Bagong Groupmates
#800020 (Burgundy)
Ugh.
Ang haba na naman ng pila sa elevator! Mabuti binilisan ko talagang kumain ngayon para hindi ulit kami magkaabutan ni Mrs. Cruz.
Last week kasi na-late ako sa Humanities 2 at nakasabay ko siya pag akyat sa floor ng class namin.
“O, ikaw iha na blonde ang buhok, kilala kita! Estudyante kita sa Hum 2 diba?”
“Opo ma'am. Kim po, Winter Kim.”
“Ahh naalala ko na, palatandaan ko yung buhok mo sa pangalan mo. O since pareho naman tayong late, I will let this slide for now iha.”
“Thank you po ma'am. Sorry po di na mauulit.”
Lagi siyang five minutes late dumating dahil sa kabilang building pa siya nanggaling, pero ayoko kasing nale-late sa klase lalo na pag minor subjects lang. Sa attendance lang kasi ako makakabawi dahil mas focused din talaga ako sa majors.
Hindi naman ako grade conscious. Ayoko lang na napapansin ako sa school kahit na pansinin din talaga yung blonde kong buhok. Gusto ko lang makatapos ng walang bagsak.
Yung tipong tahimik na college life lang.
Dumating na din yung elevator at isa ako sa mga huling sumakay.
Pagdating sa 9th floor, kaagad akong lumabas at dumeretso ng classroom. Hindi pa naman masyadong puno kaya sa bandang likod na ako umupo.
Maya-maya napuno na ang classroom at dumating na din si Mrs. Cruz.
“Okay. So, kung naalala ninyo yung sinabi ko last week, magkakaroon kayo ng immersion or church service as finals. 50 hours of service yung kailangan ninyong i-render hanggang sa last day ng finals.”
Ay shet, nawala sa isip ko to! Andami kasing pa-quiz last week, badtrip naman!
Anyway, parang mas trip kong mag church service. Wala pa kasi akong gaanong alam na lugar dito sa Manila aside sa school at dorm ko.
Ang hassle naman kung umuwi pa ako sa probinsya at doon mag-immersion ng weekend tapos luluwas ulit.
Kahit na sophomore na ako, hindi rin naman ako madalas na gumagala. At kung pupunta man ako sa mga mall eh usually naka-grab or taxi lang ako.
Mas gusto ko lang din kasing tumambay sa dorm at mag binge watch ng mga anime at movies.
“Pwede kayong mag solo or group service sa isang church or community of your choice. Pero kung group, hanggang apat lang ang ina-allow ng department dahil kailangan na ng waiver kapag five pataas. Today’s session will be for you to discuss and decide yung groupings at yung proposed church or community ninyo.”
Hay. Mukhang magiging solo ako dito ah. Badtrip kasi si Ningning, nag-shift pa!
“Pag nakapag decide na kayo, isulat ninyo sa ¼ index card yung members’ names sa left side at yung proposed church or community sa right side. Pwede tayong mag dismiss ng maaga today once nakapag submit na lahat.”
Kinuha ko ang phone ko at nag search ng mga malalapit na simbahan sa dorm. Tatlo yung nakita kong simbahan na kaya ng isang jeep lang. Pero for sure, madaming mag uunahan na piliin yun dahil nga malapit lang sa campus.
Hindi naman ako hirap sa directions, pero sa totoo lang natatakot akong mapalayo dahil hindi parin ako masyadong sanay sa Manila. Mabuti na din na mag ingat.
Mas okay kayang maghanap na lang ako ng ka-group?
Tiningnan ko yung iba at mukhang may mga groupings na ang karamihan sa kanila.
Wala ako masyadong kilala sa class nato dahil minor subject lang at hindi kami lahat pare-pareho ng course.
May ilang mukha na familiar sa akin na Engineering din, si Jaemin at si Karina. Naging ka-block ko sila nung first year pero hindi naman kami ganung ka-close. Balita ko, naging friends sila dahil pareho silang sa Las Piñas nakatira at madalas silang nagkakasabay pauwi.
Lumingon si Jaemin na parang may hinahanap. Tumingin sila sa direksyon ko at napansin niyang nakatingin din ako sa kanila. Hindi ko alam kung na-sense nila na naghahanap ako ng ka-group dahil bigla siyang kumaway sakin.
“Winter! May ka-group ka na?” Tanong ni Jaemin.
“Ah, wala pa nga eh. Kayo pa lang ba sa group?”
“Oo, gusto mong sumali sa group namin? Tara sali ka samin!” Mabilis na aya ni Karina.
“Ahh..eh..pwede ba?”
Nag-aalinlangan akong magtanong dahil malay ko ba kung mag jowa pala ‘tong dalawang ‘to. Hindi ko planong maging third wheel pero kung tutuusin mas okay na din na may ka-group kesa wala.
“Oo naman! Yun ay kung okay ka sa napili naming location.” Sagot ni Jaemin.
Hinila ni Jaemin yung isang bakanteng upuan at itinabi sa kanilang dalawa. Tumayo ako at lumapit kung saan sila nakapwesto at naupo na din agad.
“Sa St. Anthony Parish School yung church na napili namin. Malapit lang sa may Makati. Doon kasi nag high school yung friend ko.” In-explain ni Jaemin.
“Pwede tayong mag-commute papunta ‘no?”
“Yup! Ano palang weekly sched mo?” Sabay binuksan ni Karina yung calendar section sa kanyang planner. “Umm, kami kasi walang classes pag Tuesday and Thursday ng hapon. Ikaw ba?”
Ay wow, same pa ata sila ng schedule. Tatanungin ko na ba kung mag jowa nga sila? Kailangan ko ata mag prepare in case mapag iwanan ako habang nasa church service. Dalhin ko siguro yung earphones ko.
“Umm, may class ako ng Tuesday ng hapon pero until 2pm lang naman. Pag Thursday wala din akong afternoon classes.”
“Ayos, pwede tayo ng 3pm to 5pm. So kung two days tayo, makaka four hours agad tayo per week. What do you think? Lagay ko na name mo?” Parang excited na inihanda ni Jaemin yung ballpen niya.
“Sige, okay naman sa akin. Kahit ako na pala magsulat ng name ko.”
“Di, okay lang. Ako na magsusulat since nasimulan ko na din.” Nakangiti nitong sinabi.
“Excited ka, pre?” Biglang salita ni Karina.
“Medyo lang, pre.” Natatawang sagot naman nung isa.
May lakad siguro ‘tong dalawa after ng class. Pero, wait. Pre? Eto ba pet name nila sa isa’t isa? Medyo weird, pero to each their own. Who am I to judge given na kulelat naman sa love life ang lola mo.
Pagkatapos n
Comments