Dinner

#800020 (Burgundy)
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Pagkatapos namin mag papirma kay Ate Mary ng attendance sheet, minessage ko agad si Ningning na nag invite yung dalawa na mag dinner. 

 

Mabilis naman siyang pumayag dahil nasasawa na daw siyang mag prito ng chicken nuggets sa dorm. Mag message na lang daw ako kapag malapit na kami sa campus.

 

Nung nasa taxi na kami pabalik, agad na binanggit ni Jaemin yung nakakatawang pangalan nila Bro. Joseph at Ate Mary. 

 

Tinanong pa niya kung feeling namin may something sa kanilang dalawa. Parang bagay daw kasi sila at nagkataon pang sa parish office sila pareho na nagtatrabaho.

 

Sabi ni Karina, masyado daw maaga para mag judge dahil isang beses pa lang namin sila namemeet. 

 

Hindi na lang ako sumagot dahil baka mali na naman ang hula ko.

 

Minutes later, tahimik na kaming tatlo sa loob ng taxi. Sabay-sabay ata kaming nakaramdam ng pagod dahil nabigla kami sa ginawa namin sa immersion.

 

Binuksan ni manong driver ang radyo at nagpatugtog. 



May gusto ka bang sabihin

Ba't 'di mapakali

Ni hindi makatingin

 

Sana'y 'wag mo na 'tong palipasin

At subukan lutasin

Sa mga isinabi mo na



At dahil dumidilim na, unti-unti na din kaming nakaramdam ng antok. 

 

Same parin ang upo namin sa kanina.

 

Nakasandal ang ulo ni Karina sa bintana, habang si Jaemin naman sa gitna ay nakatungo habang nakayakap sa backpack niya. 

 

Mukhang mas matagal ang magiging byahe namin pabalik dahil mas traffic na din. 

 

Pumikit muna ako para umidlip ng saglit. 



Oh wooh

'Wag na 'wag mong sasabihin

Na hindi mo nadama itong

Pag-ibig kong handang

Ibigay kahit pa kalayaan mo




Nagising ako at napansin na malapit na kami sa campus kaya sinabihan ko si Ning na mag antay na siya sa may main gate.

 

Namulat na din si Karina at tinapik si Jaemin para gisingin ‘to.

 

“Pre, malapit na tayo.” Sabi nito sa katabi.

 

Agad na tumingala si Jaemin at nag unat ng leeg habang naghahanda kami ng pambayad sa taxi.

 

Pagkababa namin ng taxi, natanawan namin si Ningning na palapit sa amin mula sa gate.

 

“Hi Ningning! Kanina ka pa?” Bati ni Jaemin.

 

“Hello! Hindi naman, halos kakarating ko lang din.” Sabi niya. “San pala tayo magdidinner?”

 

Tumingin si Jaemin kay Karina, “K! San daw tayo? Nakaisip ka na?” 

 

“Umm, gusto niyo ba ng Japanese food? Pwede tayo sa Hwang Katsu.” 

 

“Uy gora!” Excited na sabi ni Ning.

 

“Bes, hindi to libre ha,” singit ko sa kaibigan ko.

 

“Alam ko naman!” 

 

Natawa lang sila Karina at Jaemin at nagyaya ng maglakad papunta sa kakainan namin na di naman kalayuan sa campus.



Saktong pagdating namin sa Hwang Katsu, may kakaalis lang na isang grupo. 

 

Dumerecho kami sa nabakanteng booth at agad na umupo. 

 

Maya-maya, nilapitan kami ni kuya waiter para ibigay ang menu.

 

Last year lang nagbukas etong Hwang Katsu at nakakain na din kami ni Ning dito dahil binigyan kami ng discount voucher nung opening day.

 

Masarap ang kanilang Curry Katsu pero favorite ko talaga yung Menchi Katsu nila na may cheese sa loob. Kaya naman hindi na ako nag dalawang isip pa sa order ko.

 

Same kami ng inorder ni Jaemin dahil hindi pa daw niya na try yun. 

 

Curry Katsu ang inorder ni Ningning habang si Karina naman ay nag Classic Pork Katsu.

 

Pagkakuha ni kuya ng mga order namin, nagpasama si Ningning mag banyo.

 

Napansin kong kanina pa niya ako gustong kausapin dahil dinudulatan niya ako ng mata kapag hindi nakatingin yung dalawa.

 

Nang makapasok kami sa restroom, hindi na nag antay pang magsalita ang kaibigan ko.

 

“Huy bes, anong nangyari? Akala ko parang ilang sayo si Karina? Ba’t biglang nag invite ng dinner yung dalawa?”

 

“Kalma, bes.” Natatawang sabi ko kay Ningning habang naalala ko yung mga nangyari kanina.

 

“Jusko, nakakahiya ako, parang tanga lang.” Dagdag ko.

 

“Bakit? Ano ba kasing nangyari?” 

 

Mabilis kong kinuwento kay Ning ang mga nangyari mula nung magkita kami ni Karina sa lib, hanggang sa pagsabi ni Karina na hindi sila mag jowa ni Jaemin.

 

Tawa lang naman ng tawa si Ning na may kasamang pagpalo. Ang hilig ko lang daw talagang mag overthink.

 

“Dapat kasi tinanong mo na agad!” Singit pa niya.

 

“Tara na! Baka magtaka yung dalawa pag nagtagal pa tayo dito.” Pagmamadali ko kay Ning.

 

Pagbalik namin sa booth, ngumiti sa amin si Jaemin habang busy sila sa pag grind ng sesame seeds ni Karina. 

 

Ginaya na din namin yung dalawa hanggang sa dumating yung order namin.

 

Okay naman ang naging dinner namin. Hindi rin naging ganun ka awkward dahil kasama ko si Ning.

 

Sobrang sarap daw nung Menchi Katsu sabi ni Jaemin, sa susunod ay yun na daw ang lagi niyang oorderin.

 

Masarap din naman daw yung order nila Ning at Karina, pero pinilit sila ni Jaemin na i-try din yung Menchi Katsu next time at pumayag naman yung dalawa.

 

Later on, tinanong ni Ning kung kamusta daw yung immersion namin. 

 

Halata kong nagpipigil siya ng ngiti habang kinukwento ko ang ginawa namin na paglilinis. 

 

Tinanong pa niya ako kung yun lang daw ang kwento ko.

 

Bigla naman siyang nagitla at natahimik. Nalaglag daw kasi yung bag niya, pero ang totoo, sinipa ko siya sa binti dahil ayaw niyang tumigil sa pag ngiti.

 

Humalakhak na siya ng tuluyan nung siningit ni Jaemin yung names nila Bro. Joseph at Ate Mary.

 

Medyo nagulat si Karina sa malakas na tawa ni Ning. Hindi na ako magtataka kung ma weirdohan yung dalawa sa kanya.

 

Sayang daw at hindi niya kami naging classmate sa Hum 2. Sana daw kami na lang din ang ka-group niya sa immersion dahil parang ang saya daw ng ginagawa namin.

 

Tinanong naman siya ni Jaemin kung bakit siya nag shift sa Multimedia Arts.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yuuyakesora_
Hi mga pre! Short recap chapter lang. Hopefully tuloy-tuloy na ulit yung pagsusulat ko. Thank you nga pala sa 2000+ subs! Thank you din sa mga comments niyo. Lagi kong binabasa kaya mas namomotivate akong magsulat haha :D

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
732 streak #1
IMY
yujisaurus
#2
Chapter 30: AY WHAT IS THIS HAHAHAH
yujisaurus
#3
Chapter 27: GEABEDKDKDKDKKSHSHS EWAN KO SA INYO
yujisaurus
#4
Chapter 24: WAAAAAIIITTTTT
yujisaurus
#5
Chapter 5: baka sa iba ka interested, char
ryujinie__
732 streak #6
I miss u :(
stillintoyu
216 streak #7
miss u :(
kwonjess13 #8
Chapter 32: ayan na nga nakapagheart to heart talk na ang winning. observant naman si ning and hinintay nya tlagang si winter ang mag open ng topic kahit nga nakakatampo pa na it took winter some time to share. ang funny and at the same time insightful ng thoughts nya and observations nya na may something sa winrina. very comforting talaga ng fic na to and i just know babalik balikan ko pa rin to have a glimpse sa mga soft moments. now sa dilemma ni winter, go girl!
zimzalabiatch
#9
Hi otor 🤗 update na po kayo pls 😭
taexx_ss
#10
Chapter 32: tagal naman ng byahe nila ni ning