chapter I

Love and Lies
Please Subscribe to read the full chapter

Madaling araw na nang dumating si Karina sa bahay. As usual galing siya sa party, pagpasok sa kwarto basta na lang niya inihagis ang Prada bag sa isang sulok pagkatapos ay humarap sa full-length mirror. Napangiti siya.

 

            She still remembered how men and women drooled over her when she entered the party. She loved attention more than she loved expensive bags and jewelry. Siya yung tipo ng babae na ayaw natatalbugan, lalo na ng rivals niya kaya she always made sure that she stood out. At kanina nga, hindi maipinta ang mukha ni Somi nang mapansin nitong halos nasa kanya ang atensiyon ng mga bisita and that gave her the utmost satisfaction knowing that it was Somi’s party.

 

            Well, kasalanan naman ni Somi. She invited her to her party. Alam naman ni Karina kung bakit siya inimbita ng babae, gusto nitong ipakita sa kanya na hindi sa lahat ng pagkakataon siya ang bida. Well, nagkamali ito.

            She was Katarina Marie Yu you can call her Karina. No one could beat her, she had everything women dreamed of: wealth, beauty and brains.

            Sunod na hinubad ni karina ang suot na cartier watch at diamond earrings; basta na lang niyang ipinatong yun sa bedside table pagkatapos ay nagbihis na siya at nahiga sa queen-sized bed.

 

 

 

            Mataas na ang araw nang magising si Karina. Ganun palagi ang gising niya, sanay na ang mga kasambahay nila kaya walang sinuman ang nangangahas na gumising sa kanya kung ayaw nilang masabunutan. Nakailang palit na rin sila ng kasambahay dahil hindi matiis ang kamalditahan niya.

            Bumangon na siya at naghilamos, pagkatapos ay bumaba. “Good morning manang” bati niya kay manang Helga. Ito lang ang hindi nakakatikim ng pagtataray niya. Si manang Helga na kasi ang tumayong pangalawa niyang ina mula nang mamatay ang mommy niya sa panganganak sa kanya.

            “Oh Katarina mabuti at nagising ka na. kain na” umupo siya sa napakahabang mesa. “nasaan si daddy?”

            “naku, kanina pa umalis. Sa opisina na lang daw siya kakain at marami siyang ka-meeting ngayon”

            Nag-umpisa nang kumain si karina, hindi niya maiwasan ang malungkot. Napakahaba ng lamesa pero ni minsan ay wala siyang nakasamang kumain doon. Kung meron man, si manang Helga yun. Mabuti na lang at palaging andiyan ang mga friends niya to cheer her up.

            “siya nga pala Karina, ipinabibigay ng daddy mo” inabot ni manang Helga ang isang card.

Gustong tumalon ni Karina sa tuwa. She just got a new credit card! At gold pa. tinignan niya ang issuing bank at napangiti nang maluwang. It was from CBD. Ninong niya at best friend ng daddy niya ang may-ari ng bangko, nakikini-kinita na niya kung gaano kalaki ang credit limit ng bagong credit card.

 

            “GISELLE!” tili ni Karina sa phone. Pagkatapos mag-agahan ay agad niyang tinawagan ang kaibigan.

            “what is it rina? Ang aga-aga tumitili ka” batay sa boses ng kaibigan, halatang bagong gising ito.

            “hello? It’s already eleven in the morning!”

            “so? Inaantok pa ko rina” tinatamad nitong sagot.

            “listen gi, I just got my new credit card.”

            “congratulations. Sige na I’m gonna sleep more”

“Gigi! Let’s go shopping my treat. Pretty please?” pakiusap ni karina. Alam niya kung paano suhulan at lambingin ang kaibigan. At aamin siya, thankful siya na may kaibigan siyang gaya ni Giselle. Sa sama ng ugali niya, kataka-takang naging best friends sila. Although galing din naman sa mayamang pamilya si Giselle, hindi naman sila masyadong magka-ugali. Best friend na lang talaga niya si Giselle since their elementary days.

            Bumuntong hininga si Giselle. “okay fine. Mag-meet na lang tayo sa mall. I’ll text Chaewon."

            “thank you bestie! Muwah!” pagkatapos ibaba ang phone ay agad siyang pumasok sa eleganteng banyo at nagbabad sa bathtub.

 

“so what happened last night rina?” asked chaewon one of Karina’s best friends. They were scanning a rack of gowns and looking for a dress for an upcoming party.

            “you just don’t know how men and even women drooled over me” confident na sagot ni Karina, chin-up and her well-maintained eyebrow raised as she lifted a particular royal blue long gown.

            “what’s new? Lagi ka namang agaw-pansin tuwing nagpupunta sa mga party” sabi ni Chaewon.

            “oo nga naman rina, ano pa bang exciting dun?” si Giselle.

Napasimangot naman si Karina. “you know me girls. It gives me satisfaction everytime I beat Somi”

            “yeah we know. Ibang klase ka nga eh. It’s acceptable if you beat somi at other parties, but at her own party? That’s different.”

            “and that made it exciting. Imagine, natalbugan ko siya sa sarili niyang party!” tuwang-tuwang sabi ni Karina. Napailing na lang ang mga kaibigan.

 

            Lumipat sila sa mga casual wear at shoe section. Pagkatapos makapili, agad silang pumila sa cashier. Napasimangot si Karina nang makita kung gaano kahaba ang pila. She waited impatiently for her turn. Ang kaso, nalingat lang siya saglit, may sumingit na sa pila. She tapped the girl’s back.

            “bakit?” tanong ng babaeng sumingit sa pila.

“excuse me? You’re asking me why? Nakita mo naman siguro na may pila diba? And yet you got the nerve para sumingit?” mataray na sita ni Karina. Pinabayaan naman siya ng mga kaibigan dahil alam ng mga ito na tama naman siya.

            “so?” mataray ring sagot ng babae at hindi na siya pinansin.

Kumulo ang dugo ni karina, tinapik uli niya ang babae.

            “ano ba?!” singhal nito.

Pinagtaasan na niya ito ng kilay. “kung sisingit ka, pwede doon ka sa likuran at wag sa harapan ko?”

            “nagmamadali ako kaya kailangan kong makabayad agad. Besides, I’m a valued customer in this boutique” balewalang sagot ng babae.

Tuluyan namang naubos ang pasensiya ni Karina. Tinawag niya ang isang staff ng boutique. “yes ma’am?” tanong ng staff nang makalapit sa kanya.

            “where’s your manager?” tanong ni Karina. Pero bago pa matawag ng staff ang manager ay nakalapit na ito. “I’m the manager ma’am may problema po ba?”

            “yes, itong babae na to ang problema ko! Look, matiyaga kaming pumipila dito and yet she got the nerve para sumingit!”

            “Ma’am pasensya na po, pero premiere cardholder po rito si ma’am  Danielle. It means po she spends fifty-thousand a month ditto sa shop” paliwanag ng manager.

            this is unacceptable!

Inilabas ni Karina ang laman ng basket niya at pinakwenta sa manager ang halaga ng mga yun. “so, ipinagmamalaki mo sa akin ang spending pattern niya for a month kaya libre siyang maningit? Sige kwentahin mo ang pinamili ko ngayong araw! i-charge mo na rin sa akin ang mga pinamili niya!” the other customers stared at her, some disapprovingly, but she did not care.

            Napalunok naman ang manager pagkatapos kwentahin ang mga pinamili niya na umabot nang sixty thousand! Wala itong nagawa kundi humingi ng katakot-takot na dispensa sa kanya. He should be! Kayang-kaya niyang bilhin ang buong mall kung gugustuhin niya.

            “next time, know your place. Just so you know, I’m capable of buying this entire boutique, your soul, heck even this mall!” hirit pa ni karina sa babaeng sumingit bago ito talikuran.

 

 

 

 

 

 

            “Ano winter? Deal?” pangungulit ni Ryujin sa kanya habang palakad-lakad sa harapan niya. Nasa bar sila na pag-aari ng family ni Jeno at nagpapalipas ng oras. Doon ang tambayan nila tuwing weekend and whenever they wanted to free themselves from their corporate life.

            “ayan na ba ng sinasabi mong bright na idea na naisip ng utak mo?” pang-aasar ni Ningning.

Gusto kasi ni Ryujin na magpanggap si Winter na waitress sa party ng girlfriend ni Renjun. sabi niya, kung talagang gusto niyang malaman kung gusto talaga siya ng isang tao, kailangan niyang magpanggap na ordinaryong tao.

            Gusto din kasing patunayan ni Winter na hindi lang sa itsura at yaman ang habol sa kanya ng mga nakaka-fling niyang babae.

            Yes. Out and Proud na bading si Winter sa mga kaibigan niya at pati narin sa family niya at wala naman silang nagiging problema dun. Lalo na ang daddy ni winter na siya ang paboritong anak. Medyo nagkakaroon lang ng problema sa part ng lolo niya, dahil kahit pa sabihin nitong tanggap niya ang apo niya, hindi naman ganun ang ipinapakita sa kanya ng lolo niya, o mali lang talaga siya akala? Tanggap ba talaga siya at masyado lang strict sa kanya o talagang ayaw ng lolo niya na meron silang dalawang ‘Gay’ sa pamilya. Una ang ate taeyeon niya tapos siya.

 

            Winter had been through a lot of relationship na and they were all failure, halos lahat ng naka-relasyon niya ay ginagamit lang siya at ang pera niya, ilang beses na din siyang muntik mahulog sa patibong ng mga nagkukunwaring gay pero straight naman na mga babae para lang perahan siya. O kaya ang ilan namang hindi straight sa mga nakarelasyon niya, iisa lang ang tingin sa kanya: A TROPHY.

            Bakit naman hindi? Winter got the looks and wealth na kababaliwan ng mga kalalakihan at mga kababaihan. But she never felt being loved and being inlove.

 

            “well may point si Ryujin… I can’t believe na sinasabi kong may point ka” pagiling-iling na sagot ni Winter at ituro pa si Ryujin.

“I agree din. Minsan lang makapag-isip ng matino yan kaya wag na natin kontrahin. Baka mausog!” pang-aasar ni Jeno. Binato naman siya ni Ryujin.  “at least may isip ako hindi lang ako puro ganda, unlike you puro ka lang balls!”

“yeah! Wreck that balls!” pang-aasar ni Jaehyun.

Napailing na lang si Winter sa mga kaibigan. Napaisip din siya sa idea ni Ryujin.

 

            Kakabit na sa pangalan ni Winter Dranreb Kim ang description na ‘playgirl’. Oo pinangalanan siyang dranreb, habang lumalaki si winter nalaman niyang kabaliktaran pala yun ng Bernard. Tinanong niya agad ang daddy niya kung bakit naman siya pinangalanang dranreb eh kababaeng tao niya. Natawa naman ang daddy niya at sinabihan siyang: “you should thank me anak at kung hindi ako sumingit noon eh Bernard Kim sana ang pinangalan sayo ng lolo mo.” Mabuti na lang daw at nakinig ang lolo niya sa daddy niya at nilagyan ng Winter, pero nagdecide parin na ilagay ang Bernard, binaliktad na nga lang. –nahiya pa sila

        Pero ayun na nga at hindi naman talaga ‘playgirl’ itong si Winter, as far as she knew, once she found out that her partner was just milking her, a gold digger or even cheating on her, there was no explanation needed.. she would dump her without any word. Kaya namimis-understood siya ng karamihan.

 

 

 

 

 

 

 

“Manang! Where’s my new Michael Kors Clutch?” sigaw ni Karina mula sa kwarto. Alas-sais pa lang ng gabi pero umaalingawngaw na ang boses niya sa buong mansiyon.

            Tonight was shuhua’s party and she was excited. “dyaskeng bata ka talaga oo, ano na naman ba ang problema marie?” tanong ni manang Helga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
stoicme
ah gumawa pala ako ng twitter: @stoicme_

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 11: Kasal and kids when author hahaha
taeknight09 #2
Chapter 11: ang ganda nito author. hidden gem itong story na 'to
elevenelevenfine
#3
special chapter 😭💗
jmjenjoyer
#4
Chapter 5: buti na lang hindi pa naman ako nagseselos sa kalabaw HAHAHAAHAHAHAH
barontagalog #5
ito pala una kong babasahin muna
_multiplayer__troy #6
waiting parin sa special chapter part two hehe thanks author! 💫
asdfghjklmaeee
161 streak #7
Chapter 11: Thanks po sa special chap ☺ tuloy na tuloy na talaga kasal nila huhu
joyie4ever #8
Chapter 10: HAHHAHAHAHA lt
sevenrina
#9
Chapter 11: ganyan ang bonding. laham na yata kita, authornim