Chapter IV

Love and Lies
Please Subscribe to read the full chapter

Dahil sa nangyari noong nakaraang araw, naisip ni karina ang mag-grocery. Mahirap na, baka mamaya ay dagang bukid naman ang maisip na hingin ng magaling niyang kasama. Nalaman kasi niya na kinakain din ng mga tao roon ang dagang bukid. Mabuti na yung may reserba.
    Wala siyang dalang pera kaya napilitan siyang humingi kay winter, pero ang hudas, isang libo lang ang ibinigay sa kanya. “one thousand? Are you freaking serious? Paano ko to pagkakasyahin? This is not even enough for one piece of garment!”


    “let me remind you, young lady you’re not in Manila. Pano mo pagkakasyahin yan? Gamitan mo nito.”  Inilagay nito ang daliri sa sentido niya. “humingi ka ng tawad”
    Napakunot noo si karina, “what!? why should i ask for forgiveness?” naasar niyang tanong.
    Winter’s upper lip curved in amusement, halatang nagpipigil ng tawa. “ I mean, ask for discounts” naaaliw nitong sagot at tinitigan siya.
    Nakasimangot na tinalikuran na lang ni karina si winter, bakit ba siya nakakaramdam ng kilig tuwing tinititigan siya nito? –let me remind you rina, you’re straight and si winter…. may grace na siya!

 

--------

 

    “TAO PO!” tawag ni karina sa bahay nina mang berto. Siguro naman ay gising na ang mga ito.
    “oh karina ikaw pala” bungad ni mang berto nang buksan nito ang pinto.
    “gusto ko po sanang pumunta sa bayan. Mamamalengke po ako”
    “ay ganoon ba? O sige sandali lang at magbibihis ako. Halika, pumasok ka muna.”
    Pinagbigyan niya ang paanyaya ni mang berto. Naabutan niya ang asawa nito at ang dalagang anak sa sala. Naisip niya, mabuti pa ang pamilyang ito kahit mahirap ay masaya naman. Hindi katulad niya, sagana sa lahat ng material na bagay pero salat sa pag-aalaga ng isang pamilya.
    “magandang umaga Karina, maupo ka muna” si aling sally.
    “ang ganda mo talaga ate karina” masayang sabi ni Yuna.
    “salamat yuna” nakangiting sagot ni karina. Sanay na siyang pinupuri siya ng mga tao sa mundong ginagalawan, pero alam niyang ilan sa mga yun ay puro kaplastikan. Iba pala ang pakiramdam kapag pinupuri ng mga karaniwang tao.
    “nga pala, karina malapit na ang fiesta rito sa amin. Masaya yun sigurado. Sumali kayo ni winter ha!”
    “sige po. Wala pong problema” fiesta? Ang alam niya kapag ganoong okasyon, maraming tao. Kung sakali, yun ang unang pagkakataon na makikihalubilo siya sa mga karaniwang tao. She suddenly felt an extreme excitement.
    “tara na” yaya ni mang berto

 

--------


    Halos himatayin si karina sa dami ng tao sa palengke. Ang buong akala niya, may supermarket sa lugar.  Pero sa kasamaang-palad, wala pala. Wala siyang choice kundi pumunta sa wet market para mamili ng isda at karne.
    Gusto niyang masuka sa sobrang sangsang ng amoy sa palengke.


    “how much per kilo of this fish?” tanong ni karina sa tindera ng isda.
Napamulagat ang tindera, pati narin ang katabi nito. Siguro dahil bukod sa hindi bagay ang ganda niya sa palengke, nag i-english pa siya. Kanina nga, halos mabali ang leeg ng mga tao sa paglingon sa kanya. May nagtanong pa sa kanya kung artista ba daw siya.
    “ha? Eh.. only one twenty, miss” sagot ng tindera na muntik na niyang ikatawa.


    “nag-enjoy ka ba sa pamamalengke karina?” tanong ni mang berto nang maka-balik siya sa tricycle.
    “medyo po, ang hirap po palang mamalengke. Bakit po iba ang presyo nung isang babae kanina eh parehas lang naman po kami ng binili at pinagbilhan? Mas mahal po ang bayad ko?” tanong niya habang inaayos ang mga pinamili sa loob ng tricycle.
    Natawa si mang berto. “naku karina. Tawad ang tawag dun, hindi ka ba marunong tumawad?”
    Umiling lang si Karina. Oo nga pala, ‘discount’ ang tawag doon. Next time, yun ang gagawin niya. Ang tumawad.
    “hayaan mo sa susunod, pasasamahan kita kay aling sally mo”

 

 

---------


    Pagdating sa bahay, agad na inayos ni karina ang mga pinamili. Naisip niyang magluto ng pochero. Abala siya sa paghiwa ng mga sangkap para sa lulutuin nang pumasok si Winter na nakasuot na naman ng sports bra. Ugali talaga yata nitong i-display ang abs!
    Exhibitionist! sigaw ng isang bahagi ng utak niya.
    Don’t tell me hindi mo na-eenjoy ang view? Sabi ng kabilang bahagi.
“aray!” nahiwa tuloy ni karina ang mga daliri. Mabuti na lang at maliit lang ang sugat. Pesteng abs kasi yan! Meron din naman ako niyan ah
    Agad siyang pinuntahan ni winter. “are you okay? Let me see your finger.” Basta na lang nito kinuha ang kamay niya para tignan ang sugat.

    Eto na naman yung pakiramdam na parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ni karina nang hawakan ni winter ang kamay niya. Dumoble pa yun nang dalhin ng babae ang daliri niya sa bibig nito para sipsipin ang dugo.
    Karina held her breath. Bumilis na naman ang tibok ng puso niya. Bigla niyang nahila ang kamay.
    “w-what are you doing? It’s just a small wound” nauutal niyang sabi.
    “my rabbit died from a mere scratch.”
    “hindi naman ako rabbit. Ikumpara mo pa ako sa alaga mo."
Tinignan siya ng dalaga. “alaga naman talaga kita ah and I love taking care of you.”
Nag-iwas ng tingin si Karina dahil pakiramdam nito tagos hanggang kaluluwa ang tingin nito. She was not used to this. Iyong pakiramdam na naiilang kapag tinititigan. Ang totoo, sanay siya na tinititigan ng mga tao. Pero bakit iba ang epekto ng titig ni winter sa kanya? Parang may libong paruparo ang nagliliparan sa tiyan niya.
    “ano bang lulutuin mo?” tanong ni winter.
    “pochero”
    “are you sre you know how to cook that?” nag-aalalang tanong sa kanya.
    “I’m confident na maluluto ko to nang maayos. I might not know how to cook but I know how to read  and follow instructions. Besides, tinuruan ako ni aling sally the other day.”
    “I doubt. Yung bilin ko lang na tumawad ka sa palengke, di mo pa nagawa.”
    “pwede ba? Suportahan mo na lang ako? Besides, I’

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
stoicme
ah gumawa pala ako ng twitter: @stoicme_

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 11: Kasal and kids when author hahaha
taeknight09 #2
Chapter 11: ang ganda nito author. hidden gem itong story na 'to
elevenelevenfine
#3
special chapter 😭💗
jmjenjoyer
#4
Chapter 5: buti na lang hindi pa naman ako nagseselos sa kalabaw HAHAHAAHAHAHAH
barontagalog #5
ito pala una kong babasahin muna
_multiplayer__troy #6
waiting parin sa special chapter part two hehe thanks author! 💫
asdfghjklmaeee
161 streak #7
Chapter 11: Thanks po sa special chap ☺ tuloy na tuloy na talaga kasal nila huhu
joyie4ever #8
Chapter 10: HAHHAHAHAHA lt
sevenrina
#9
Chapter 11: ganyan ang bonding. laham na yata kita, authornim