Huwag maglive show sa bakuran ang mga walang label

Hulog ng Lupa
Please Subscribe to read the full chapter

 

“Wan.” 

 

 

Tawag ni Joy sa kanya habang inaayos nya ang pagkakahanay ng mga halaman. Natapos na kahapon ng mga kaibigan nya ang plant racks at shelf na kanilang plano. Ang susunod nalang na gagawin ay ihanay ang mga halaman at tapalan ang nabungkal na bermuda grass. 

 

“It’s Wendy,” pagtatama nya. 

 

“Wan.” Ulit ni Joy mula sa kinauupuan nyang bench kasama ang tatlong aso. Naghaharutan ang mga ito. Paminsan-minsan ay lumalapit sila kay Wendy para magpapansin tapos ay babalik kay Joy para ulitin ang ginawa sa kanilang bagong mommy. 

 

“Ugh, what?” Hinarap nya ang nanawag bago hinanap ang hose at sinimulang diligan ang pinaghirapan nyang portion ng garden.

 

“Nagkaroon ka na ba ng hmm... childhood friend? Not your barkada ha? Like, a playmate?” alinlangang tanong ni Joy Pero maririnig sa tono ng boses nya ang pagiging hopeful? 

 

Napahinto si Wendy sa pagdilig para mag isip. Meron nga ba syang nakalaro noong bata sya? Nasaan na kaya iyon ngayon kung meron? 

 

Ang lagay ay hindi matandain itong si Wendy sa tao na nakilala nya lang ng ilang beses. Aabutin ng ilang pagkikita at pag-uusap para tumatak sila sa isipan nya. Kaya kung meron man syang naging kaibigan o kalaro bukod sa barkada nya ay wala na syang naalala. Kaya napaka-awkward kapag may nakakasalunong syang mga kakilala nya dati na hindi naman nya masyadong nakakahalubilo kasi hindi nya alam ang sasabihin sa mga ito. 

 

 

‘Playmate? Ikaw, kasi naglalaro tayo sa higaan mo? Charot! Kaya nagagalit si Lord sa akin e.’ 

 

“Wala? I don’t know. Mahina kasi ang memory ko sa ganyan, bilis ko makalimot sa tao.” pagsasawalang bahala nya. Tinignan nya si Joy na nakatingin sa kawalan at hindi maintindihan sa expression ng mukha.

 

“Bakit mo natanong?” Nabaling sa kanya ang tingin ni Joy at nginitian sya.

 

“Nothing. I just remember someone from my childhood kasi,” sagot nito at tumayo para lapitan sya. 

 

 

Kumapit si Joy sa kanyang bewang at ipinatong ang baba sa balikat nya. Nagpatuloy lang sya sa pagdidilig. 

 

“Baka forever mo na yan kaya naalala mo,” asar ni Wendy.

 

“Sana nga,” ang nasabi lang ni Joy at hinigpitan ang kapit kay Wendy and started humming a sweet tune. 

 

Napaka-domestic nila tignan ngayon medyo nakakahiya na sa mga dumadaang residente. May isa pang napahinto sa katapat na court.

 

At ang nasabing residente ay si Lisa na pinabili ng asukal sa malapit na sari-sari store. Pinagmasdan nya habang umuugoy-ugoy pa ang kanilang magkadikit na katawan. Hindi alam ni Lisa kung magkukunwari ba syang nasusuka o bubungisngis. Ganito pala itsura ng tropa nya kung may jowa. 

 

‘Di pa kasi totohanin,’ isip ni Lisa. 

 

Wala namang malisya yung pagmamasid ni Lisa kasi ayon sa kanya, napadaan lang naman sya wala syang kasalanan at kung meron mang sisisihin doon, iyon ay ang bakod nila Joy na kitang kita mo ang nagaganap sa loob. Sinisisi nya ang bakod dahil muntik nang dumulas sa kamay nya ang pinabiling asukal nang halikan ni Joy sa labi ang kaibigan nya. 

 

“Gago?” Di napigilan ni Lisa na magmura.

 

Walang nasabing ganon si Wendy sa kanila—bukod kay Irene na wala ding sinasabi kay Seulgi— basta fake girlfriend lang daw. Kanino sila nagpapanggap sa ganitong oras? Sa mga aso? May kasama ba sila sa loob? 

 

Andaming katanungan sa isip nya habang nakatitig sa nakangiting kaibigan na mukhang inaasar pa si Joy. Napaka-natural nang nila tignan.

 

Information overload na si Lisa kaya dali-dali syang umalis para iabot sa mama nya ang asukal at binuksan ang kanilang GC. 

 

“Parang may nakamasid sa atin,” bulong ni Wendy sa tenga ng ngayon ay kayakap nyang si Joy saka sinilip ang daan sa labas. 

 

“So what? Hindi naman nila tayo kilala. They should mind their own business,” bulong pabalik ni Joy bago magnakaw ng isa pang halik. 

 

“Ok, enough na.” Nagtakip ng bibig si Wendy saka umalis sa pagakakayakap at pumasok sa loob ng bahay. “One more please?” Hinabol sya ni Joy papasok. 

 

‘Lord hinaharot ako, o? Mamaya nalang ako babawi sa kanya. Char?’ 

 

She likes Joy’s kisses, doon lang po tayo sa totoo. Ilang beses na ba silang nagmomol sa sofa? Sa kitchen? Sa dinning? Lalong lalo na sa kwarto? Ang lambot ng labi ni Joy. Gustung-gusto ni Wendy everytime na hinahalikan nya si Joy ay napapakapit ito sa batok nya. Nadiscover din ni Wendy na habang momol, she loves it when they play with her hair and scalp. Head and shoulder ka sis?

 

At marupok sya sa ganon. Papayag na sana sya pahalik pero paglingon nya ay may kausap na sa phone si Joy. 

 

“I’m fine, mommy... No, no. I can do that na... I didn’t tell them na nandito ako. I need to be alone. I’ll see them naman next month... Si Wendy?” Nagkatinginan sila nang mabanggit ang pangalan nya. “She’s with me po... Ha? Ma nakakahiya... Ugh!” Nilapitan sya nito at inabot ang phone sa kanya. 

 

“Bakit?” 

 

“Si mommy, gusto kang kausapin.” Shuta. Nag-iingat na nga sya para maiwasan ang mga ganitong situation. 

 

“Hello po, tita?” Pinindot nya ang loudspeaker para marinig din ni Joy ang pag-uusapan nila.

 

“Hi Wendy! Kumusta? Joy’s doesn’t want you to join our facetimes na e. I like talking to you pa naman. Naalala ko kasi sa’yo yung dati kong colleague dyan sa pinas.” Umirap

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
tealundertones
muntik umabot ng 3k lol

Comments

You must be logged in to comment
germsrocket #1
Chapter 20: otor-nim may balak ka pa bang tapusin toh?
kase kung wala na eh di salamat na lang sa lahat 🥲
di joke lang hahaha
pero di nga ... we need the continuation talaga huhuhu
Manseng97 #2
Magjejeepney phaseout na po matutuloy pa kaya to #NoToJeepneyPhaseout
lazyyue
#3
Chapter 20: miss ko na 'to 🥲
Manseng97 #4
Chapter 20: miss ko na to...
jmjslrn #5
Chapter 20: update sana ulit, ang kyut nila~
EzraSeige
#6
Chapter 20: Still here wenjoy 💚💙
gayismyserotonin
#7
Chapter 20: ang cute naman ng mga wenjoy ff lol
SPELLBREAKER
#8
Chapter 20: "bakit hindi mo ako hinalikan sa lips nung hinatid kita sa iskul mo?" pota. hahahaha.
honeyblood17
#9
Chapter 20: Kung ako sa mga chismosang frienny ni Joy, kukuha ako ng sauce ng chismax sa katauhan ng Nurse Irene.

Pero.. HAYOP HAHAHAHAH. Wannie, tigang ka ba ghorl bakit naman ganoin. HAHAHAHAHAH.

Gagi ang weird few minutes after ko basahin to, biglang kumanta yung kapatid ko ng "Ligaya". Napatanong tuloy ano ba yung binabasa ko. Di ko mapatingin sa kanya para magets nya bakit shookt ako sa biglang pagkanta nya. Ayoko kasing sabihin na kabaklaan pala. SKL lang naman.
scyxxx
#10
Chapter 20: kileg hihi