Huwag magdrunk-call sa naghahanap lang ng face powder.

Hulog ng Lupa
Please Subscribe to read the full chapter

 

        Nakahiga silang dalawa sa malaking kama ni Wendy. Ang isa ay nakatignin sa kisame habang ang isa ay nakatitig sa kanya nang may pangungulila. Mayroong malaking espasyo sa pagitan nilang dalawa. Idea ito ni Joy. 

 

"Nakatitig ka," payahag ni Joy. Inalis niya ang pagkakatitig sa kisame saka tinignan ang katabi. Nagtitigan sila, pilit binabasa ang sinasalamin ng kanilang mga mata. 

 

        Nauna siyang kumurap saka huminga ng malalim. Binagtas ang espasyong naghihiwalay sa kanilang dalawa. Humarap siya saka pinadaan ang kamay sa pisngi ni Wendy. Marahan niya itong hinaplos. Nakatitig lang sa kanya ang dalaga at tahimik na tinanggap ang mga haplos niya. Pagkayari ay sinuklay naman niya ng kamay ang buhok nito. Pinadaan ang kanyang kuko sa anit ng dalaga. Napapapikit si Wendy sa sensasyon. 

 

"Makakatulog ako niyan dahil sa ginagawa mo," ungot ni Wendy saka sumiksik sa ilalim ng baba ni Joy. Ganito ang ginagawa sa kaniya ni Joy sa tuwing matatapos nilang paligayahin ang isa't-isa dahil alam nitong nahihirapan siyang matulog pagkatapos.

 

"That's my goal." May maliit na ngiting sumilay sa labi ni Joy nang maramdaman ang kamay ng katabi sa kaniyang baywang. 

"I don't want to sleep yet. Baka pag-gising ko, layasan mo nanaman ako," bulong ni Wendy. Tumatama ang mainit niyang hininga sa dibdib ng Joy. Bumibigat na ang kanyang mga talukap.

"May pasok ako bukas kaya aalis talaga ako."

"You know what i mean."

"Kung ang tinutukoy mo ay kung aalis ako nang walang pasabi, huwag kang mag alala. Hindi ako katulad mo." humagikgik siya habang napapadaing nalang si Wendy.

"Sorry na nga diba? I won't do it again. Ever. I'm on your side this time." tumango si Joy. Naramdaman niya ang paghikab ng katabi kaya pinagpatuloy niya lang ang pagsuklay sa buhok nito. "Inaantok ka na. Let's sleep."

 

"Pwede ba kitang sabihan ng mahal kita?" Bulog ni Wendy.

      Tumigil saglit ang paggalaw ng kamay ni Joy. "Hindi naman tayo. Bakit mo sasabihin yan sa akin? Hindi ko yan masasabi pabalik," wika ni Joy saka pinagpatuloy ang ginagawa.

"Alam ko naman 'yon pero mahal kita. Gusto kong malaman mo yon. Parang sasabog na kasi ako kung hindi ko sasabihin sayo araw-araw na mahal kita. Gusto kong sabihin sa iyo na mahal kita kanina habang kumakain ka. Habang umiinom ka ng tubig. I just..." napapailing si Wendy sa mga sinasabi niya. " Wow, that's too cheesy. Oh my God. Sorry." Natawa si Joy sa kinilos ng katabi.

"But I am serious. Hayaan mo ako sa tabi mo. Let me be there for you. Let me love you everyday." Pakiramdam naman ni Joy ay puso niya ang sasabog sa kaniyang mga narinig. Gusto niyang bigyan ng laya ang sarili at pagbigyan ang kagustuhan niya pero hindi tama. Hindi pa ngayon.

"Ang sarap pakinggan ng mga sinasabi mo sa akin. Na may taong gagawa niyan para sakin. Pero hindi pa ako handa, Wendy. Masasaktan tayong dalawa kung ipipilit natin. Hindi pa ako yung tamang tao at hindi pa ngayon yung tamang oras para sa atin. Gusto kong mabuo muna bago ko ibigay ang sarili ko sayo. Kasi deserve nating dalawa yon." Nakarinig ng pagsinghot si Wendy. "You deserve so much better than me, Wendy." 

"You see, diyan ka nagkakamali. I understand and respect your decision so respect mine as well. Hindi mo pwedeng sabihin sa akin na hindi kita deserve kasi ako yung nakakaalam kung anong nararapat para sa sarili ko. Mom does too but that's beside the point. I want to love you and be with you. If I have to wait then so be it." 

       Napasinghap na lang si Joy. Hindi alam kung anong isasagot. Nakalimutan niya kung gaano nga pala kakulit si Wendy. Hindi nga ba't ilang araw na siyang binubuntutan nito nitong mga nakaraang araw. Kasalanan 'to nung caldereta. 

"Nag-swoon ka na 'no? Sabihin mo lang kung mahal mo na ako. Hindi ka pa nahuhulog nakaabang na ako sayo," biro ni Wendy. Nakatingala ito sa kaniya. Maloko niyang pinisil ang ilong nito.

"Naging blonde ka lang umangas ka na, ah." ginulo niya ang namumuting buhok ng katabi. "Napaka stubborn mo talaga." 

"It's in my blood. Deal with it."

 

         Kinabukasan, naunang nagising si Wendy. Saglit niyang pinagmamasdan ang natutulog na pigura. Hinawi niya ang buhok na tumatakip sa mukha ni Joy. Hinalikan niya ang noo nito saka binulungan ng matamis na, "Mahal kita." Inayos niya ang mga gagamitin ni Joy sa pagligo. Naglabas siya ng bagong tuwalya at pamalit. 

         Masaya siyang nagtungo sa kusin at sinimulang magluto ng kanilang almusal. Naghahain na siya nang lumabas ng kwarto si Joy. Basa ang buhok nito at suot na ang inihanda niyang damit para sa kaniya. Isang malaking hoody at baggy pants. Ito lang kasi ang sa tingin niyang magkakasya sa dalaga. "Tawagan ko lang roommates ko. Nakalimutan ko kasi kagabi. Baka kung ano nanamang isipin ng mga 'yon." Tumango si Wendy at tahimik na hinintay na makabalik ang dalaga.

 

"Anong oras class mo?" tanong ni Joy na kasalukuyan nang kumakain. Naupo sa tabi niya si Wendy. "Ala-una pa. Ikaw?" Sinilip niya ang oras. Past eight na pala.

"Nine-thirty pero wala naman yung prof namin doon kaya ok lang na ma-late ako," sagot niya. Napansin niyang hindi nahain ng pagkain si Wendy para sa sarili. Tinapat niya ang kutsarang puno ng sinangag sa katabi. Umiling si Wendy. "Sige lang. Pumapak na ako ng hotdog kanina habang nagluluto," pagtanggi niya.

          Tumikhim si Joy saka mas nilapit sa bibg ni Wendy ang kutsara. Napangiti na lang si Wendy saka tumugon. Nang malunok niya ang pagkain ay naka antabay nanamang kutsara sa harap niya. Subuan pala ang gusto ni Joy. Di niya sinabi kaagad. Willing naman si Wendy kahit anong ibigay ni Joy isusubo niya. Char...or not char?

           Pagkatapos nilang kumain ay hinatid na ni Wendy si Joy. Hindi pa naman ganoon ka-traffic sa dinaanan niya kaya smooth pa ang byahe nila. Tahimik lang sila. Nakapatay ang fm radio. Nakatuon ang atensyon ni Joy sa kanyang cellphone at matyagang nirereplyan ang mga kaklase at kaibigan niya. Kasalukuyan siyang nagrereply sa chat ni Kai nang makareceive siya ng tawag. Galing kay Roseanne.

 

"Hey, Rosie?" bakas ang galak sa boses ni Joy. Hindi alam ni Wendy kung ano ang mararamdaman niya. 

"Malapit na. Ikaw?" 

"Ingat ka...Me? Hinatid ako ng kaibigan ko." Biglang tumawa si Joy sa kung ano man ang sinabi ng nasa kabilang linya.

"Stop! Issue ka masyado...Talaga! Ikaw kaya humalik sakin...Asa ka...Ugh, fine. Okay. Ingat ka. Bye." Ipinasok na ni Joy sa loob ng bag niya ang kaniyang cellphone nang matanaw na niya ang gate ng kaniyang school. 

           Nahirapan sa pagkalas ng seatbelt si Joy. "Shet, bakit ayaw makalas?" L

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
tealundertones
muntik umabot ng 3k lol

Comments

You must be logged in to comment
germsrocket #1
Chapter 20: otor-nim may balak ka pa bang tapusin toh?
kase kung wala na eh di salamat na lang sa lahat 🥲
di joke lang hahaha
pero di nga ... we need the continuation talaga huhuhu
Manseng97 #2
Magjejeepney phaseout na po matutuloy pa kaya to #NoToJeepneyPhaseout
lazyyue
#3
Chapter 20: miss ko na 'to 🥲
Manseng97 #4
Chapter 20: miss ko na to...
jmjslrn #5
Chapter 20: update sana ulit, ang kyut nila~
EzraSeige
#6
Chapter 20: Still here wenjoy 💚💙
gayismyserotonin
#7
Chapter 20: ang cute naman ng mga wenjoy ff lol
SPELLBREAKER
#8
Chapter 20: "bakit hindi mo ako hinalikan sa lips nung hinatid kita sa iskul mo?" pota. hahahaha.
honeyblood17
#9
Chapter 20: Kung ako sa mga chismosang frienny ni Joy, kukuha ako ng sauce ng chismax sa katauhan ng Nurse Irene.

Pero.. HAYOP HAHAHAHAH. Wannie, tigang ka ba ghorl bakit naman ganoin. HAHAHAHAHAH.

Gagi ang weird few minutes after ko basahin to, biglang kumanta yung kapatid ko ng "Ligaya". Napatanong tuloy ano ba yung binabasa ko. Di ko mapatingin sa kanya para magets nya bakit shookt ako sa biglang pagkanta nya. Ayoko kasing sabihin na kabaklaan pala. SKL lang naman.
scyxxx
#10
Chapter 20: kileg hihi