special chapter part 1

Love and Lies
Please Subscribe to read the full chapter

 


    "winter"

 

    "hmm?" busy na nagtitimpla ng kape si winter para sa kanilang dalawa. 
nasa nueva ecija kasi sila ngayon, sa munting kubo kung saan nagsimula ang pag-iibigan nilang dalawa.


    "bakit ang pogi mo?" tanong ni karina habang titig na titig sa girlfriend niya.


napa-angat naman ng ulo si winter at tumingin sa kanya. "ang random mo naman karina" sagot nito.


    "kaya ka siguro pinangalanang dranreb kasi pogi ka" tuloy lang si karina sa agenda niya for today, ang sabihin kay winter ang lahat nang tumatakbo sa isip niya at ang mga nararamdaman niya.


pakiramdam kasi niya ay hindi pa niya nakaka-usap ng matino at mahaba ang girlfriend niya. pagkatapos kasi ng kalokohan sa kanila ng mga lolo nila eh agad na siyang nag-asikaso para sa kasal.
madami din muna siyang tinapos na trabaho sa business niya sa maynila bago tuluyang makapag-bakasyon dito sa probinsya buti na lang din at andun sila giselle at chaewon.

 

    "inaasar mo yata ako eh" nakakunot ang noo ni winter na inabot sa kanya ang tasa ng kape. "here, coffee for my girlfriend"

 

namula naman agad ang tenga ni karina, halatang-halata na kinikilig. hindi pa siya sanay na tawaging girlfriend ni winter. napa-urong tuloy ang mga dila niya at hindi na alam kung paano ba sasagot kay winter.


    "namumula yung tenga mo Marie" nakangisi si winter bago humigop sa tasa ng kape niya.


    "don't call me marie!" nakanguso na si karina, dinadaan na lang sa pagpapa-cute. 


    "ikaw kasi eh, tinawag mo kong dranreb"


    "hindi naman ah. ang sabi ko lang, kaya ka siguro pinangalanang dranreb kasi pogi ka" pag-eexplain ni karina. tama naman siya eh.

 

ang lalim ng paghinga ni winter, naalala niya yung mga kaibigan niyang number 1 sa pagtawag sa kanyang dranreb at palaging nang-aasar sa kanya. "ewan ko ba kasi kay Lolo, okay na sana yung winter eh. dinagdag pa yung dranreb, lagi tuloy akong inaasar nila ning" napakamot siya ng ulo.


    "bagay naman sayo ah, lalo na ngayon na nagpagupit ka" ang lawak ng ngiti niya. hindi naman halata kay karina na sobrang in love siya sa girlfriend niya diba?


    "oh, so you like my new look? buti naman. napilit lang din kasi ako nila ryujin na magpa-gupit" sagot ni winter.

 

    "I'm glad napilit ka nila. pero..."


    "pero ano?" nagtatakang tanong ni winter.


    "pero, takpan mo yang mukha mo mamaya kapag lalabas tayo" mabilis na sagot ni karina. "ayokong may ibang makakita sa poging winter ko" dagdag pa niya.

 

    "seriously, why are you all calling me pogi? feeling ko tuloy kasama ka na nila ningning sa pang-aasar sa akin" natatawa si winter nang maalala ulit ang mga kaibigan niya. 


    "look at yourself kaya? seryoso nga, pogi ka win" madiin na sagot ni karina. binaba na niya ang tasa ng kape at saka lumapit kay winter para kumandong. "my girlfriend is so pogi na maganda" dagdag pa niya habang ikinakawit ang mga braso sa leeg ni winter.


napangiti si winter. ang tagal niyang hinintay yung mga ganitong pagkakataon para sa kanilang dalawa. ang saya saya ng puso niya.


    "at ikaw naman ang pinaka-magandang babae sa buong universe!" sabi ni winter pero agad naman niyang naisip na parang ang corny niya. "ang corny palang mainlove, hindi ko akalaing masasabi ko yung mga ganyang salita" napailing si winter at natawa sa sarili.

pinalo naman siya ni karina sa braso. "aray! bakit?"


    "so corny pala ako?" tanong ni karina.


    "no. sabi ako, ako ang corny" hinaplos nito ang pisngi ni karina. "sobrang swerte ko sayo rina" seryosong sabi ni winter.


    "hindi mo na ba tatawaging ka-cornyhan yang sinabi mo?" pang-aasar niya.


    "hey, I'm being serious here.." ngumuso si winter, dahilan naman yun para hilahin siya palapit ni karina at halikan ng mariin.


napuno ng pagmamahalan ang kubo nila nung umagang yun.

 

 


------

 

    "karina! winter!" si Yuna, tumatakbo pa papalapit sa kanila. 
nakatambay ang magkasintahan sa usual spot nila sa ilalim ng puno ng mangga sa labas lang ng bahay.


    "O yuna dahan-dahan, bakit naman tumatakbo ka pa baka madapa ka" sabi ni karina.

    "ah hehe excited lang akong makita ulit kayo, sabi ni tatay ginabi na daw kayo ng dating kahapon kaya hindi ko na kayo na-welcome, alam niyo naman maaga ang beauty rest ko" pag-eexplain ni yuna.


    "okay lang yun yuna ano ka ba" sagot ni karina


    "eh.. kailan nga pala ang kasal? at nasaan na po yung invitation namin?" may pagpalakpak pa ng mga kamay si yuna. "pasunod na din sila lily dito maya-maya" dagdag niya pa.

 

bago kasi magpunta sila karina dito ay nai-kwento na niya kila yuna na ikakasal na sila ni winter, nagulat pa ang mga kaibigan niya dahil nung huling dalaw daw nang dalawa dito eh halos hindi sila nagtitinginan at parang may nakakahawang sakit si winter kung iwasan ito ni karina.


na-explain naman niya sa mga kaibigan ang lahat ng nangyari, hanggang sa pagkakasundo sa kanila para ikasal.


    "nasa loob yung invitation yuna iabot ko na lang sa inyo mamaya. pero yung kasal two months from now pa. napag-desisyunan kasi namin ni karina na wag masyadong madaliin. hindi naman na siya tatakbo ulit palayo sa akin eh" paliwanag ni winter at natawa pa sa huling sinabi niya.
 naalala niya kasi kung paano siya iwas-iwasan ni karina noon.


hindi naman din sila minamadali ng mga lolo nila kaya nakapag decide silang dalawa na mag-enjoy muna at magbakasyon bago ikasal. hindi naman na sila makakatakas pa sa isa't-isa eh.


bukod sa may agreement ang mga lolo nila eh hindi na din nila hahayaan na ang isa sa kanila na ay kumawala pa.

 

    "ah sige, basta ang importante ikakasal kayo, yun naman ang mahalaga. congratulations po sa inyong dalawa" malawak ang ngiti sa mga labi ni yuna at agad niyang niyakap si karina at winter. masaya siyang nasubaybayan ang love story ng dalawang kaibigan.

 

yumakap naman pabalik ang dalawa kay yuna. "wow mukhang late na kami sa pag e-emote" maya maya ay narinig na nila ang boses nila lily.

 

inulit na lang ni karina ang mga napag-usapan nila ni yuna para kila lily dahil nagtanong na din sila tungkol sa kasal.


    "naku! mukhang may oras pa si winter para tumakbo sa kasal" pagbibiro ni Isa.

 

    "subukan lang niya! itatali ko siya dito sa puno ng mangga" pananakot ni karina at humagalpak naman ng tawa ang mga kaibigan niya.


    "diba nga ikaw ang itatali ko para hindi ka na makatakbo palayo sa akin?" sagot naman ni winter. kinilig tuloy ang mga kaibigan nila. si karina naman pulang pula na din.

minsan lang kasi bumanat itong si winter kaya grabe na naman ang kalabog ng mga tambol sa dibidb niya. hindi na ata mawawala ito.


    "aray! aray!" biglang singit ni Yuna.

    "o bakit napano ka yuna?" nag-aalalang tanong ni winter.


    "ang dami pong langgam dahil sa katamisan niyong dalawa eh, kinagat tuloy ako" sagot ni Yuna at nagtawanan na naman ang lahat.


    "loko ka talaga yuna" natatawa parin si karina. pero may naalala siya. "oo nga pala, punta kayo sa bahay bukas ah? dadating kasi ang mga kaibigan ni winter galing manila. magsalo-salo tayong kumain for dinner" pag-aaya niya.


    "hay naku! dadating na naman yung mapreskong taga maynila" napa-irap si yuna sa kawalan.

tumawa naman si winter, halatang alam niyang si ryujin ang tinutukoy nito.


    "girls, samahan niyo din pala akong mamalengke bukas ng umaga para sa mga lulutuin ko for dinner bukas" sabi ni karina. excited sa magaganap na salo-salo nilang magkakaibigan, pupunta din kasi sina giselle at

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
stoicme
ah gumawa pala ako ng twitter: @stoicme_

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 11: Kasal and kids when author hahaha
taeknight09 #2
Chapter 11: ang ganda nito author. hidden gem itong story na 'to
elevenelevenfine
#3
special chapter 😭💗
jmjenjoyer
#4
Chapter 5: buti na lang hindi pa naman ako nagseselos sa kalabaw HAHAHAAHAHAHAH
barontagalog #5
ito pala una kong babasahin muna
_multiplayer__troy #6
waiting parin sa special chapter part two hehe thanks author! 💫
asdfghjklmaeee
165 streak #7
Chapter 11: Thanks po sa special chap ☺ tuloy na tuloy na talaga kasal nila huhu
joyie4ever #8
Chapter 10: HAHHAHAHAHA lt
sevenrina
#9
Chapter 11: ganyan ang bonding. laham na yata kita, authornim