Invitation

#800020 (Burgundy)
Please Subscribe to read the full chapter



Feeling ko mapapasma na yung mata ko dahil kanina pa ako naka squint kay Ning mula nung umalis kami sa AniSoc club room. Pinagdududahan ko kasi ang iniisip nitong kaibigan ko. 

 

Dumaan muna kami sa cafeteria para mag merienda at minabuti kong umupo sa harap niya para alamin kung anong pinaplano niya.

 

“What?” Tanong niya na may tonong pagtataka.

 

Nag squint lang ako ulit sa kanya dahil kitang kita ko sa mukha niya na may binabalak siya.

 

“Bes,” simula niya habang nilalagyan ng toyo at kalamansi ang siomai na inorder namin.

 

“Alam kong alam mo na ang iniisip ko. Kaya ngayon pa lang I’m telling you, ako na mismo ang mag i-invite sa kanila dahil alam kong hindi mo gagawin.”  She added.

 

Kung hindi ko lang talaga kaibigan ‘tong si Ning, kanina ko pa ‘to nakutusan.

 

“Sa dami ng pwede natin ma-invite na volunteers, si Jaemin at Karina pa talaga ang unang naisip mo?” 

 

“Bakit?” Sagot niya. “May ibang friends ka bang pwedeng ma-invite, Winter?” Agad niyang sinabi na may pag emphasize sa “ibang friends”.

 

Hinahamon ako neto ah.

 

“Si..sila ano..” 

 

Sino nga bang pwede ma-invite?

 

“Si..”

 

Di ako makasagot at napasubo na lang ako ng isang siomai.

 

Wala kasi talaga akong ibang friends sa school aside kay Ning, at wala pa din ako masyadong nagiging ka close sa mga classmates ko mula nung nagshift siya.

 

“See?” Sabi niya habang kumakain. “Logical lang na si Jaemin at Karina ang i-invite natin dahil sila lang ang kilala mo aside sa akin.”

“Bakit ikaw? Wala ka bang ibang friends sa course mo na pwedeng ma-invite?” Ganti kong tanong.

 

“Wala! Eh di sana sinabi ko na kung meron diba?”

 

Parang proud pa ‘tong si Ning sa sinabi niya.

 

“Besides, eto na ang chance mo to make new friends and connections sa department niyo.” Dagdag niya.

 

“Eh ikaw? Wala kang balak magkaroon ng new friends?” Sabi ko.

 

“Ako? I don’t need new friends. I’m very independent!” Pagmamayabang niya.

 

“Utot mo independent!”




Tuesday na ulit at ngayong hapon na ung second session ng immersion namin.

 

Patapos na ang classes ko dito sa Com Eng building nang biglang mag message si Jaemin kung nandito din daw ako.

 

Pupuntahan daw kasi niya si Karina sa Liberal Arts building. 

 

Nauna daw pumunta si Karina doon para i-meet si Giselle. Kung gusto ko daw, sabay na kami pagpunta para derecho na kaming tatlo paglabas ng main gate mamaya.

 

Nagdalawang isip ako kung sasama ako.

 

Aside sa plano ni Ning na pag invite sa dalawa sa cosplay team namin, napaisip din ako dun sa isa pa niyang sinabi last time.

 

“Eto na ang chance mo to make new friends and connections sa department niyo”

 

To be honest, hindi ko naman masyadong iniisip na kailangan ko ng new friends dahil nagkikita pa rin naman kami Ningning sa campus during breaks.

 

Pero I admit, mas hindi ako stressed nung magka course pa kami ni Ning dahil may karamay ako sa mga mahihirap na projects at school works. 

 

Sobrang helpful din na meron akong study buddy last year during midterms and finals kaya medyo worried din ako if kakayanin ko bang mag aral ng mag isa this year.

 

So far, mukhang okay naman kasama sila Jaemin at Karina. Mabait sila at approachable pa.

 

Sila pa nga mismo ang unang nag invite sa akin both sa immersion at sa dinner.

 

Hindi na din siguro masama if we become close friends at may mapag tatanungan din ako in case merong mga difficult topics sa subjects namin.

 

Wala naman akong gagawin before ng immersion kaya nag decide akong sumabay na kay Jaemin pagpunta sa Liberal Arts building.

 

Pagkababa ko ng stairs papuntang lobby, agad akong napansin at nilapitan ni Jaemin.

 

“Hey Winter!” Nakangiting bati niya.

 

“Hello!”

 

“Tara, puntahan na natin sila.” Aya ni Jaemin.

 

Naglakad kami sa walkway papunta sa kaliwang side ng campus kung saan nandoon ang building nila Giselle.

 

Unlike sa department namin na mas maraming boys, mas marami ang population ng girls dito sa Liberal Arts.

 

Maaliwalas ang area nila dito sa campus. Marami at malaki ang bintana ng mga classrooms at mas maganda ang mga tambayan nila dahil mas open ito at napapaligiran ng mga puno at mini garden. Isa na dito yung amphitheater na madalas naming tambayan ni Ning.

 

Ang boring lang kasi ng Com Eng building. Wala masyadong bintana dahil puro computer labs ang mga rooms, at nasa lower ground pa yung Robotics Research Lab na testing ground ng mga students para sa mga machine projects nila. Kaya hindi makakaila na puro hardware at machines ang nakapalibot sa building namin.

 

Nadatnan naming palabas ng Lib Arts building sila Karina at Giselle. Magkalink ang braso nilang dalawa at pansin kong parang excited ang mood ni Giselle.

 

Kumaway si Jaemin sa dalawa hanggang sa malapitan namin sila.

 

“Hey guys!” Greeting ni Jaemin. “Giselle, kilala mo si Winter diba? Ka block namin last year from Com Eng.”

 

“Yeah of course! Nakikita ko siya nung nasa Com Eng pa ako before.” Bumitaw siya saglit kay Karina. 

 

“Hi Winter, nice to formally meet you!” Inabot niya ang kamay ko at biglang nakipag handshake.

 

Sobrang outgoing pala ni Giselle. Extrovert ba siya?

 

“Hello, nice to meet you too..” nahihiyang bati ko.

 

“Nag lunch ka na?” Tanong niya.

 

“Ahh hindi pa eh.”

 

”Would you like to eat with us? Dyan lang kami sa Hwang Katsu, gusto daw kasing i-try ni K yung- ouch!” Napatigil si Giselle nang biglang hinila ni Karina ang braso niya.

 

“Sa iba na lang tayo kum

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yuuyakesora_
Hi mga pre! Short recap chapter lang. Hopefully tuloy-tuloy na ulit yung pagsusulat ko. Thank you nga pala sa 2000+ subs! Thank you din sa mga comments niyo. Lagi kong binabasa kaya mas namomotivate akong magsulat haha :D

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
732 streak #1
IMY
yujisaurus
#2
Chapter 30: AY WHAT IS THIS HAHAHAH
yujisaurus
#3
Chapter 27: GEABEDKDKDKDKKSHSHS EWAN KO SA INYO
yujisaurus
#4
Chapter 24: WAAAAAIIITTTTT
yujisaurus
#5
Chapter 5: baka sa iba ka interested, char
ryujinie__
732 streak #6
I miss u :(
stillintoyu
216 streak #7
miss u :(
kwonjess13 #8
Chapter 32: ayan na nga nakapagheart to heart talk na ang winning. observant naman si ning and hinintay nya tlagang si winter ang mag open ng topic kahit nga nakakatampo pa na it took winter some time to share. ang funny and at the same time insightful ng thoughts nya and observations nya na may something sa winrina. very comforting talaga ng fic na to and i just know babalik balikan ko pa rin to have a glimpse sa mga soft moments. now sa dilemma ni winter, go girl!
zimzalabiatch
#9
Hi otor 🤗 update na po kayo pls 😭
taexx_ss
#10
Chapter 32: tagal naman ng byahe nila ni ning