Chapter II

Love and Lies
Please Subscribe to read the full chapter

Pabalik na si Karina sa table nang mabangga ang lasing na lalaki sa labas ng CR.
    “Oops, sorry miss” paumanhin ng lalaki.
Inirapan lang niya ito at nilampasan. But he grabbed her arm and pulled her back to face him.
    “Hey! Will you let me go? “she began to panic.
    “ang taray mo naman, miss beautiful I just want to know your name” nakangising sabi ng lalaki.
Kinilabutan naman agad si Karina. Sa paraan pa lang ng pagtingin sa kanya ng lalaki ay nasusuka na siya.

    “sorry pero hindi ako nakikipagkilala sa lasing!” napipikon na talaga siya sa lalaki.
    “h-hindi ako lashing. Im just tipsy but im not drunk” groggy nitong sagot.
    “whatever! Will you just let me go?!”
    “bakit? May magagalit ba? I can see that you’re  all alone. We can go somewhere and enjoy the night” bulong ng lasing.

Tumayo ang balahibo ni Karina dahil sa pangingilabot. “I’m not alone, and yes may magagalit nga! Just so you know hindi niya magugutuhan tong ginagawa mo!” walang gatol niyang sagot, thinking it would be enough to drive the man away. But the jerk just laughed. “really? Where is he then?” hamon nito.

 


    Patay! Nalintikan na! c’mon think rina! Think!. Pinagpawisan na siya ng malapot, pero hindi siya nagpahalatang natatakot. She would not give this a chance to fight her. Then she saw someone coming their way. Isang babae.. bahala na nga! 


    “there she is! Babe, saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap sabi mo magsi-Cr ka lang?” nilapitan niya ang babae.


    Muntik nang mawalan ng pag-asa si Karina nang makilala kung sino ang nahila niya. Walang iba kundi ang hot waitress! She remembered her, bibihira lang ang pagkakataon na humanga siya sa isang babae, and she must admit, she was stunned when she saw this girl. No this waitress. Babae siya, at yun ang pinag-aalala ni Karina, bakit siya naaattract sa isang babae? Pero wala na siyang choice ngayon kundi panindigan ito. Mas mahalaga ang puri kesa sa pride.


    “what the----“
    “this is my girlfriend” Karina cut the waitress off. She placed her arms on her waist and she simply poked her on her side.
    “ouch!” saglit siyang tinignan ng waitress at pagkatapos ay kinabig siya palapit sa katawan nito. Agad na nanuot sa ilong ni Karina ang mabangong amoy ng babae. Bakit very masculine ang amoy niya? It was a combination of probably a men’s wax and cool mint perfume na parang may combination din ng aftershave na amoy.


    “is there a problem?” seryong tanong ni Winter sa lalaking lasing.


    “A-ah. W-wala.. wala po. Akala ko lang po she’s alone and you know single. I’m sorry po” nanlaki pa ang naniningkit na mata ng lasing at halos mautal-utal sa kaba nang makilala niya kung sino ang babaeng nasa harapan niya. Si Dranreb lang naman ang isa sa mga apo ng Kim’s na sobrang yaman at tropa ng mga malalaki at mayayamang mga lalaki kagaya nila Jeno, Haechan, Jaehyun at marami pa. alam ng lasing na isang maling galaw lang niya ay baka hindi siya makalabas ng buo sa party ngayon dahil panigurado kasama ni dranreb ang mga kaibigan niya.
    Pero bakit naka-uniform ng pang-waiter ang apo ng Kim’s? hindi na siya nagtanong pa dahil baka kung ano pa ang isipin ng babae at baka mas mailagay niya ang sarili niya sa mas hindi magandang sitwasyon. Yumuko na lang siya, parang nawala lahat ng amats niya.

    “unfortunately no. this beautiful lady beside me is mine. All mine” tinignan ni Winter si Karina. Bahagya namang napapitlag si Karina nang salubungin ang titig ng waitress. Her heart was beating faster than normal. –what the hell is wrong with my heart may sakit ba ako sa puso o sadyang kinakabahan lang ako sa sitwasyon ko ngayon. 
    “I’m sorry po. Sorry talaga” sabi ng natauhang lasing at dali-daling tumakbo palayo.

 


    Para namang nabunutan ng tinik si Karina nang wala na ang lasing, akala niya tuluyan nang mawawala ang matagal niyang iniingatang pagkababae dahil sa ert na yun. Pero bakit parang takot na takot yung siraulo na yun sa waitress na kasama niya? To think na babae din to? Nagtataka niyang tanong sa sarili pero binalewala niya din yun dahil ang importante ligtas na siya.


    “whew! That was close.” Nang masigurado na nakalayo na ang lasing, kinalas na agad ni Karina ang kamay ng waitress na nakayakap parin sa baywang niya. She realized that it felt good being in her arms. Strange cause she’s a girl but she enjoyed it. Siguro dahil hindi pa niya nararanasan kahit kalian ang mayakap ng isang babae. Kahit nga yung mga past boyfriend niya hindi naman din masyadong nagkaroon ng chance na maging ganun ka-dikit sa kanya.

 

    Tinignan niya ang waitress only to find out she was looking at her intently. She met her gaze. Gosh! This girl was so beautiful and handsome and cute at the same time! How is that even possible? Para siyang anghel na bumaba sa lupa. Ang tangos ng ilong, idagdag pa ang napakaganda nitong mga mata na parang nakaka-hypnotize, her lips… it looks soft and moist.
    She wondered how would her lips taste like –what he hell Katarina! You’re straight! What are you thinking? And for pete’s sake she’s a waitress! she mentally pinched herself. How could this girl manage to look notorious yet oozing with appeal? “thank you” kahit maldita siya, marunong naman siyang magpasalamat in some selected cases. At isa yun sa mga kaso na kailangan niyang magpasalamat. 

    The girl smirked. “alam mo, maganda ka sana, kaso ang sama ng ugali mo”


Napanganga si Karina sa sinabi nito. Yun pa lang ang unang beses na may nagsabi sa kanya ng ganun ng harap-harapan. The nerve of this girl! “what? Nagpasalamat na nga ako diba? What else do you need? Money? How much?” mataray niyang tanong.


    Dumilim naman ang mukha ng babae. “I don’t need your money. Hindi lahat nadadaan sa pera”
Karina rolled her eyes at her. Mannerism niya yun kapag nagpipigil ng temper. “okay fine. What do you want?” she asked impatiently. In all fairness, ngayon lang siya nakakilala ng waitress na intact parin ang prinsipyo. Well it was a five-star hotel kaya hindi imposibleng Malaki kahit paano ang sweldo ng babae.


    “I deserve a reward.”
    “okay i-charge mo na lang sa akin---”
The waitress claimed Karina’s lips before she could finish her sentence. Karina opened to protest but it was a wrong move. Sinamantala yun ng babae para ipasok sa bibig niya ang dila nito. Napamulagat siya. Her kiss was demanding and powerful and Karina saw herself responding to her kiss with equal passion and intensity. Hindi pa niya naranasan na mahalikan kaya hindi niya alam kung paano niya nasabayan ang galaw ng mga labi ng babae.
    They were both panting when the kiss ended. Noon pa lang nahimasmasan si Karina.

 

“Oh my God!” hinawakan niya ang bibig nang mareliaze kung ano ginawa nila.
    “thanks for the reward” the girl grinned which made her more appealing.
    “how dare you??! Why did you k-kiss me?” nauutal niyang sabi. Nasaan ang tapang niya?
    “excuse me? Maybe you mean why did we kiss? I am your girlfriend remember? I didn’t know you’re into girls din pala.  Besides, it’s the least you can do for me for saving you from that jerk. 


    The girl was really impossible!
“I’m not into girls! And alam mong palabas lang ang lahat!” sabi niya “and I didn’t kiss you! You kissed me!” 


    “really? You’re not into girls? You mean straight ka?” natatawang tanong ng babae na parang mina-mock siya kasi sinong straight ang gaganti sa halik ng isang babae?  “and yeah I kissed you first but you didn’t stop me either, so I therefore conclude that we kissed. It’s just a kiss so don’t make a big deal out of it, sabi mo naman straight ka diba?” kinindatan pa siya ng babae.

    Napanganga na lang si Karina. Her curiousity was somehow awakened because of the girl. “Kung alam ko lang na katulad ka rin niyang , sana hindi na kita hinila!”
    “hey that’s too much. It was just a kiss. kung makapag salita ka parang puri mo na ng kinuha ko” ngumisi ang babae. “unless pwede natin yan pag-usapan?” pang-aasar pa nito.


    Nag-init ang mga pisngi ni Karina. –how dare she…!! Ano ang palagay ng babaeng to sa kanya? Madaling bumigay sa mga katulad niyang hot at magaling humalik? No way! –you just said it Karina! Hindi ka nga ba bumigay? Sabi ng isang bahagi ng isip niya.
    “you know what? You’re an arrogant erted girl! Ipapasesante kita!” hindi na niya napigilan ang sarili dahil sa kawalan ng modo ng waitress. magandang babae pa naman pero saksakan ng arogante.
    “thank you. I’ll take that as a compliment.”
    “kahit na ikaw na lang ang natitirang tao sa mundo, I’ll never ask a favor from you again!” naglakad na siya palayo. hindi siya makapaniwala na isang babae ang naka-kuha ng first kiss niya at mas lalong hindi siya maka-paniwala na gumanti din siya sa halik nito. -arghhh

 

 

 

    “hey! Bulag ka ba? Or sadyang tanga lang?” galit na sigaw na Karina sa nakabanggang empleyado. Nasa Yu building siya at papasok na sana sa elevator nang mabangga siya nito. Mainit parin ang ulo dahil sa nangyari kagabi sa party, dahil sa conceited na waitress.
    “s-sorry po ma’aam Karina. Hindi ko po—“
    “sasagot ka pa eh!” putol niya sa sasabihin ng lalaki na halos lumuhod sa paghingi ng despensa.

 


    “KATARINA MARIE!”
Napalingon si Karina. Parang gusto niyang lumubog sa kinakatayuan nang makita ang madilim na mukha ng daddy niya. He was with her Lolo Manuel and some gentlemen. “D-daddy?”
    “go to my office now. We’ll talk later after my meeting.” Seryosong sabi ng daddy niya at nilampasan siya. She was now in big trouble.

 

 

“you’re grounded!”
    “pero daddy it wasn’t my fault!” naiiyak na sabi ni Karina nang komprontahin siya ng daddy niya tungkol sa naabutan nitong eksena sa opisina. Mas minabuti ng daddy niya na sa bahay sila mag-usap.
    “Karina, I tolerated all your troubles but this one was too much. Alam mo ba kung anong nangyari kanina sa meeting?” umiling siya.
    “those men na nakakita sa kagaspangan ng ugali mo ay mga possible investors. They just backed out from investing in our company because of what they witnessed. And do you know what that means? We lost a million dollar transaction dahil sa kagaspangan ng ugali mo!” galit na sabi ng daddy niya.

 

    Napakagat-labi si Karina para pigilan ang mapaiyak. “So it’s all about them that concerns you? Paano naman ang side ko? I deserve to be heard dad”
    “at paano mo ipaliliwanag and side mo Katarina? Na nabangga ka niya kaya halos dikdikin mo siya sa kahihiyan? Do you think that was enough reason to humiliate him? The investors were right. How would I be able to convince them to invest in our company kung sarili kong anak hindi ko madisiplina? I am so disappointed in you”


    “daddy please give me another chance. I’ll convince the investors to come back”
    “and how will you do that?” hamon ng daddy niya. Napayuko siya, paano nga ba?


    Bumuntong hininga ang daddy niya, oo madalas palaging wala ang daddy niya pero hindi ito nagkulang sa mga pangaral sa kanya. Isa lang ang hiling nito: wag niya itong bigyan ng kahihiyan. Pero binigo pa rin niya ang daddy niya.
    “sweetheart, you know very well that it’s not me that you need to deal with” malumanay nang sabi ng daddy niya. “kakausapin ka ng lolo mo over dinner. You need to face the consequence.”

    Pagkatapos siyang kausapin ng daddy niya ay nagkulong  si Karina sa kwarto. Hindi niya alam kung anong parusa ang ibibigay sa kanya ng head ng Yu family. Sana wag akong magaya sa mga pinsan ko!

    Ilan na sa mga pinsan niya ang nakatikim ng bagsik ng parusa ng Don. Ipinagkasundo ni Lolo Manuel ang mga pinsan niya sa mga anak ng mga kaibigan sa business world. Kapag nagkataon na ganun ang parusa niya, maglalayas talaga siya!
    Nakatulugan na ni Karina ang pag-iisip. Nagising na lang siya sa mga katok sa pinto.


    “Marie nandito na ang mga bisita. Bumangon ka na riyan” si manang Helga ang nasa labas.


Mga bisita? Oh my God! Ibig sabihin, hindi lang ang lolo niya ang dumating. Hindi kaya….. ipagkakasundo na ako? At kasama niya ang mapapangasawa ko? Paano kung panot at Malaki ang tiyan ang napili ng lolo niya para sa kanya? Hindi siya papayag!


    “sige po manang susunod na ako. Magbibihis lang ako. Dali-dali siyang pumasok sa banyo at nagbihis.
    Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan at sumilip sa sala. Nandoon ang daddy niya, kasama ang lolo at lola niya at isa pang lalaki. Gusto na niyang tumalon sa hagdan at magpatiwakal na lang nang makita ang itsura ng lalaki. Panot nga at may kalakihan ang tiyan! Akmang aakyat uli siya nang tawagin ng dadd

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
stoicme
ah gumawa pala ako ng twitter: @stoicme_

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 11: Kasal and kids when author hahaha
taeknight09 #2
Chapter 11: ang ganda nito author. hidden gem itong story na 'to
elevenelevenfine
#3
special chapter 😭💗
jmjenjoyer
#4
Chapter 5: buti na lang hindi pa naman ako nagseselos sa kalabaw HAHAHAAHAHAHAH
barontagalog #5
ito pala una kong babasahin muna
_multiplayer__troy #6
waiting parin sa special chapter part two hehe thanks author! 💫
asdfghjklmaeee
165 streak #7
Chapter 11: Thanks po sa special chap ☺ tuloy na tuloy na talaga kasal nila huhu
joyie4ever #8
Chapter 10: HAHHAHAHAHA lt
sevenrina
#9
Chapter 11: ganyan ang bonding. laham na yata kita, authornim