Excitement

#800020 (Burgundy)
Please Subscribe to read the full chapter



Sobrang di ko inexpect na papayag agad yung dalawa na sumali sa cosplay team namin.

 

Tulad ko kasi, first time lang din nilang sasali ng cosplay event kahit pa ilang beses na silang nakapunta sa mga anime at gaming conventions.

 

Sinabi ni Jaemin na medyo simple lang din naman daw yung suot ni L kaya din mabilis siyang pumayag.

 

Si Karina naman, gusto din daw niya i-try mag cosplay kahit isang beses lang. Pero for now, okay daw na behind the scenes work muna yung gagawin niya dahil interesting din naman daw ito.

 

I’m sure hindi ako tatantanan ni Ning tungkol dito. Naiimagine ko nang sasabihan niya ako na ang bilis ko na naman kasing mag assume. 

 

Minessage ko na din agad si Ning na pumayag na sila at di na niya kailangan tanungin ang dalawa sa dinner mamaya. 

 

Tuwang tuwa naman siyang nagreply at sinabing buti nalang daw at napapayag ko sila dahil baka di rin siya makasama sa dinner. May meeting daw siya kasama ang mga groupmates niya para sa presentation nila bukas.

 

Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil di na ako pinepressure ng kaibigan ko.




 

Nang malaman kong mahilig din sa anime yung dalawa, bigla namang nag trigger ang pagiging enthusiast ko. 

 

Tinanong kasi nila ako kung anong mga favorite kong anime. Aside dun sa mga usual na sikat na anime, nagsabi din ako ng mga paborito kong shoujo at slice of life na titles.

 

Na curious naman ako kung anong mga anime na ang napanood nila pero di ko na ‘to natanong dahil nakarating na ang taxi namin sa parish office.

 

Kaya habang nagwawalis kami ni Karina sa loob ng classroom, hindi ko maiwasang tanungin siya tungkol dito.

 

“Hmm, madami eh.” Sagot niya. “Siguro isa sa mga fave ko yung Fullmetal Alchemist,”

 

“Uy classic! Yung Brotherhood?”

 

“Yup! Ang cool din niya kasi steampunk,”

 

“Totoo, mas maganda pati yung Brotherhood kesa dun sa unang series.” Sabi ko.

 

“Oo nga.” Tumango siya at ngumiti na parang may naalala siya bigla. 

 

“Isa din yung School Rumble! Sobrang benta nung tagalog dub niya!” Sabi niya na nakangiti pa rin.

 

“Ay oo nakakatawa nga yan! Pinapanood ko lagi yan nung high school!”

 

Napunta pa sa kung ano anong anime ang usapan namin hanggang matapos kami sa paglilinis ng classroom. 

 

Nakakapanibago pero exciting na may bago akong nakakausap tungkol sa mga hobbies ko lalo na sa anime. Si Ning lang kasi ang madalas na nakakabonding ko tungkol dito kaya din kami naging friends nung high school.

 

Hindi ko lang din siguro in-expect na enthusiast din pala si Karina. Ilang weeks ago lang nung una ko siyang makausap talaga kaya parang ang surreal na dere derecho lang ang conversation namin ngayon tungkol sa anime.

 

Ilan pa daw sa mga napanood na ni Karina na anime ay Soul Eater, Detective Conan, Yu-Gi-Oh at High School of the Dead.

 

Unlike me na mahilig sa shoujo at slice of life na anime, pansin ko na puro shounen ang pinapanood niya.

 

“Shounen pala fave genre mo?” Bigla kong natanong.

 

“Shounen?” 

 

“Oo, yung puro action at madalas lalaki ang bida,” in-explain ko.

 

Nagmush siya ng bibig at napaisip, “oo nga no puro shounen pala ung mga napanood ko..” 

 

“Yung mga kuya ko kasi..” dagdag niya na parang nahihiya.

 

“Mga kuya? Madami kayong magkakapatid?” 

 

“Nope, solong anak lang ako, pero kasabay kong lumaki yung tatlong pinsan kong lalaki.” Kwento niya.

 

“Ohhh, same pala tayong only child! Pero ang cool na ka-close mo yung mga pinsan mo, nasa ibang probinsya kasi yung mga pinsan ko.” Na-share ko sa kanya.

 

Kinuwento niya na malapit lang daw kasi yung bahay ng mga pinsan niya sa kanila kaya madalas silang magkita-kita. 

 

Disadvantage lang daw na puro lalaki yung pinsan niya kasi siya yung madalas ma-bully at mapagtripan lalo’t siya pa daw ang pinakabata.

 

Di ko ma imagine si Karina na binubully dahil minsan intimidating yung tingin niya. Pero parang di naman pala intimidating yung personality niya. 

 

Kanina nga parang ngiting ngiti pa siya habang nagkukwento ng mga anime na gusto niya. Ibang iba dun sa first impression ko sa kanya na cold at mukhang mataray.

 

Napag usapan naming dito na lang kumain sa Jollibee malapit sa parish office since hindi naman makakasabay sila Giselle at Ningning sa dinner ngayon. 

 

Nag volunteer si Jaemin na mag order para sa amin habang kami ni Karina ang nagbantay sa table namin.

 

“Winter,” biglang tawag ni Karina sa akin, “yung sa cosplay team pala, anong oras bukas yung meeting?”



“Uhh, di ko pa natatanong yung exact time kay Kuya Jungwoo, pero madalas around 4pm kami nagme-meeting sa AniSoc kapag Wednesdays.” 

 

Message ko nalang mamaya si kuya para ma confirm yung oras.

 

“Ohh okay, mukhang pwede naman kami ng ganung oras ni Jaemin.” Sabi niya.

 

“Nice!”

 

Mabilis lang ang dinner namin ngayon dahil mabilis lang din naserve yung orders namin. 

 

And as usual, nag taxi kami pauwi at pareho ulit sa kaninang umaga ang upo namin.

 

Unti unti na akong nasasanay sa pakikinig ng mga kanta sa radyo tuwing nasa taxi kami.

 

Ako'y

Isang malungkot na bata

Palakad lakad lang

Wala rin namang mapupuntahan

Madalas, madulas

At nung parang ayoko na

 

Unti unti na din nagiging familiar sa akin ang mga building at mga lugar na nadadaanan namin habang nasa byahe.

 

Napapansin kong mas comfortable na din akong kasama sila.

 

Buti na lang nandyan ka

Buti na lang nandyan ka

Sinta

Pano na lang ako kung wala ka?

Sinta

Pano na lang ako kung wala ka?

Pano na lang ako

 

Pagdating namin sa campus, nagpaalam din agad sila Karina at Jaemin para umuwi. 

 

Nang makabalik ako sa dorm ko, nakareceive ako bigla ng chat galing kay Karina.



Karina: Hi Winter!

 

Karina: Nakalimutan ko pala sabihin kanina, gusto ko sana hingin yung mga shoujo anime na kinuwento mo.

 

Karina: Gusto ko din i-try manood naman ng shoujo :) 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yuuyakesora_
Hi mga pre! Short recap chapter lang. Hopefully tuloy-tuloy na ulit yung pagsusulat ko. Thank you nga pala sa 2000+ subs! Thank you din sa mga comments niyo. Lagi kong binabasa kaya mas namomotivate akong magsulat haha :D

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
721 streak #1
IMY
yujisaurus
#2
Chapter 30: AY WHAT IS THIS HAHAHAH
yujisaurus
#3
Chapter 27: GEABEDKDKDKDKKSHSHS EWAN KO SA INYO
yujisaurus
#4
Chapter 24: WAAAAAIIITTTTT
yujisaurus
#5
Chapter 5: baka sa iba ka interested, char
ryujinie__
721 streak #6
I miss u :(
stillintoyu
210 streak #7
miss u :(
kwonjess13 #8
Chapter 32: ayan na nga nakapagheart to heart talk na ang winning. observant naman si ning and hinintay nya tlagang si winter ang mag open ng topic kahit nga nakakatampo pa na it took winter some time to share. ang funny and at the same time insightful ng thoughts nya and observations nya na may something sa winrina. very comforting talaga ng fic na to and i just know babalik balikan ko pa rin to have a glimpse sa mga soft moments. now sa dilemma ni winter, go girl!
zimzalabiatch
#9
Hi otor 🤗 update na po kayo pls 😭
taexx_ss
#10
Chapter 32: tagal naman ng byahe nila ni ning