Chapter IX

Love and Lies
Please Subscribe to read the full chapter

"katarina may bisita ka" narinig niyang sabi ni manang helga mula sa labas ng kwarto.

pasado alas-nuwebe na ng umaga pero nakahilata pa rin si karina. ilang araw na rin siyang walang sigla. pilit niyang iniiwasan si winter na ilang ulit ng nagtangkang kausapin siya.
    "sige po manang, bababa na po ako" bumangon na siya.

hindi na siya nag-abalang tanungin pa kung sino dahil malamang sina giselle at chaewon lang ang nasa baba.
pagkatapos maghilamos at mag-toothbrush, agad siyang bumaba. pero hindi pa siya tuluyang nakakababa ay gusto na niyang umakyat ulit pabalik sa kwarto.

 

    "karina!" tawag ni winter nang akmang aakyat siya sa kwarto.

napapikit si karina. how could her name sound so good whenever winter said it? pumihit siya paharap. may parang tambol na naman sa dibdib niya nang mapagmasdan ang taong laging laman ng isip niya.


    "what is it this time Ms. Kim of Kim group of companies? as far as i know, tapos na ang kontrata mo sa akin. i don't see any reason kung bakit kailangan mo pa akong makausap." matatag niyang sabi.
inipon niya ang lahat ng lakas para hindi siya mapaiyak sa harap nito. tuwing naiisip kasi niya ang masasayang araw kasama si winter, hindi niya mapigilan na masaktan. hindi niya alam kung alin sa mga pinakita at ipinaramdam ni winter ang totoo o kung mayroon nga bang totoo sa mga yun? and that hurt even more.


    "karina.. i won't ask you to believe me. just give me a chance to explain everything" pakiusap ni winter. naglakad ito palapit sa kanya.
her heart beat erratically nang tuluyan itong nakalapit sa kanya. winter gazed at her intently.

    "then what? make me believe with all your freaking lies?" panunumbat ni karina. nakita niya kung paano nasaktan si winter sa sinabi niya. in an instant, she wanted to regret what she said and hug her but she stopped herself, for her own sake. ayaw na niyang madagdagan pa ang sakit na nararamdaman.


    "i don't remember na nagsinungaling ako sayo"


    "really? kaya pala hanggang ngayon CEO ka pa rin. thanks to my cooperation, right? dahil sa katangahan ko, you retained your damn position!" hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha.

    "i didn't do it just because of the agreement rina" malungkot na sabi ni winter. but she was hurt that believing her was impossible.
napailing siya.


    "enough winter. i don't think i can trust you anymore" galit niyang sabi.

    "karina please hear me out first. then i won't bother you anymore" mababakas ang matinding lungkot sa boses ni winter.

    "do me a favor Winter Dranreb Kim. kahit yun man lang, magawa mo sa akin."


    "anything rina, mapatawad mo lang ako"


    "i don't know if i can even forgive you winter, stay away from me from now on. let's go back to being strangers" matatag niyang sagot at tinalikuran na si winter. she did not look back

pagdating sa kwarto ay agad siyang dumapa sa kama at hinayaang malayang tumulo ang mga luha.

 


-----

 

    "pang-ilan na yan?" tanong ni haechan kay ryujin. 
napaisip si ryujin. "damn! you lost count?" asar na sabi ni haechan. 
    "sorry naman, ang hot kasi nung girl oh look!" itinuro ni ryujin ang babae sa kabilang mesa.

 

napailing na lang si winter sa mga kaibigan. halos araw-araw siyang nandoon sa bar. nilulunod niya ang sarili sa alak para makalimutan si Karina pero hindi pa rin niya magawa.
    "thirty"

napatingin ang mga kaibigna kay winter. "are you alright reb?" tanong ni Jeno.
ibinaba ni winter ang hawak na baso. "i can't forget her. i really don't know what to do" pag-amin niya.

 

    "just let her alone for now. give her time, but don't let go" payo ni Jeno.


    "i love her so much..... so much that it really hurts" dala na rin siguro ng alak at kalasingan kaya napaiyak na si winter.

 

 

2 months later.....

 

    "karina!" masayang salubong si Yuna.
naisip ni karina na dalawin ang mga kaibigan sa nueva ecija at para personal na iinvite sa birthday niya at sa opening ng shop nila ng mga kaibigan niya sa maynila.
napatingin siya sa bahay na halos dalawang buwan din nilang tinirahan ni winter.

it held lots of memories. mga alaala na kahit ano ang gawin niya, hindi niya maibaon sa limot.
inayos ni karina ang sarili at saka humarap kay yuna. tinulungan siya nitong bitbitin ang mga dala niyang pasalubong. "yuna kamusta?"


    "ganito parin. ikaw? bakit hindi pa kayo nagsabay ni winter na nagpunta rito?" nagtataka nitong tanong.

nagulat siya sa narinig. "h-ha? nandito ba si winter?" nauutal niyang tanong. nandoon pa rin ang pamilyar na tibok na puso niya tuwing naririnig ang pangalan ni winter. hindi man lang nagbago sa loob ng dalawang buwan. magpa-heart transplant kaya siya?


    "opo. nasa bukid siya ngayon kasama si tatay. bale dalawang araw na siya dito"

    "ah ganun ba? na-miss siguro niya ang mga alaga niya dito. tara na sa bahay niyo may mga pasalubong ako sa inyo"

 

 

    "karina may itatanong ako kung okay lang?" sabi ni yuna nang nasa balkonahe sila at nagme-meryenda. kasama na rin nila sila lily at ang iba pa. tuwang-tuwa ang mga ito sa mga dala niya.

    "ano yun?" tanong ni karina habang umiinom ng buko juice.


    "nag-break na ba kayo ni winter?"
naibuga niya ang laman ng bibig, hindi niya inaasahan ang tanong ni yuna. "ha? bakit naman kami maghihiwalay eh hindi naman naging kami?" pinunasan niya ang bibig.


napatingin sa kanya ang mga kaibigan, puno ng pagtataka ang mga mukha.

    "talaga? eh bakit ang lungkot lagi ni winter? mula nang dumating siya dito hindi ko pa siya nakitang ngumiti man lang" sabi ni lily.


    "b-baka may problema lang yun"
nagkibit balikat si Isa. "ewan ko lang, basta ang alam ko may kinalaman ka sa kalungkutan niya"

 

maya maya ay naramdaman ni karina ang presensya ng isang tao sa kanyang likuran.

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
stoicme
ah gumawa pala ako ng twitter: @stoicme_

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 11: Kasal and kids when author hahaha
taeknight09 #2
Chapter 11: ang ganda nito author. hidden gem itong story na 'to
elevenelevenfine
#3
special chapter 😭💗
jmjenjoyer
#4
Chapter 5: buti na lang hindi pa naman ako nagseselos sa kalabaw HAHAHAAHAHAHAH
barontagalog #5
ito pala una kong babasahin muna
_multiplayer__troy #6
waiting parin sa special chapter part two hehe thanks author! 💫
asdfghjklmaeee
165 streak #7
Chapter 11: Thanks po sa special chap ☺ tuloy na tuloy na talaga kasal nila huhu
joyie4ever #8
Chapter 10: HAHHAHAHAHA lt
sevenrina
#9
Chapter 11: ganyan ang bonding. laham na yata kita, authornim