Kwentuhan

#800020 (Burgundy)
Please Subscribe to read the full chapter



 

Aware naman ako sa mga mature na anime at inaamin ko naman na minsan nanonood din ako ng mga na genre, out of curiosity. Pero hindi pa rin ako maka get over dun sa sinabi ni Jeno kanina tungkol kay Jaemin.

 

Parang mabait at mukhang inosenteng bata lang kasi ang impression ko sa kanya at madalas ko nga din napapansin ang pagka gentleman niya. 

 

Naisip ko na lang na nasa tamang edad naman na kami para sa mga ganung bagay. 

 

Pero grabe, Bible Black talaga?

 

Iniba na lang ni Mark ang topic at nag kwentuhan sila tungkol sa mga games. Di naman ako masyado makarelate dahil puro Final Fantasy at Call of Duty ang pinag uusapan nila.

 

Nagphone na lang muna ako saglit at napansin kong nag chat pala si Karina.


 

Karina: Hi Winter lunch break mo na? :)

 

Karina: Nasa Starbucks lang kami ni Giselle tambay daw muna kami bago mag immersion

 

Winter: Yup! Nakasabay ko pala sa cafeteria si Jaemin

 

Karina: Sunod daw kayo dito sabi ni Giselle haha

 

Winter: Haha sige. Sunod na lang kami :D


 

Naunang umalis sila Mark at Jeno dahil may class pa daw sila kaya agad din silang nagpaalam pagkatapos nilang mag kwentuhan. Sinabi ko naman kay Jaemin na pinapasunod kami nila Giselle at Karina sa Starbucks kaya nagligpit na din kami ng table para puntahan sila.

 

“Uy Winter, sorry kung medyo magulo sila kanina,” sabi niya na parang hiyang hiya sa mga kaibigan niya.

 

“Okay lang yun,” sabi ko.

 

“Makulit kasi talaga yun si Jeno, wag mo na lang pansinin yung sinabi niya,” dagdag pa niya.

 

“Haha okay,” parang di siya na convince sa okay ko dahil naka ngiwi pa rin ang mukha niya.

 

Dere derecho lang kaming naglalakad papunta sa likod ng school kung saan located ang Starbucks. Medyo konti lang din ang nilakad namin dahil may gate na malapit dito.

 

Pagpasok namin sa loob ng coffee shop, agad naman kaming binati nila Giselle at Karina. Magkatapat silang nakaupo sa corner at sa tabi nila ay dalawang bakanteng upuan na magkatapat din.

 

“Hi guys!” bati ni Giselle sa amin habang si Karina naman ay kumaway at ngumiti.

 

“Hello!” nakangiting greeting ko din sa kanila. 

 

Pumunta ako sa side ni Karina at pinatong ang bag ko sa katabing upuan niya.

 

“Are you guys ordering?” sabi ni Giselle sa amin.

 

“Parang di ko trip mag coffee ngayon, baka sumakit tiyan ko,” sabi ni Jaemin na dumerecho na sa pag upo sa tabi ni Giselle.

 

“Sige, order na muna ako,” paalam ko sa kanila nang biglang tumayo si Karina.

 

“Samahan na kita,” sabi niya, “parang gusto ko din ng cake.”

 

“Okay, tara.”

 

Magkatabi kaming pumila ni Karina sa cashier habang nag iisip ako ng oorderin kong coffee. Hindi ako makapag decide kung mag iced ako or frappe.

 

“Karina, anong inorder mong coffee?” Tanong ko sa kanya habang tinitingnan yung menu sa may likod ng cashier.

 

Napatingin siya bigla sa akin, “Ako? Dark Mocha Frappe yung sakin.”

 

“Masarap ba? Di ko kasi alam kung anong oorderin,”

 

Ngumiti siya bigla, “Yup! Masarap naman, di masyado mapait.” 

 

“Okay, yun na lang din orderin ko,” sabi ko, “anong cake bibilhin mo?”

 

Tumingin ako sa kanya at bigla siyang napatingin dun sa cake fridge. 

 

“Hindi din ako sure. Ang dami ding choices,” sabi niya habang binabasa ang mga labels ng cake.

 

Napatingin na din ako sa mga cake na nasa fridge. Classic Chocolate. Blackout Cake. New York Cheesecake.

 

“Parang bagay sa Dark Mocha yung New York Cheesecake,” sabi ko na natakam bigla nang makita ang kinuhang slice ni ate sa counter para sa naunang customer.

 

“Oo nga, chocolate na din kasi yung ibang cakes..”

 

“Gusto ko din sana kaso baka di ko maubos. Hmm,” napaisip ako kung oorder ba ako o hindi.  

 

Bigla akong tinapik ni Karina, “Winter, gusto mo hati tayo? Baka di ko rin kasi maubos..”

 

“Okay lang ba?” tanong ko, “hatian na lang din kita sa bayad.”

 

“Sure!” nakangiti niyang sagot.

 

Pagdating namin sa unahan ng pila, binigay na namin ang mga orders namin kay ate cashier.

 

“Your name for the cup po ma’am?”

 

“Winter-”

 

“Karina-”

 

Natawa kami biglang dalawa ni Karina dahil sabay naming binigay ang pangalan namin kay ate.

 

“Sige yung sa’yo na lang Karina,” sabi ko sa katabi ko.

 

“Winter na lang po pala,” singit ni Karina na nakatingin kay ate.

 

Natawa na din sa amin si ate kaya sinabi kong siya na lang bahala at pwede naman kahit alin sa name namin.

 

Bumalik na kami sa table namin at nadatnan sila Giselle at Jaemin na nagkukwentuhan.

 

“Oh, you guys are back,” sabi ni Giselle, “what did you guys get?”

 

“Nag Dark Mocha Frappe na lang din ako,” sabi ko.

 

“I got New York Cheesecake,” sabi naman ni Karina.

 

“Gusto ko din sana mag order ng cake pero I’m too full na,” sabay inom ni Giselle sa kanyang Venti Iced Americano.

 

“Buti pa ‘tong si K, she always has room for desserts and never siyang tumataba,” dagdag niya.

 

Tumawa naman bigla si Karina, “Pa-vertical kasi yung growth ko.”

 

“That’s unfair!” nagtatampong sinabi ni Giselle.

 

“Ako nga muntik ng malampasan ni K sa height nung middle school,” singit ni Jaemin na nakangiti habang busy sa phone niya.

 

Ang tangkad nga naman kasi talaga ni Karina. Siguro yung ibabaw ng ulo ko abot lang hanggang kilay niya. 

 

Bigla tuloy akong na conscious sa height ko. Parang ako kasi yung pinaka maliit sa amin dito.

 

“I don’t understand talaga. You’re so tall pero you have small hands and feet,” sabi ni Giselle kay Karina na napa shrug lang sa kaibigan niya.

 

Napatingin ako sa kaliwang kamay ni Karina na nakapatong sa mesa. 

 

Parang mas maliit nga yung kamay niya kesa sa akin. 

 

Meron din pala siyang rosary ring sa left index finger niya. Ngayon ko lang napansin.

 

Sinara bigla ni Karina ang kamay niya nung nag attempt si Giselle na ipatong ang kamay niya dito.

 

“What? I just want to compare!” Natatawang dagdag ni Giselle, “look Winter oh, it’s so small!”

 

Napa scrunch na lang ng mukha ang katabi ko nang inangat ni Giselle ang kamay nila ni Karina at pinag lapat ang mga ‘to.

 

“See?” 

 

Napangiti lang naman ako sa difference ng kamay nilang dalawa. Slender at mas mahaba kasi ang kamay ni Giselle habang cute at medyo chubby naman yung kay Karina.

 

“Try comparing yours, Winter,” nakangiting turo ni Giselle sa akin habang inaabot ang kamay ni Karina.

 

Na curious na din ako kaya mabilis kong inangat ang kanang kamay ko sa kaliwang kamay ni Karina habang sabay na bumitaw si Giselle sa pag abot niya.

 

Nilapat ko ang kamay ko sa kanya habang pinapantay ang dulo ng palad ko sa palad ni Karina.

 

Ako lang ba or medyo nag flinch siya?

 

“Omg K, even Winter’s hand is larger than yours,” tuloy tuloy nang pagtawa ni Giselle.

 

Pansin kong mas warm at mas mapula ang kamay ni Karina kesa sa akin. 

 

Masyado sigurong malamig ang kamay ko?

 

Mabilis kong binaba ang kamay ko dahil baka nalalamigan siya sa akin. Mabilis ding binawi ni Karina ang kamay niya at inabot ang frappe niya para uminom.

 

“For WinRina!”

 

“Ano daw?” napalingon na sinabi ni Giselle.

 

“Dark Mocha Frappe and New York Cheesecake for WinRina!”

 

Nagkatinginan kami bigla ni Karina ng ilang seconds at bigla kaming napahalakhak ng malakas.

 

“Sa atin pala yun,” sabi ni Karina na natatawa pa rin.

 

“Sige ako na kukuha,” natatawa ko ding sabi habang tumatayo.

 

“Okay, thanks Winter!” 

 

Chill lang yung tambay namin sa Starbucks habang nag aantay na mag 2pm. 

 

Nagsalitan kami ni Karina sa pagkain ng cheesecake habang nagtatanong si Giselle tungkol sa pagsali ng dalawa sa cosplay event namin sa AniSoc.

 

Sinabi ni Giselle na ang cool daw talaga ng mga tao na mahilig sa anime and games. 

 

Never daw kasi talaga siyang naging interested dito. Tinuruan lang daw siya nila Karina, Jaemin at Mark maglaro ng Left for Dead one time dahil wala si Jeno at kulang sila ng isang player.

 

Natatawang sinabi naman ni Jaemin na malapit na daw silang ma ban sa comp shop dahil grabe daw tumili si Giselle pag naglalaro silang apat. 

 

Pinagtanggol naman ni Karina ang friend niya at sinabing nag iimprove naman daw si Giselle kada game dahil tumataas na din ang kill stats niya.

 

Nang makita namin na malapit nang mag alas dos, nag paalam na kaming tatlo kay Giselle. 

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yuuyakesora_
Hi mga pre! Short recap chapter lang. Hopefully tuloy-tuloy na ulit yung pagsusulat ko. Thank you nga pala sa 2000+ subs! Thank you din sa mga comments niyo. Lagi kong binabasa kaya mas namomotivate akong magsulat haha :D

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
732 streak #1
IMY
yujisaurus
#2
Chapter 30: AY WHAT IS THIS HAHAHAH
yujisaurus
#3
Chapter 27: GEABEDKDKDKDKKSHSHS EWAN KO SA INYO
yujisaurus
#4
Chapter 24: WAAAAAIIITTTTT
yujisaurus
#5
Chapter 5: baka sa iba ka interested, char
ryujinie__
732 streak #6
I miss u :(
stillintoyu
216 streak #7
miss u :(
kwonjess13 #8
Chapter 32: ayan na nga nakapagheart to heart talk na ang winning. observant naman si ning and hinintay nya tlagang si winter ang mag open ng topic kahit nga nakakatampo pa na it took winter some time to share. ang funny and at the same time insightful ng thoughts nya and observations nya na may something sa winrina. very comforting talaga ng fic na to and i just know babalik balikan ko pa rin to have a glimpse sa mga soft moments. now sa dilemma ni winter, go girl!
zimzalabiatch
#9
Hi otor 🤗 update na po kayo pls 😭
taexx_ss
#10
Chapter 32: tagal naman ng byahe nila ni ning