Hatred

My Heart is Yours

Dali-dali kang pumasok ng classroom niyo at lahat ng tao ay nakatingin sayo. Nilapitan mo sina Kris at Kai na nagtatawanan. 

"HOY! ANG KAPAL NG MUKHA MONG I-POST YUNG MGA LITRATO NA IYON!" Sigaw mo sakanila. 

Napatigil sila sa tawanan at tumingin sayo. Nag-smirk si Kai tsaka si Kris. Nilapitan ka naman ni Kris habang nasa bulsa niya ang dalawa niyang kamay. Masama ang tingin mo sakanya. 

"Miss, anong problema mo?" Pa-asar niyang tanong. 

"WAG KA NGA MANG-ASAR DIYAN! BAKIT MO BA KASI DINIKIT YUNG MGA PICTURES NA YUN?!!!" Nag-fist ang kamay mo. 

"Bakit naman? Ayaw mo ba ipa-alam sakanila na tayo na?" Nag-smirk siya sabay taas-baba ng kilay. 

"ANG KAPAL NG MUKHA---" 

"Tsaka, di mo ba natatandaan na ikaw ang unang humalik sakin?" Smirk pa niya. 

Halos magdidikit na ang kilay mo sa galit. "HOYYY!!! KAHIT KELAN DI AKO ANG UNANG---" 

"Nakita mo naman sa mga pictures diba? Ikaw ang unang humalik sakin." Putol niya ulit sayo. 

"OO NA!!!!! PERO DI KO SINABI SAYO NA IPOPOST MO IN PUBLIC YUNG MGA PICTURES NA YON!!!" 

"LQ AGAD?!" Paasar at malakas na tanong ni Kai na nasa likod ni Kris. 

"SHUT UP!" Turo mo ng daliri sakanya tapos binalik ulit ang tingin mo kay Kris. 

"Tumigil ka na nga diyan! Una, hindi ko ginusto yung mga naka-dikit doon. At huli, hindi ako ang nag-dikit nun." Inirapan ka ni Kris tapos naglakad na papunta sa upuan niya. 

"Arrrrrggggggggggghhhhhhhhhhhhhhh!!!!!" Ginulo-gulo mo ang buhok mo sa inis. Binalibag mo yung bag mo sa upuan mo atsaka mo sinalpak ang sarili mo papaupo.

Lahat ng classmates niyo ay nanonood na naman sa morning scene niyo. Nakikita mo na pinagbubulungan ka nila. Mas lalo na yung mga babaeng may gusto kay Kris. Para ka nilang papatayin sa galit. 

"Magaling ka pala humalik ha...." Malanding bulong ni Kai sa tenga mo mula sa likod. 

Nakiliti ka kaya napaiwas ka. "EHHH ANO BAAAA!!!!! MANYAK KA!!!" Inirapan mo siya. 

Tumawa nalang siya at umupo na rin sa upuan niya. 

 

 

P.E Class niyo na. Lahat kayo ay nasa basketball court. Pero ang nilalaro niyo ay volleyball. Halos kalahati ng klase niyo ay naglalaro nun pwera sayo tsaka yung iba na may ayaw rin. Sina Kai at Kris ay nakikipagtawanan na naman sa mga magaganda mong kaklase, nakaupo sila sa kabilang bleachers sa other side ng court. Ikaw naman ay umupo nalang din sa bleachers pero hindi sa side nila. Nagbasa ka nalang nung librong 'Bestfriends In Love'. Habang nagbabasa ka, biglang may sumigaw ng pangalan mo. 

"SUJIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII!!!!!!!!!!!" 

Tumingin ka dito at biglang sumalpak sa mukha mo ang bola ng volleyball. Sobrang lakas ng tama sa mukha mo. Nabitawan mo ang librong binabasa mo. Napahawak ka sa ilong mo na tilay parang matatanggal na. Habang hawak mo ang ilong mo, tinignan mo ulit yung mga tao sa court. Pinagtatawanan ka nila na parang gustong-gusto nila ang nangyari sayo. Nakita mong tinitignan ka rin ni Kai pati ni Kris. Humahagalpak din sila ng tawa. Syempre nainis ka. Tinanggal mo ang pagkakahawak mo sa ilong mo. Nanlaki ang mga mata mo dahil puro dugo ang kamay mo. Naramdaman mong may umaagos sa ilong mo. Hinawakan mo ulit yung butas ng mga ilong mo tapos tinignan mo ulit yung kamay mo. Dinudugo ka nga. Tumayo ka at naglakad ng mabilis papunta sa cr ng court. Binuksan mo yung gripo at yumuko ka. Hinugasan mo yung ilong mo. Kinapa mo yung bulsa mo at wala ka palang dalang panyo. Matapos mo hugasan, pinunasan mo nalang yung ilong mo gamit yung likod ng kamay mo. Pero di mo alam na may dugo pa ring umaagos. 

Nagulat ka bigla nang may panyong nagpunas sa ilong mo galing sa likod. Lumingon ka at nanlaki ang mga mata mo. 

"Ayan kasi, di alerto eh. Na-spike ka tuloy sa mukha." Sabi niya habang pinupunasan ang ilong mo. 

"Ano ba Kris, lumayo ka nga..." Inaalis mo ang kamay niya sa mukha mo. 

"Wag ka malikot. Tinutulungan na nga kita eh." Hinawakan niya yung baba mo tapos nag-focus siyang punasan ang mga natitirang dugo sa ilong mo. 

"Ang kulit mo.. di ko kailangan ng tulong mo." Tinatabig mo pa rin yung mga kamay niya pero malakas siya kaya di ka niya pinapansin. 

"Ikaw ang makulit...." Hindi niya pinapansin ang kaartehan mo. Napatigil ka nalang at hinayaan mo nang gawin niya ang gusto niya. 

Napatingin ka sa mga mata niya at kita mo dito na may pagkamabait rin pala sa taong ito. Napatingin ka rin sa mga labi niya at naalala mo naman bigla yung kissing moments mo. 

"Umalis ka na nga! Bakit mo ba ako sinusandan?!" Tinulak mo siya kaya napa-atras siya sayo. Nagulat siya sa ginawa mo.

"Alam mo ako na nga tong tumutulong sayo, ikaw pa galit!" Binato niya yung panyo niya sa dibdib mo sabay walk-out sa cr. 

Napa-sigh ka sa pag-alis niya at nakaramdam ka bigla ng guilt. 

*Hayy Suji.... ang sama-sama mo na talaga.... watever... masama rin siya....* sabi mo yan sa utak mo. 

 

-------------

"Mama, andito na ako..." Sabi mo yan nang nakauwi ka na sa bahay niyo. Nilapag mo yung bag mo sa couch niyo tapos hinubad mo yung sapatos mo. 

Inaantay mong lumabas ang mama mo galing kwarto pero di naman ito lumabas. Pumasok ka sa kwarto niyo at nakita mo yung mama mo na naka-upo sa gilid ng kama tapos umiiyak. Agad-agad mo itong nilapitan at tinabihan. 

"Mama, bakit po kayo umiiyak?" Pag-aalala mong tanong habang hinihimas mo yung balikat niya. 

"Anak.... yung laundry shop natin lugi na.... tapos may bagong laundry shop rin ang nagbukas sa harap mismo ng shop natin....." Mas naiyak ang mama. 

Nalungkot ka bigla sa sinabi niya. "Mama... wag ka na umiyak. Magagawan pa natin ito ng paraan..." 

"Wala nang paraan Suji.... wala na tayong pera... konting ipon na lamang ang meron ako..." 

Niyakap mo ang mama mo. "Wag ka mag-alala mama... tutulungan kita...." 

Naiiyak ka na rin dahil sa sinabi ng mama mo. Mistulang ang laundry shop niyo na nga lang ang bumubuhay sainyo. Buong buhay niyo kasama ang laundry shop na iyon at isa pa, pinaghirapan ito ng mama mo. 

 

1 month later....

Halos isang buwan na rin wala ang laundry shop niyo. Ayun, nandun lang siya, sarado at bihira niyong buksan. Samantalang yung bagong laundry shop sa harap ng shop niyo ay bumabaha ng costumer. Hindi niyo naman magawang magreklamo dahil that's life, maraming kakompetensya. Alam mo na rin na mauubos na ang perang konting naipon ng mama mo. Ginagamit niya ito sa pambayad ng kuryente, tubig, pagkain, at tsaka sa pag-aaral mo. Naaawa ka na sa mama mo dahil gustong-gusto na niyang mangutang sa iba pero pinipigilan mo lang ito dahil ayaw mong mabaon kayo sa utang. 

One time, pumasok ka ng school. Dumaan ka sa mga offices dahil baka may makita kang trabaho na pwede sa istudyanteng kagaya mo. Napa-daan ka sa isang office at may nakita kang papel na nakadikit sa pintuan nito. Binasa mo ito. 

Part time jobs for students available here. Come inside!

Yan yung nakalagay. Napangiti ka at dahan-dahan kang pumasok sa office. 

"Hi. Come in!" Sabi nung babaeng naka-upo sa upuan kaharap ang working table niya. 

"GoodMorning po." Bati mo sabay smile. Pumunta ka sa harap niya at tumayo ng maayos. 

"So, you're looking for a job?" 

"Yes po." 

"Mmm... ang number kasing hinahanap namin ay tutor. Wiling ka bang mag-tutor?" 

"Opo!!!" Nagiti mo ng malaki. 

"Ang number requirement namin ay dapat nasa honor ka. Ano bang top mo sa klase?" 

"Ahh.. Ehhh... top 1 po ako sa klase namin." Nahihiya mo pang sagot. 

"Wow! From what grade are you?" 

"Senior batch po." Smile mo. 

"Ahhh... Ikaw ba si Ms. Choi Suji?" 

"Opo ako nga po yun." Binigay mo yung I.D mo para may proof ka. 

"Ahh ikaw nga. I heard your names from other teachers. Sinasabi nga nila na magaling ka." 

Hindi ka naka-sagot at nag-smile ka nalang. 

"So, tutoring ang jobs na mabibigay ko sayo. Kaya mo ba habang nag-aaral? Don't worry kapwa students mo rin naman ang tuturuan mo." Sabi niya. Kino-convience ka niya. 

"Opo naman po. Anytime po pwede ako. Naghihirap na po kasi kami kaya kailangan ko na pong magtrabaho." 

"Mmmm.." Nag-nodd siya. "Anyway, ang kadalasan kasi ng mga nagpapaturo dito, gusto nila after classes magpatutor tapos ang venue sa bahay nila. Gusto rin nila during saturdays. Kaya mo ba?" 

"Opo sige po. Tatanggapin ko na po." 

"Sure ka Ms. Choi? Wala nang atrasan?" 

"Opo sure na sure."

"Mukha namang kaya mo yan dahil matalino ka. Sure ka ha, kahit sino tuturuan mo?"

"Opo. Promise kahit sino di ko tatanggihan." Smile mo. 

"Osige wait." May kinuha siyang papel at listahan ito ng mga pangalan na naghahanap ng tutor. 

"Kelan po ako magsisimula?" Tanong mo sakanya habang tinitignan niya yung listahan sa papel. 

"Tomorrow." Sabi niya. 

Nagnod ka nalang.

"So.... ang number na naghahanap ng tutor sa listahan ay ka-batch mo." Sabi niya habang nakatingin pa rin sa papel. 

"Uhmm sino po?" 

"Si Mr. Kris Wu."

"ANO PO??!!!" Nagulat ka at nanlaki ang mga mata mo. Napatingin siya sayo. 

"Si Kris Wu. Oh wait, classmate mo siya diba? Good because, mas madali magturo kapag ka-batch mo lang." 

"Ehhh bakit po...." 

"Bukas ka na mag-s-start magtutor sakanya. I'll tell him later na ikaw ang tutor niya. Ang schedule mo ay Monday-Saturday afternoon. Okay? Goodluck Ms. Choi." Nag-smile siya. 

"O-o-okay po..." Napangiwi ka nalang at napilitan tumango. 

Lumabas ka na ng office at hindi ka pa rin makapaniwala. Gustong-gusto mong mag-backout pero inisip mo nalang yung nanay mo. Naglalakad ka na sa hallway na walang tao. Tumigil ka at humarap sa pader. Inuntog mo yung noo mo. 

"Ahhh.... bakit ba kasi ganito ang buhay... sa dinami-dami ng taong pwedeng turuan si Kris pa.... ahhh shet kainis..." Sabi mo yang inuuntog yung sarili mo. 

Napatigil ka nang naramdaman mong may dumaan na teacher sa likod mo. Nakita mong nakatingin siya sayo at pinagkakamalang baliw. Hindi mo nalang ito pinansin at dumaretso ka na ulit sa paglalakad. 

 

-----

Lunch time.... 

Kumakain ka mag-isa sa cafeteria. Biglang tumabi sayo si Kris at inakbayan ka. 

"Ano ba!" Pinipilit mong tanggalin yung braso niya pero ayaw. 

"So... ikaw pala ang magiging tutor ko." Nag-smirk siya pero di nakatingin sayo. 

"Sino naman nagsabi sayo?!" 

"Yung office. Bukas ka na magsisimula at di ka na makakatanggi." Tumingin siya sayo at sobrang lapit na ng mukha niyo. Napalunok ka bigla. 

"May choice pa ba ako? Oo na oo na!" Pilit kang lumalayo.

"Sabay tayong pupunta sa bahay bukas. Tapos ihahatid kita pauwi." Nag-smirk siya. 

"Whatever." Tinuloy mo nalang yung pagkain mo kahit naka-akbay pa rin siya sayo. Awkward kasi pinagtitinginan na naman kayo. 

"I'm excited Suji..." Kiniss niya bigla yung cheeks mo sabay alis ng mabilis. 

"Yakkkkkk!!!!!" Pinunas-punasan mo yung cheeks mo sa diri.

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

HI! I'M BAEK. SORRY PO MATAGAL HA. ANDAMI KO PO KASING GINAGAWA. 

PERO ITO ITUTULOY KO NA SIYA. 

ANG HIRAP PALA MAGING GRADUATING STUDENT. HUHUHU. 

ANYWAY, PLEASE READ MY NEW FIC. 

ENGLISH SIYA AND EXTREMELY -CONTAINED. 

SI KRIS PO YAN TSAKA IKAW. 

I'm Inlove With My Stepfather

SIGE YUN LANG BYE!!! LEAVE COMMENTS HA!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
imaneberhil52
#1
how i wish this fic is in english tho....
Jejemy21 #2
Chapter 17: Update na po please??? Bitin po eh TT^TT please??????????????????????????????//
khenkhay #3
Chapter 17: idol.. update na please.. tgal na din ng huli mo tong ina-update
Smilers #4
ud na po kau
baebycheesecake
#5
Chapter 17: Update please :)
eunhaeforlife
#6
Chapter 17: omg kaiyak huhu
Denisse44 #7
Chapter 17: Thank you unnie sa pagsagot sa wish ko.:))
glittery_sparkles
#8
Chapter 16: Aaaaaahhhh more on Kris and Suji please!!!!
glittery_sparkles
#9
Chapter 16: Pleaaaasssse!!!!!!!!!!
glittery_sparkles
#10
Chapter 16: Updaaaaaaaaaate!!!!!!