Immersion

#800020 (Burgundy)
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Karina: San ka? Do you wanna meet now? Wala na din akong class. Inaantay ko lang si Jaemin :)

 

Winter: Ahh sure, nasa library ako malapit sa archives :)

 

Karina: Okay, puntahan kita.



Medyo hindi ko in-expect na gusto niyang makipag meet sa akin dahil so far puro awkward yung interactions namin.

 

Siguro wala na din siyang ginagawa at bored na sa pag aantay kay Jaemin kaya naisip niyang i-meet na ako. 

 

Five minutes matapos siyang magreply, namataan ko si Karina na papunta sa may unahang aisle ng archives section ng library. 

 

Mabilis niya akong nakita dahil na din siguro sa buhok ko. Lumapit siya sa pwesto ko at agad ko namang inayos ang nakapatong kong bag sa table at nilipat ito sa katabing upuan ko.

 

“Hi Karina! Upo ka,” bati ko sa kanya.

 

“Hello.” Hinila niya yung upuan sa tapat ko at doon naupo. “Kanina ka pa walang class?” 

 

“Yup, wala akong afternoon class pag Thursday.” 

 

“Ahhh,” nanlaki ng slight ang mata niya. Naalala niya siguro na sinabi ko ito last time.

 

“Right. Same pala tayo, no?” 

 

Tumango ako. ”Si Jaemin ba?”

 

“May class pa siya until 2pm today. Wait, message ko pala siya na magkasama na tayo.” 

 

Kinuha niya ang phone mula sa bulsa at nag message kay Jaemin.

 

“Ahh, I thought same kayo ng sched?” Dagdag kong tanong.

 

“Medyo lang. May mga subjects na di kami magkaklase pero halos sabay lang din ang end ng classes namin.”

 

“Ohh, okay.” 

 

Unexpected. Akala ko same sila ng sched dahil most ng mga mag jowa naming kabatch ay ganun. At least mukhang di sila magkakasawaan agad.

 

Okay lang kayang tanungin ko?

 

Wag na lang siguro. Mukhang obvious naman eh.




Awkward silence. 




Pareho lang kaming gumagamit ng phone ngayon.

 

Hindi ko alam na medyo tahimik din pala si Karina. Di ko rin naman siya masyadong nakakausap nung magkablock kami dahil nga laging si Ning ang kasama ko.

 

Ang alam ko lang, madalas si Jaemin at Mark ang kausap niya sa block namin noon.

 

Madalas din niyang kasama si Giselle na taga kabilang block. Pero balita ko, nag shift siya sa International Studies last year.

 

Sila lang ang madalas kong napapansin na kasama niya sa school. Maliit lang ang circle of friends niya.

 

Napaisip ako. Parang medyo mahiyain din pala siya. 

 

Napatingin ako bigla sa kanyang mukha. Nakatitig lang siya sa screen ng phone niya while scrolling.

 

Gaya ng kahapon, same parin ang expression niya. Hindi ko mabasa. 

 

Hindi ko talaga nahalata na masama pala ang pakiramdam niya kahit katabi ko na siya kahapon.

 

“Karina,” 

 

Tinawag ko siya at napatingin siya sa akin.

 

“Okay na pakiramdam mo?”

 

Mga ilang seconds niya akong tiningnan. Medyo namumula yung mukha niya. Siguro may sakit pa siya?

 

“If hindi pa, kahit kami na lang ni Jaemin ang pupunta sa church. Okay lang naman sigurong hindi pa mag start today.”

 

“Ahh. Okay naman na pakiramdam ko ngayon.” Sagot niya. “Sorry, medyo nag space out lang.”

 

“Sure ka?” 

 

“Yup.” Sabi niya habang nakangiti. “I’m good.”

 

“Okay.” Nakangiti ko ding sagot. Mukhang okay naman siya.




Maya maya, nag message na si Jaemin na papunta na daw siya sa main gate.

 

Tumayo na kami agad at umalis ng library para salubungin siya.

 

Pagdating namin sa gate, nakita namin si Jaemin na naglalakad na din papunta dito.

 

“Hi, sorry! Matagal kayong nag antay?” Bungad ni Jaemin na nakatingin sa akin.

 

“Okay lang. Wala din naman talaga akong class ngayong hapon.” Sabi ko.

 

“Sanay nako, pre.” Biglang sagot ni Karina.

 

Ngumiti lang naman si Jaemin at saglit na umakbay kay Karina, na biglang nangasim ang mukha.

 

“Tara, taxi na lang tayo?” Tanong ni Jaemin na tumingin ulit sa akin.

 

“Ahh, okay sure..” 

 

Paglabas namin ng gate, pumara na kami ng taxi at mabilis naman kaming nakasakay. Medyo matagal kasi kung mag grab pa kami, marami namang dumadaan dito sa harap ng school dahil main road din ito.

 

Sa loob ng taxi, tatlo kaming nakaupo sa likod. 

 

Si Karina, si Jaemin, at ako.

 

Sa unahan talaga ako dapat mauupo.

 

Pero sadyang mapilit lang talaga tong si Jaemin, at nagmamadali na din umalis si manong driver. Nagsabi pa si Jaemin ng trivia na mas prone to accident daw ang unahang passenger seat lalo na dito sa Manila.

 

Wala namang imik si Karina at nakatingin lang ito sa labas ng window.

 

Kaya eto, feel na feel ko ang pagiging third wheel ko.

 

Halos mga 30 minutes din ang byahe pa Makati dahil ma traffic na din sa Buendia ng ganitong oras. 

 

Nagsimulang mag usap ang dalawa tungkol sa laro nila kagabi kasama sila Mark at Giselle.

 

At dahil ayaw kong maging OP, hinagilap ko ang earphones sa backpack ko. 

 

“Ikaw ba Winter, mahilig ka din sa games?”

 

Naudlot ang pagsusuot ko ng earphones nang magtanong si Jaemin.

 

“Umm. Dati lang, nung high school pa.” 

 

“Ohh? Anong mga PC games nilalaro mo?” Tanong ni Jaemin.

 

“Yung Ragnarok saka Sims 2 ung mga last kong nalaro.” 

 

“Wow, naglaro ka din ng Ragnarok? Eh console games, naglalaro ka din?”

 

“Yeah, nung bata ako tinuruan ako ng dad kong maglaro ng PlayStation 1.”

 

Naalala ko pa nung minsang umuwi si dad galing Japan na may dalang PS1. Sa musmos kong edad, tinuruan niya akong maglaro ng racing games. Yung Gran Turismo saka Need for Speed.

 

Engineer ang dad ko sa isang firm sa Yokohama. At every year na umuwi siya, may dala siyang bagong bala ng PS1 na para daw sa akin, kahit na puro fighting games an

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yuuyakesora_
Hi mga pre! Short recap chapter lang. Hopefully tuloy-tuloy na ulit yung pagsusulat ko. Thank you nga pala sa 2000+ subs! Thank you din sa mga comments niyo. Lagi kong binabasa kaya mas namomotivate akong magsulat haha :D

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
732 streak #1
IMY
yujisaurus
#2
Chapter 30: AY WHAT IS THIS HAHAHAH
yujisaurus
#3
Chapter 27: GEABEDKDKDKDKKSHSHS EWAN KO SA INYO
yujisaurus
#4
Chapter 24: WAAAAAIIITTTTT
yujisaurus
#5
Chapter 5: baka sa iba ka interested, char
ryujinie__
732 streak #6
I miss u :(
stillintoyu
216 streak #7
miss u :(
kwonjess13 #8
Chapter 32: ayan na nga nakapagheart to heart talk na ang winning. observant naman si ning and hinintay nya tlagang si winter ang mag open ng topic kahit nga nakakatampo pa na it took winter some time to share. ang funny and at the same time insightful ng thoughts nya and observations nya na may something sa winrina. very comforting talaga ng fic na to and i just know babalik balikan ko pa rin to have a glimpse sa mga soft moments. now sa dilemma ni winter, go girl!
zimzalabiatch
#9
Hi otor 🤗 update na po kayo pls 😭
taexx_ss
#10
Chapter 32: tagal naman ng byahe nila ni ning