Huwag nang lilisan pa dahil kapag kasama ka, kaya kong gawin ang lahat.

Hulog ng Lupa
Please Subscribe to read the full chapter

 

“Wendy? Wendy!” Tawag ni Jennie sa kanya na ikinagulat niya.

 

Imagination lang pala ni Wendy ang lahat. Nasa starbucks pa rin sila at nakatingin na lahat sa gawi niya. Kalmado lang si Joy, hindi katulad nang nasa imagination niya kanina na parang lalamunin na siya sa galit.

 

“Yes? Sorry. I was just..uhmm.” Hindi siya makatingin kay Joy.

 

“What were you saying again?” binaling niya na lang ang tingin kay Jennie.

“Oh we just wanna know what you think of Joy’s suitor ba, 'cause you guys are like friends but not really, right?. Here oh,” inabot niya ang smartphone kay Wendy. Lumantad sa kanya ang instagram feed ng isang user eunwooh_cha. Gwapo naman. Actually gwapo talaga. Maganda ang katawan at mukhang aapruban ng nanay ni Joy. 

 

Teka. 

 

Suitor?!

 

"Gulat siya, guys." tinuro pa ni Doyeon ang nanglalaking mata ni Wendy. "Pogi nga kasi talaga yang si Eunwoo." 

"Oo nga pogi siya, pero ang mga balita about sa kanya hindi maganda ha." Kontra naman ni Tzuyu. "Tsaka 'di ba Joy M.U. kayo ni Roseanne?"

 

Tangina Roseanne? Sino naman yon?

 

"Oh yaaaa! I forgot about Rosie!. You guys were making out daw sabi ni Wheein nung pinakilala kita kila Jisoo. What's the tea about that ha?" Tinignan ni Wendy si Joy na nakatingin pa rin pala sa kanya. Mukha siyang nabisto na nangungupit ng barya sa alkansya.

"Hindi nga pala nakita ni Wendy si Rosie kasi pareho na kayong lasing e. Rosie's my cousin nga pala." ika pa ni Jennie kay Wendy kahit hindi naman tinatanong.

Pinanlakihan ng mata ni Joy ang kaibigan. Alam na nga nito na may gusto kay Joy yung tao ay parang nananadya pa siyang nagkukwento.

"Grabe ka sis, habulin ka masyado ng mafefez!" asar ni Tzuyu.

"Tanga, hindi naman ako nang eentertain. Wala akong plano ngayon. Nag-aaral akong mabuti." pahayag ni Joy.

"Iba yung nakarating sa aming from CoEd about sayo sis."

"Oo lasinggera ako pero hindi pa ako nagka-tres 'no! Dean's lister kaya ako. Seryoso akong nag-aaral!" depensa ni Joy.

"E, ano yung momol nyo ni Roseanne?"

"We were having fun lang." Napaismid si Wendy.

Having fun daw.

"Napano ka?" tanong ni Joy.

"Wala." tinignan ni Wendy ang oras phone niya saka tumayo. "Girls, una na ako ha? My friends are at my place kasi. Gotta check on them, baka wala na akong uwian mamaya." paalam niya pero ang totoo ay hindi niya lang talaga masikmura ang topic ng mga ito. Alam niya namang sa taglay na ganda ni Joy ay marami talagang magkakagusto sa kanya pero huwag naman nang ipamukha sa kanya. Napaka slim na nga ng chance, panghihinaan pa siya ng loob? Mali yon. Bad yon.

 

Nagpaalam lahat sa kanya maliban kay Joy na tumango lang. Si Jennie naman ay nagbilin sa kanya na ikumusta siya kay Jisso. Akala mo'y hindi inuumaga tuwing nagkakausap sa phone. Pagkalabas niya sa shop ay nagstay muna siya sa parking lot. Iniisip kung sapat ang laman ng ref niya para sa kanilang magkakaibigan nang mapansin niya ang kahon ng cupcake sa dashboard. Oh well, idadaan niya na lang sa unit nina Joy mamaya. Mga dalawang block lang naman ang layo ng building niya kina Joy. Kasalukuyan niyang tinatype ang mga bibilhing ingredients sa notes app niya nang bumukas ang pinto sa side ng front seat. Pumasok si Joy sa loob saka isinara ang pinto ng kotse.

 

"Wha-"

"Bakit ka umalis? Nagseselos ka?"

"Hindi kami ni Rosie. Totoo yung sinabi ko sayo na wala akong planong makipagrelasyon. Maybe after I graduate, but definitely not right now." sabi ni Joy.  "Start the car." sabi pa niya. 

"Uhh, pwede ko bang tapusin munang maglista ng bibilhin ko-" inagaw ni Joy ang phone ni Wendy. Tinignan niya ang niliista nitong ingredients pala ng beef caldereta. "Ako na magtutuloy nito. Magdrive ka na." at tinuloy na nga ni Joy ang listahan, "Can you add a tub of double dutch ice cream? Thanks. Baka kasi makalimutan ko." sabi ni Wendy saka pinaandar ang sasakyan. Pakatapos naman i-save ni Joy ang listahan ay inexit niya ang application at bumungad sa kanya ang wallpaper ni Wendy. Picture nilang dalawa na katabi sina Neutron, Proton at Electron sa sofa. Kuha ito ni Lisa mula sa camera niya. Hindi kumibo si Joy at marahang ibinaba sa katabing compartment ang cellphone.

Habang nagmamaneho ay panay ang tingin ni Wendy sa kasama. Nakaka-amuse ang mukha nito habang inaalala ang iba pang rekado.

"Is it ok kung bibilhin ko muna yan before kita ihatid?" tumango lang si Joy. 

Tahimik lang ang byahe at medyo awkward. Ayaw naman buksan ni Wendy ang radio dahil feeling niya ay mas magiging awkward kaya minabuti na lang niyang magsalita.

"So, uhh Joy. You didn't have to explain anything to me you know. It's not like we're in a relationship or something.." sinilip niya ang katabi. Mukhang malalim ang iniisip nito.

"But it is ok naman kung matipuhan mo rin sila. It's good to date at times like this. Malapit na ang finals an--"

"Paano mo nagagawang magsinungaling ng deretsahan? How do you do that?" putol nanaman sa kanya ni Joy. 

"I'm sorry?"

"I like you, okay? You're cute, you're funny and my dogs love y--." medyo nag-swerve yung kotse.

"!" sigaw ni Wendy habang si Joy naman ay muntik nang mabasag yung salaming ng kotse dahil sa lakas ng tili niya.

"Gago! Ayusin mo naman yang pagmamaneho mo! Muntik mo na akong mapatay!" hinampas ni Joy sa braso ang driver.

"Ginulat mo kasi ako!" 

"Kahit na! Dapat handa ka sa mga ganong bagay!" kinapa ni Joy ang dibdb para pakalmahin ang nagmamarathon niyang puso. 

 

Itinigil muna ni Wendy ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

 

"Ano ulit yung sinabi mo?" naghahabol hiningang tanong ni Wendy.

"Ang hirap hirap nang magsinungaling, ok? I like you but I'm not inlove with you." Tumango si Wendy saka hinintay ang kasunod na sasabihin niya.  "Aamin na dapat ako sayo that day saka ko tatanggapin yung alok mo na tumira kasama ka dito. Tinawagan ko pa si mama. Nagpaalam ako sa kanya, sinabi ko sa kanya na gusto kita." Tuloy-tuloy na paliwanag ni Joy. Tumango lang ulit si Wendy.

"Ano, tatango ka lang diyan?" 

"Um, question lang, prank ba 'to?" tanong ni Wendy. Kumunot ang noo ni Joy nang tignan ni Wendy ang bawat sulok ng kotse na tila naghahanap ng hidden camera.

"Tanga anong prank? Seryoso ako dito!" namula ang pisngi ni Joy.

"You like me?" tumango si Joy. "Bakit hindi mo sinabi sakin agad?" Medyo aware naman na si

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
tealundertones
muntik umabot ng 3k lol

Comments

You must be logged in to comment
germsrocket #1
Chapter 20: otor-nim may balak ka pa bang tapusin toh?
kase kung wala na eh di salamat na lang sa lahat 🥲
di joke lang hahaha
pero di nga ... we need the continuation talaga huhuhu
Manseng97 #2
Magjejeepney phaseout na po matutuloy pa kaya to #NoToJeepneyPhaseout
lazyyue
#3
Chapter 20: miss ko na 'to 🥲
Manseng97 #4
Chapter 20: miss ko na to...
jmjslrn #5
Chapter 20: update sana ulit, ang kyut nila~
EzraSeige
#6
Chapter 20: Still here wenjoy 💚💙
gayismyserotonin
#7
Chapter 20: ang cute naman ng mga wenjoy ff lol
SPELLBREAKER
#8
Chapter 20: "bakit hindi mo ako hinalikan sa lips nung hinatid kita sa iskul mo?" pota. hahahaha.
honeyblood17
#9
Chapter 20: Kung ako sa mga chismosang frienny ni Joy, kukuha ako ng sauce ng chismax sa katauhan ng Nurse Irene.

Pero.. HAYOP HAHAHAHAH. Wannie, tigang ka ba ghorl bakit naman ganoin. HAHAHAHAHAH.

Gagi ang weird few minutes after ko basahin to, biglang kumanta yung kapatid ko ng "Ligaya". Napatanong tuloy ano ba yung binabasa ko. Di ko mapatingin sa kanya para magets nya bakit shookt ako sa biglang pagkanta nya. Ayoko kasing sabihin na kabaklaan pala. SKL lang naman.
scyxxx
#10
Chapter 20: kileg hihi