Homebound

#800020 (Burgundy)
Please Subscribe to read the full chapter



After namin magpasukat sa costume shop, minessage ko sila Ning para alamin kung nasaan sila at kung meron pa kaming mga kailangan bilhin.

 

Patapos na daw sila sa pagbili ng mga costumes ng boys at susunod ay pupunta na sila sa women’s section ng mall para bilhin ang shoes at blazer na kailangan para sa character ko. 

 

Sinabi ni Karina na mas okay kung kami na lang daw ang bibili sa women’s section para masukat ko din ang mga items. Minessage ko si Ning na sila na lang ang bumili ng para sa mga props at accessories at nag agree naman sila.

 

Nang matapos na kami sa pamimili, nagdecide kaming magkita-kita sa ground floor ng mall malapit sa entrance na pinasukan namin kanina. Inabot din kami ng almost 3 hours sa loob ng mall. At dahil medyo dumidilim na din, agad na kaming dumerecho pabalik sa parking.

 

Pagkasakay naming lahat sa kotse, biglang nagyaya si kuya Jungwoo na mag dinner sa Robinsons Place Manila. Treat daw niya kami since napagod daw ang team today at para na rin i-celebrate ang gathering daw ng team.

 

At bilang mahilig sa libreng pagkain, gorang gora na naman si Ning na pumayag. 

 

Okay naman daw na sumama sila Jaemin at Karina, pero baka magpababa na lang daw sila sa Quirino pauwi dahil may sakayan din doon ng bus na biyaheng pa Las Piñas.

 

Si kuya Jungwoo na ang pinag decide namin kung saan kakain since siya naman ang manlilibre. Sa Lugang Cafe na lang daw kami dahil masarap daw ang mga food doon lalo na daw yung dimsum nila. 

 

Hindi naman masyadong puno sa restaurant kahit Friday night, kaya nabigyan din kami agad ng table ni ate waitress. 

 

Mukhang sosyal yung interior nung restaurant dahil may mga chandelier na nakasabit sa ibabaw ng mga bilog na mesa. Meron din silang mga table sa side na sosyal yung upholstery ng mga upuan.

 

“Kuya, ang sosyal naman dito! Parang di bagay yung suot natin..” biglang comment ni Ning.

 

“Okay lang yan! Ganito talaga yung design ng restaurant nila pero di naman pricey ang mga food,” nakangiting in-explain ni kuya.

 

Trip ko sana maupo dun sa bilog na mesa kaso pang waluhan ‘to at lilima lang kami, kaya dun kami dinala ni ate sa four-seater table. Habang kumukuha si ate ng extra seat, pinauna na kaming maupo ni kuya Jungwoo. Nagtabi na lang kami ni Ning at sa katapat namin umupo sila Karina at Jaemin.

 

“Oh, Taiwanese pala ang food dito,” sabi ni Jaemin habang nag bbrowse sa inabot ni ate na menu.

 

“Yup! Order anything you want guys! Wag na kayo mahiya, lalo ka na Winter,” nakangiting sinabi ni kuya sabay tingin sa akin.

 

Umirap lang ako sa kanya at tumuloy sa pagpili ng mga kakainin namin, habang si Ning naman ay kanina pa palipat lipat ng pages sa menu.

 

“Parang lahat ata masarap dito, ano bang ma rerecommend mo, kuya?” tanong ni Ning.

 

“Masarap yung Xiao Long Bao nila saka yung Pineapple Fried Rice,” sagot ni kuya. “Sige I’ll order those para matikman niyo din.”

 

“Okay gora, kuya!” payag na sinabi ni Ning.

 

Umorder pa kami ng Tofu with Egg and Pork Floss, Sweet and Sour Pork, Beef Tenderloin at yung Chicken with Scallion and Ginger.

 

Nag pitcher na lang kami ng Brewed Iced Tea para sa drinks namin. Pinaiwan na lang ni kuya yung dessert menu at sinabi kay ate na mamaya na lang ulit kami oorder.

 

“So, kamusta yung sa costume shop niyo guys?” tanong ni kuya na nakatingin sa akin.

 

Napatingin naman ako bigla kay Karina na parang nag aabang din sa pag sagot ko.

 

“O-Okay naman kuya,” sagot ko, “In-explain ni Karina yung design nung dress kay ate Dory na taga shop, tapos sinukatan na din niya ako after.”

 

“Yeah. Next week pinapabalik kami ni ate para sa first fitting ni Winter,” dagdag ni Karina.

 

“Okay, that’s great!” sabi ni kuya. “I heard kay Sakura na magaling daw sila gumawa ng cosplay costumes so hindi naman ako worried sa magiging itsura ng damit.” 

 

Biglang kinuha ni kuya yung phone niya sa bulsa at mabilis na nag browse, “naalala ko na nagsend si Sakura sa akin ng samples na nagawa nila before. Usual customers daw nila yung mga cosplayer friends niya.”

 

Nagpakita si kuya ng mga pictures ng cosplayers na mukhang kinuhanan galing sa conventions. Yung MiMi’s Tailoring Services daw ang gumawa ng mga costumes nila. Maganda nga ang fitting at very detailed ang pagkakagawa sa mga costumes.

 

Maya maya, dumating na si ate waitress dala ang mga inorder namin. Sabay na niyang sinerve lahat ng orders namin kaya hindi na kami masyadong nag antay. 

 

“Jaemin, pwede paki abot nung Xiao Long Bao?” tinuro ni kuya yung bamboo steamer basket ng dimsum na nasa kabilang dulo ng mesa pinwesto ni ateng nag serve.

 

Agad naman ‘tong inabot ni Jaemin kay kuya Jungwoo na mabilis ding tinanggal yung takip. Sa loob nito ay may eight pieces ng steamed na dumplings. Kinuha ni kuya yung chopsticks niya at naglagay sa akin ng isang piraso.

 

“Try mo ‘to Winter, masarap yan may soup sa loob.” Naglagay din siya ng isang piraso sa plate niya at pagkatapos ay inabot niya yung basket kay Karina na katapat ko.

 

“Try niyo din,” nakangiting dagdag ni kuya, “ingat lang baka mainit pa yung soup sa loob.”

 

“Okay.” Kumuha si Karina ng isang piraso at saka niya inabot kay Ning at Jaemin. Isa-isa naming triny yung dumpling na masarap nga at malambot ang pagkaka steam.

 

Sunod-sunod na naming kinain ang ibang mga dishes habang pinag-uusapan namin ang mga plan ng team para sa cosplay event. 

 

Sinabi kong nakapag-research na ako ng mga scenes at ipapakita ko na lang sa kanila sa next meeting para makapag decide kami kung alin ang gagawin namin. Dinagdag naman ni Ning na magsisimula na din sila ni Karina gumawa ng props sa Wednesday.

 

Nang mapansin ni kuya na patapos na kaming kumain, pinapili na niya kami ng dessert na gusto namin. Medyo buso

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yuuyakesora_
Hi mga pre! Short recap chapter lang. Hopefully tuloy-tuloy na ulit yung pagsusulat ko. Thank you nga pala sa 2000+ subs! Thank you din sa mga comments niyo. Lagi kong binabasa kaya mas namomotivate akong magsulat haha :D

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
732 streak #1
IMY
yujisaurus
#2
Chapter 30: AY WHAT IS THIS HAHAHAH
yujisaurus
#3
Chapter 27: GEABEDKDKDKDKKSHSHS EWAN KO SA INYO
yujisaurus
#4
Chapter 24: WAAAAAIIITTTTT
yujisaurus
#5
Chapter 5: baka sa iba ka interested, char
ryujinie__
732 streak #6
I miss u :(
stillintoyu
216 streak #7
miss u :(
kwonjess13 #8
Chapter 32: ayan na nga nakapagheart to heart talk na ang winning. observant naman si ning and hinintay nya tlagang si winter ang mag open ng topic kahit nga nakakatampo pa na it took winter some time to share. ang funny and at the same time insightful ng thoughts nya and observations nya na may something sa winrina. very comforting talaga ng fic na to and i just know babalik balikan ko pa rin to have a glimpse sa mga soft moments. now sa dilemma ni winter, go girl!
zimzalabiatch
#9
Hi otor 🤗 update na po kayo pls 😭
taexx_ss
#10
Chapter 32: tagal naman ng byahe nila ni ning