikod ka sakanya pero biglang pumreno yung bus at muntikan ka nang matumba. Buti nalang nahawakan niya yung magkabila mong bewang. 

"Ayan! Pasaway ka kasi eh." Sabi niya at narinig mo. Umirap ka nalang. "Dito ka na humarap baka may mang-bastos pa sayo diyan sige ka." 

Hindi ka na umangal at humarap ka na sakanya. Naka-hawak kasi si Chanyeol sa mga handrails for support. Tumingin ka nalang sakanya at inirapan mo siya. Nakita mong napangiti siya sayo. 

Maya-maya ay nakarating na kayo sa entrance ng school. Naka-hinga ka ng maluwag dahil nagkalat pa ang mga istudyante sa campus. Meaning hindi pa nagsisimula ang klase. Tumungo kayo ni Chanyeol sa cafeteria para bumili ng early snacks. Pagkatapos niyo bumili, ay dumaretso kayo sa lobby para antayin na magbell. Pagkarating niyo sa lobby, nagtitilian ang mga babaeng studyante na parang kinikilig. 

"Ahhhhhhhh!!!! andyan na sila!!!!!" -student 1

"Omayyygaddd!!! ang gwapo niya!!!!" -student 2

"Shet yung ko nawawala ahhhhhh!!!!!!" -student 3

Nakatayo lamang kayo ni Chanyeol sa isang gilid at inaabangan niyo yung papasok. Kilala niyo na kasi kung sino yung dadating. Sino pa ba? Edi si KRIS WU at si KIM JONGIN. Sila lang naman ang tinitilian dito sa campus niyo. Eto na, naglalakad na sila papasok sa lobby kaya mas dumami yung nagsisigawan.

Puro sigawan araw-araw dito sa campus dahil sakanila. Napaka-gwapo ang hot nga naman kasi silang dalawa. Madaming nagwawala na babae dito. Kung minsan, may hinihimatay pa kapag kinindatan ni Jongin. Si Kris naman ay tahimik lang maglakad na mas nagpapa-hot sakanya. Si Kim Jongin kasi panay smirk at kindat sa mga magagandang babeng nag-aabang sakanya kaya maraming nasusugod na babae sa ospital. Kahit napaka-gwapo nila, para sayo sila pa rin ang pinaka-DAKILANG BULLY dito sa campus. 

Pangiwi-ngiwi ka lang sa kanila kapag nakikita mong dumarating sila. Si Chanyeol naman no reaction.

"Kahit kelan hindi ko nagustuhan yang dalawang yan. Ni friends ayoko." Sabi mo kay Chanyeol without looking. Tinitignan niyo lang kasi yung mga nagawawala sa paliigid. 

"Bakit naman? Gwapo naman sila. Ikaw nalang ata yung babaeng walang gusto sakanila." Sabi rin ni Chanyeol.

"Tsss. In their faces! Kahit kelan hindi ako magkakagusto sa gwapo mas lalo na kung masama yung ugali. Kagaya nilang dalawa." Sabi mo rin.

"Talaga? Wag ka na mag-assume kasi walang magkakagusto sayo. HAHAHA." Asar ni Chanyeol.

"ANO?!" Napatingin ka agad sakanya.

"Wala. Sabi ko ang ganda mo." Lapit mukhang sabi sayo ni Chanyeol. 

Nilayo mo yung mukha niya sayo. Bumalik ulit kayo ng tingin sa tiliian. "Minalas pa ako naging kaklase ko yang dalawang yan. Napag-gitnaan pa ako." Inis mong sinabi. 

Tumingin sayo si Chanyeol. "Bakit, ginugulo ka ba nila?" Mejjo pag-aalala na tanong niya.

"Kung akala mo lang. Dati nga yung bubble na gum na kinakain ni Kai ay nilagay niya sa upuan ko. Kaya nung umupo ako, ayun. Hindi na naalis yung bubble gum sa skirt ko. Tawa sila ng tawa. Errr!!! ayoko na nga isipin yun." Inis ka pa rin. 

"Sayang di mo ko kaklase. Kung kaklase lang kita, hindi ako papayag na ganunin ka." Nakatingin pa rin si Chanyeol.

"Oo nga eh. Sayang.." Hinawakan mo bigla yung kamay niya. Biglang may naramdamang kuryente si Chanyeol sa katawan niya kaya nagulat siya sa pagkakahawak mo. Parang may iba daw sa hawak mo. Sanay na kasi kayo sa skinship niyo pero bakit bigla siyang nakuryente ngayon. Mejjo nanlaki ang mata niya. Buti nalang di mo nakita. 

Maya-maya nagbell na. 

"Ayan bell na." Sabi mo at binitawan mo na yung kamay ni Chanyeol. Humarap ka na sakanya. "Osige na Chanyeol oppa. Magsisimula na yung klase. Magkita nalang tayo sa labas ng classroom mamaya tapos sabay tayong kumain. Bye!" Nagtiptoe ka na at kiniss mo yung cheeks niya. 

"Osige. Sunduin nalang kita ha." Sabi niya. Tapos nag-nod ka. 

"Bye!" Sabi mo at nag-wave na rin siya ng hand niya at pumunta na sa classroom niya. Magka-iba kasi kayo ng way.

Ganun kayo palagi ni Chanyeol sa school. Pabeso-beso kapag magsisimula na ang klase. Wala nang ilangan dahil sanay na kayo. Sanay na kayo sa mga skinships niyo. Minsan nga magpapabunot ka pa ng buhok sa kili-kili sakanya. Tabi pa nga kayo matulog palagi kaya hindi na kayo naiilang sa isa't isa. Para kayong mag-kuya pero mag-bestfriends talaga kayo.

 

Naglakad ka na papunta sa classroom mo. Pumasok ka si pintuan at bigla kang napatid. Nadapa ka sa harap ng pintuan niyo kaya't nagtawanan lahat ng classmates niyo. Tumingin ka sa taong nagpatid sayo at wala nang iba kundi si KIM JONGIN. Agad kang tumayo at inirapan mo siya. Patuloy pa rin ang tawanan. Actually, hindi ka na nahihiya dahil sanay ka na. Ikaw ang number one na binubully ng dalawang iyon. Hindi mo lang sinasabi kay Chanyeol oppa mo kasi alam mong palagi yun mag-aalala sayo at baka hindi pa makapag-concentrate yun sa klase. Alagang-alaga ka kasi nun. Dumaretso ka na sa upuan mo. Katabi mo si Kris at nakita mong mejjo natatawa-tawa pa siya sayo kanina. Inayos mo na yung bag mo tsaka umupo ka sa upuan. Nasa third row kayo nakaupo. Sa left side mo si Kris at sa right mo naman si Kai. Hindi ka na naka-alis sa impyerno dahil permanent seat mo na yun sa buong school year. 

"Yellow huh?" Narinig mong bulong ni Kai. 

Bigla kang nagulat dahil nakita niya yung mo nung nadapa ka. 

*WHAT THE ! NAKITA NIYA YUNG KO! aajsbasdhasdbvasjkbsacsbcjlcdc nakakahiya kill me now.*

"Bakit, inggit ka no?" Pag-taray mo kay Kai. 

"Wag ka na mainis babe kasi ang kinis naman." Parang manyak niyang pagkakasabi.

*Punyeta manyakis talaga to... Rrrrrhhhhhhggggggggggg* 

Naiinis ka na sakanya. "Manyak!" Sigaw mo nalang sakanya at umiwas ka na ng tingin. 

Tawa lang ng tawa si Kai. Ikaw naman ay umupo ka lang ng diretso habang inaantay mo yung teacher niyo na dumating. Napatingin ka kay Kris at nakita mong naka-smirk ito sayo. Kinunot mo ang noo mo at inirapan mo lang siya. Mga ilang minutes na rin ang nakalipas at feeling mo tunaw na tunaw ka na sa upuan mo. Tumingin ka ulit kay Kris at nakita mong nakatitig pa rin ito sayo. 

"ANO BA?!" Sigaw mo sakanya kaya halos lahat ng kaklase mo ay napatingin sainyo. 

"Chill babe. Nag-iimagine lang si Kris ng niyo." Narinig asar ni Kai.

"Tumahimik ka nga diyan!" Sigaw mo kay Kai. Pareho na lamang silang natawa ni Kris. Sa inis mo tinakpan mo nalang yung tenga mo. 

Palagi ganyan ang scene niyong tatlo sa classroom. Ayaw mo kasi ng tinititigan ka. Hindi silang nagsasawang asarin ka. Paano ba naman kasi ang taray mo. Ikaw lang ata yung babaeng ang naglalakas-loob na tarayan sila. Alam mo naman yung mga boys, mahilig sa mga babaeng matataray kaya mas lalo pa nilang inaasar. 

 

-----------------------------------------

3:30 ng hapon. 

Tapos na ang klase at naglalakad na kayo pauwi ni Chanyeol. Mejjo maaraw pa pero ayos naman kasi malamig yung hangin. 

"Kamusta naman yung klase mo?" Tanong ni Chanyeol.

Bigla mo namang naalala yung scene kaninang umaga. Ayaw mo itong sabihin kay Chanyeol. "Ahmm...okay naman. Ikaw?" 

"Okay lang din. Mejjo naiistress lang ako sa biology." Sagot niya.

"Madali lang yun. Hayaan mo pag-uwi natin tuturuan kita." Sabi mo sakanya sabay smile.

"Iba talaga kapag top 1. Lahat sakanya madali." 

"Uy ano ka ba. Syempre nahihirapan rin ako. Kaya dapat pinagsisikapan mo yun." Sagot mo sa sinabi niya.  Top 1 ka kasi talaga sa klase mo.

Pareho na lamang kayong nangiti sa sinabi mo. Hinawakan mo na yung kamay ni Chanyeol dahil tatawin kayo. Pagkatapos niyo tumawid, bibitaw ka na sana pero naramdaman mong mas hinigpitan niya ung hawak sayo kaya hindi ka na rin bumitaw. 

"Chanyeol oppa, ayoko pa umuwi..." Sabi mo. 

Kumunot ang noo niya at napatingin sayo. "Saan mo naman gusto pumunta? Baka hanapin na tayo ni mama." Tanong niya. Mama na rin ang tawag niya sa nanay mo. 

"Uhmmm... punta tayo sa favorite place natin." Sabi mo. 

"Osige. Pero sandali lang ha. May homeworks pa kasi ako." 

"Tuturuan nalang kita dun. Gusto ko lang kasi magrelax dun eh." Ngiti mo sakanya.

"Sige tara...." 

Hawak-kamay kayong naglakad papunta sa favorite place niyo. Holding hands kayo tapos may pa-sway-sway pa. Hahaha.

Nakarating na kayo sa favorite place niyo. Wala nang iba kundi yung dagat. Dito kayo palagi tumatambay simula nung bata lamang kayo. Naglalakad-lakad na kayo sa tabing-dagat at hindi pa rin mapaghiwalay ang kamay niyo. Walang ilangan kasi sanay na kayo sa hawakan. Hindi hawkan ng kabastusan ha. 

"Natatandaan ko pa noon, tuwang-tuwa ka kapag nakakakita ka ng strafish dito." Kwento ni Chanyeol.

"Oo nga eh. Di ko alam at amaze na amaze ako noon sa starfish." Ngiti mo. Nagkekwentuhan pa rin kayo ni Chanyeol habang naglalakad-lakad. Tapos hawak-kamay pa.

Tumigil kayo sa ilalim ng punong ng mangga. Umupo si Chanyeol tapos humiga ka sa mga hita niya. Palagi ganito ang ginagawa niyo tuwing pagkatapos ng klase. Nanatili kayong tahimik. Nakatingin si Chanyeol sa dagat tapos ikaw naman ay nakatingin sa mga dahon ng puno sa taas. 

"Chanyeol oppa, pwede ba akong matulog?" Tanong mo. Tumingin siya sayo.

"Nagpaalam ka pa eh palagi ka namang natutulog saakin." Sagot niya. Natawa ka nalang sakanya. 

Maya-maya ay di mo namalayang tulog ka na pala sa hita niya. Napaka-ganda ng oras tuwing magkasama kayo rito. Napaka-hangin kaya may windy effect sayo kapag tulog ka. Walang ibang ginagawa si Chanyeol kundi titigan ang mukha mo kapag tulog. Hinawi niya ang mga buhok nanakakalat sa mukha mo. Nakita niya ang peaceful face mo kapag tulog. Hinawakan din niya ang mukha mo. Simula sa noo, sa temples, sa pisngi, tapos sa jawline. Lumiliwanag ang buhay ni Chanyeol kapag ginagawa niya ito.

*Sa araw-araw na parati tayong magkasama, feeling ko ayoko nang mawala ka sa tabi ko....*

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ayan na update. :)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
imaneberhil52
#1
how i wish this fic is in english tho....
Jejemy21 #2
Chapter 17: Update na po please??? Bitin po eh TT^TT please??????????????????????????????//
khenkhay #3
Chapter 17: idol.. update na please.. tgal na din ng huli mo tong ina-update
Smilers #4
ud na po kau
baebycheesecake
#5
Chapter 17: Update please :)
eunhaeforlife
#6
Chapter 17: omg kaiyak huhu
Denisse44 #7
Chapter 17: Thank you unnie sa pagsagot sa wish ko.:))
glittery_sparkles
#8
Chapter 16: Aaaaaahhhh more on Kris and Suji please!!!!
glittery_sparkles
#9
Chapter 16: Pleaaaasssse!!!!!!!!!!
glittery_sparkles
#10
Chapter 16: Updaaaaaaaaaate!!!!!!