Huwag tayong lalayo

Hulog ng Lupa
Please Subscribe to read the full chapter

Kinabukasan, alas-nuebe ng umaga, may magarang kotse ang pumarada sa bahay ni Joy. Bumukas iyon at lumabas ang kapatid niya sa ama. May dala itong isang tub ng ice cream at bouquet ng bulaklak. Hihingi sya ng tawad para sa nanay nya. Hindi sya papayag na ganon ang itrato ng nanay nya sa nag-iisa nyang kapatid. 

 

Kinuha nya sa bulsa ang susi ng gate at nagmadaling pumasok sa loob. Panigurado ay tulog pa ang kapatid nya. Siya nalang ang magluluto ng agahan nito. Pagkatapos mag-agahan ay aayain nya itong magshopping o kahit anong maisipan niyang gawin. Ang araw na ito ay para sa kapatid nya. 

 

“Hello, doggies.” Nagsilapitan ang tatlong aso sa kanya na kaniya-kaniyang dila sa binti at kamay nya. “Nasan ang nanay nyo? Tulog pa ‘no?” pabulong nyang kausap sa mga ito habang tinutungo ang kusina. 

 

Sinipat ang ang paligid. Ok din pala kahit hindi na pumunta ang kasambahay nila dito. Naglilinis naman pala si Joy. Iniwan niya ang bitbit sa lamesa bago sinilip ang bakuran. 

 

Kahit dalawang buwan nang hindi nakakadalaw ang binata ay napansin nya ang pagbabago sa garden. Wala namang nasabi sa kanya ang kapatid na babaguhin nito ang ayos ng garden. Tutulong sana sya kung nasabihan siya. 

 

“Productive sya ngayong bakasyon ah...”

 

Bumalik sya sa loob. Kasunod ang mga aso, pumunta sya sa tapat ng pinto ng kapatid. Iniisip kung kakatok ba siya o susurpresahin ito. Pinili nya ang huli. 

 

“One...two...three,” bilang nya saka binuksan ang pinto. 

 

 

“Gising na kapatid kong napakaganda—-holy !” Nanlaki ang mata ni Chanyeol nang makitang hindi isa, kundi dalawang hubad na katawan ang nakahiga sa kama. 

 

“Hmmmm. Wag kang maingay,” masungit na sita ni Joy sa kasama saka hinigpitan ang yakap dito.

 

“Hindi naman ako yon,” mahinang sagot ng katabi. “Tulog pa tayo. Pinagod mo ‘ko kagabi.” sinuklay niya ng kamay ang buhok ni Joy.

 

“Hmm? Then who,” napadilat si Joy at nakita ang kapatid nyang nakatalikod sa sulok ng kwarto nya.

 

“Anong ginagawa mo dito?!” Tinakpan nya ng unan ang katabi saka itinaas ang kumot para matakpan ang katawan nilang dalawa.

 

“W-wala ako nakita! I mean, yes I did see something pero I looked away, I promise!” Napabalikwas si Wendy nang marinig ang baritonong boses. 

 

“Lalabas na ako! I’m sorry!” Nagmadali itong tumakbo palabas ng kwarto at sinundan ng tatlong aso.

 

“....Who the hell was that?” kinakabahang tinignan ni Wendy ang katabi. Manyakis ba iyon? Pero mukhang hindi naman takot ang katabi nya. Mukha lang itong napipikon.

 

“That stupid...” Hindi nya narinig ang huling sinabi nito. “...saw her. I’ll kill him.” Bumangon si Joy saka binuksan sang closet. Binato kay Wendy ang oversized hoody at jogging pants. Sinuri iyon ng dalaga saka tinigan si Joy.

 

“Uhm, wala ka bang shorts tsaka t-shirt dyan?”

 

“Don’t talk muna. Isuot mo yan saka tayo lalabas,” sabi ni Joy habang nagsusuot ng underwear at kumuha din ng kapareho sa binigay niyang damit sa dalaga. 

 

“Ang init naman kasi nito.” Inirapan lang sya ni Joy. Lumapit ito sa kanya, hinawakan sa pisngi saka hinalikan. morning breath.

 

“Morning,” bati nito. “Naputol tulog natin.”

 

“Yeah, morning. Pero can you give me a shirt, please?” 

 

“Mamaya na, please?” Paano ba naman mahihindian ni Wendy ‘yon? 

 

Hindi masama ang ugali ni Wendy. “Fine. Para malaman ko na din kung sino yung weirdo na lalaki kanina.” 

 

Nag ayos silang dalawa. May toothbrush at damit na si Wendy sa kwarto ni Joy. Mostly undies kasi pinapasuot naman sa kanya ni Joy ang mga damit nito. Sabay silang naghilamos at nagtoothbrush. Pagkayari pa nga nilang magtoothbrush ay may halik pa sa dulo para sure na mabango ang hininga. 

 

“So he’s your half brother? Hindi ko namukhaan! Wala ka kasing recent pic nya dito sa bahay nyo.” May litrato silang magkapatid sa sala pero nasa edad sampu pa lang si Joy.

 

“Hindi naman sya nakatira dito. Pero binigay na ni mama yung isang kwarto sa kanya para kapag gusto nya akong samahan dito. Close sila ni mama. Sa kanya yung room malapit sa kitchen.” Napatango si Wendy. 

 

Nakwento na ni Joy sa kanya ang tungkol sa family nya. Not everything but that’s fine. Masaya sya na kahit papaano ay pinapapasok na sya ni Joy sa mundo nito.

 

 

“Bakit hindi ka nakatira don?” Tinitigan lang siya ni Joy.

 

“Labas na tayo?”

 

Ok.

 

 

 

“Wait lang ha? I’ll talk to him first.” Nagtungo sila sa kitchen. Nadaanan pa nila ang tub ng ice cream at si Wendy na ang naglagay sa freezer.

 

“Sige. I’ll cook breakfast muna. Anong gusto mo?” Yumakap saglit sa bewang nya si Joy.

 

“Ikaw,” sagot nya saka humalik sa pisngi nito.

 

“Sira. Ano nga?”

 

“Fried rice na lang para mabilis. May bahaw pa dyan e.” Tumango si Wendy saka pinaalis ang nakalingkis sa kanya.

 

Pinuntahan ni Joy ang kapatid na nanunuod sa sala. Hawak pa nito ang dalang bouquet at katabi nya ang tatlong aso.

 

“Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka nag-abiso?” 

 

“Hindi ka tumawag kahapon! I was worried.” Pinatay ni Chanyeol ang television saka inayang maupo sa tabi ang kapatid. Inabot niya ang hawak ng flowers sa kapatid.

 

“And I wanted to say sorry sa mga sinabi ni mommy.” Joy snorted after hearing his statement. Ulol. Walang dapat ihingi ng sorry.

 

“Hindi mo kailangang mag sorry para sa nanay mo. Hindi mo obligation yon, Yeol.”

 

“Alam ko, pero kapatid kita. Ayokong ginaganon ka ni mommy.” Napangiti ng malungkot si Joy. Simula’t sapul ay nasa likod nya na talaga ang kapatid. Palaging nakasuporta at handa syang tulungan. “I’m fine.” 

 

“I just wanted to make sure,” he said. “And I think, you are more than fine.” Nagtitigan sila.

 

“Bastos!” Pagkasabi ni Joy non ay hinampas nya ito ng unan. “I hate you, you saw her body! I want to kill you right now!” 

 

“Tama na! It was an accident!” Tinapik nya ang brasong sumasakal na sa leeg nya.

 

“Erase that in your head ok? Kuya, sasaktan talaga kita. I’ll crack your nuts, I swear!” 

 

“Oo na! Let me ing breathe!” 

 

“Promise me!”

 

Hindi rinig sa kitchen ang mga nagaganap sa sala kaya’t laking gulat nalang ni Wendy nang makita ang status ng magkapatid. Namumula na si Chanyeol na nakahiga sa sofa habang nakadagan ang kapatid.

 

“Guys?” 

 

Tuloy lang ang dalawa sa pagrarambulan habang pinapanuod ng mga aso.

 

“Ok lang ba kayo?” 

 

Tapos na magluto si Wendy at gutom na sya. Wala pa syang energy para umawat ng away so sinenyasan nya ang mga aso na lapitan ang dalawa. Tumahol ang mga ito saka inakyat ang sofa. Doon lang sila tumigil.

 

 

 

“Sorry talaga kanina. I shouldn’t have done that. Palagi kong nakakalimutan na matanda na ‘tong kapatid ko at marunong nang makipag,” nanlaki ang mata ni Chanyeol. “I mean, . You guys are in a relationship, yes? Nakakalimutan ko na nasa age na sya nang pakikipag date at—you guys know what I mean, right?” Tumango ang mga dalaga. 

 

“Ok,” napatango si Chanyeol. “I’m Chanyeol nga pala. Joy’s half brother.” 

 

“Wendy. Wendy Shon.” Inabot nya ang kamay ng binata. “Nice to meet you.” 

 

“Wait, I think I’ve heard that name...” napakunot ang dalawa.

 

“H’wag mong subukang bumanat, sinasabi ko sa’yo,” naiiritang banta ni Joy. 

 

“Hindi ako babanat. Narinig ko na talaga yung pangalan nya. Parang sa univ yata?” 

 

“I’m in a band. Tumutugtog kami sa mga university events.” Nakatingin sa kanya si Joy, tila nag-iisip ng malalim.

 

 “Liwayway band, ako yung bokalista. Baka dahil don?” 

 

“Wait, Liwayway? Wan? Ikaw ba si Wan?”

 

“How did y—“

 

“Loey! Ako yung bassist ng Vista!” 

 

“Seryoso? Dude!”

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
tealundertones
muntik umabot ng 3k lol

Comments

You must be logged in to comment
germsrocket #1
Chapter 20: otor-nim may balak ka pa bang tapusin toh?
kase kung wala na eh di salamat na lang sa lahat 🥲
di joke lang hahaha
pero di nga ... we need the continuation talaga huhuhu
Manseng97 #2
Magjejeepney phaseout na po matutuloy pa kaya to #NoToJeepneyPhaseout
lazyyue
#3
Chapter 20: miss ko na 'to 🥲
Manseng97 #4
Chapter 20: miss ko na to...
jmjslrn #5
Chapter 20: update sana ulit, ang kyut nila~
EzraSeige
#6
Chapter 20: Still here wenjoy 💚💙
gayismyserotonin
#7
Chapter 20: ang cute naman ng mga wenjoy ff lol
SPELLBREAKER
#8
Chapter 20: "bakit hindi mo ako hinalikan sa lips nung hinatid kita sa iskul mo?" pota. hahahaha.
honeyblood17
#9
Chapter 20: Kung ako sa mga chismosang frienny ni Joy, kukuha ako ng sauce ng chismax sa katauhan ng Nurse Irene.

Pero.. HAYOP HAHAHAHAH. Wannie, tigang ka ba ghorl bakit naman ganoin. HAHAHAHAHAH.

Gagi ang weird few minutes after ko basahin to, biglang kumanta yung kapatid ko ng "Ligaya". Napatanong tuloy ano ba yung binabasa ko. Di ko mapatingin sa kanya para magets nya bakit shookt ako sa biglang pagkanta nya. Ayoko kasing sabihin na kabaklaan pala. SKL lang naman.
scyxxx
#10
Chapter 20: kileg hihi